View Full Version : alam nyo ba yung unemployment insurance dito sa japan?
markemist
01-11-2007, 05:29 PM
nabasa ko lang kase yun, pano kaya mag-apply nun?pano kung under ka ng broker?
makulit
01-12-2007, 06:03 PM
nabasa ko lang kase yun, pano kaya mag-apply nun?pano kung under ka ng broker?
ang unemployment insurance kasama na po sa social insurance na binabayaran buwan-buwan. normally eto po yung klase ng insurance sa mga kaisha. ano po ba ang insurance mo?
summergirl
01-12-2007, 06:13 PM
Kahit under ka ng agency mas dapat nga na may insurance ka dahil provided ng lahat ng agency iyon,Ang iba kasi after 6 month mo sa kaisha saka sila nag-o-offer ng insurance pero dapat pag pasok mo pa lang meron ka na,dahil if.....may aberya na nang-yari while your working paano ka naman di ba!Better ask your agency regarding this matter para malaman mong lahat,if hindi ka nakaka-intindi ng hapon ,hayaan mong asawa mo ang makipag-usap tungkol dito.
neneng
01-12-2007, 06:56 PM
nabasa ko lang kase yun, pano kaya mag-apply nun?pano kung under ka ng broker?
i'll answer based on my expereince.
Unemployment insurance (shitsugyou hoken) , this is the compensation na matatanggap mo when you will be laid off from work sa isang company or business institution as long as nagbabayad ka for that while you were working. In my case nong pumasok ako sa company , sila na mismo nag-asikaso for that. This unemployment insurance could be claimed sa Hello Work mismo near your place or my naka-assign minsan for that where to claim . In my case kasi although may malapit na Hello Work sa amin i was asked to report sa ibang branch . The compensation that you will receive will depend on the lenght (period) of your work pero parang it's a must na you should be in that company for at least 2 years (not sure lang ako). The longer you have been working....the bigger you will receive, kaya lang you could not receive the whole amount for one time instead they will let you report to Hello Work evry month then after that may papasok na sa bank account mo.
In my case since more than 2 years ako naka-work i was able to receive the amount equivalent to my 3 months salary....in short was able to more than 500,000yen (50lapad) . This was mga 6 years ago na.....baka may bago silang policy ngayon , please check it na lang.
markemist
01-12-2007, 09:28 PM
ok salamat po sa mga message nyo. dati kse sa under kami sa broker, yung mother ko halos six months na pero wala naman silang binabanggit dun.bale umalis na kase kami sa company na yun kaya paghahanap namin ng work ulit, sasabihin na namin yung tungkol dun.bale tax lang kinukuha samin, wala namang insurance na nababanggit kaya hindi ko po alam kung anong klaseng insurance. ang alam ko kase pag under ka sa broker,wala silang ganun. thanks po sa info. :D
makulit
01-15-2007, 09:04 AM

hi markermist.
kung galing ka sa broker, base doon sa mga kakilala na ganito ang sitwasyon. wala talagang insurance na binabawas, tax lang. ikaw dapat mismo ang kumuha ng insurance. yung japanese friend ko, national insurance lang sya meron. wala daw syang unemployment insurance mula nung dumaan sya sa broker.
concernpinoy
01-17-2007, 12:01 PM
kung galing ka sa broker, base doon sa mga kakilala na ganito ang sitwasyon. wala talagang insurance na binabawas, tax lang. ikaw dapat mismo ang kumuha ng insurance. yung japanese friend ko, national insurance lang sya meron. wala daw syang unemployment insurance mula nung dumaan sya sa broker.
Hindi yan dahil sa broker. Depende yan sa klase ng kontrata ng broker at factory/company na pinapasukan mo. Mayroong haken(派遣) at ukeoi(請負) na klse ng kontrata. Sa dalawang kontrata na ito meron isa ang kelangan talagang magbayad ka ng Social Insurance.Syempre 50% sa yo at 50% ang broker mo. Medyo mahirap i expalin ito in laymans terms. Pero ang totoo nyan kahit haken or ukeoi DAPAT talagang sumali ang mga empleyado ng Social Insurance according sa present Japanese Law.
Regarding naman sa Unemployment Insurance na nakapaloob dito sa Social Insurance, every member of Social Insurance has the right to apply sa Hallo work for unemployment. BUT, kelangan mong patunayan na wala kang trabaho or mahanap na trabaho for a certain period of time. Kung na lay-off ka tutulungan ka nila to look for a new job. Pero kung wala talaga then thats the time na pwede mong ma avail yung unemployment insurance. Of course, may mga requirements at steps kung paano gawin ito.
makulit
01-17-2007, 12:12 PM
Mayroong haken(派遣) at ukeoi(請負) na klse ng kontrata.
Hi Concernpinoy.
Ano pong ibig sabihin ng haken at ukeoi?
markemist
01-19-2007, 07:26 PM
ok, thanks po :)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.