PDA

View Full Version : yen to peso rate decreasing


petite
01-17-2007, 07:54 PM
hello mga ka TF's konbanwa sa inyung lahat,

I guess di lang ako ang nangunsumi sa pagbaba ng rate ng yen to peso. Kasi kung pababa ng pababa ang rate ng yen di naman tumaas sahud ko dito. So nayami ako kasi ang dami ko gastusin sa pilipinas. Alam nyo naman my responsibilidad tayu sa ating mga pamilya dun.

Kayo mga kababayan ano ang opinion dito? Ok lang ba sa inyu na pababa ang rate ng yen? May alam ba kayung magandang epekto sa atin kung patuloy ang ganito?

God Bless..

tisay
01-17-2007, 08:20 PM
tama ka diyan,petite san.monthly din kasi kami nagpapadala ng money sa pinas at talagang nakakakunsumi everytime magche-check kami ng rate ng yen-peso pababa ng pababa:nono:...kelan gan pa namin dagdagan ang padala para same amount pa rin sa monthly allowance na padala namin kapag nag-change sa peso...hirap noh...tsaka,correct ka din kasi di naman tumataas sahod dito... :crash: pwera na lang kung encho ka lagi sa work mo... di naman ako pwede non dahil may anak akong pumapasok...haaayyyy ...:( :)

mamimo
01-17-2007, 08:34 PM
hello mga ka TF's konbanwa sa inyung lahat,

I guess di lang ako ang nangunsumi sa pagbaba ng rate ng yen to peso. Kasi kung pababa ng pababa ang rate ng yen di naman tumaas sahud ko dito. So nayami ako kasi ang dami ko gastusin sa pilipinas. Alam nyo naman my responsibilidad tayu sa ating mga pamilya dun.

Kayo mga kababayan ano ang opinion dito? Ok lang ba sa inyu na pababa ang rate ng yen? May alam ba kayung magandang epekto sa atin kung patuloy ang ganito?

God Bless..


Ay naku ako din naiinis kasi may project kami sa Pinas kaso urong-sulong maglabas ng pera husband ko kasi umaasa syang magka-himala (tumaas uli ang exchage rate).

bell
01-17-2007, 10:07 PM
whaaaaa...tama ka dyan,ako din nangungunsumi kasi naman napakababa ng palitan.ano ba yan nakakainis!:rolleyes ::p

d_southpaw
01-17-2007, 11:02 PM
Medyo apektado nga siguro tayo ng pag-appreciate ng Piso against Yen.

Kaya lang, in general terms, appreciation of Philippine currency is an indication that Philippine economy is getting better. Ang ibig sabihin gumaganda ang sitwasyon noong 80 million Filipinos na kababayan natin. Tayo namang apektado, some tens of thousands Filipinos lang, at hindi naman talaga malaki ang financial effect sa atin. Kaya magandang news yan many things considered. If it really means that our economy is rolling well.

Kaso, ang dahilan daw yata ng Piso appreciation is the increasing remittance of Philippine main export - human exports - 7 million+ of us, kasama tayo roon. Not sure if it really is good in the long term. There is this hidden social cost and the higher possibility of it having negative effects to the children left by the parents for long periods of time.

By the way, Peso is appreciating against US$ also.

mbstorun
01-17-2007, 11:15 PM
well right bumaba nga ang palit ng Yen to Peso but we should be happy dahil gumaganda ang economy ng bansa natin...di ba gusto naman nating kahit papano makabawi ang bansa natin?? so for me, ok lang kahit medyo bumaba ang palit ng Yen to Peso dahil kung apektado man tayo ditong nasa Japan, marami namang kababayan natin ang may pakinabang nito...just think of it na kung mataas ang palit ng Yen to Peso, pero sobrang kawawa naman ang mga kapatid natin sa pinas..mas maswerte parin tayo na nandito tayo sa Japan or sa abroad atleast mas malaki naman ang kinikita dito kumpara sa pinas..eto nga pauwi na naman ako sa pinas at lugi na naman ako nito dahil nga mababa ang palit ng Yen pero iniisip ko nalang na mas ok narin dahil atleast gumaganda kesa bumabagsak ang economy...so for me, im happy that the economy of Philippines is getting stronger..cheers..:p

simor_buts
01-17-2007, 11:57 PM
hindi ko kinakaila na natutuwa ako sa pagtaas ng halaga ng piso. kung magpapatuloy 'to at ang kaakibat na paglago ng ekonomiya ng bansa ang syang epekto nito, this means I don't need to burn my ass in this place anymore and I can go back home as early as possible.

scorpionight
01-18-2007, 02:15 AM
Maganda sanang senyales for philippines economy.,kaso lang ang tanong.? nararamdaman ba ng mga tao sa Pilipinas ang pag ka angat ng konti ng economiya natin.?
jUst this year ng umuwi ako ng pilipinas.,nakakadis maya na.,dahil ang mamahal na ng mga bilihin,ang makikita mo sa news ang patuloy na pakikipaglaban ng iba nating kababayan to increase thier salary.,.Sana lang sa pagpapatuloy ng pag angat ng economiya,maramdaman naman sana ng ating mga kababayan ang magandang resultang ito.,Nang sa ganon mabawasbawasan naman ang hirap ng buhay na dala dala nila..

Inday_36
01-18-2007, 08:06 AM
Oo nga bumaba ang palit ng Yen, sabi umaangat "daw" ang ekonomiya..Ewan ko, di ko feel na umangat nga ang ekonomiya sa pinas., me 2 taon nang sinasabi ni Arroyo yan., sana nga...

michiko
01-18-2007, 10:06 AM
magkano na po ba palitan sa block market ngayon?

emyken1423
01-18-2007, 10:06 AM
Kaya nga daw bumaba ang exchange rate ng Yen at dollars e dahil nga daw tumataas ang ekonomiya natin....diko nararamdaman yun pag nasa pinas ako.....ang baba na nga ng palit ng yen ang mamahal pa ng bilihin sa supermarket imagine 12% ang tax ...pati mga fastfoods may patong na ring tax...kaya nga awang-awa ako doon sa mga batang namamalimos kasi pag nag kapera sila bibili sila ng hamburger sa jollibee..... imagine pati namamalimos nag babayad din ng tax.....kahit saan ka pumunta ngayon sa pinas tax bakari......tingin ko ha kaya tumaas ang piso e dahil sa mga taxes na ipinatong nila..........epekto nga lang nito mas maraming kababayan natin ang naghihirap ngayon......nakakaaw a yung mga taong namamatay dahil sa gutom.........Tumaas daw ekonomiya ng pinas....Tumaas din ang bilang ng mga naghihirap nating kababayan........... .

proud me
01-18-2007, 06:57 PM
Kaya nga daw bumaba ang exchange rate ng Yen at dollars e dahil nga daw tumataas ang ekonomiya natin....diko nararamdaman yun pag nasa pinas ako.....ang baba na nga ng palit ng yen ang mamahal pa ng bilihin sa supermarket imagine 12% ang tax ...pati mga fastfoods may patong na ring tax...kaya nga awang-awa ako doon sa mga batang namamalimos kasi pag nag kapera sila bibili sila ng hamburger sa jollibee..... imagine pati namamalimos nag babayad din ng tax.....kahit saan ka pumunta ngayon sa pinas tax bakari......tingin ko ha kaya tumaas ang piso e dahil sa mga taxes na ipinatong nila..........epekto nga lang nito mas maraming kababayan natin ang naghihirap ngayon......nakakaaw a yung mga taong namamatay dahil sa gutom.........Tumaas daw ekonomiya ng pinas....Tumaas din ang bilang ng mga naghihirap nating kababayan........... . sana nga gumaganda ang ekonomiya ng pinas....at kung gusto pa nilang makakolekta ng husto ng mga tax....sana isipin din nilang bigyan ng magiging trabaho yong mga maliliit na mamayan...hindi naman siguro mahirap turuan nang mga trabahong factory yong mga hindi nakatapos....wag-sana puro propaganda lang gamitin yong mga tax na na-kokolekta nila.:p suwerte lang pala yong mga naka-uwi last year na inabutan yong palit na 5plus.:D ....sakit sa bulsa sigurong umuwi ng pinas ngayon!:p

love0308
01-19-2007, 12:32 PM
Agree ako sa sinabi ni scorpionnight:) maganda nga na lumalakas ang Peso sa Yen kasi it means na umaangat ang economy natin (i dont know what to call it deflation or inflation, i forgot na my economis subject:) :confused: )anyway ang tanong nga po eh kung nararamdaman ng mga pinoy ang pag angat ng economy puro kurakot naman kasi sa government natin eh haaayyy!!!umaangat nga ang Peso pero umaangat din naman ang mga bilihin so i think kawaranai din di po ba? correct me if im wrong:)

mukomae
01-19-2007, 12:41 PM
Ang alam ko puro utang daw kasi ang bansa natin kaya mataas na ang tax at doon kinukuha ang pambayad ng utang... Kaya kahit na tumaas ang Peso di natin ramdam ang pag ganda ng economy natin dahil sa mga TAX..

brgy.care
01-19-2007, 02:36 PM
umangat daw ekonomiya natin? parang sa news report ko lang nakikita ang pag-angat ng ekonomiya natin. wala akong nakikita sa pag-angat ng buhay ng mga kapwa natin. tumataas pa nga ang presyo ng mga bilihin sa atin... ang nakikita ko na patuloy ang pag-angat ng buhay ay mga kurakot na pulitiko sa ating bansa.:mad:

kung bumaba o tumaas ang palitan ng dolyar at yen... wala ako mkitang pagbabago o magbabago. mahal ko ang pilipinas...nakakalu ngkot lang isipin na wala ng pag-asa na umasenso ang ating bansa... maybe sa year 3000 :D.

YAN
01-23-2007, 04:30 PM
Well,sometimes somehow we should be glad kapag tumataas ang peso.pero analysis na lang yan eh,na kapag tumtaas ang peso nagpa progress ang economy,kalokohan nsaan ang progress aber? WALA naman ganon pa rin walang pagbabago.madami pa rin walang trabaho,pataas pa din ang mga bilihin,ang sweldo naman ng mga tao dun di tumataas kahit 5 piso. And sometimes sad to say,yun mga families na umaasa sa dollar and yen,naiinis dahil bumababa ang allowance nila everytime na tataas ang peso,and sometimes they dont really care dahil foreign currency naman ang bumubuhay sa kanila:mad: . Reality bites!!

angela777
05-23-2007, 07:48 PM
hello mga ka tf..stress po kasi ako ngayun dahil sa patuloy na pagbaba ng change rate ng yen to peso..ang dami ko pa naman binabayaran sa ngayun..nagbabayad ako ng hause loan & car loan bukod diyan eh nagpapadala ako alawans ng mama at papa ko...enrolment pa ngayun kaylangan ko din tulungan mga pamankin ko na nag aaral..gusto ko kasi matulungan sila na mapag aral sa private school para hindi sila mahirapan pag college nila..ska gusto ko rin kasi maishare ang biyaya na nakakamit ko galing kay lord...nag aalala lang po ako baka tuloy tuloy ng bumaba na ang change rate ng yen to peso...gusto ko lang po malaman sainyo mga ka tf ko kung posible ba na hindi na tumaas ang change rate?..nag aalala kasi tlaga ako...gusto ko po mabasa ang inyo mga opinyon para mawala ang pag aalala ko...thanks po..god bless to all tf member...:)

luckyme
05-23-2007, 10:03 PM
:p first time ko pa lang magpapadala ng pera sa family ko sa pinas mula ng magsimula akong magwork ako dito sa japan at medyo nadismaya nga ako ng malaman ko ang exchange rate...hay nakakainis naman...sana tumaas na uli para sulit na sulit naman ang pagpunta ko dito..

ICHIBAN08
05-24-2007, 10:05 AM
Grabe naman maliit na naman pala ang palitan? kelangan naa namang dagdagan ang pagpapadala namin nito...kung tumataas ang ekonomiya ng bansa natin bakit ang dami pa ring nagugutom...ang hirap naman kasi sa atin makakuha ng trabaho kasi kelangan qualified ka sa mga requirements nila...at bago ka matanggap gagastos ka muna ng libo...grabe maghanap ng work sa atin sa pinas kelangang mamuhunan ka muna bago ang kumita...minsan pa nga e ang laki na ng nagagastos sa kaka apply ng trabaho e wala pa ring makuha...:(

uvy
05-24-2007, 02:24 PM
bumaba na lalo grabe talaga:O 37 na ang palitan kahapon lang sabi ng mama ko,....:)

ferdzjp
05-24-2007, 05:20 PM
gud pm mga ka tf, sa ngayon ang exchange rate ng yen sa peso ay nasa 38 something na lang po, ang dollar eh nasa 46, ok lang sana bumaba ang ang rate kung nararamdaman mo na bumaba rin ang mga bilihin kaso hindi eh, gasolina nga malapit na ring mag 40 dahil ang unleaded nasa 39 na. yun lang po ang maishare ko, salamat po ng marami.

chester
05-24-2007, 05:40 PM
Ang baba na nga ng yen. Nagaalangan tuloy ako pumunta ng japan since malaki rin initial investment. Baka di ko kaya magisa :eek:
Sa computation na nakuha ko dati dito with an average salary of 200000yen(750000php) eh baka less than 80000yen lang matira after deductions/expenses wala pa pang gimik.

Compared to Singapore with an average salary of Sing3000US(90000php) ang deduction maximum 1300US. Malaki matitira every month around 50000php. Di lang kasi maganda sa Singapore ang liit ng lugar nakakabato daw.

Currency converter http://www.xe.com/ucc/

Kung lumalakas ang peso eh in the long run maganda naman ito for pinoys dito. Tumataas na ang average salary dito.
For example ganitong jobs bihira dati.
http://main.architel.com/pinoy_engineer/
Nagiging hub for outsourcing na kasi dito which is good. Masama lang for some people na nagabroad in that field kasi kahit sa US sabi ng bro ko outsourced na ng iniisip dun to India, China, etc. Mahirap ka na daw makanap ng stable IT job dun kung baguhan ka.

angela777
05-24-2007, 09:50 PM
bank to bank kasi ako magpadala...sa pnb tokyo branch ang baba ng exchange rate ngayun 3.680 nlang...magpapadala pa naman ako bukas...hayyyyyyyy sana tumaas na ulit..

mOtt_erU
05-25-2007, 10:51 AM
haaaaaaaaaaaaaay.... .....
sana tumaas naman kahit kOnti ang paLit....after enrollment eh bilihan namang ng books at gamit sa schools, mag~operate naman ang school canteen namen...kahit na konti lang itaas o madagdag sa palit eh malaking bagay...kaya sana tumaas naman..:(

nasty
05-25-2007, 04:11 PM
ako din nahihirapan sa pag aadjust ng padala ko sa pinas ,,kasi wala naman ako work pa dito ,,,,dapat sana ikatuwa natin,,kaya lang the question is ,,may naitutulong kaya sa mga kababayan nating mahihirap yung ,,pagtaas ng piso ,,,patuloy pa din ang pagtaas ng bilihin satin ,,pati gasolina pataas ng pataas,,,,,,sino kaya nkikinabang s pagtaas ng piso?:confused:

shinshinobi
10-21-2007, 02:38 PM
in the next few years bababa talaga ang yen dahil hahatakin kasama ng pagbagsak ng dollar.

kaya kung may dollar account kayo might as well ipapalit na ulit sa peso dahil may bagong currency ang US na lalabas: ang Amero.

Search you tube about it...para maliwanagan kayo.

Kung may Yen account naman mas mabuti kung ipalit na agad ng peso dahil hindi na tataas ito in the next few years.

alamagawa
10-21-2007, 03:15 PM
shin may tendency ba na bumaba pa sya sa current amount?

mamimo
10-21-2007, 03:44 PM
Kung may Yen account naman mas mabuti kung ipalit na agad ng peso dahil hindi na tataas ito in the next few years.

Hope you wont mind my asking, is it safe to conclude the movement of currency to be in same trend for the NEXT FEW YEARS? Im sorry just curious so I want to know how you come up with that statement. Thanks.:)

shinshinobi
10-21-2007, 04:44 PM
shin may tendency ba na bumaba pa sya sa current amount?


Hope you wont mind my asking, is it safe to conclude the movement of currency to be in same trend for the NEXT FEW YEARS? Im sorry just curious so I want to know how you come up with that statement. Thanks.:)

Yes, i think so...read more about it on this site...

http://www.informationliber ation.com/?id=20078

mamimo
10-21-2007, 06:25 PM
@shinshinobi

huh ok medyo nahabaan akong basahin saka ko na tapusin.:O sa opinyon ko lang po, hirap isipin na sa susunod na mga taon "the next few years" as I quote you eh magiging kampante na lang ang US sa di magandang performance ng pera nila at syempre sa di magandang takbo ng economy same goes with Japan at ang Pinas naman hindi sa minemenos ko ang potential ng pag-usad ng economy ng ating bansa pero as per record di pa rin ganong stable to therefore we cant be so optimistic that the value of peso will be stronger than $ and Y for the next few years.:)

shinshinobi
10-21-2007, 08:03 PM
Kung may Yen account naman mas mabuti kung ipalit na agad ng peso dahil hindi na tataas ito in the next few years.

im sorry this statement was written out of excitement. dont take it seriously...

peso is also unstable so probably unsafe for short term investments....

better ask someone who knows about these things...:D

jcby1321
10-22-2007, 07:00 PM
ambaba ng yen!!!!ok lang sana kung ang pagbaba e sa kapakinabangan ng buong pinas..eh kaso nd maramdaman...alang apparition!!!! papogi points lang ng nsa gobyrno...kainis... nd din maganda na masyado bumaba ang mga foreign currency kc pag nalugi ang foreign investors eh baka magsipag pull out ng business eh di nawalan din ng trabaho ang kababayan.....:mad:

docomo
10-27-2007, 12:54 PM
ang baba ng yen nasa 36 something lang ang ichiman yen :(

c2ny2
10-27-2007, 12:59 PM
ang baba ng yen nasa 36 something lang ang ichiman yen :(

Mas lalo na seguro sa darating pang buwan bago mag Pasko. Malamang 3,300.00 pesos na lang ang ichi man.:crash:

louvette_15
10-27-2007, 01:41 PM
Mas lalo na seguro sa darating pang buwan bago mag Pasko. Malamang 3,300.00 pesos na lang ang ichi man.:crash:

wag naman po sana at baka itong pinagkakatupi-tupi kong lapad para sa pinas ay kukulangin na't wala akong pang abuno.huhuhu...pardo ned na si erap db , sya ang ang iniisip kng pag asa pra tumaas ang yen...sna mangulit sya, in a way na walang masasaktang iba ha...

mr.kuripot
10-27-2007, 02:01 PM
Hay naku mga nagrereklamo nga ang mga friend ko na trainee visa.. Kun kelan pauwi na sila saka nagbabaan ang yen, imagine dw noon kun nakapag ipon ka ng 100 lapad e kalahating milyon na yon s atin or minsan mahigit pa ngayon yung 100 lapad mo e 360,000 na lang more or less...Hayyy laki ng nawala..:(di naman dw tumaas ang suweldo nila as trainee...Wala naman din silang magagawa kasi di lang naman sila ang naapektuhan..

Sana nga maganda ang resulta nitong pag baba ng yen s ating bansa..At sana iparamdam ng gobyerno na tumataas nga ang economy natin para kahit papano e maging masaya tayong nasa abroad kahit n mababa ang palit..

malibuPine
10-27-2007, 02:36 PM
Ang baba nga, kaka disappoint. Sabi nila sign of progress daw economy-wise, eh walang visible na sign of progress. Pathetic pa rin ang pinas. Talagang weakening lang ang USD$ kaya kasama ang JPY.

One contributing factors aside from the above kung bakit mababa ang palit ng USD and JPY ay dahil sa pagdagsa ang $ and Y% sa pinas, more supply less value. More money in circulation= interests fall= increase in commodity prices etc. Kaya huwag masyadong magpadala sa pinas ng million million dollar or yen. Pagdating sa Pasko since malaki ang mga padala natin, eh lalong bababa ang rate.

Kaso hindi rin mapigilan di magpadala, kasi kailangan, lugi talaga. :(

sachi807
10-27-2007, 02:59 PM
36.10 lang palitan kanina dito sa dasma cavite:)

shintaro
10-27-2007, 03:46 PM
36.10 lang palitan kanina dito sa dasma cavite:)

tama ba ito? sa pnbtokyo is 0.3740 ang rate eh as of yesterday, oct. 26. yung sa metrobanktokyo, as of oct.24 is 0.3705.;)

shintaro
10-27-2007, 03:54 PM
Ang baba nga, kaka disappoint. Sabi nila sign of progress daw economy-wise, eh walang visible na sign of progress. Pathetic pa rin ang pinas. Talagang weakening lang ang USD$ kaya kasama ang JPY.

One contributing factors aside from the above kung bakit mababa ang palit ng USD and JPY ay dahil sa pagdagsa ang $ and Y% sa pinas, more supply less value. More money in circulation= interests fall= increase in commodity prices etc. Kaya huwag masyadong magpadala sa pinas ng million million dollar or yen. Pagdating sa Pasko since malaki ang mga padala natin, eh lalong bababa ang rate.

Kaso hindi rin mapigilan di magpadala, kasi kailangan, lugi talaga. :(

marami-rami kasing mga OFWs na kumuha ng investments (house and lot, lots, condo and the likes) sa pinas kaya dagsa ang yens at dollars. boom kasi ang real estate ngayon sa pinas.

yosi
10-27-2007, 04:58 PM
ganoon talaga pag malapit na december,parang tune,do te la so fa me re do.,pababa ng pababa:) :)

Tarena314
10-27-2007, 05:11 PM
Bakit ba kaya ganon kababa ang YEN ngayon..,ano ba talaga ang dahilan..,? tumataas daw ang ekonomiya pero bakit di ko maramdaman..,?malapi t na naman magpalit ng taon..,bayaran na naman ng buwis..,sana bago mag january tumaas na :(

pinkheart
10-27-2007, 07:06 PM
grabe nga ang baba ng yen..:mad: nakakainis, di na yata tataas..:eek: ..huhuhu..wala na nga akong yen, mababa pa palit??...grabe...:(

malibuPine
10-27-2007, 08:14 PM
marami-rami kasing mga OFWs na kumuha ng investments (house and lot, lots, condo and the likes) sa pinas kaya dagsa ang yens at dollars. boom kasi ang real estate ngayon sa pinas.

True yan shintaro, maraming nag-i-invest sa 0-interest downpayment pre-selling ng condo etc. Marami na rin ang groups ng Fil-Ams na umuuwi para mag golf sa pinas, bringing in $$$. Dagdag pa ang mga remittances ng mga OFWs, aside from the weakening USDollar itself that also affects the Yen.

Bumubuti ang economy natin, :confused: i doubt... wala ng pag-asa

btw, ng dahil sa environmental factors, GLorietta bombing (?), Erap controversy, Pres et al scandals, etc etc tumaas ng konti ang palit ng yen, naging .37 from all-time 36 lately.

ichimar
10-27-2007, 08:48 PM
buti na lang naging 37 something,kesa naman maging 35 ulit:( nakatulong din yung 200 pesos sa pag papa enroll ko sa kapatid ko;) :)

leanardlero0
10-28-2007, 08:04 AM
sa lahat ng mga k tf ko n sumusubaybay sa rate ng yen to peso. ito n po ang latest result.

3870 na po

shintaro
10-28-2007, 08:45 AM
sa lahat ng mga k tf ko n sumusubaybay sa rate ng yen to peso. ito n po ang latest result.

3870 na po

who is your source or where is this rate applied?:)

leanardlero0
10-28-2007, 09:16 AM
sa yahoo finance.

ryu4192000
10-28-2007, 10:34 AM
Observation ko sa yen to peso rate, ang rate sa Pinas is always 1 peso above the rate ng Pnb-tokyo (http://pnbtokyo.co.jp/). So kung rate nya is 37.40, 38.40 ang palitan sa Pinas. Double kita ng mga banks dito - meron ng charge plus me me kita pa sa exchange rate.

tisay
10-28-2007, 12:23 PM
Observation ko sa yen to peso rate, ang rate sa Pinas is always 1 peso above the rate ng Pnb-tokyo (http://pnbtokyo.co.jp/). So kung rate nya is 37.40, 38.40 ang palitan sa Pinas. Double kita ng mga banks dito - meron ng charge plus me me kita pa sa exchange rate.

..thank's sa info. ,,ryu tsang:p ...magpapadala ako bukas,,kaya lang ang baba pa rin talaga:confused:

danasan143
11-02-2007, 04:19 PM
for me wala talaga syang magandang epekto dahil halos wala na halaga ang isang lapad tapos tumataas bilihin cont. parang wala na akong ganang umuwi dahil maliit nalang ang dalang pera samantalang dati ang lakas ng yen

Mabango
11-23-2007, 04:15 PM
Things don't happen just overnight.

Isa ka lang sa maraming tao(Filipino) na nagtataka kung bakit kahit tumataas ang piso(mababa exchange rate) ay tumataas pa rin ang bilihin or hindi bumababa ang bilihin. :mad:

Ang pagtaas ng halaga ng piso ay may nagagawang mabuti tulad ng pagbayad sa utang natin sa ibang bansa. Kung umutang tayo ng $1 million sa palitan ng P56 per $1, ibig sabihin P56 million pesos ang nakuha natin pang pondo sa mga infrastructure projects. Ngayon nasa P43 na lang ang palit sa isang $1. Ibig sabihin nito ay P43 million na lang ang kailangan natin para maka bayad. That's a savings of P13 million.

Ang positive na epekto nang pagtaas ng halaga ng piso sa pagbaba sana ng presyo ng mga bilihin sa atin ay napipigilan at natatakpan ng pagtaas ng langis. Hindi lang tayo ang nakakaranas ng hirap dahil sa oil crisis, pati ang buong mundo.

Nitong mga nakaraang taon at buwan, ang oil price ranged world market is from $50 to $60 sa isang barrel. Now it is about $100 per barrel na:eek: . Kung hindi tumaas ang presiyo ng langis sa pandaigdigan mercado, masmabilis at masmadali natin mararamdaman ang epekto nang pagtaas ng piso.

At sa isa pang banda, halimbawa kung tumaas ang langis pero hindi naman lumakas ang piso natin kontra sa dollar edi paano na:confused: edi siguradong sigurado tayo na mas biglang tataas ng mabilis at malaki ang bilihin at transportasyon(pamas ahe) dahil tumaas ang presyo ng langis tapos bagsak naman ang piso:confused:

Halimbawa(bibili ng oil yung shell, petron and etc. sa labas)

Sa $100 per barrel X P56 = P5,600 compared to
$100 per barrel X P43 = P4,300 that's a savings of P1,300 a barrel.

Diba masmalaking peso ang nagastos mo sa pagbili(ng oil) syempre ibebenta mo yung binili mo sa mas mahal na halaga para makabawi ka sa nagastos mo. Kaya kung 56 pesos ang bili mo sa isang barrel ng langis syempre ibebenta mo yun sa atin nang mahal din, kumpara mo sa 43 pesos lang nagastos mo sa pagbili ng isang barrel ng langis labas so mas mababa ang benta mo sa atin.

Para sa kaalaman nang lahat, thousands at millions of barrel ng langis ang binibili ng isang bansa sa mga supplier nito.

Kahit mabagal, look around, what do you see? 1) Infrastructure projects such as roads, airports, bridges, railroad, etc., being built. 2) Jobs being created. 3) Investors are investing increasingly. Just some of the signs of a robust economy of which will result to better opportunities.

When you buy a house or a car--these are big investments--you put your money into it because you know you will benefit from it.

Hindi man gaano maramdaman ng lahat ng generation ngayon ang pag angat nang ating economiya pero nakikita natin ang opportunidad nang pagbabago. Ang unti unti na pagbabago na pag nagpatuloy pa ng maraming pang taon, ang makikinabang nito ay ang ating mga anak, apo at susunod na generasyon ng mga milyong milyong Filipino.

Ang kagandahan dito’y kahit papaano ay nag sisimula na sa pag ahon kahit hindi man ito ganong kabilis. Mas mabuti na itong ganito kumpara sa unti unti pang pagbagsak ng piso at ng ekonomiya. Paano tayo uunlad kung hindi ito masisimulan paunti unti.

Things don't happen just overnight. It is just a matter of time. What is important is that the signs are pointing towards progress.

Ako din po nanghihinayang kasi sobrang liit nang exchange rate pero umaasa pa din ako na someday masmabilis natin maramdaman ang pag angat ng economy.