PDA

View Full Version : ...がん


Inday_36
01-22-2007, 01:44 PM
Lately pabalik balik ako sa Hospital para sa asawa ko. Aalis sana ako kanina, kaya lang tumawag sya na wag nalang muna akong tumuloy at mag pahinga. Ang sabi nya ang result ng examination nya is positive sa ”がん” ... naiiyak ako sa result, pero sabi nya wag daw ako mag-alala kasi, kakayanin naman daw ng operation. Ano ba talaga ang definition ng ”がん” sa japan? Cancer? tumor? Kanina pa ako nag susurf sa net kung ano talaga ang definition ng Cancer and tumor...Please I need your explaination with the word gan..


inday

nikkichibi
01-22-2007, 01:56 PM
inday ang がん po ay cancer ,

Cancer refers to any one of a large number of diseases characterized by the development of abnormal cells that divide uncontrollably and have the ability to infiltrate and destroy normal body tissue. Cancer can spread throughout your body.


tumor
Tumors are a dense collection of cells that are created when the orderly process of cell division goes out of control and cells begin to multiply to quickly. When a person is diagnosed with having a tumor in some part of the body, tests will be done to determine if it is either benign or malignant.

wag ka ng umiyak ksi sabi ng hubby mo ay makukuha naman sa operation , kaya magtiwala ka sa mga doctor at ky lord na gagaling ang hubby mo.:)

palangga
01-22-2007, 02:08 PM
hi inday 36!!:) :)

hwag kang mag alala kase di lahat nagkakasakit ng gan ay namamatay..
ganyan din ang sakit ng boss ko dati pero pagkatapos ng operation,thanks god ngayon ay magaling na sya...:)

magpakatatag ka lang at magdasal,alam ko na gagaling din ang asawa mo..

high tech ang japan kaya dont worry darling...
isasama kita at ang asawa mo s mga prayers ko:) :)

cute_pinay79
01-22-2007, 06:44 PM
What a sad news...:(

Sistah! you never see me talking in serious topics, but this time, let me show you the serious side of me...

Gaya ng comment ng mga naunang ka-TF ntin, trust what your husband says... Bka nman di pa gnun kalala... I dont have much idea about that said sickness, but Im really scared of it... But all I know is... you must trust God above all... proven ko na yan sa lahat ng unos na pinagdaanan ko... Im not active in church but Im very close to God on my own way.... I believe na kpag lumapit ka sa knya, di ka mpapahiya... PRAYERS really help a lot!

freegirl
01-22-2007, 07:00 PM
Inday_36 tatagan mo na lang ang loob mo. Just pray to Our Almighty God Above who always guide and protect us in all hardships in life. Case to case naman daw ang Cancer meron naman curable, kaya di ba nga nasabi ng asawa mo na kakayanin niya ang operasyon ibig siguro sabihin nun di naman siguro ganun kalala ang sakit niya.

summergirl
01-22-2007, 08:24 PM
Sorry to hear this kind of news specially sa mga mahal sa buhay ng mga kababayan natin.There are different kinds of Cancer,at wag kang mag-alala kaya ng gamutin ang cancer ngayon thru operation at iyong iba naman thru laser lang nakukuha.Just keep on praying ,God is always guiding us ..kaya wag kang mawalan ng pag-asa..kayang-kaya mo iyan dahil all Filipinos were Fighters..We will Pray for your husband .

adechan
01-22-2007, 08:25 PM
caught my attention,

ang alam ko maraming klase nang gan

at may mga level and stages.

may accute at may maaagapan pa,

let us just pray talaga na maging successful ang magiging operation at wala na ulit tumubong cell na gan infected.

docomo
01-22-2007, 08:34 PM
naku si inday ko malungkot.. :(

... be positive ha.. by stages yan, kaya ooperahan kasi makukuha pa yan sa ganyang procedure.. keep the faith .. :)

neneng
01-22-2007, 08:42 PM
Inday 36, nakakapanghina yong news para sa iyo pero huwag mawalan ng pag-asa, gagaling at gagaling ang iyong dear husband. Nasa atin pa kasi yang mentality na when we hear sakit na "cancer" eh may taning na agad ang buhay ang iisipin natin. As others said, sa ngayon cancer is already curable depende sa stage ng cancer. Since your husband told you na madadala pa naman sa operation yong kanyang sakit, the best thing you could do now is give him your best attention para mas mababilis ang kanyang recovery:) and of course huwag kalimutan yong nasa ITAAS.

proud me
01-23-2007, 12:07 AM
Inday36...ang lungkot naman neto...:(
nasabi narin ng mga ka-Tf natin yong iba...
mas kailangan maging positive ka talaga lagi...isipin mo lagi malalampasan nyo rin yan...wag matakot nandyan si God hindi niya kayo pababayaan...

emyken1423
01-23-2007, 10:06 AM
HI inday_36 nalungkot naman ako........basta mag pray ka lang saka sasama din kita sa mga panalangin ko pati ng hubby mo.........huwag kang mag alala ganyan din yung sa uncle ko nung una sabi ng doc may cancer nga daw .....tapos iyon na operahan sya mag to-two years na ngayon since na opera sya.......and thank god okey na sya nalampasan naman nya kahit papaano.......kaya tawag ka lang kay God........alam mo naman mahal na mahal nya tayo.....love you,girl!

love0308
01-23-2007, 11:32 AM
Siguro po nasagot na nila tanong mo dont worry just pray to God ok?:)

Inday_36
01-23-2007, 11:50 AM
Salamat po sa lahat, :cry: naiiyak ako sa encouragement and prayers na ibinigay nyo. I'm so blessed na maging part ng ganitong forum at mag karoon ng mababait na kaibigan.


Okey lang po ang husband ko, di na rin ako worried gaya kahapon, bale schedule nalang po ang inaantay namin para i-under go sya by laser operation. Base sa pag uusap namin kahapon, meron syang gall stone (ishi or bato) sa tube papuntang gall bladder (nasa baba po un attachment) ito pala po ang cause ng sobrang sakit ng tiyan nya, nasabi nya rin kahapon na "chotto kuwaii na~", kaya pareho kaming medyo natigilan, kaya iniba ko po ang topic, tinanong ko naman ang result ng inimon nyang camera, yung がん, sa bandang likod daw po ng papuntang small intestines, kaya binaliktad ko yung papel at sabay sabing, "nani mo nai ya~!" at um-Action at sabay sabi ng "SAFE" tulad sa baseball, kaya binatukan ako.. pinapatawa ko lang ang asawa ko, kasi bigla kong naisip na di pala ako dapat maging emotional para lumakas din ang loob nya. Di narin po ako nag-alala kasi makukuha rin sya ng laser operation..19 years ago, tinanggal din po pala ang pancreas nya dahil din sa gall stone. Siguro kung hindi lang high technology ang bansang Japan, baka maubos ang laman loob ng asawa ko, sa kaoopera.:D

Kahit pala paminsan-minsan gusto kong lamutakin ang mala-monay na mukha ng asawa ko sa inis, pag dumarating pala ang ganitong pag subok, nandoon parin yung pagpapahalaga. Mahal ko pala ang asawa ko...hehehe.. narealized ko lang..:D:bonk::p

Pasulpot-sulpot nalang po muna ako sa TF. .. Salamat pong muli...Akoy magbabalik para kumawaii!:wave:



inday

neneng
01-23-2007, 12:06 PM
buti naman at well explained na sa iyo ang sakit ng dear husband mo. Ako rin last year , i had a laser operation (laparoscopic cholcystectomy) dito sa japan. My gall bladder was removed dahil nga may gall stones and here i am okey na okey naman inspite of the fact na that was my third major operation. Marami na ring natanggal sa aking beautiful body:p Keep on praying and extra care is much needed during the recovery stage.

ichimar
01-23-2007, 01:24 PM
natatawa ako talaga sa iyo mare......pero wag kang mag alala,maayos din yan.....good luck sa operation...at wag makakalimot dumalangin sa itaas....:)

barabara
01-23-2007, 02:33 PM
inday36, okey lang kasi iyan din ang naging sakit ng asawa ko nakuha sa katawan niya 2 malaking ISHI, ganyan tulad sa asawa mo..samahan mo ng dasal na sana di siya mahirapan sa operasyon..:) :love:

Inday_36
01-24-2007, 09:28 AM
Sa lahat ng mga kaibigan kong nag bigay ng prayers, advices, ang sharing there experiences.. Maraming Salamat po.:) :kiss:

michiko
01-24-2007, 09:37 AM
Sa lahat ng mga kaibigan kong nag bigay ng prayers, advices, ang sharing there experiences.. Maraming Salamat po.:) :kiss:
mabuti naman po at ok ka na inday san..basta keep praying and wag mawawala ang trust sa taas..makakayanan nyong mag asawa ang pagsubok na yan..:)