PDA

View Full Version : Tama ba yun..


iReNe M
01-18-2007, 05:25 PM
Hello mga ka TF,

just want to share here ang ginawa ng friend ko (aliasan ko na lang syang Z). wala pa syang one year na kasal sa nihon jin.at ang nihon jin na asawa nya , friend din ng asawa ko.hinde namin alam na nag ka boyfriend si Z ng pinoy before sila nag pakasal ng asawa nya.at kinasal sila buntis si Z sa pinoy..at tinakbuhan sya ng pinoy ng nalaman na buntis ..pero tinuloy pa rin ni Z ang pag bubuntis nya,at pina alam nya sa asawa nya na buntis sya..so pag kaka alam ng japon sya ang tatay ng pinag bubuntis ni Z..masayang masaya ang japon ng nalaman nga,pina padalhan sya ng malaking pera every month at kung mga ano ang kailangan ni Z..at that time masaya din kami ng asawa ko,pra sa kanila.
Pero unfair sa part ng friend ng asawa ko..di nya alam na niloloko lang sya ni Z. so ngayon na nganak na si Z.at ang anak halatang di anak daw ng japon.at ang name ng anak nya japanese name pa. By the way another friend ang nakapag kwento sa akin kahapon, at witness sa lahat ng pag sisinungaling ni Z.
so ngayon na iinis ako kay Z. naawa ko sa friend ng asawa ko.at friend ko rin si Z. at di ko pa pina alam sa asawa ko.kaibigan nya kasi ang na loko.

mga ka TF.i need some advice kasi na pagitnaan ako..dapat bang sabihin ko sa asawa ko ang totoo,para mapag sabihan ang friend nya?,or i secreto ko na lang sa kanila ang nalaman ko?naguguluhan ako...pls. mga ka TF, i need some answer to my question..pasensya na po..
 

bell
01-18-2007, 05:35 PM
para sakin kelangan mong sabihin sa asawa mo para masabi nya sa friend nya ang katotohanan.kasi mali ang ginagawa nya eh.kawawa naman yon hapon.iexplain lang nya ng maayos don sa hapon na ganon ang nangyari.malay natin tanggapin sya ng hapon,darating din naman kasi ang araw na malalaman ng hapon na di na anak yon kasi sabi mo di nya kamukha yon baby.so mas mabuti siguro na unahan na para di mabigla si hapon..:rolleyes:opi nyon ko lang po

Chibi
01-18-2007, 05:47 PM
Hi,Irene!pag isipan mong mabuti,mahirap kase ang situation mo,baka sumabit ka pa sa problema ng iba at ikaw pa mapasama sa huli.:) opinion ko lang po yan!

freegirl
01-18-2007, 05:48 PM
Sang ayon din ako sa sinabi ni bell san. Ipaliwanag mo kaya ng maayos sa asawa mo ang lahat ng nalalaman mo sa friend mo. Maiintindihan ka naman siguro ng asawa mo. Sana kung nakakausap mo yung friend mo kahit sa phone or other mode of communication, payuhan mo siya na sabihin na lang ang totoo dun sa hapon na kaibigan ng asawa mo. Kasi usually ang mga hapon naman madaling makaunawa kung talagang mahal ng hapon si Z. Kasi nakakaawa naman yung kaibigan ng asawa mo. Malalaman din na hindi sa kanya yung anak dahil hindi naman singkit yung bata.Mas maganda siguro diyan pag usapan niyo munang mag-asawa kung paano ipagtatapat sa kaibigan niya ang ginawa ni Z. Sana maging malawak ang pang-unawa ,first ng asawa mo pag ipinagtapat mo lahat. Second move ay kung paano niyo naman sasabihin sa kaibigan niya sa paraang di ito masasaktan.

Sana maisaayos ang lahat. Alam ko mahirap para sayo kasi naaawa ka rin sa hapon same as thru naiipit ka sa relasyon niyo ni Z as a friend. Sa huli mas maganda pa rin sabihin ang totoo.

iReNe M
01-18-2007, 05:52 PM
thank you bell san,

oo super kawawa talaga ang japon ang bait bait pa naman..sige try ko sabihin sa asawa ko..
thank you again bell san..

kokorokara
01-18-2007, 06:01 PM
Ang sa akin lang mabuti pa,bago mo sabihin sa asawa mo kausapin mo muna yun friend mo,itanong mo kung napagsisihan na niya yun mga nagawa niya sa asawa niyang hapon,o baka naman talagang gusto niya lokohin habang buhay,malalaman mo naman yun the way,kung papano siya magsalita.Kasi kung tutuusin wala kang pakialam sa problema nilang mag-asawa,buhay nila yun,pero naiintindihan ko yun concern mo dahil nga friend ng hubby mo yun hapon na asawa ni Z.Tingnan mo kung ano yun magiging kahihinatnan pagnaibunyag mo yun lihim,sa kaibigang mo,asawa niya,sa iyo,sa asawa mo at lalo na sa anak ng kaibigan mo,na walang kamalay-malay sa nangyayari.If napagsisihan na kaibigan mo yun nangyari sa kanya,hayaan mo nalang na yun friend mo yun magsabi sa asawang niyang hapon.Advisan mo nalang siya,para wala kang sabit.malay mo masmakakabuti pa yun,magiging good karma pa yun sa friend mo sa pagsabi niya ng totoo.Tao lang naman tayo minsan nagkakamli at mapusok.Opinyon ko lang po yun.

joeblack
01-18-2007, 06:01 PM
thank you bell san,

oo super kawawa talaga ang japon ang bait bait pa naman..sige try ko sabihin sa asawa ko..
thank you again bell san..


Kung sa opinyon ko naman, kahit kaibigan mo si Z at kaibigan naman ng asawa mo yung hapon; ay manahimik na lang kayo para wala ng gulo. Ipagpalagay nating concerned ka sa situation ng friend ng asawa mo na parang niloloko lang. Pero sa totoo lang wala na kayong karapatang panghimasukan ang buhay ng may buhay kahit na ito'y kaibigan nyo pa... Yun bang tinatawag nating Rights to privacy....Hayaan nyo na lang na yung Hapon mismo ang maka discover ng totoo. Sa ganyang paraan, ano man ang mangyayari sa kanila ay out na kayo at di pa masira ang pagkakaibigan ninyo.... Yan ay opinyon ko lang naman...

iReNe M
01-18-2007, 06:05 PM
Sang ayon din ako sa sinabi ni bell san. Ipaliwanag mo kaya ng maayos sa asawa mo ang lahat ng nalalaman mo sa friend mo. Maiintindihan ka naman siguro ng asawa mo. Sana kung nakakausap mo yung friend mo kahit sa phone or other mode of communication, payuhan mo siya na sabihin na lang ang totoo dun sa hapon na kaibigan ng asawa mo. Kasi usually ang mga hapon naman madaling makaunawa kung talagang mahal ng hapon si Z. Kasi nakakaawa naman yung kaibigan ng asawa mo. Malalaman din na hindi sa kanya yung anak dahil hindi naman singkit yung bata.Mas maganda siguro diyan pag usapan niyo munang mag-asawa kung paano ipagtatapat sa kaibigan niya ang ginawa ni Z. Sana maging malawak ang pang-unawa ,first ng asawa mo pag ipinagtapat mo lahat. Second move ay kung paano niyo naman sasabihin sa kaibigan niya sa paraang di ito masasaktan.

Sana maisaayos ang lahat. Alam ko mahirap para sayo kasi naaawa ka rin sa hapon same as thru naiipit ka sa relasyon niyo ni Z as a friend. Sa huli mas maganda pa rin sabihin ang totoo.

thank you freegirl san,
nag call ako kay Z. this morning,at kina musta..nag papa as if ako na di ko pa alam ang totoo.
kina musta ko ang baby at sabi nya ok nman daw malusog,at kahawig daw ng friend ng asawa ko..pero di nya alam may naka pag sabi din na friend din namin na di singkit ang mata ng bata..sinungaling talaga..tapos ng natanong ko na pa biro " talaga bang kahawig ng asawa mo ang babay?" di sya naka sagot at pinatayan nya ko ng phone..kaya lalo ko nainis kay Z. so meaning guilty sya di ba? thank you sa advise nyo freegirl san..bahala na sabihin ko na lng sa asawa ko..

iReNe M
01-18-2007, 06:11 PM
Kung sa opinyon ko naman, kahit kaibigan mo si Z at kaibigan naman ng asawa mo yung hapon; ay manahimik na lang kayo para wala ng gulo. Ipagpalagay nating concerned ka sa situation ng friend ng asawa mo na parang niloloko lang. Pero sa totoo lang wala na kayong karapatang panghimasukan ang buhay ng may buhay kahit na ito'y kaibigan nyo pa... Yun bang tinatawag nating Rights to privacy....Hayaan nyo na lang na yung Hapon mismo ang maka discover ng totoo. Sa ganyang paraan, ano man ang mangyayari sa kanila ay out na kayo at di pa masira ang pagkakaibigan ninyo.... Yan ay opinyon ko lang naman...

thank you joeblack san sa advice,

sa bagay tama ka rin.. wala kaming rght..
yun din kaya nag dadalawang isip ako..

iReNe M
01-18-2007, 06:22 PM
Ang sa akin lang mabuti pa,bago mo sabihin sa asawa mo kausapin mo muna yun friend mo,itanong mo kung napagsisihan na niya yun mga nagawa niya sa asawa niyang hapon,o baka naman talagang gusto niya lokohin habang buhay,malalaman mo naman yun the way,kung papano siya magsalita.Kasi kung tutuusin wala kang pakialam sa problema nilang mag-asawa,buhay nila yun,pero naiintindihan ko yun concern mo dahil nga friend ng hubby mo yun hapon na asawa ni Z.Tingnan mo kung ano yun magiging kahihinatnan pagnaibunyag mo yun lihim,sa kaibigang mo,asawa niya,sa iyo,sa asawa mo at lalo na sa anak ng kaibigan mo,na walang kamalay-malay sa nangyayari.If napagsisihan na kaibigan mo yun nangyari sa kanya,hayaan mo nalang na yun friend mo yun magsabi sa asawang niyang hapon.Advisan mo nalang siya,para wala kang sabit.malay mo masmakakabuti pa yun,magiging good karma pa yun sa friend mo sa pagsabi niya ng totoo.Tao lang naman tayo minsan nagkakamli at mapusok.Opinyon ko lang po yun.

hi kokorokara san,
thank you po sa advise..
kaya nag dadalawang isip din ako kung ano gagawin ko..
much better na lang siguro manahimik na lang ako..para wala ng gulo..
thank u po ulit

iReNe M
01-18-2007, 06:29 PM
Hi,Irene!pag isipan mong mabuti,mahirap kase ang situation mo,baka sumabit ka pa sa problema ng iba at ikaw pa mapasama sa huli.:) opinion ko lang po yan!

hi chibi san,

thank u po..hirap talaga..manahimik na lang ako..para wala ng gulo..

c2ny2
01-18-2007, 07:38 PM
hi chibi san,

thank u po..hirap talaga..manahimik na lang ako..para wala ng gulo..

Mas okie to...walang gulo at walang buhay na masisira na ikaw ang dahilan. Kung tutuo man ang chika? Hayaan mo na lang na sa iba mag-mula. Makakatulog ka pa ng mahimbing.:p

sharpener
01-18-2007, 07:50 PM
tutal magkakabistuhan din naman, bakit sayo pa dapat manggaling
kung ako nasa kalagayan mo, mananahimik na lang ako

iReNe M
01-19-2007, 08:35 AM
Mas okie to...walang gulo at walang buhay na masisira na ikaw ang dahilan. Kung tutuo man ang chika? Hayaan mo na lang na sa iba mag-mula. Makakatulog ka pa ng mahimbing.:p

hello c2ny2 san at sharpener san,
tama po kayo..
thank you sa advices nyo..malaking tulong sa akin ang mga advices nyong lahat..
ang sa akin lang kasi concern lang ako sa friend ng asawa ko.pero now i realized na wala namang secreto na di malalaman..tama po ba..final descisyon manahimik na lang ako..para may peace of mind ako at para wala ng gulo...

thank u po ulit..:)

mOtt_erU
01-19-2007, 11:50 PM
hi iRene M san....
alam ko medyo mahirap ngang manghimasok sa buhay ng iba...kase buhay nila yon..
pero kase may mga bagay na mahirap itago o dalhin lalo na alam mo na may taong naloloko o nagmumukhang tanga....kawawa kase yung Hapon, ginagampanan ang responsibilidad niya sa bata na iba dapat ang gumagawa--yung amang Pinoy.
kung ako sayo sasabihin ko sa asawa ko ang alam ko...unang una hindi ka naman gumagawa ng istorya,totoo lang naman ang sinasabi mo,....at karapatan din nung Hapon na malaman ang totoo; nasa sa kanya (Hapon) din yun naman yun after niya malaman ang totoo still i-a-Acknowledge niya pa rin at susuportahan ang bata;-- kung ganon eh di okey.....
Final decision is yours sis.....Opinyon lang 'tong saken.....Godbless.