View Full Version : Four Thousand Pesos (P4000)
Inday_36
01-22-2007, 10:52 AM
Hello sa inyo mga TF friends:
Ohayo!
Eto na naman po si inday, kumakawaii :wave: gustong magkwento. Tutal napag uUsapan narin naman natin ang pag baba ng Yen sa pinas..ibabahagi ko na rin ang napag Usapan namin ng asawa ko kahapon.. Binanggit ko kasi sa asawa ko na napakababa ng palit ng Yen sa pinas siguro dapat dagdagan namin ng 1lapad pa ang pinapadala sa pinas sa sunod, at naikuwento na rin nya na may nabasa raw siyang isang forum or blog, na sa halagang P4000 pesos, kapag nasa pilipinas ay kasya na para mabuhay, seikatsu ang sabi nya:: sa forum na iyon pilipina raw ang nagbigay ng payo tungkol sa topic na iyon.
Sabi ko naman kelan at anong date ba yung topic nang mapag Usapan? baka naman kasi 10 yrs ago pa yun, napaka mahal lahat ng bilihin sa pinas sa ngayon, Electric bill lang mura na ang P900, magkano ang kilo ng bigas ngayon? sabi ko baka kako matagal ng di nakauwi ng pilipinas ang pinay na nagpayo, kaya di nya alam na mahal na ang bilihin..
Ako, para sa akin, okey lang sana na mag share or mag payo ang kapwa natin pilipino sa mga hapon ng tungkol sa buhay sa pilipinas, ang hiling ko lang, na sana yung payong ibinibigay nila ay yung payong may katotohanan.
Pag usapan po natin, and for your future sharings and opinions, maraming salamat po.:)
inday
love0308
01-22-2007, 11:09 AM
He he medyo nakakainis naman po yung pinay na yun! baka naman po yung pinay na yun eh lola na ngayun ha ha:D 4000 pesos pano pagkakasyahin yun kung hal. sa case ko 2 bata isa nag aaral tapos bayad sa kuryente baon pa sa araw araw buti nga at di kami nag rerent ng bahay eh. Kung sino man yang Pinay na yan eh baka po nanaginip pa siya ng gising:D
proud me
01-22-2007, 11:24 AM
Inday 36...natawa naman ako dito sa sinulid mo...pero hindi na bago yang mga ganyan!:D sana tinanong mo sa asawa mo para ma-share mo narin dito kung saang forum nabasa ng asawa mo... kung yong 4000pesos lang ang aasahan talagang kulang.:D
emyken1423
01-22-2007, 11:27 AM
Hi, Inday_36 and Love0308 .......palagay ko yung pinay na yan may memory gap na ....siguro naaalala lang nya e yung panahon pa ni marcos.............. .siguro yung four thousand na yan e baka nakatira sya sa mga bundok yung wala ng electric na babayarin tapos yung tubig sa poso na lang kumukuha kaya yung four thousand na sinasabi nya sa pag kain na lang nila for one month........sa panahon ngayon in one month 25 thousand budget namin sa pinas ....4,500 electric pa lang yon ha! telephone, cable ,homeowners club,securities,wate r,3,500....8,000 na lahat yon wala pang pagkain ha! yung bigas ngayon isang sako 1,500 na for one month....kaya nga dati 5man yen padala ko 25 thou na , ngayon 20 thou na lang kaya di pwedeng dagdagan na naman.....
Inday_36
01-22-2007, 12:38 PM
@love @emyken alam nyo mga frends talagang napaka-mahal ng bilihin sa atin, @proud naalala ko kagabi, hinanap ko talaga kung saan, kasi madalas nya akong tinatawag kapag pupunta sya sa forum na ito at ako ang taga type nya sa search bar kasi english, meron nga syang blog, kaso di ko maintindihan kasi nihonggo at maraming XXXX..alam nyo na siguro ang ibig ko sabihin....:D
RODSKI
01-22-2007, 01:41 PM
Naku inday, yung 4th na yun eh siguro pang studyante lang yun, pang single ba:D :p kung tutuusin nga eh kulang pa,imagine ha magkano bill sa kuryente:confused: ( di pa natin alam naka tap pala mga kapit bahay sayo:p ) ang tubig:confused: huwag na ntin isama ang phone bill:D madugo yun eh pag may long distance:p :D pagkain sa araw araw, kahit nga isda eh minsan kapareha ng pork or beef diba, isama pa natin yung mga nangungutang :D :p , kaya yung 4th eh 'MURI' :D :p
proud me
01-22-2007, 01:56 PM
Naku inday, yung 4th na yun eh siguro pang studyante lang yun, pang single ba:D :p kung tutuusin nga eh kulang pa,imagine ha magkano bill sa kuryente:confused: ( di pa natin alam naka tap pala mga kapit bahay sayo:p ) ang tubig:confused: huwag na ntin isama ang phone bill:D madugo yun eh pag may long distance:p :D pagkain sa araw araw, kahit nga isda eh minsan kapareha ng pork or beef diba, isama pa natin yung mga nangungutang :D :p , kaya yung 4th eh 'MURI' :D :p bang klase rin yong pag-suma mo sa 4th.p...pati yong mangungutang talagang nakakabit na sa pinoy eh,:D...kasama na kasi sila sa padala ..basta abroad:D
infinite_trial
01-22-2007, 02:27 PM
@love @emyken alam nyo mga frends talagang napaka-mahal ng bilihin sa atin, @proud naalala ko kagabi, hinanap ko talaga kung saan, kasi madalas nya akong tinatawag kapag pupunta sya sa forum na ito at ako ang taga type nya sa search bar kasi english, meron nga syang blog, kaso di ko maintindihan kasi nihonggo at maraming XXXX..alam nyo na siguro ang ibig ko sabihin....:D
baka naman sa probinsya yan nakatira hehe...kahit nga 4000 kapos pa sa estudyante. sa mahal kaya ng tuition, pagkain at pamasahe ngayon. swerte ko na lang at di ko na naabutan yan hehe.
Tarena314
01-22-2007, 05:26 PM
ako makiki share lang ng aking opinyon ha..,:) sa palagay ko naman wala namang masamang ibig sabihin yung pinay na yun..,baka nga matagal lang syang hindi nakakauwi sa pinas, kaya marami syang hindi nalalaman kung ano na ba ang nangyayari sa ating bansa..,at yung halagang 4.000 pesos, sa ngayon talagang mahihirapan kung pano ma babadget yun sa loob ng isang buwan..,lalo na kung sa manila ka nakatira..,Ako sa probinsya ako nakatira kaya medyo ako nakakatipid pa..,marami kaming hindi na binibili sa palengke..,pero talagang kahit sa probinsya hindi pa rin magkakasya yung 4.000 pesos, kuryente ko pa lang yun ay kulang pa..,sana nga kasya na yung 1 lapad sa isang buwan ano?? makakaipon siguro ako lalo..,:)
mbstorun
01-22-2007, 05:44 PM
baka naman sa probinsya yan nakatira hehe...kahit nga 4000 kapos pa sa estudyante. sa mahal kaya ng tuition, pagkain at pamasahe ngayon. swerte ko na lang at di ko na naabutan yan hehe.
kahit sa probinsya nakatira kulang parin ang 4 thou pesos na yan...2 brods ko at nanay ko sa probinsya ang budget 15 thou kasama na kuryente lahat dyan maliban nalang sa bigas dahil may konteng pinagkukuhanan ng bigas sa palayan na maliit (tama lang sa kanila) di kaya nung 1st century pa yang calcutation nung pinay na yun hahhah wish ko lang 4thou lang monthly para sa nakatira sa province..marami sana akong savings ngayon hehhe..:confused: :p
takenote: ang sibuyas at kamatis sa province namin mas mahal pa kesa sa manila kase daw nanggagaling ang mga yun sa manila kaya mas mahal..sa totoo lang, pag nagbabakasyon pamilya ko sakin sa manila, ilang kilong sibuyas at bawang dala nila kase mahal sa probinsya ang mga yun hahhah kakatuwa..:-)
freegirl
01-22-2007, 07:31 PM
Naku po anu kaya ang mabibili ng 4,000 pesos sa isang buwan? Baka nga Inday_36 matagal ng di umuuwi sa pilipinas yung pinay na yan na nagpayo. Meron namang mabibili pero kung budget sa isang buwan kulang talaga yan. Sa kuryente pa lang e kapag malakas ang gamit aabot sa 2 thousand plus,kuryente pa lang yan. Tapos tubig sabihin pa nating monthly 500 kunsumo ng father ko. Shellane pa, grocery, bigas at kung anu ano pa naku magkukulang talaga.
Sana hindi natin turuan ang hapon na magkuripot kasi minsan diyan sila natututong mag tipid sa pagbigay sa atin pag nakakarinig sila ng ideya sa ibang pilipina.Kung mag sa suggest nga dapat yung talagang eksakto ang pag-compute.
nhidz20
01-22-2007, 08:17 PM
Hay naku 4000 pesos? eh barya nalang yan ngayon sa pinas,tumawag nga kahapon ang nanay at 4000+ nga daw ang kuryente nya, meron pang bayaring tubig telepono,wi-fi at anu ano pa di pa kasama ang pagkain at mga luho sa katawan. Kaya too the max din ako sa kapapadala:(
Yang pilipinang nagsabi nyan saan kayang sulok ng pilipinas sya nakatira?
mbstorun
01-22-2007, 11:24 PM
...baka naman nagkamali lang sa pagsulat yung pinay or nagkamali ng basa si mister mo..baka instead na 40 thou naging 4 thou:p
fisher
01-23-2007, 12:06 AM
Noong grade 1 pa lang ako hanggang grade 3 singko sentimos lang ang baon ko ayos na,ngayon magkano na kaya ang baon ng grade 1? Kasya kaya ang 181 o 182 pesos sa isang araw na 4,000 thousand pesos ang total sa 22 araw na may pasok siya sa eskwelahan sa loob ng isang buwan?Baka ang mabili niya lang ay barbecue na saging at ice buko uwaaaahhhhhhh~~~~~~~ ~~:cry: :cry: :cry: pero okay na rin:mad: .
proud me
01-23-2007, 12:18 AM
...baka naman nagkamali lang sa pagsulat yung pinay or nagkamali ng basa si mister mo..baka instead na 40 thou naging 4 thou:p mbstorun....siguro kung 40th,pesos naman e/month na pang-gastos sa seikatsu......wowowe ee!!!.....sosyal na life nayun para sa akin.:p
ganda_ko
01-23-2007, 01:29 AM
4000????:eek: ano na lang kaya mangyayari dun sa taas ng mga bilihin sa pinas!!! :mad: Dati may sinabi din sakin si habibi ko na nabasa niya sa internet 10000 pesos naman ang budget sa isang buwan sa pinas pwede ng mabuhay... baka sa 10k pwede pa pero sa 4k grabe naman yun di ko siguro alam kung pano yun mabudget...:p :confused: Siguro nagkamali lang ng type yung girl na yun.. :D
wonderKulit
01-23-2007, 10:01 AM
P 4000 ang convert sa 10000 Yen :eek: Ows! laki naman pala....:confused: pero bakit kaya laging sinasabi na kulang pa mga pinapadala kong pera :confused: saan kaya nila ginamit yon... di kaya binibigay na naman sa mga kapatid ko :confused: :mad: kaya tuloy umaaboso mga kapatid ko kasi kala nila pinupulot lang pera sa Japan :mad: ...makausap nga sa susunod...
ako naman ang nagugulat sa laki ng budget nyo sa pinas:)
ate ko at nanay lang ang nasa pilipinas ang budget nila ay 4,000 ~ 6,000 pesos monthly , sariling bahay, libre sa tubig. bina-budget nila yung 4-6 thou na yun sa kuryente, pagkain, telepono, pamasahe, pati handog ( church / 2x silang sumasamba) kumakain 3x may meryenda. kaya yung minsang padala ko na nasa 1 ~ 2 lapad ay naiipon ni nanay. kaya pag bumibisita sila ditong 2 sariling pera nila ang pinambibili nilang ticket. galing yun sa minsang pinadadala ko na naiipon nila.:)
by the way around Quezon City po nakatira ang nanay at ate ko.
emyken1423
01-23-2007, 10:53 AM

Wow galing naman mag budget ng nanay mo Hug, ako nanay ko lang atsaka yung dalwang kapatid kong lalake e goman yen ang padala ko.......kulang pa daw sabi ng mama ko.....kaya madalas medyo nag aalitan kami.....laluna ngayon bumaba ang yen kaya sabi ni mama dagdagan daw ang padala........alam ko naman alng bisyo mama ko di rin sya maluho.......kaya lang alam kong marami syang taong tinutulungan kagaya ng mga kapit bahay namin.....kya pati sila kasama sa budget..............
proud me
01-23-2007, 11:10 AM
Wow galing naman mag budget ng nanay mo Hug, ako nanay ko lang atsaka yung dalwang kapatid kong lalake e goman yen ang padala ko.......kulang pa daw sabi ng mama ko.....kaya madalas medyo nag aalitan kami.....laluna ngayon bumaba ang yen kaya sabi ni mama dagdagan daw ang padala........alam ko naman alng bisyo mama ko di rin sya maluho.......kaya lang alam kong marami syang taong tinutulungan kagaya ng mga kapit bahay namin.....kya pati sila kasama sa budget.............. emyken1423...suwerte naman ng kapitbahay ninyo...biruin mo pati sila kasama sa budjet...na padala mo!:D :D :D
emyken1423
01-23-2007, 11:14 AM
emyken1423...suwerte naman ng kapitbahay ninyo...biruin mo pati sila kasama sa budjet...na padala mo!:D :D :D
talaga pati yung mga dating kapitbahay namin......ewan ko ba kay madir kahit ala na syang makain okey pa rin sya........feel ko nga e parang nangangampanya sya sa place namin.......kung tutuusin kulang pa nga sa kanila yung pinapadala ko...ewan ko ba sa nanay ko masyado nya talagang mahal kapitbahay namin...........
proud me
01-23-2007, 11:19 AM
talaga pati yung mga dating kapitbahay namin......ewan ko ba kay madir kahit ala na syang makain okey pa rin sya........feel ko nga e parang nangangampanya sya sa place namin.......kung tutuusin kulang pa nga sa kanila yung pinapadala ko...ewan ko ba sa nanay ko masyado nya talagang mahal kapitbahay namin........... Dibale.....maraming "YEN" sa japan!:D ......malapit na botohan...saan ba tatakbo si madir?!(joke):p ....mabait na anak ka naman...nakakaintind i sa mother mo.:)
emyken1423
01-23-2007, 11:31 AM
Dibale.....maraming "YEN" sa japan!:D ......malapit na botohan...saan ba tatakbo si madir?!(joke):p ....mabait na anak ka naman...nakakaintind i sa mother mo.:)
talaga proud me sobrang bait ko talaga sa madir ko pati si hubby .........yun nga lang oo naiiintindihan ko si madir, kaya lang ako never nyang naintindihan kasi hindi paborito e......kaya lahat ng magagandang bagay na ginagawa ko sa kanya di nya nakikita....yung mga mali lahat memoryado nya.....pero okey lang yon ang akin e ganon pa man magulang ko pa rin sila.....salamat pa rin kahit papaano.......ganyan ka-drama buhay ko proud me........life na life talaga.......
proud me
01-23-2007, 11:48 AM
talaga proud me sobrang bait ko talaga sa madir ko pati si hubby .........yun nga lang oo naiiintindihan ko si madir, kaya lang ako never nyang naintindihan kasi hindi paborito e......kaya lahat ng magagandang bagay na ginagawa ko sa kanya di nya nakikita....yung mga mali lahat memoryado nya.....pero okey lang yon ang akin e ganon pa man magulang ko pa rin sila.....salamat pa rin kahit papaano.......ganyan ka-drama buhay ko proud me........life na life talaga....... ma- Drama ba?!:D .....dibale tanda lang yan ng pag-mamamhal sa iyo ng mother mo....si habibi mo...jockpot ka rin dahil marami narin mareklamo ngayon dahil siguro ...nahihirapan narin...pwede! yong dito mag-tipid ka kung gusto mo tulungan pamilya mo sa pinas...ganyan daw madalas salita sa kanila o kaya mag-trabaho ka para meron kang sariling kita!....kaya naku....suwerte mo nayan!:p ;)
emyken1423
01-23-2007, 12:04 PM
ma- Drama ba?!:D .....dibale tanda lang yan ng pag-mamamhal sa iyo ng mother mo....si habibi mo...jockpot ka rin dahil marami narin mareklamo ngayon dahil siguro ...nahihirapan narin...pwede! yong dito mag-tipid ka kung gusto mo tulungan pamilya mo sa pinas...ganyan daw madalas salita sa kanila o kaya mag-trabaho ka para meron kang sariling kita!....kaya naku....suwerte mo nayan!:p ;)
sinuwerte nga siguro kahit papaano kay habibi(e sya sinuwerte nga rin kaya sa akin?):D ......tama ka proud me naaawa nga ako sa iba nating kababayan na nandito sa japan kayod kalabaw talaga ginagawa para sa pamilyang nasa pinas......yun nga lang yung mga nasa pinas di alam kung papaano pahalagahin ang perang natatanggap.....alam kasi nila na maraming pera sa bansang hapon.........di lang nila alam kung gaano kahirap makipag sapalaran dito.....
proud me
01-23-2007, 12:45 PM
sinuwerte nga siguro kahit papaano kay habibi(e sya sinuwerte nga rin kaya sa akin?):D ......tama ka proud me naaawa nga ako sa iba nating kababayan na nandito sa japan kayod kalabaw talaga ginagawa para sa pamilyang nasa pinas......yun nga lang yung mga nasa pinas di alam kung papaano pahalagahin ang perang natatanggap.....alam kasi nila na maraming pera sa bansang hapon.........di lang nila alam kung gaano kahirap makipag sapalaran dito..... iba ka rin ha!:D .....nasa tao yan!;)
Wow galing naman mag budget ng nanay mo Hug, ako nanay ko lang atsaka yung dalwang kapatid kong lalake e goman yen ang padala ko.......kulang pa daw sabi ng mama ko.....kaya madalas medyo nag aalitan kami.....laluna ngayon bumaba ang yen kaya sabi ni mama dagdagan daw ang padala........alam ko naman alng bisyo mama ko di rin sya maluho.......kaya lang alam kong marami syang taong tinutulungan kagaya ng mga kapit bahay namin.....kya pati sila kasama sa budget..............
si nanay kase yung kung ano lang dapat gastusin yun lang ang inilalabas nya. may sobre sya pinagbubukod bukod nya yung pera tapos lahat yun may pinaglalaanan na.
yung pananaw kase ni nanay madaling maubos ang pera kung gagastusin ng di daw pinag iisipan. tsaka kung ano lang daw yung nasa wallet nya dapat pagkasyahin daw. kase pinagpaguran daw yung pera, kaya dapat pahalagahan daw nya.
nu'n namatay si tatay last 3 yrs. pa yun ... yung mga nag abot sa lamay at naipon hanggang ngayon andoon parin sa bahay. tinanong ko nga dati anhin mo yan nay? may pinaglalaanan daw yun. balang araw makakatulong daw yun sa aming magkakapatid. kaya wag na lang daw gastusin at ipunin na lang.
namana ko na rin yata yung ugali ng nanay ko kaya yung paggastos namin sa bahay dito sa japan nasa 3~4 na lapad lang (3 lang kami/for food yan).
Tarena314
01-23-2007, 02:03 PM
Wow galing naman mag budget ng nanay mo Hug, ako nanay ko lang atsaka yung dalwang kapatid kong lalake e goman yen ang padala ko.......kulang pa daw sabi ng mama ko.....kaya madalas medyo nag aalitan kami.....laluna ngayon bumaba ang yen kaya sabi ni mama dagdagan daw ang padala........alam ko naman alng bisyo mama ko di rin sya maluho.......kaya lang alam kong marami syang taong tinutulungan kagaya ng mga kapit bahay namin.....kya pati sila kasama sa budget.............. grabe yang mga kapit bahay mo..,wala ba silang hiya o pakiramdam?? abah..,! garote ang dapat sa mga yun ano??:D at mali na yung ginagawa ng nanay mo na pamihasain ang mga kapit bahay nyo..,minsan ay ok lang ,pero kung lagi mali na yun..,hindi na pagtulong pangungunsinti na yun..,gomen ne..,medyo prangka lang ako..,sabagay mabait kang anak at walang mawawala don..,Gambatte ne:)
Tarena314
01-23-2007, 02:05 PM
Wow galing naman mag budget ng nanay mo Hug, ako nanay ko lang atsaka yung dalwang kapatid kong lalake e goman yen ang padala ko.......kulang pa daw sabi ng mama ko.....kaya madalas medyo nag aalitan kami.....laluna ngayon bumaba ang yen kaya sabi ni mama dagdagan daw ang padala........alam ko naman alng bisyo mama ko di rin sya maluho.......kaya lang alam kong marami syang taong tinutulungan kagaya ng mga kapit bahay namin.....kya pati sila kasama sa budget.............. grabe yang mga kapit bahay mo..,wala ba silang hiya o pakiramdam?? abah..,! garote ang dapat sa mga yun ano??:D at mali na yung ginagawa ng nanay mo na pamihasain ang mga kapit bahay nyo..,minsan ay ok lang ,pero kung lagi mali na yun..,hindi na pagtulong yun , pangungunsinti na yun..,gomen ne..,medyo prangka lang ako..,sabagay mabait kang anak at walang mawawala don..,Gambatte ne:)
Hay, baka naman yung pinay na sinasabi nang hubby mo ay taga bundok dati na nkarating ng japan at malamang 48yrs ago na yun. sa bundok malamang magkasya ang 4000 a month na pang seikatsu,kung sa province nga ata eh kulang sa manila pa.Ako nga din 3 memeber lang ng family ang pinapadalhan ko almost 5lapad ang kailangan nila every month,wala pang rent sa bahay kasi sarili.Nung uncivilized pa na panahon pwede siguro ang 4000,ngayon kuryente at tubig lang yan.:D
mbstorun
01-23-2007, 05:08 PM
mbstorun....siguro kung 40th,pesos naman e/month na pang-gastos sa seikatsu......wowowe ee!!!.....sosyal na life nayun para sa akin.:p
proud, P40thou a month sa pinas nasa level na nag magandang buhay nga siguro yun sa pinas pero really ang mahal ng bilihin sa pinas kung may sasakyan ka at sa gasolina mo lang naku po baka di mo namamalayan ang bilis ng 40thou...pero syempre may kasama ng shopping yan!:p
baka nga nagkamali lang imbes na 40thou naging 4thou kase sobrang baba naman kung 4 thou lang...:p
Tarena314
01-23-2007, 06:03 PM
Hay, baka naman yung pinay na sinasabi nang hubby mo ay taga bundok dati na nkarating ng japan at malamang 48yrs ago na yun. sa bundok malamang magkasya ang 4000 a month na pang seikatsu,kung sa province nga ata eh kulang sa manila pa.Ako nga din 3 memeber lang ng family ang pinapadalhan ko almost 5lapad ang kailangan nila every month,wala pang rent sa bahay kasi sarili.Nung uncivilized pa na panahon pwede siguro ang 4000,ngayon kuryente at tubig lang yan.:D siguro naman kahit taga bundok yung pinay na yun..,palagay ko naman wala naman syang masamang sinabi don sa 4000 thou na badget nya sa isang buwan..,anong malay nga natin na kasya nga sa kanya yun..,kase galing din akong bundok na nag punta dito sa japan..,magagaling talagang magbadget ang mga taga bundok...,maraming mga bagay na hindi nalalaman ng mga taga syudad na nagagawa ng mga taga bundok..,o baka nga nagkamali lang yung pinay sa pag type ng storya nya..,kaya mas mainam na nailagay ng thread starter ang link kung saan ba nagsimula ang lahat ng ito.., sorry ha opinyon ko lang naman ito..,huwag kang magtatampo ha..,:)
proud me
01-23-2007, 06:24 PM
kawawa naman yong mga kababayan natin sa pinas...mag-hapon kumakayod...magkano lang kinikita...nagpapaka-hirap pagod at pawis sa mag-hapon...
yong nakikita natin sa TV na sapat na yong bigas at ramen na kinakain nila parang wala na pala sila sa lipunan ngayon dito sa naramdaman ko sa thread na ito..:O
mbstorun san...ako rin para sa akin yong 40thuo.pesos...nasa magandang Level na ng buhay sa pinas yon...hindi na pangkaraniwang income sa pinas na masasabi...
Inday_36
01-24-2007, 08:07 AM
...baka naman nagkamali lang sa pagsulat yung pinay or nagkamali ng basa si mister mo..baka instead na 40 thou naging 4 thou:p
hi mbstorun, di ko rin alam kung ini-stir lang ako ng husband ko tungkol dito, kasi nagpadag-dag kasi ako ng monthly allowance sa pinas, dahil mababa nga ang palit ng yen.:)
emyken1423...suwerte naman ng kapitbahay ninyo...biruin mo pati sila kasama sa budjet...na padala mo!:D :D :D
Alam mo may ganyang mga kapit-bahay, pag alam na may dumadating na pera syo buwan-buwan, sayo lagi tatakbo sa oras ng kagipitan, dapat paki-usapan mo rin si madir mo emyken san na pagpahalagahan nya ang value ng paghihirap ng asaw mo dito. baka dumating ang time magsawa ang asawa mo sa pagpapadala. Ganyang ang mga hapon sa umpisa lang.:)
@hug talaga!?:eek: :D kabilib naman si nanay at ate mo., may work din ba ang ate mo? kung meron..siguro enough nga yan 4-6 thou na budget in a month.
@tarena kung may katotohanan nga ang sinabi ng asawa, yan ang di ko alam.. okey lang ba ilagay dito yung request mo? baka mapagalitan ako.hehehe..well kung talagang interested ka, bigay ko sayo yung link sa PM, pero di ako sure kung dito nga nabasa ng asawa ko, kasi ito lang ang alam kong pinupuntahan nya about koto ng pinay. mostly about talento ang pinag uusapan...written in nihonggo ang usapan and advices, kaya di ko rin maintindihan yung iba.
Inday_36
01-24-2007, 09:23 AM
Di ko talaga ma-picture kung P4000 lang ang budget/mo., siguro kong kakain kalang at paikot-ikot at pakuya-kuyakoy sa loob ng bahay siguro ok na nga sa akin ang ganitong budget, pero libre ang bahay...:p :D
Tarena314
01-24-2007, 11:15 AM
Di ko talaga ma-picture kung P4000 lang ang budget/mo., siguro kong kakain kalang at paikot-ikot at pakuya-kuyakoy sa loob ng bahay siguro ok na nga sa akin ang ganitong budget, pero libre ang bahay...:p :D Inday_36:)
hello to you..,ang alam ko pwede maglagay ng link sa thread..,basta makabuluhan ang nilalaman at makapagbibigay kaalaman sa karamihan..,pasensya kana ..,:)
proud me
01-24-2007, 11:35 AM
Di ko talaga ma-picture kung P4000 lang ang budget/mo., siguro kong kakain kalang at paikot-ikot at pakuya-kuyakoy sa loob ng bahay siguro ok na nga sa akin ang ganitong budget, pero libre ang bahay...:p :D Inday san...parang dito din sa atin sa japan...iba-iba ang pag-titipid ng tao para magkasya kung ano lang yong meron...dahil iba-iba rin ang budget o income...:p :D
@hug talaga!?:eek: :D kabilib naman si nanay at ate mo., may work din ba ang ate mo? kung meron..siguro enough nga yan 4-6 thou na budget in a month.
may trabaho si ate, yung sweldo ni ate hindi pinakikialaman ni nanay pero since na kasama nya si nanay nagbibigay si ate ng 2thou to 3 thou panggastos ke nanay tas yung extra si nanay na ang nagpupuno galing naman sa parang pension dahil wala na nga ang tatay namin. hindi ako obligado magpadala ng pera sa nanay, kaya di ako nag aalala o sila na kung di ako magpapadala wala silang panggastos. minsan minsan lang ako magpadala hindi para sa araw araw na kabuhayan nila kungdi way lang ng pag-alala ko sa kanila.
kaya nga nung nabasa ko yung mga nagpost dito ako ang nagugulat kase ang lalaki ng pera palang panggastos ng mga pamilya nyo sa pinas. halos kawaranai sa panggastos namin dito sa japan (di kasama mga ibang bills) tinawagan ko nga sila nanay at nagtanong kung yung budget nila ay tipid na tipid, sabi naman ni nanay sakin hindi anak, eksakto lang. naisip ko rin na tama nga lang kase di naman sila humihingi sakin ng pambili ng tiket pag dumadalaw sila dito. hihingi lang sila sakin ng invitaion letter at sila na daw ang bahala sa tiket nila. pero ako daw bahala sa pasalubong.:) pag umuuwi nga kami sa pinas ang dala ko lang pera nasa humigit kumulang 10lapad. may tira pang 1 lapad yun para may laman yung wallet ko pag balik dito sa japan.
siguro natatawa kayo dahil para kaming intsik beho ano~ pero talagang yun lang ang gastos nila nanay at ako rin. hindi ko naman masasabing tipid kami o sila nanay kase maayus at sunod naman sa lifestyle sa pinas ang kabuhayan nila.:)
Inday_36
01-24-2007, 01:03 PM
@HUG, di naman siguro intsik beho, practical lang kayo. Tsaka may trabaho pala ang kapatid mo..Kami rin 3lapd lang pinapadala ko sa pinas, kasama n yung monthly tuition fee ng anak ko doon pati baon, tipid nga lang kasi walking distance yung school, kaya lang kapag Mid May or early June, bukod ang pang-enrollment sa monthly allowance ng nanay ko. Di ko rin alam kung pano binaBudget ng nanay ko ang pera nila, Nagulat din nga ako kasi nakapag tayo ang nanay ko ng maliit na sari-sari store, e nadadagdagan lang naman ang padala namin kapag humiling sya ng pampalit ng eyeGlass nya, false-teeth, pag pa-Check-up, lalo na field trip ng school, naku napakaGastos po...tuwang tuwa nga ang asawa ko nang minsan pinadalhan kami ng picture ng tindahan nya. at se~y nakakapag Jollibbe pa sila!:D kaya lang, worrie lang ako nitong nakaraan sa palitan ng yen, super baba kasi.
@proud me, sabagay totoo yan, kami rin pinagkakasya lang, kita mo naman halos pareho lang kami ng nanay ko ng budget sa loob ng bahay, pero kung P4000/mo. ayokong paniwalaan yan.:) :D
@tarena wait lang, paturo muna ako pano maglagay ng link dito, tsaka ask muna ako ng permission sa moderator san., Sige try mo ha!? tapos kwento mo rin sa kin anong pinag uusapan nila doon, kasi ang nababasa ko lang is advice shite kudasai...hehehe:p :D
Di ako sure kung dito nga nya nabasa ha? pero ito lang ang forum na madalas kong nakikita..
proud me
01-24-2007, 09:07 PM
@proud me, sabagay totoo yan, kami rin pinagkakasya lang, kita mo naman halos pareho lang kami ng nanay ko ng budget sa loob ng bahay, pero kung P4000/mo. ayokong paniwalaan yan.
@Inday san...siguro kung katulad sa iyo...hindi talaga kakasya ang p4000/mo. dahil nag-aaral yong anak mo...ang galing ngang mag-budjet ng nanay mo...dahil sabi mo naka-pagpa-tayo pa siya ng sari-sari store sa 3lapad e/mo. mong pinapadala...
pareho pala kayo ng nanay mong budget e/mo....kaya ikaw din magaling mag-budjet...
Inday_36
01-25-2007, 09:44 AM
he.he.he. hindi naman proud me, magastos nga ako e:) ..kaya medyo pinadadagdagan ko yung budget namin sa bahay, pero sa 3lapd na yan me jupit na akong konti in a month, mga 2-3千円, naiipon ko yan, secreto ko yan sa asawa ko, nabuko nga lang ako one-time kasi natapon yung kape nya, nakita nya sa ilalim ng carpet yun ipon ko, kasi pinunasan nya hanggang ilalim....ngayon sa rubber shoes kong hindi ginagamit ko na tinatago..medyo malaki rin kapag naabutan ako ng 5千 or 1万円 ng F.I.L. ko., kakuntsaba ko si F.I.L. na wag sabihin, ang point ko naman, kailangan namin ito komaro toki di ba?
Alam mo proud me bilib talaga ako sa nanay ko, sa private school nagaaral ang anak ko, di ko nga alam pano nya naba-budget yun 3lpad....nag umpisa lang sya sa 10 LPG gas, pinahiram lang sya ng kamag-anak namin ng tank, tapos nasundan ng miniral water, tapos sinundan ng mga rekados sa kusina, tapos ngayon, sari-sari store, me softdrink na, nagtitinda pa sya ng ulam..araw-araw nag ti-text pa sya, kung ano ang niluto nya, minsan binibiro ako, kung oorder ba ako!?:D matulungin din ang nanay ko, kaya lang sa kamag-anak lang namin, ewan ko bilib ako talaga ako sa nanay ko.:)
proud me
01-25-2007, 12:04 PM
Inday36...ganyan ata talaga dapat...isipin mo rin yong magtabi ng konte ...para kung meron kakailanganin meron madudukot diba?!...nakakatuwa pala si nanay mo...tinatanong kapa kung oorder ka sa kanya!...atleast meron na siyang libangan kumikita pa siya...ganyan lang yan...buti ka nga isa lang yan pinapa-aral mo ...ako noon tatlo sila kaya hindi ko na-afford pag-aralin sa private school mga anak ko...dibale Inday hindi naman habang buhay...yan!...lalak i rin yang anak mo makakaraos karin...
Inday_36
01-26-2007, 09:23 AM

totoo ka proud me, dapat talaga kahit konti may itinatabi ako, kasi malaki pa ang nagagastos ng asawa ko sa panchinko kesa sa budget sa bahay namin...o0 maloko din ang madir ko, libre na nga raw sila sa ulam sa araw-araw, teachers & high school students ang customer nya doon.....buti ka pa nakaraos ka na sa pag papalaki, ako wala pa sa kalahati..nag uumpisa palang kung baga..tyaga at sikap lang talaga ang kailangan:) :D
cute_pinay79
01-26-2007, 11:48 AM
Hello sa inyo mga TF friends:
Ohayo!
Eto na naman po si inday, kumakawaii :wave: gustong magkwento. Tutal napag uUsapan narin naman natin ang pag baba ng Yen sa pinas..ibabahagi ko na rin ang napag Usapan namin ng asawa ko kahapon.. Binanggit ko kasi sa asawa ko na napakababa ng palit ng Yen sa pinas siguro dapat dagdagan namin ng 1lapad pa ang pinapadala sa pinas sa sunod, at naikuwento na rin nya na may nabasa raw siyang isang forum or blog, na sa halagang P4000 pesos, kapag nasa pilipinas ay kasya na para mabuhay, seikatsu ang sabi nya:: sa forum na iyon pilipina raw ang nagbigay ng payo tungkol sa topic na iyon.
inday
Hello po mga sistah! Hi inday san!
Mtagal ko ng nbababasa tong thread mo, kya lng pinipigilan ko self ko na mkisabat... Pero at the end... di ko rin pla kyang pigilan dahil akma nanaman sakin tong topic na inopen mo...
Actually, di na bgo yan sa pandinig ko...
4000 ba ika mo?! Ano ba yong babaeng yon, parang di na yta nag-iisip?! Baka naman wala silang kuryente sa house? walang telephone line? walang cable? walang mga pinaaral, di nagre-rent ng house? walang sasakyan? At isa lang nya kumakain sa house? Eh, kahit na sa pagkain siguro ng isang tao sa loob ng isang buwan, di kakasya yong 4,000, maliban na lng kung puro leafy veges ang bibilhin nya, bka umabot yon ng a month??? grabe na pong mahal ng bilihin satin, I know ksi last August lang kmi nag-start tumira dito sa japan...
Sistah... bka nman humahanap lng ng lusot si Mister,si hubby ko ksi ganyan din sakin, lging gusto lumusot...:D
Pa-OT na nga rin tuloy... to share my story nman...
Sa pinas dati laging sinasabi ni hubby sakin pag humihirit ako ng dagdag allowance... Madalas ganito ang dialogue nya; "Why you need to ask much money all the time? Many filipino's here, especially my employees only receiving 4,000-6,000 salary per month, but they can pay thier house rentals, school, etc. blah blah blah!They can live w/ that. Why you, you cant strecth your allowance? How come!"
May friend naman ako na asawa ng taiwanese, nkatira sila sa 6 hec. na farm nila sa parteng Zambales, ktabi ng bundok where may ressetlement area pra don sa mga naging victim ng Mt. Pinatubo... lagi nman daw sinasabi ng asawa nya na " Why the people living on the mountain? Can they eat chicken everyday? Why our daughters must have jollibee for their snack everyday?!"...
(Pasensya na po sa english ko, ganyan po mag-english mga asawa nmin eh...)
Buti nga kyo ganyan lang sagot ng hubby nyo sa inyo, sakin o samin ng friend ko, lagi kming kino-compare sa mga kapwa nating pilipino na naghihikahos sa buhay...
Lagi ko nmang sagot sa hubby ko nong nsa pinas pa kmi na... hindi nya dapat kinukumpara sa ibang tao yong sitwasyon nmin ksi di nman kmi pareho ng lifestyle don sa mga taong tinutukoy nya... Why kako? Have you been to thier homes? have you seen thier way of living? have you seen what kind of house they can afford to rent? do you know what food they eat? etc. etc.... Dont compare me to those people, that's why I married you, to have a different life. If I want like thier lifestyle and/or way of living, then I should marry an ordinary filipino employee, NOT YOU... Tsaka lang sya titigil pero, di pa rin granted ang request ko, hanggang sa umalis na kmi't lahat ng pinas... haaayyy!:( Pag pera na ang usapan, hirap mag-explain sa hubby ko... super bato po talaga...
cute_pinay79
01-26-2007, 12:22 PM
may trabaho si ate, yung sweldo ni ate hindi pinakikialaman ni nanay pero since na kasama nya si nanay nagbibigay si ate ng 2thou to 3 thou panggastos ke nanay tas yung extra si nanay na ang nagpupuno galing naman sa parang pension dahil wala na nga ang tatay namin. hindi ako obligado magpadala ng pera sa nanay, kaya di ako nag aalala o sila na kung di ako magpapadala wala silang panggastos. minsan minsan lang ako magpadala hindi para sa araw araw na kabuhayan nila kungdi way lang ng pag-alala ko sa kanila.
Hug san at Inday san,
Buti pa kyo at di nyo problem sustento ng family nyo satin... Tulad ni Inday san (correct me if Im wrong?), may naiwan din akong anakis satin, kya sa ayaw at sa gusto ko, need ko talaga magsupport don...
Ang hirap lang, yong mother ko ay di yata marunong magbudget? Sa ngayon di pa nagpapadala si hubby ng pera galing sa japan, what he did is, nag-iwan sya ng puro post dated checks, para i-in-cash na lang pagdating ng due time... 20,000 ang allowance nila per month, separate yong 10,000 na para sa house rental... Laging short si mader ko, like this month, napilitan akong nagpadala ng 18,000 yen ng di alam ng hubby ko... Nakukupit-kupit ko lang yon sa paminsan-minsang binibigay nya sakin... Tinatabi ko unti-unti pra sana magkaron din ako ng secret savings... Kaso nangailangan nman family ko sa pinas, ksi yong eldest ko isinali ng teacher nya sa POPSTAR KIDS ng GMA channel 7, pero sa Q11 yata ang airing next month... Dios ko! Yong twice lang na luwas nila ng manila, nka almost 5,000 na sila, bulsa ko nanaman tuloy ang nalagasan! Si hubby ko ksi di yta pabor sa ganyan-ganyan, as a mother, syempre I have to support my son's dream, kya ako na lang ang nagbigay... Buti na lang nasundan ko yong paraan khit na di ako nkakaintindi at nkakapagsalita ng nihonggo, nasend ko nman successfully yong pera thru genkin kakitome, with the help ng isang tga-TF... Sa knya ko nagtanong kung pano sabihin sa nihonggo yong gnito, yong gnun...
Sana nman yong mother ko, tulad din ng mother mo Inday san... si mama ksi puro complain sakin about sa budget, dami raw ksi nyang binabayarang bills, kso pag-uwi ko ng pinas last month... Patong-patong na unpaid bills ang sumalubong sakin.:mad: Tpos mkikita mo sa telephone bills ay puro tawag sa celphone, kya pla 3,000+ ang billing instead na 700-800 lang monthly... Nong sinabi ko ke hubby, ayaw na nyang i-shoulder mga yon ksi daw kasalanan na yon ng mader ko... Sabagay tama sya, mama ko nga din may fault... Kaso san nman kukuha yon ng itatapal don sa mga yon? Eh, wala nmang hnap-buhay?
Sorry sa OT ha?!
mbstorun
01-26-2007, 01:44 PM

hello cute_pinay....ang nanay ko naman kuripot pero nakakainis din ang pagka~kuripot nya kase nagtatabi sya ng pera para sa sarili nya at di mo mautangan pag ikaw nangailangan...at tsaka eto pa~~~~~ hayyyyy sa lugar yata namin kahit sino lang may utang sa nanay ko at malaki ang tubo! nakuh~~~ minsan mung sinita bat nagpapautang sya ng 10 to 20 % ang tubo harruuuuyyyyy kakilabot talaga si madear~~~ pero ang sagot nya sakin bat ko daw kini- question e di naman daw sya nanghihingi ng pera sakin hahha may rason! oo nga naman di nga sya humihingi ng pera sakin pero may allowance naman akong binibigay sa kanya di ba ganun din yun?? ay naku nung di pa ako dito nakasunod sa asawa ko sa Japan ang nanay ko ang binibigyan ko ng budget sa bahay pero ang dalawa kong kapatid nagrereklamo kase ang nanay daw tinitipid ang budget sa bahay nyahhhhh di ako naniwala pero nung umuwi ako sa province nga namin halah ka~~~ may nagtitinda ng gulay sabi nya sa tindera~~~~balik ka nalang kase natutulog pa daw ako kyahhhhh~~~~~ naku po ilang beses akong siningil ng pinag~kuhanan nya ng gulay at di lang yun sa tindahan ako pinapabayad. hayyyy ok lang yun kung wala syang pera e sigurado naman akong mawalan na ako sya hindi kaya naku napuno ako kaya kuya ko na may hawak ng budget sa bahay namin........hayyyyy y si ma~dear talaga~~~~~~ pero hmmmm.........di ko nalang iniintindi.........a t hanggang ngayon nagpapautang parin grabe di mapigil talaga kahit anong sabi ko~~~~ ~~ako pa ang masama kaya deadma kaming lahat! ok lang sana maging kuripot basta nasa lugar but still masaya naman ako sa ma~dear ko kahit di na ako nagbibigay ng pera sa kanya ngayon ay pinagmamalaki sakin na marami daw syang pera grabe talaga nakakatakot lalo na pag nagpromise ang pinahiram nya ng pera at di nagbayad sa sinabing date hayyyyy nakuh po~~~~susugurin sa bahay as in minsan ako tuloy ang nahihiya! :p
Inday_36
01-26-2007, 02:37 PM
frend an dito ka pala..@cute_pinay, wag mong pigilin yan, baka sumabog! hehehe. jok:D :p
Well I have a confession to all of you guys: the truth is I have two children in the philippines, a boy (9yrs old) and a girl (11yrs old)., lahat yan ay nag aaral sa private school.,ganyan din kami noon @cute_pinay, meron din kaming landline and tv cable ., since lumalaki ang gastos at medyo kinakapos sa budget, pinaputol ng nanay ko, at medyo napapabayaan rin kasi ng mga bata ang kanilang pag-aaral, maraming activities na sinasalihan ang mga anak ko, which is talagang magastos...
tungkol naman sa nanay ko, pag uuwi ako ng pinas, wala akong dinatdatnang unpaid bills, well organized ang madir ko pag dating sa ganyan, at ganyan ako ka proud sa nanay ko.
Base sa kwento mo, siguro kaya ayaw nyang i-shoulder ang unpaid bills ng nanay mo, baka gusto lang ng asawa mong matuto ang mother mong gastusin ang pera sa tamang paraan, at hindi naman siguro sa kinukumpara ka ng asawa mo sa iba, isipin mo rin na hindi habang buhay ay maganda ang financial status ng asawa mo....Sana minsan kausapin mo rin si mother mo at para maintindihan nya ang side ng asawa mo pag dating sa pera. Wag mong sisihin si mother, kausapin mo nalang sya, nadadaan naman lahat ng problema sa maboteng :toast: usapan eh!:)
cute_pinay79
01-26-2007, 04:52 PM
frend an dito ka pala..@cute_pinay, wag mong pigilin yan, baka sumabog! hehehe. jok:D :p
Well I have a confession to all of you guys: the truth is I have two children in the philippines, a boy (9yrs old) and a girl (11yrs old)., lahat yan ay nag aaral sa private school.,ganyan din kami noon @cute_pinay, meron din kaming landline and tv cable ., since lumalaki ang gastos at medyo kinakapos sa budget, pinaputol ng nanay ko, at medyo napapabayaan rin kasi ng mga bata ang kanilang pag-aaral, maraming activities na sinasalihan ang mga anak ko, which is talagang magastos...
tungkol naman sa nanay ko, pag uuwi ako ng pinas, wala akong dinatdatnang unpaid bills, well organized ang madir ko pag dating sa ganyan, at ganyan ako ka proud sa nanay ko.
@mbstorun san, thanks sa sharing!
@Inday san
Inggit nga talaga ako sayo ksi ganyan ang mother mo... Same pla tyo, 2 rin anak ko sa una, (bka di kyo maniwala), 10 yong boy ko na may hilig sa pagiging singer, yong girl nman ay 8... Sa private school din sila nag-aaral... Yon nga minsan ang mhirap i-explain kay hubby ko, yong mga activities sa school, di nman pwedeng di isali mga bta sa gnun, dagdag din sa grades nila yon...
Alam ko na yong gnung ugali ni mader ko, tagal ksing nagbuhay dalaga sa ibang bansa, as in ako na naging nanay don sa 2 younger brod ko, kya siguro nkalimotan na din nya kng pano magpatakbo ng pera sa loob ng bhay... Bulagsak na ksi si mader ko mula ng bumalik galing sa pag-aabroad. Pag may gustong bilhin, di na nya tinitignan kung kya ba ng budget nya... Mahilig magkakain sa mga jollibee at mcdo, which is out of budget na... Tsaka kumuha pa ng katulong, samantalang tatlo lng silang maglo-lola sa house, daily pang nsa school mga bta at sa paglalaba ay di nman sya hirap dhil may washing machine nman... Bilin ko kay mader pra sure na byaran nya mga bills, usapan nmin send nya copies thru email monthly... First month lang nya ko inupdate sa bills, then pag tinatanong ko, lagi nya sagot wag daw ako alala ksi updated daw sya magbayad, nkatabi daw lhat ng resibo... Sus!:eek: Pag-uwi ko... puro pla unpaid bills tpos ang daming naniningil na kung sinu-sino. Tpos yong house ko(nka-advertise sa tf) na pinatirhan ko sa mga kpatid ko, putol ang ilaw(sakin nka-pangalan), ksi 6 mos na pla utang nila... As usual, bilang may-ari, at sakin nka-pangalan ang bill, ako nanaman pay ng 13,000 pesos mahigit... Sa inis ko sa knila nasabi ko tuloy na mbuti pang di ako umuwi!, puro sakit lang pla ng ulo isasalubong sakin... Lihim lahat mga yan kay hubby ko, ayoko na ring kwento sa knya ksi di nman nya ko help ma-solve ang problem basta usaping pera... Sana kung mdala ko lng mga anak ko rito, hinding-hindi na ko uuwi...:( :mad:
Inday_36
01-26-2007, 05:18 PM
@cute_pinay, alam ko yung nararamdam mo, kasi ganyan din ang nanay ko minsan. Masyadong proud sa mga apo, kaya kung ano yun ialok sa kanila, sige sige lang. Kung kaya mo namang suportahan financially yung gastos para sa activies sa mga naipit mo, ok lang.. kaya lang piliin mo nalang paminsan minsan. Ganyan din ang reason ng dalaginding ko, dagdag sa grades., Hayaan mo pag medyo lumaki na mga bata, baka di na rin kailanganin ng mother mo ang katulong, medyo mabawasan na rin ang gastos mo., buti ka nga malaki yang budget nyo sa pinas..ako 3lapad, imagine gano lang yun! kaya lang ang upon enrollment ko talaga, medyo nilalakihan ko na ang downpayment, para di mabigat kay madir ko ang monthly bill nya. Ganyan talaga ang mga hapon, nag rereklamo sa huli. Noon 5 lapd din kung magpadala, tapos naging 4, hangang naging regular na 3lpd.,ngayon naman pinagpipilitan na P4000 kasya na sa pinas.. Ewan ko ba!
@mbstorun, ayaw mo nun wala kang problema sa madir mo, basta kamo ingat na lang sya sa mga papautangin nya, at baka matakasan..
cute_pinay79
01-26-2007, 05:49 PM

Buti na lang at madiskarte ako... kung aasa lang din ako sa bigay ng hubby ko? naku! walang-mangyari... Kaya nga iginigiit kong mkapag-trabaho sana para maibigay ko ng tama mga needs ng anakis ko... Ganun na rin syempre sa pansarili ko... Yokong tumanda ng walang ipon at mga pension plan, lingonin man akot hindi ng mga anakis ko pagtanda ko, OK lang... Ayokong maging kawawa sa aking pagtanda... tulad ng mader ko na kahit SSS ay wala...
Salamat sa mga sharing ninyo sis! Kahit papano may napulot nanaman ako...:D
RODSKI
01-26-2007, 06:26 PM
hello cute_pinay....ang nanay ko naman kuripot pero nakakainis din ang pagka~kuripot nya kase nagtatabi sya ng pera para sa sarili nya at di mo mautangan pag ikaw nangailangan...at tsaka eto pa~~~~~ hayyyyy sa lugar yata namin kahit sino lang may utang sa nanay ko at malaki ang tubo! nakuh~~~ minsan mung sinita bat nagpapautang sya ng 10 to 20 % ang tubo harruuuuyyyyy kakilabot talaga si madear~~~ pero ang sagot nya sakin bat ko daw kini- question e di naman daw sya nanghihingi ng pera sakin hahha may rason! oo nga naman di nga sya humihingi ng pera sakin pero may allowance naman akong binibigay sa kanya di ba ganun din yun?? ay naku nung di pa ako dito nakasunod sa asawa ko sa Japan ang nanay ko ang binibigyan ko ng budget sa bahay pero ang dalawa kong kapatid nagrereklamo kase ang nanay daw tinitipid ang budget sa bahay nyahhhhh di ako naniwala pero nung umuwi ako sa province nga namin halah ka~~~ may nagtitinda ng gulay sabi nya sa tindera~~~~balik ka nalang kase natutulog pa daw ako kyahhhhh~~~~~ naku po ilang beses akong siningil ng pinag~kuhanan nya ng gulay at di lang yun sa tindahan ako pinapabayad. hayyyy ok lang yun kung wala syang pera e sigurado naman akong mawalan na ako sya hindi kaya naku napuno ako kaya kuya ko na may hawak ng budget sa bahay namin........hayyyyy y si ma~dear talaga~~~~~~ pero hmmmm.........di ko nalang iniintindi.........a t hanggang ngayon nagpapautang parin grabe di mapigil talaga kahit anong sabi ko~~~~ ~~ako pa ang masama kaya deadma kaming lahat! ok lang sana maging kuripot basta nasa lugar but still masaya naman ako sa ma~dear ko kahit di na ako nagbibigay ng pera sa kanya ngayon ay pinagmamalaki sakin na marami daw syang pera grabe talaga nakakatakot lalo na pag nagpromise ang pinahiram nya ng pera at di nagbayad sa sinabing date hayyyyy nakuh po~~~~susugurin sa bahay as in minsan ako tuloy ang nahihiya! :p . . . . . . Hanep naman ang iyong madiiiiiiiiiiiiir:p , talo talaga tayo sa mga nanay naku po ewan ko ba:D :p baket mo nga naman kinekwestyon eh di naman pala sya nanghihingi sayo, pero ikaw ang nag bibigay:p :D haaaay naku ganun talaga.
mOtt_erU
01-27-2007, 08:48 AM
Inday 36...natawa naman ako dito sa sinulid mo...pero hindi na bago yang mga ganyan!:D sana tinanong mo sa asawa mo para ma-share mo narin dito kung saang forum nabasa ng asawa mo... kung yong 4000pesos lang ang aasahan talagang kulang.:D
....kulang na kulang ang 4,ooo....eh baka yang halaga na yan eh kuryente lang / kuryente at tubig/ o kaya groceries lang...... baka naman 1990 pa yang pinagbasehan ng Pinay na yan seikatsu niya,,,:D :)
Inday_36
01-28-2007, 10:20 AM

truth ka dyan mOtt_eru, kulang talaga kung iisipin mo.:)
@Tarena wants mo pa rin ba yung link? PM mo nalang ako kung interested ka pa rin...:)
miyuki
02-12-2007, 12:36 PM
hello kaTF @inday_36... now ko lang nakita itong sinulid na to nag enjoy ako talaga ng husto binasa ko lahat from start till end.. medyo buhayin ko lang ng konte ulit kasi kahit paano nakakatulong na magkaroon ng idea ang mga katf natin tulad ko na pwede din pala magkasya ang 3hanggang limang lapad sa pinas.. pero syempre 4k/mo. muri...
pa share na lang din ng story ko.. may negosyo akong 4 na taxi sa atin kaya lang probinsya , bale nag income naman sya daily ng 2k .. kaya lang syempre minsan d maiwasan may nasisira at marami din binabayaran sa tax, registration, insurance at franchise renewal. at nagpapadala pa kami ng hubby ko 6man/mo. ..at kung minsan mas pa kasi dami daw problema.. komo may babayarang ganito ... may bibiling ganito... ang ipinagtataka ko saan ang kita ng taxi? bakit minsan sariling pera ko na lumalabas pa? d ba dapat pag nagnegosyo kikita ? bakit parang gastos pa nangyayari... gusto kong ibenta minsan pag inopen ko sa nanay ko ayaw naman at sayang daw kung baga nakapagsimula na ..anjan na yan. kaya lang kung minsan nakakapagod at ako na mismo nahihiya sa asawa ko.nasabing may negosyo nga kami pero parang ganon pa din... kaya ang iniisip ko na lang hayaan ko na nga lang kasi mahirap naman makipag talo sa magulang.kungbaga parang napasubo na ako.iniisip ko na lang at least masagana ang buhay nila. samantalang d nila alam na nagtitiis ako d2 kahit malungkot at nagtitipid para lang sa kanila.
carla
02-12-2007, 01:34 PM
maki share na rin po, 4tao budget sa isang buwan DAME DESU, electic bill palang namin umaabot na ng 7tao, pano pa kakain pamilya sa pinas kung tutuusin sobrang laki na nga pinapadala ko sa pinas kulang parin po. lalo na ngayon baba ng Yen kakainis.... sana tumaas uli ng 5tao, para masaya mga ka TF...
Autumn
02-12-2007, 10:27 PM
Kasya yun sa ibang tao..depende naman kasi sa life style.,ang tao naman kayang pagkasyahin kung magkano lang meron sila..marunong silang magtipid dahil alam nilang konti lang pera nila..di katulad ng alam nilang may taga bayad .syempre keber ba nila magtipid.katwiran nila hinde naman sila mahihirapang magbayad ..
EllahMauiMar
02-13-2007, 12:29 AM
talaga proud me sobrang bait ko talaga sa madir ko pati si hubby .........yun nga lang oo naiiintindihan ko si madir, kaya lang ako never nyang naintindihan kasi hindi paborito e......kaya lahat ng magagandang bagay na ginagawa ko sa kanya di nya nakikita....yung mga mali lahat memoryado nya.....pero okey lang yon ang akin e ganon pa man magulang ko pa rin sila.....salamat pa rin kahit papaano.......ganyan ka-drama buhay ko proud me........life na life talaga.......
lam mo emyken naiintindihan kita, to d max. ganyang ganyan din sitwasyun ko ke madir. pero d natin matiis, noh? parang guilty pa nga tayo pag minsan diba? hay, ganyan talaga cguro. kaya naman lagi tayong bless ni Lord.:)
EllahMauiMar
02-13-2007, 12:37 AM
he.he.he. hindi naman proud me, magastos nga ako e:) ..kaya medyo pinadadagdagan ko yung budget namin sa bahay, pero sa 3lapd na yan me jupit na akong konti in a month, mga 2-3千円, naiipon ko yan, secreto ko yan sa asawa ko, nabuko nga lang ako one-time kasi natapon yung kape nya, nakita nya sa ilalim ng carpet yun ipon ko, kasi pinunasan nya hanggang ilalim....ngayon sa rubber shoes kong hindi ginagamit ko na tinatago..medyo malaki rin kapag naabutan ako ng 5千 or 1万円 ng F.I.L. ko., kakuntsaba ko si F.I.L. na wag sabihin, ang point ko naman, kailangan namin ito komaro toki di ba?
Alam mo proud me bilib talaga ako sa nanay ko, sa private school nagaaral ang anak ko, di ko nga alam pano nya naba-budget yun 3lpad....nag umpisa lang sya sa 10 LPG gas, pinahiram lang sya ng kamag-anak namin ng tank, tapos nasundan ng miniral water, tapos sinundan ng mga rekados sa kusina, tapos ngayon, sari-sari store, me softdrink na, nagtitinda pa sya ng ulam..araw-araw nag ti-text pa sya, kung ano ang niluto nya, minsan binibiro ako, kung oorder ba ako!?:D matulungin din ang nanay ko, kaya lang sa kamag-anak lang namin, ewan ko bilib ako talaga ako sa nanay ko.:)
alam mo inday ang swerte mo sa nanay mo.:) stay happy:) pero sobrang bilib ako dun sa pinay na pwede raw ang 4000 na budget. para naman siyang adik! hehehe:D
proud me
02-14-2007, 08:04 AM
Kasya yun sa ibang tao..depende naman kasi sa life style.,ang tao naman kayang pagkasyahin kung magkano lang meron sila..marunong silang magtipid dahil alam nilang konti lang pera nila..di katulad ng alam nilang may taga bayad .syempre keber ba nila magtipid.katwiran nila hinde naman sila mahihirapang magbayad .. ako sansei din ako dito.:D ...siguro kahit dito naman diba?....pag-maliit ang income napag-kakasya naman sa level na income rin nayon namumuhay....kung malaki ang income sa ganong level din namumuhay....kaya siguro yong 4000pesos sa ganun lebel din siguro namumuhay sila o siya dahil wala naman pinagbabatayan kung ilang katao ang namumuhay don sa 4000pesos na sinabi.:p :D....tama!...kung meron naman taga-bayad at taga bigay ng gustong luhong pamumuhay...anu nga ba keber nila sa budjet..at bakit sila magtitiis i-budjet ang 4000pesos diba?!....itsura lang ng 4000pesos nayan sa mga ganun people....
@carla 7thousand bill nyo sa kuryente:eek: ang mahal! isang buwang sueldo na yan sa pinas, sa amin 5hundred pesos ang kuryente pag umuuwi lang kami sa pilipinas umaabot ng 1thousand kase gumagamit ng microwave at paminsan minsan 1 hour bago matulog bubuksan yung pampalamig sa kuarto.
kuryente naman namin dito sa japan nasa 4~5seng yen, pag summer medyo tumataas pero di parin umaabot sa 1 lapad.
tyak hindi adik yung nagsabi ng 4thou a month ang budget nila kase kung adik yun hindi kasya ang 4thou sa bisyo pa lang nya:rolleyes:
Inday_36
02-14-2007, 09:31 AM
hello kaTF @inday_36... now ko lang nakita itong sinulid na to nag enjoy ako talaga ng husto binasa ko lahat from start till end.. ...
salamat miyuki san:) hirap talaga kapag me negosyo ka sa pinas at hindi mo personal na naaasikaso, ganyan talaga ang sasakyan kailangan nakabukod ang gastos para sa maintenance, masakit din sa ulo kapag ang driver mong nakuha ay walang malasakit sa sasakyan, naranasan ko rin yan noon, tricycle nga lang.. ang ibang driver kasi, basta kumita lang sila wala na silang pakiaalam, ke idaan pa nila sa lubak yang sasakyan, tapos syempre umaasa ka sa kikitain araw-araw ng sasakyan, tapos me araw pa na di nag aabiso ang driver na hindi maipapasada ang sasakyan, kaya yung tulog ang negosyo.. sakit talaga ng ulo yan..
Kasya yun sa ibang tao..depende naman kasi sa life style.,ang tao naman kayang pagkasyahin kung magkano lang meron sila..marunong silang magtipid dahil alam nilang konti lang pera nila..di katulad ng alam nilang may taga bayad .syempre keber ba nila magtipid.katwiran nila hinde naman sila mahihirapang magbayad ..
naku sinabi mo pa Autumn san, maraming ganyan sa pinas., kesehodang lumustay ng pera, oo nga naman di naman sila ang naghihirap mag bayad:)
pero sa P4000 na budget/mo. malabo talaga, ang mahal ng bilihin sa pinas ngayon.
alam mo inday ang swerte mo sa nanay mo.:) stay happy:) pero sobrang bilib ako dun sa pinay na pwede raw ang 4000 na budget. para naman siyang adik! hehehe:D
oo EllahMauiMar mula ng isinilang ako talagang swerte ako sa nanay ko:D at very proud talaga ako sa kanya!:) bout sa madir mo, minsan kuwentuhan mo rin sya na mahirap kumita dito sa japan, maiintidihan din nila yun.. kaya lang naman tayo nakakaramdam ng guilt, kasi syempre hinahangad din natin na mabigyan sila ng maalwan na buhay, sabi nga kung sino pa yung hindi paborito sa pamilya yun pa ang mas maraming naitutulong, tama ba ako?:)
@carla grabe naman yang electric bill nyo sa pinas!:eek: koryente lang ba sa bahay yan? or me negosyo pang kasama? kasi kami P1300+ pero 2 kasi yung ref. para sa tindahan yung isa...pero kung malaki ang bahay nyo at family at nasa exclusive subd. kayo, siguro ganyan nga ang gastos:)
*thank you sa inyo sa pagbuhay uli ng thread*
Splendid
02-15-2007, 12:31 AM
Depende talaga siguro sa lifestyle. Ako kasi kaya kong pagkasyahin ang 4000 pesos sa isang buwan nong nasa Pinas ako. Siguro dahil nasa probinsya kami at sanay talaga sa simpleng buhay. Kuryente mga 500/month lang kasi di ako mahilig sa TV. Sa pagkain naman di masyadong kumakain mga anak ko ng karne, mas favorite nila gulay.Walang katulong kasi nahihiya akong mang-utos. Di naman sa nagtitipid or walang budget, siguro dahil sa sobrang hirap namin noon kaya malaking bagay na sa akin ang 4000 pesos:)
Inday_36
02-15-2007, 08:14 AM
Galing mo naman magbudget @Splendid, pero depende siguro sa probinsya, sa amin sa bulacan, probinsya din pero mahal na talaga ang bilihin., walang pinagkaiba sa presyo ng manila, minsan mataas pa nga kasi, nanggagaling pa daw kasi sa balintawan market ang paninda.
Splendid
02-15-2007, 07:57 PM
Galing mo naman magbudget @Splendid, pero depende siguro sa probinsya, sa amin sa bulacan, probinsya din pero mahal na talaga ang bilihin., walang pinagkaiba sa presyo ng manila, minsan mataas pa nga kasi, nanggagaling pa daw kasi sa balintawan market ang paninda.
Sa amin kasi hindi lahat binibili. Especially vegetables kasi mahilig akong mag gardening. Di rin ako nanonood ng TV, pag sunday lang Da Buzz:D kaya tipid sa kuryente. Walang cellphone dahil may telepono naman sa bahay pag tumawag asawa ko. Kaya siguro ok na sa akin ang 4000pesos. Pero syempre pang-shopping iba:)
vBulletin® v3.8.1, Copyright ©2000-2010, Jelsoft Enterprises Ltd.