PDA

View Full Version : Ilang taon bago payagang mag-isa?


reon
01-18-2007, 12:05 AM
Yung anak ko, laging gustong pumunta sa Digix Wonder (K's Denki) para maglaro ng video games. Dati pag puro ang yaya at ayaw tumigil sinasabihan namin na "Sige, pumunta ka ng mag-isa." Gumana ito ng ilang taon pero isang araw, nag-suot ng helmet niya sa bike at sinabi na pupunta daw siya sa Digix Wonder mag-isa. :devil:

Medyo na-shock kami pero pinayagan na rin namin. Mga ilang kilometro din yung computer shop at mga 9 years old na ito. Kayo ilang taon bago ninyo pinayagang umalis ng malayo ang mga anak ninyo? Hanggang saan?

sharpener
01-18-2007, 01:21 AM
Mod Reon,

kahit di nyo ho payagan yan, magpupumilit pa rin, nagagaya kase sa mga classmates nya dahil ganyang idad (grade 3, 4) nga sila lumalakad (bike) mag-isa

mabuti pa turuan nyo na lang kung paano magingat, samahan nyo mag bike para alam nyo rin kung saan ang delikadong lugar, although turo naman yan sa school, pero iba pa rin ang magulang syempre...at di rin naman kayo mapapakali, susundan at susundan nyo rin nman talaga yan (nang palihim hehehe)

barney
01-18-2007, 01:32 AM
sa dami ng mga nangyayaring krimen dito sa Japan,huwag mo munang payagang mag isa yang anak mo.(kung ako ang nasa situation mo ha?) pag may kasamang older than his/her age siguro or escorted by the parents na lang muna. para sa aking palagay lang ito reon san..:)

maimai
01-18-2007, 07:41 AM
Yung anak ko, laging gustong pumunta sa Digix Wonder (K's Denki) para maglaro ng video games. Dati pag puro ang yaya at ayaw tumigil sinasabihan namin na "Sige, pumunta ka ng mag-isa." Gumana ito ng ilang taon pero isang araw, nag-suot ng helmet niya sa bike at sinabi na pupunta daw siya sa Digix Wonder mag-isa. :devil:

Medyo na-shock kami pero pinayagan na rin namin. Mga ilang kilometro din yung computer shop at mga 9 years old na ito. Kayo ilang taon bago ninyo pinayagang umalis ng malayo ang mga anak ninyo? Hanggang saan?
share din po ako dito..:)

yung pamangkin ko..nasa kalagitnaan ng 8 taong..palagi na nasa game center..nung una palagi sya hinahatid ni papa nya dun..pero nung nasa 9 1/2 years old na sya..nagba-bike na mag-isa papuntang Game Center....(..siguro mga 3 to 5 minutes away galing sa bahay nila..)

Dahil di naman nila masamahan palagi ang ginawa ng mag-asawa..binilhan nila ng kietai..at tinatawagan nila to time after time..yun nga lang palagi din sila pinapagalitan ng pamangkin ko..istorbo daw yung tawag nila.. (kumbaga di makaconcentrate sa game nya!!):mad: :mad:

Inday_36
01-18-2007, 08:49 AM
naku reon san, mahirap! bukod sa crime, napanood mo ba kanina sa morning news? yung isang TV personality, nasagasaan yung anak nya? dito sa japan, marami na ring reckless driver, kaya kung ako ang hihingan mo ng payo, pagtyagaan mo nalang ihatid at sunduin.

emyken1423
01-18-2007, 09:44 AM
Tama sila reon san, ako rin e 6 years old pa lang anak ko naloloko na sa gamecenter sabi ni habibi mas maganda daw na samahan daw namin yung anak namin kung saan sya nag eenjoy.....in one week 3 to 4 times kami nag babad doon .....basta nag yaya yung anak namin punta kami.....gusto namin kasi syang masanay na lagi nya kaming kasama kahit saan....ngayon pag nasa 13 na sya okey na pwede na syang lumarga mag-isa......yung sayo masyado pang bata para bigyan mo na ng kalayaan.........mar ami pa ring bagay na hindi pa nya alam....kailangan pa rin nya ng alalay mula sa inyo......di natin alam kung kailan o saan pwedeng may mang yaring di inaasahan di ba...lagi na lang nasa huli ang pag sisi.... GoodLuck! sana mapagsabihan mo.....

proud me
01-18-2007, 10:09 AM
reon san...tong bunso ko girl kasi...kaya siguro hindi masyado nahilig sa mga game center pa...pero nong mag-Grade 1 siya..tinuruan siya ng tatay nyang mag-bisekleta mag-isa para pag-gusto nilang pumunta sa meeting place nilang koen mag-kakaibigan...tapos meron syang sariling keitai nya nakasabit sa leeg nya non...hindi ko rin sya binibigyan ng pera..sa bag nya nilalagyan ko ng ocha yong suito nya at snack...tapos yong keitai nya naka-set 5pm.yon...at turo namin sa kanya kung meron kang gustong bilhin o halimbawa mga kaibigan mo pumunta sa okashiya omise...uuwi siya ng bahay para humingi ng pambili nya!...na-mamoruo nya naman lahat yon...siguro minsan maganda rin yong wag-nga lang e/day.tama lang siguro yong ma-experience nya yong ganun dahil ika nga omoide ng kabataan tulad din ng mga pinag-daanan natin hindi nga lang pwede tulad noon dahil marami ng crime din dito...yong mga Hit and Run din...mga maloloko sa mga game center or itazura...para sa akin kailangan ilagay din natin sa isip ng mga anak natin na hindi pwedeng e/day yong ganyan ...okane kakaru na hindi pa matutotong mag-limit sa Gaman!:)

emyken1423
01-18-2007, 10:41 AM
Tama ka dyan proud me san.....tungkol don sa game center yung anak ko naging mainitin yung ulo lalo na pag natatalo sinisipa nya yung machine .....hanggang sa pag tulog dala-dala nya sipa ng sipa kaya pag gising ko ang sakit ng katawan ko.....sinasabihan ko naman mister ko kaya lang ako pa ang kagagalitan...sabi nya lalake naman daw natural lang daw iyon sa mga bata dito sa japan parte na daw yang pag ka loko nila sa mga videogames or gamecenter......raso n ni hubby dyan daw matuto yung bata kung paano sumugal sa buhay.....ewan ko ba ayoko naman makipaga argue sa kanya dahil lang dito.....advise pa nga niya sa anak namin dapat mag asawa na daw pagdating na ng kinse para makita daw nya apo nya.....

proud me
01-18-2007, 04:05 PM
Tama ka dyan proud me san.....tungkol don sa game center yung anak ko naging mainitin yung ulo lalo na pag natatalo sinisipa nya yung machine .....hanggang sa pag tulog dala-dala nya sipa ng sipa kaya pag gising ko ang sakit ng katawan ko.....sinasabihan ko naman mister ko kaya lang ako pa ang kagagalitan...sabi nya lalake naman daw natural lang daw iyon sa mga bata dito sa japan parte na daw yang pag ka loko nila sa mga videogames or gamecenter......raso n ni hubby dyan daw matuto yung bata kung paano sumugal sa buhay.....ewan ko ba ayoko naman makipaga argue sa kanya dahil lang dito.....advise pa nga niya sa anak namin dapat mag asawa na daw pagdating na ng kinse para makita daw nya apo nya..... mahirap siguro nga yong ganyan sa kalagayan mo...iba-iba kasi pananaw at katwiran sa pag-papalaki sa anak ...baka ganyan yong style ng asawa mo sa anak...ako rin marami rin akong hindi maunawaan sa style o mga sinasabi rin ng patner ko...tungkol sa anak.:)

emyken1423
01-18-2007, 04:34 PM
mahirap siguro nga yong ganyan sa kalagayan mo...iba-iba kasi pananaw at katwiran sa pag-papalaki sa anak ...baka ganyan yong style ng asawa mo sa anak...ako rin marami rin akong hindi maunawaan sa style o mga sinasabi rin ng patner ko...tungkol sa anak.:)

Medyo may edad na kasi si hubby ko e 50 na sya ng magka anak kami kaya siguro ganyan sya kaluwag sa anak nya....natatakot rin ako kahit papaano lalo na isa lang anak namin, medyo diko kasi kayang magbuntis kaya isa lang..........atsaka napansin ko kakaiba yung mga anak ng hapon bata pa gusto na maging independent.......ta pos pag hindi mo naman sinunod yung gusto sasabihin lalayas daw.......hay naku 6 years old pa lang anak ko ganyan na sya....

docomo
01-18-2007, 05:07 PM
It really depends on the maturity of the child......just exactly what he/she can handle and how responsible they are...and bring a cellphone so he/she can call you .:)

love0308
01-19-2007, 12:15 PM
Ibig sabihin po niya nag mamature na ang anak ninyo:) hayaan nyo lang po sa siya kasi startna ang endeavor ng pagbibinata niya basta wag lang po kayo magkulang sa paalala:)

reon
01-20-2007, 06:25 PM
Thank you sa mga sagot! Hmm maraming mga opinions ang mga nanay dito sa Japan. Medyo nakakatakot nga na mag-isa ang mga bata. Pero hindi naman habangbuhay kailangan lagi silang may kasama paglabas ng bahay di ba? Kaya nga iniisip ko siguro mga age 9, puwede nang lumabas na mag-isa, although hindi naman niya ginagawa ito lagi. Minsan-minsan lang at usually doon lang sa koen na malapit sa amin. Meron din siyang keitai lagi at lagi naman namin siyang tinatawagan. May experience pa ba ang ibang nanay dito sa TF?

summergirl
01-20-2007, 08:00 PM
Reon san,actually ako pinapayagan ko ang anak ko basta dala nya ang cell phone nya at emergency buzzer nya,mahirap na pero hindi naman natin mapipigilan iyan at lalaki naman ang anak mo,basta tell him na dapat alam nyo kung saan sya pupunta at sino ang kasama.At ano ang oras ng balik nya..

mOtt_erU
01-27-2007, 09:29 AM
reon san...tong bunso ko girl kasi...kaya siguro hindi masyado nahilig sa mga game center pa...pero nong mag-Grade 1 siya..tinuruan siya ng tatay nyang mag-bisekleta mag-isa para pag-gusto nilang pumunta sa meeting place nilang koen mag-kakaibigan...tapos meron syang sariling keitai nya nakasabit sa leeg nya non...hindi ko rin sya binibigyan ng pera..sa bag nya nilalagyan ko ng ocha yong suito nya at snack...tapos yong keitai nya naka-set 5pm.yon...at turo namin sa kanya kung meron kang gustong bilhin o halimbawa mga kaibigan mo pumunta sa okashiya omise...uuwi siya ng bahay para humingi ng pambili nya!...na-mamoruo nya naman lahat yon...siguro minsan maganda rin yong wag-nga lang e/day.tama lang siguro yong ma-experience nya yong ganun dahil ika nga omoide ng kabataan tulad din ng mga pinag-daanan natin hindi nga lang pwede tulad noon dahil marami ng crime din dito...yong mga Hit and Run din...mga maloloko sa mga game center or itazura...para sa akin kailangan ilagay din natin sa isip ng mga anak natin na hindi pwedeng e/day yong ganyan ...okane kakaru na hindi pa matutotong mag-limit sa Gaman!:)

....nakakatuwa naman yang musume mo proud me san.....sabagay may point ka..
saken kase hindi din kase pwedeng kibishii sa anak though saikin madami talagang mga krimen at hindi magagandang bagay na nagyayri sa paligid kaya doble ingat at guidance na lang..
at lalong di naman din pwedeng sobrang luwag...pwede naman may freedom siya na gawin yung gusto niyang gawin at the same time may guidelines pa rin siya na dapat sundin at tuparin...dun pa lang madami ng matutunan ang bata at maiincalculate sa isip niya mahala ang maging masunurin, matutong tumupad sa pinagkasunduan at pagsunod sa sinabi sa kanya....hanggang ma-me-mantain niya nga yang disiplina sa sarili niya...which is maganda at dala dala niya paglaki niya...:thumb: