PDA

View Full Version : Battered wife


Bheng
01-04-2007, 01:33 PM
hi sa lahat ng kapamilya ko dito sa TF.,share ko lang sa inyo ang naging experienced ko sa asawa ko.,:(
Pangatlo lng ako sa naging asawa ni hubby,nihonjin yung una pinay yung pangalawa tapos ako.,narinig ko na dati na nananakit daw yung asawa ko sabi ng mga pinay d2 na nakakakilala sa asawa ko pero hndi ko sila pinakinggan wala akong ibang pinakinggan kundi paliwanag ng asawa ko tungkol sa naging trauma (kuno) daw nya sa mga naging asawa nya.mahal ko ang asawa ko kung kayat sha ang pinili kong pakasalan!Sabi nya huli na ako sa papakasalan nya.At nangakong d nya gagawin yung violence na nagawa nya dun sa naunang dalawa naniwala ako sa mga pangako ng asawa ko.bago kami nagpakasal naaglive in kami d2 kami ngkakilala sa japan ngtourist visa kasi ako before then nakilala ko sha bago ako umuwi naglive in kami ng 2 mons.,dun ko nalaman na may ugali nga sha na kapag nakakainom ng sake mabilis magalit at nananakit ginawa nya sa akin yun.,sinaktan nya ako magbackout na sana ako sa kasal kaya lng tinatakot nya ako dahil nga marami daw shang kilalang mafia.,pati tita ko daw sasaktan nya.,Natuloy ang kasal nmin last Oct. lang ng umuwi ako ng sept. sa pinas sumunod sha ng oct. den ng pakasal nga kami.Dumaating ako d2 sa japan Dec.28.,1 month visa lang ang hawak ko kasi balak nya dto na lng ako magchange status at dto ko na lng antayin ang 1 year visa.,kaso hindi ko na po natiis umalis ako sa bahay nmin kagabi nagpakuha ako sa tita ko natatakot na kasi ako talaga sa kanya., baka kung mapatay nya ako sa pambubugbog o mapatay ko saha.,nung jan.1 ng gabi galit na galit sha dahil lng sa wala shang pic. sa pitaka ko yun lng ang dahilan at lumaki na kung anu ano ng pinagsasabi nya pati pagtulong sa pamilya ko sinumbat na nya pati anak ko sa una, pano ayaw nya nmn akong paagtrabahuhin,ayaw nya rin makipag-usap ako sa pinay ayaw nya akong lumabas dapat sa bahay lng.Yung nangyari nung Jan.1 simula nun para na akong maloloka parang filing ko bawat galaw nya may sampal untog batok tadyak ako sa kanya.,hndi rin ako makatulog na hndi na rin makakain kasi filing ko gagawin nya rin sa akin yung ginawa nya dun sa 2 nyang asawa pinakita nya kasi sa aki yung picture nung babae nung nagrun away pumunta sa immigration at umuwi ng pinas may pinadalng pic sa kanya., pic. ng pasa paso ng sigarilyo bugbog.Ayun palaging ayun ang naiisip ko.,Umalis ako kagabi sa bahay at ngpasyang iwan sha hndi ko na intayin yung pag apply nya ng change status ko at 1 year visa uuwi na lng ako ng pinas!
sorry kung masyadong mahaba yung kwento ko ha., pasenxa na po!

snsk76
01-04-2007, 01:54 PM
SORRY TO HEAR THAT STORY!!!!Mabuti ung ginawa mong pag alis sa bahay nyo kase baka kung ano pa ang magawa nya sa yo...Sa aking pananaw OK lang na mambabae c mister as long as sa iyo pa rin sya uuwi...Hindi ko sya hihiwalayan ng dahil lang sa babae....PERO sa sitwasyon mo sa asawa mo...once na pinagbuhatan ka na nya ng kamay ... that means wala na syang respeto sayo!KAPAG WALANG RESPETO....WALANG LOVE!!!! Ibig din sabihin paulit - ulit nyang gagawin sayo ang pananakit!!!! SAKIT na nya un(BYOUKI),ang manakit ng babae!!!! Pumunta ka sa cityhall,may mga tumutulong sa mga ganyang klaseng CASE...May kaTF din tayo na pwede mong mahingan ng tulong regardng that case!!!goodluck sayo...GOD BLESS!

proud me
01-04-2007, 03:17 PM
ang dami talagang mga Hapon na kung mag-palit ng asawa parang Damit lang noh!:D
sabagay siguro nakatatak na sa isip nilang maraming papatol kasi sa kanila...kaya pag-ayaw na poi poi ...jombag dito jombag don....o kaya naman yong iba ginagawa nilang muchacha nila sa loob ng bahay nila....sana naman pangatlong asawa ka na pala nya...magbago na siya....kundi naman ikaw na siguro kailangan mag-bago sa kanya...sana tulungan ka ng tita mo...yong panunumbat wala na atang gamot dyan ...kundi yong mag-isip nalang para walang maisumbat!...kung walang maisusumbat hindi naman pwedeng manumbat diba?...sana maayos mo agad ang sarili mo...God Bless You.:)

Splendid
01-04-2007, 03:52 PM
Bheng tama ang ginawa mong umalis ng bahay.Hwag na hwag ka ng makipagbalikan sa kanya dahil baka may masamang mangyari pa sayo.Dapat pumunta ka sa doktor at kumuha ng medical certificate in case lang na kakailangani mo yan,di natin alam. Ingat ka lagi!

Tonyang
01-04-2007, 08:07 PM
Bheng, lakasan mo ang iyong loob...! Good luck sa susunod mong mga hakbang na gagawin. I am sure mas careful ka na sa susunod. Ipagdarasal kita para may peace of mind ka palagi. Happy New Year!:)

reon
01-04-2007, 10:48 PM
Hello Bheng, nakaklungkot naman yang kuwento mo, sana may magandang ending. 2007 na at kailangan nating lahat ng pagbabago sa buhay. Ganbatte!

mikong
01-04-2007, 11:33 PM
nakakalungkot naman...may mga tao talaga na kahit anong gawin mo hindi na magbabago.habang walng masamang nangyayari sa yo (hwag naman sana)mas mabuting umiwas ka na lang at tama yang ginawa mo.

dont worry, di natutulog ang panginoon.tumawag ka lang at nandyan sya palagi handang makinig s mga problema mo ngayon..humingi ka ng gabay at alam ko na hindi ka nya hihindian,manalig ka lamang s kanya..:)

hug
01-05-2007, 03:24 PM
hello bheng,

nakakalungkot naman ang sitwasyon mo ngayon. maganda siguro pumunta ka sa malapit na city hall at magpatulong. o kaya ipa blotter mo sa pulisya.
pero bheng wag ka magalit gusto ko lang magtanong tutal naman sinabi mo na ang sitwasyon mo ngayon. hindi kaya may pagkakamali karin o kaya may pagkukulang ka rin. binasa ko kase lahat ng post mo at parang lumalabas na nagpakasal ka ng di mo lubusang kilala yung magiging asawa mo..?
iquote ko lang mga post mo ha...

____________________ _____________

Hi guyzzzzzzzzzz
hello po., bheng hir., kakadating q lng d2 sa niigata 1 wik ago., TOURIST., ininvite po aq ng tta q d2., im 21 yrs old., gusto q sanang mag work d2 eh sbi ng tta q kung magtatrabaho lng din aq sa omise wag ung tga d2 sa Niigata kc mga kuripot nga dw mga tao d2., may pinsan aq tga chiba may omise sha., gusto q sanang makapag trabaho pra atleast my mapadala aq smin khit pang gatas ng anak q., naghahanap din po kc aq ng mapapangasawa na hapon., kaya gus2 q magtrabaho sa omise., ano po sa tingin nyo., pls give me an advise o kung may kilala kaung gustong makapag asawa ng pinay.,hehehe:) intayin q po sagot nyo ha....godbless


tourist marriage
elow guys..help me nmn pls..my problem is i met this guy 3 mons ago then nainlove kmi sa isat isa.,that time meron shang asawa sa pinas 3 taon na silang kasal 3 beses na rin nyang binigyan ng visa ung girl para pumunta d2 sa japan ni isa don ala shang ngamit then eto nga ngkakilala kmi at ako na ang pinili nya nireccon nya ung girl d2, at today single na sha..next plan nmin pumunta sa city hall at ipasa ung kekkon paper na pinirmahan nmin pareho, naghahabol kc kmi ng tym dhil sa 19 na mag laps ung visa ko.,(im a tourist visa)..Anu bng dapat nming unahing gawin ung pumunta sa cityhall o pumunta sa phil. embassy? iniisip kc nmin na kpag pumunta kmi sa phil. embassy bka pauwiin pa ako, at kung sa city hall nmn bka ituro muna kmi sa phil. embassy...tulungan nyo nmn ako guys kc d ko alm kung pano mag process ng marriage d2 sa japan kapag tourist visa ka..!?help me onegai....


____________________ _________

bat di ka magpasama sa tita mo para kausapin ang inlaws mo na tulungan ka sa sitwasyon mo ngayon. sa isang post mo kase nabasa ko na gumawa pa sila ng invitation letter para makilala ka. matutulungan ka nila na kausapin ang ang asawa mo at bigyan ng ultimatum para di ka na masaktan uli.

yung pag papapalit mo naman ng status dahil maglalaps na ang tourist visa mo (ayun sa isang post mo) siguro mas magandang gawin mo kung di rin lang madadaan sa magandang pakiusap ang asawa mo , umuwi ka na lang sa pilipinas at dun makakasama mo pa ang anak mo.

(inisa ko na ang reply ko sa mga post mo, may connection din naman dito sa thread mo)

cheer up at pag isipan mong mabuti ang susunod na hakbang mo para maiwasan mong magkamali:)

mOtt_erU
01-06-2007, 03:14 AM
hi bheng...grabe breathtaking yang storya mo....nung huli lang ako nakahinga.....
grabe bilib ako sayo dahil iniisip mo ang sarili mo...tama yan...dapat nga thankful yang hapon na yan dahil 3rd marriage ka na nya..tapos ganyan pa siya..walang pagbabago.....nakaka takot..
tama talaga na iniwan mo siya,,mahirap na...mahirap na isugal mo yung magiging buhay mo...maya nyan imbis na mapabuti at maging happy ka eh mapasama at maging mala impyerno....(sorry for the word)... mahalaga ang salitang RESPETO sa mag-asawa kung wala niyan eh walang mangyayari...kung mahal ka niya at alam niya na dapat irespeto ang asawang babae..hindi siya mambubugbog o mananakit lalo na kung nakainom lang o kaya nainis siya sa mababaw na dahilan lang.....haaaay dapat sa mga ganyan sinasampulan ding bugbugin o pasuin ng sigarilyo....ano ba yan! nakakatakot talaga...sana wala na siyang maging asawa dahil magiging kawawa naman..

lalen16loves
01-06-2007, 06:23 PM
hello bheng ,

mabuti yang ginawa mo kaysa naman sa may gawing hindi maganda ang asawa mo sayo.wala ng gamot yan sa tingin ko..sakit na kasi ang tawag dyan kung hindi ako nagkakamali..gagawin at gagawin parin nya yan kahit sayo o sino pa ang maging asawa nya..:mad: kaya mas maganda yang inilayo mo na ang sarili mo sa kapahamakan..kaysa naman sa umasa kang nagabago na sya na hindi nya gagawin sayo ang ginawa nya sa dati nyang mga asawa..
ang buhay mag-asawa , kaakibat na yata ang pag-aaway ...kung anu-ano ang mga dahilan..pero not to the point na mananakit ng asawa ..hindi na maganda yan..yan yata ang mga taong sobrang selosong wala sa lugar..mas maigi pa sigurong ang babae ang mag-ala PACQUIAO :) (he he he)omoshiroi pa ..
mas maigi nga sigurong umuwi ka nalang pinas para makasama mo pa baby mo..siguro hindi ka pa talaga lucky ngayon sa pag-aasawa..ibibigay din sayo yan ni LORD ang taong makasama mo habang buhay, wag ka lang magmadali..
GOOD LUCK nalang din sayo at tatagan lang talaga ng loob ang pag-aasawa lalo na hindi pa natin kalahi..para naman sa kapakanan ng baby mo , magagawan mo ng paraan yan..GOD BLESS :)

mamimo
01-07-2007, 01:57 PM
hi bheng,

be strong, di madali yang pinag-dadaanan mo:)

docomo
01-07-2007, 02:01 PM
@Bheng
I'm really sorry that you were treated that way in the past. It's something no one should have to go through.....Fortunat ely, you've been able to get past all that, put a stop to it...and realized about saving yourself too. Sometimes you can feel sorry for a person and care about them, but they're still poisonous to be around....

Be strong, succeed and be better than him who brought you down!!!:)