PDA

View Full Version : For D boyz... tawag sa embassy


TR250
01-12-2007, 11:33 PM
Kaninang madaling araw habang tinitignan ko yung mga dokumento ng mga panindang sasakyan ay napuna at tinignan ko ang pass port ko at napansin paso na pala. 9:00am ay tumawag ako sa embassy para mag tanong tungkol sa extension ng pass port... Siguro pareho lang kaming pagod nung lumabas sa telepono kaya medyo hindi maganda ang naging takbo ng hangin. Nasungitan ako at sinabing huwag sana niya akong antipatikohan dahil maganda ang umaga. Walang sigawan kaya nga lang ay cold ang usapan. Medyo nabubulol ako at medyo nangangapa ng tamang Tagalog e panay ang bira niya sa akin. Hindi ko namang masabi ang katotohanang konti na lang at mabubulol na ako dahil lalabas na ay Nihonggo. Yan ang hirap pag puros Hapon at Puti ang kausap nakakabulol. Tapos ay pinatawag niya ulit ako ng tanghali dahil gusto kong makausap yung sa passport div. Habang naguusap kami ay halatang-halatang busy siya at ang daming gingawa at mukhang nag-iisa lamang. Duon ko naisip na malamang ay under strees siya kaya hindi na ako nakipagtalo. Hindi niya siguro alam na bagamat inis ako ay type na type ko yung sungit niya.
Nung tumawag ako ng tanghali ay inaasahang kong suplada pa rin pero maganda at normal ang tono ng boses niya... Nung pangatlo kong tawag ay mas mabait ang tono niya..... haaaay... Super sweeeeet ng boses!!! Kung pwede nga lang makipag telebabaran ay makikipag babaran ako kaya nga lang ay maiksi talaga yung usapan at di ko napigil na sabihing "pwede ba kitang pasyalan diyan minsan"... Nagulat ako kung bakit ko nasabi iyon lalu na't inis ako nung umaga pero nawalang ng kontrol nung hapon. Grabe ang ganda ng boses. Hapi ako buong maghapon at nag-iisip na siguradong dark/straight long hair, kayumanggi, sexy, at naka ala Miss Tapia look (dont forget the black high heel shoes :D) pero pag tinanggal ang salamin ay WOW!!! Yung bang striktang malambing.... yun ang type na type ko:biglaugh:
Siguro nabigla lang ako dahil puros Ponesa at mga taga ibang bansang babae ang parating kausap at kasama pero iba talaga ang dating ng boses ng Filipina.
Malas nyo mga boyz dahil maghihintay pa kayo ng susunod ninyong passport extension kaya lamang ako sa inyo ng isang paligo. Sayang wala lang talagang oras na makapunta sa embassy dahil busy sa trabaho at mabuti na rin ito at baka magkatutuo ang image ko na mala Miss Tapiang beauty eh baka kaladkarin ako palabas ng embassy ng mga gwardia :biglaugh:

Ibinabahagi ko lang ang hapi afternoon ko sa mga boyz, ala naman sigurong makakakita nitong taga loob... Lads, I feel gooooood!!! :D

infinite_trial
01-12-2007, 11:46 PM
hay buti pa si lolo alembong merong kwentong alembungan nyahaha!!!
sana ako din :lol:

TR250
01-12-2007, 11:48 PM
hay buti pa si lolo alembong merong kwentong alembungan nyahaha!!!
sana ako din :lol:

Hahaha! Isang taon na ngang di umaalembong no dahil bwisi daw sa trabaho si lolo :D

brgy.care
01-12-2007, 11:50 PM
Nung pangatlo kong tawag ay mas mabait ang tono niya..... haaaay... Super sweeeeet ng boses!!! Grabe ang ganda ng boses. Hapi ako buong maghapon at nag-iisip na siguradong dark/straight long hair, kayumanggi, sexy, at naka ala Miss Tapia look (dont forget the black high heel shoes :D) pero pag tinanggal ang salamin ay WOW!!! Yung bang striktang malambing.... yun ang type na type ko:biglaugh:
Sayang wala lang talagang oras na makapunta sa embassy dahil busy sa trabaho at mabuti na rin ito at baka magkatutuo ang image ko na mala Miss Tapiang beauty eh baka kaladkarin ako palabas ng embassy ng mga gwardia :biglaugh:

hahaha:D nyahahaha:p
kakatuwa naman kwento mo

galing ako embassy kelan lang...
meron ngang miss tapia ang beauty:D
hehehe!baka sya yun tol
joke!
puntahan muna!pa book ka na ng date!hehehe

fisher
01-12-2007, 11:51 PM
Ohhhh.....anu na naman iyan? Sali akow hehehehehehehe.Sama ako kapag nagpunta ka doon ha baka may kakambal siya ahihihihihhihi:nuts: :nuts: :nuts: .

infinite_trial
01-13-2007, 12:35 AM
Hahaha! Isang taon na ngang di umaalembong no dahil bwisi daw sa trabaho si lolo :D

lolo wala bang fafa sa embassy? kaso di naman ako umaasikaso ng passport ko e :lol:

simor_buts
01-13-2007, 12:58 AM
sweet!!!!!
expire na passport ko sa march, lapit na rin ng february, asikasuhin ko na kaya this january?:kiss:

liong
01-13-2007, 01:11 AM
lolo alembong lufet mo talaga gumawa ng kwento....... parang sarap sundan ng susunod na kabanatan...este kabanata iyan:shutup: :p

maimai
01-13-2007, 04:19 PM
naku lowlo..puntahan mo na baka sya na yung lowla na hinahanap mo~~heheheh:D :p

TR250
01-14-2007, 02:06 AM
hahaha:D nyahahaha:p
kakatuwa naman kwento mo

galing ako embassy kelan lang...
meron ngang miss tapia ang beauty:D
hehehe!baka sya yun tol
joke!
puntahan muna!pa book ka na ng date!hehehe

Miss Tapia beauty??? Very interesting :devil: ... Meroon kayang "private lessons" ??? :D

TR250
01-14-2007, 02:14 AM
Ohhhh.....anu na naman iyan? Sali akow hehehehehehehe.Sama ako kapag nagpunta ka doon ha baka may kakambal siya ahihihihihhihi:nuts: :nuts: :nuts: .

Gagamitin ko muna ang aking ninja tactics para alamin kung may kakambal at buo tayo ng grupong manghaharana :D.

Pag alang kakambal ay punta na lang tayo ng Umeda, akin yung mama at pili ka na lang sa pila... :devil:

TR250
01-14-2007, 02:26 AM
lolo wala bang fafa sa embassy? kaso di naman ako umaasikaso ng passport ko e :lol:

Huli kong punta ng embassy ay nung nagpa extend ulit ako ng passport kaya nga di ko alam ang hitsura nung tel.operator.
Bayaan mo at pag nakakita ako ng fogi ay aamuy-amuyin ko para sa iyo :biglaugh:


simor_buts sweet!!!!!
expire na passport ko sa march, lapit na rin ng february, asikasuhin ko na kaya this january?:kiss:


Go man! Pero tawag muna para sigurado kang sulit ang punta :D


liong lolo alembong lufet mo talaga gumawa ng kwento....... parang sarap sundan ng susunod na kabanatan...este kabanata iyan:shutup: :p


Bwahaha!!! Ano ba yan... parang Darna Komiks.... :biglaugh:



maimai naku lowlo..puntahan mo na baka sya na yung lowla na hinahanap mo~~heheheh:D :p



Naku mahirap yan. Pero pag nakapasyal ako sa malapit ay gagamitin ko ang ang mga tinatagong ninja tactics :D