PDA

View Full Version : Mister na mahilig sa porno

Philipinessa
01-23-2007, 10:35 AM
Ohayo mina sama! :)

I am new here pero sasamantalahin ko na ang pagkakataong ito para makakuha ng opinyon, payo o kahit anong hinuha mula sa mga kababayan ko, lalo rin sa mga MISTER dito.

Tatlong taon ko halos boyfriend itong si Mister ko at nitong 2005 lang kami nagpakasal. Simula`t sapol ~ tahimik, matalino, at seryoso ito sa buhay. Masaya naman kaming nagsasama, walang problema kahit talagang tsumetai minsan eh okhay lang dahil ini-intindi ko na lang sya bilang asawa nya. Siguro talagang ganito lang silang mga Nihonjin.

Ngunit datapwa`t ganito eh wala akong reklamo, siempre meron at ito nga ang aking ishe-share sa inyo. MAHILIG si MISTER sa PORNO. Ma-DVD, VHS, Comics, Mags, Internet Sites, etc etc pa...pero wala sa mukha nya dahil kagalang-galang nga ika nga. At ni sa mga salita nya eh walang bastos na nalabas...pero hindi rin naman sya maniac pagdating sa akin. Tsumetai nga eh :p :rolleyes: zannen! (joke po) at ni hindi ko rin sya nakikitang nanunuod, pero! may nadating namang mga packages mula sa mga online shops na DVD at mags, at pag chinecheck ko PC nya pag nasa office sya eh grabe to the max ang daming PORNO!!! Gusto kong burahin pero mahuhuli nga akong pinakelaman ko ang PC nya di ba...kaya tamang deadma ako na kunyari eh walang alam.

Hay, tinanong ko naman sya tungkol dito pero sabi nya eh, wala daw yun. Bakit kaya may mga lalaking ganito kabayan? Ano ba ito? Naturalesa ba talaga ito ng lalake? Frustration? Desires? Fulfillment? Pero sa totoong buhay naman namin hindi sya maniac, buti nga kung maniac sya sa akin no, eh TSUMETAI nga! Sa utak lang ba ito??? Hindi ko na maintindihan minsan, nagseselos ba ako o naiinsecure? May itsura naman ako hehehe at sexy pa rin (yabang). Seriously, ano gagawin ko? Isa-sawalang bahala ko na lang ba ito? Totoo ba na mas mabuti na yung ganito "raw" kesa nambabae? Sus eh malay ko pa...

Hay sana eh may makuha akong mga hinuha mula sa inyo ka-TF lalo na sa mga MISTER dito.

Yoroshiku :D

Saling Pusa
01-23-2007, 10:58 AM
Malamig si mister sa iyo pero mahilig sa PORNO! Meron ngang psychological problem siya. :(
Para mabigyan ng karampatang payo ay dapat mo munang sagutin ang mga tanong na ito:
(1) Ano ang ibig mo sabihing tsumetai si Mister? Gaaano kayo kadalas mag-sex? Baka naman
type mo araw-arawin? Ano ang ibig mong sabihin tsumenai?
(2) Ano ang ginagawa niya sa porno materials? Nanunuod lamang ba siya?:p
(3) Siya lamang ba ang nanunuod ng porno or ito ay shared sa ibang tao? :eek:
(4) May mga kaibigan ba siya o siya ay introverted?

O sige yan muna at base sa iyong mga sagot ay malalaman natin ang estado ng iyong mister at kung paano ito masosolusyonan.;)

Philipinessa
01-23-2007, 11:06 AM
diahe ako ngayon hihihi :O hindi ko naman po sya pinupwersa...:D mabuti nga kung mahilig sya, eh malamig nga. palay na nga ang nalapit, mabango naman ako sobra pero ewan ko ba, talagang di ko maipaliwanag. tsk tsk tsk...hindi ko naman sya nakikitang nanunuod pero malay ko nga pag wala ako di ba. may mga friends po sya, may mga pamilya na rin. mga DVD nya eto naka-kahon, mga treasure daw nya yun! Ngali-ngali ko ngang itapon na..pero baka magwala, mahirap na. Mga magazines pautik-utik tinatapon ko hehehe di nya alam... meron ba talagang tao na mahilig sa porno pero hindi mahilig na gawin? getch?:D

wonderKulit
01-23-2007, 11:14 AM
Hi Philipinesa! noon ganyan din ang laging tanong ng aking utak. di maiwasan ang maghinala kong bakit mahilig sila sa ganyan. mahirap ipaliwanag pero napapag-aralan mo na lang.May mga bagay na di lang sa panlabas ( sayo sa mukha o kaya sa katawan mo) na bagay sila naaakit ika nga meron muna silang libangan o kaya panahon bago pagtuunan ka o kong pede na sya sa parteng ganon. :D teka ha, medyo maaga pa yata sa usapang ganito...di pa masyado lumilipad sa heaven ang utak ko :D mamaya na lang ulit (:p kung makakabalik pa ko) :D tanong mo kaya sa mga Boys. :D Sigurado ako maraming maisasagot lalo na sa problema mong ganyan! :D split muna ko...

Philipinessa
01-23-2007, 11:17 AM
Hi Philipinesa! :D teka ha, medyo maaga pa yata sa usapang ganito...di pa masyado lumilipad sa heaven ang utak ko :D mamaya na lang ulit (:p kung makakabalik pa ko) :D tanong mo kaya sa mga Boys. :D Sigurado ako maraming maisasagot lalo na sa problema mong ganyan! :D split muna ko...

Hahaha honga eh, pasensya na napaaga ako...sana makabalik ka :D Sa mga mister ko nga rin tinatanong dito at siempre sa mga misis na rin na gaya ko, kung ano ang tingin nila dito sa aking sitwasyon. :O

summergirl
01-23-2007, 11:58 AM
what wrong watching porno's ?,malay mo dear getting some tehnics sya doon,You should be proud of that..Masama lang kung satisfied na sya while watching porno,Than making flirt with you.Why don't you ask your husband para maintindihan mong lahat.Pero i think hindi sya masabi kung ano ang nasa loob nya dahil nasa adjustment period pa lang ang relationship nyo.Pasensyahan mo na sya ,hindi naman mag-kapareho ang babae at lalaki,tayong mga babae kahit walang sex ok lang.Are you?

Saling Pusa
01-23-2007, 11:59 AM
Medyo malabo pa rin ang profile ni Mister. Bilang Psychologist, para matulungan kita at dapat kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng tsumetai ni Mister kasi possibleng sorbra naman pala ang hilig mo sa sex at si Mister ang normal:p .Posibleng wala siyang problema at nasa iyo ang problema!

Pwede ring si Mister ay mahilig magparaos mag-isa kapag nanunuod ng porno at dahil dito ay wala ng gana sa iyo? :rolleyes: Ang mga bagay na ito ay may kunekyon sa description na ibabahagi mo. Sinimulan mo ang thread na ito at mga hiya hiya ay itabi dahil hindi naman nakaadvertise ang picture mo rito!;)

diahe ako ngayon hihihi :O hindi ko naman po sya pinupwersa...:D mabuti nga kung mahilig sya, eh malamig nga. palay na nga ang nalapit, mabango naman ako sobra pero ewan ko ba, talagang di ko maipaliwanag. tsk tsk tsk...hindi ko naman sya nakikitang nanunuod pero malay ko nga pag wala ako di ba. may mga friends po sya, may mga pamilya na rin. mga DVD nya eto naka-kahon, mga treasure daw nya yun! Ngali-ngali ko ngang itapon na..pero baka magwala, mahirap na. Mga magazines pautik-utik tinatapon ko hehehe di nya alam... meron ba talagang tao na mahilig sa porno pero hindi mahilig na gawin? getch?:D

Philipinessa
01-23-2007, 12:12 PM
Medyo malabo pa rin ang profile ni Mister. Bilang Psychologist, para matulungan kita at dapat kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng tsumetai ni Mister kasi possibleng sorbra naman pala ang hilig mo sa sex at si Mister ang normal:p .Posibleng wala siyang problema at nasa iyo ang problema!

Pwede ring si Mister ay mahilig magparaos mag-isa kapag nanunuod ng porno at dahil dito ay wala ng gana sa iyo? :rolleyes: Ang mga bagay na ito ay may kunekyon sa description na ibabahagi mo. Sinimulan mo ang thread na ito at mga hiya hiya ay itabi dahil hindi naman nakaadvertise ang picture mo rito!;)

sorry kung malabo profile ni mister ha :p ... Psychologist ka pala, tamang-tama. Hindi naman "sobrang" hilig ko sa sex no! Normal lang sa aking pakiramdam dahil hindi ito araw-araw, tsaka siempre normal lang magpakita ng needs pero laging rejection ang nakukuha ko, hay. tsumetai si mister, walang imik, zutto nasa PC kahit kausapin mo, iimik lang ng konti...gagawin ang trading nya, minsan parang feeling ko eh isa akong pader. pagod daw! pero zutto as in nakatutok sa PC, trabaho daw pero pag chineck ko PC, yun nga wala namang mga wenta ginagawa, Porno, stocks, auctions etc blah blah blah

Di ba eh may needs naman din kaming mga babae? Hindi naman ako mahilig manuod ng mga porno at hindi rin naman ako magsasarili no para makaraos lang..siempre gusto ko eh Mister ko. Pero nakaka-frustrate kasi nga, ayaw nya..baliktad grabe! Bata pa naman ako at sya rin pero bakit wala sya gana? Pero may duda rin ako na nagsasarili ito..pero hindi ko talaga maintindihan Saling Pusa...tinatanong ko naman sya ng maayos pero walang sagot na maayos.

:(

Hiya ako siempre kasi baka may maka-mis-interpret sakin..pero tama ka, talagang sinimulan ko ito kaya papanindigan ko.. :D

Splendid
01-23-2007, 12:52 PM
Share na rin ako base on my experienced. Nahuli ko rin ang Mister ko nanunuod ng PORNO sa net siguro tatlong beses ko syang nahuli, at laging promise na di na nya uulitin. Ang di ko lang matanggap, pagkatapos nyang manuod kinakalabit ako. Parang feeling ko di na ako desirable at baka nagsawa na sa akin kaya kailangan nyang munang manuod ng PORNO. Malaki ang naging epekto sa akin. Ngayon wala na akong gana tumabi sa asawa ko. Di na sya nanunuod pero di pa rin maalis sa isip ko yong ginawa nya. :mad:

Philipinessa
01-23-2007, 12:59 PM
Parang feeling ko di na ako desirable at baka nagsawa na sa akin kaya kailangan nyang munang manuod ng PORNO. Malaki ang naging epekto sa akin. Ngayon wala na akong gana tumabi sa asawa ko. Di na sya nanunuod pero di pa rin maalis sa isip ko yong ginawa nya. :mad:

Masakit at insulto sa pagkababae ko rin ang ginagawa ni Mister. Hindi naman ako losyang talaga as in bata pa, 29 lang. Bakit kaya ganito? Feeling ko rin talaga eh wala na akong kwentang asawa eh, useless kumbaga...ang gulo...gusto mo namang kuhanin ang loob nya pero may mga lalake talagang ayaw magsabi ng nasasa loobin. :( Ginagawa ko naman lahat at gagawin pa rin ang lahat para madiskubre ito at matuto..

Saling Pusa
01-23-2007, 02:00 PM
Nauunawaan ko ang iyong damdamin dahil sa reakyon ng asawa mo sa iyo at ang
paggamit niya ng Porno.. nakakasira ito sa relasyon ng mag-asawa ayon sa mga
pag-aral na sinaliksik ng mga sikolohista.

Ilang katanungan para maunawaan ko ang iyong problema at para makapagbigay ako ng tamang payo:

(1) Ilan taon na si Mister?
(2) Ilan taon na kayong mag-asawa? May asawa ba siyang dati?
(3) Saan ka niya nakilalala?
(4) Siya ba ay extrovert o introvert na tao?
(5) May anak ba kayo?
(6) Ano ang mga activities na enjoy ninyong gawin together? :)

csbaby
01-23-2007, 02:33 PM
maganda tong thread na ito,btw,ganyan po dati ang asawa ko halos kakaongin nya ako hehehe:D kong sa halaman pa lanta na ako diligan mo naman ako.mister ko rin mahilig nya dati ang nakita ko pa nagsasarili sya tawa ng tawa ako sa harapan nya as in HIYA sa sa akin.alam mo ba sis ang ginawa ko lahat sa bed with matching toys.pinag aralan ko po talaga kaya ngayon si mister ko now sya na yong nagyaya sa akin pero ako na namn minsan ang umaayaw kasi napapagod ako heheheh.baka ma ban ako dito:D yan lang po muna ang share ko sayo bitin epek ba...ty:)

Tarena314
01-23-2007, 03:24 PM
maganda tong sinulid nato..,magandang pagkakataon na ito para mapag usapan natin..,hi hi hi:D ako may pagka mahiyain pa ako..,kahit sa mga close friends ko, hindi ako basta nagkukwento pagdating sa buhay naming mag asawa eh..,gusto ko tahimik ang pribado kong buhay,lalo na pagdating sa sex life namin, feeling ko nakakahiya talaga eh..,pero masaya naman kami at kuntento pagdating sa mga bagay na yan ..,kaya nga lang, may mga pagkakataon na gustong makarating sa langit ng mga lalaki sa ibang paraan eh..,kailangan maunawaan nating mga babae yon.., hal..,yung magsarili sila, manood ng VHS or sa internet ,may mga porno magazines pa dyan sa paligid..,basta marami pa..,ganyan din dati ang asawa ko,pero no comment ako..,kaysa mambabae ,palagay ko mas mahirap na problema yun.., very open sakin ng asawa ko, sa kanya ako natuto ng maraming bagay.,minsan nga harapan pa sya kung mag sarili eh..,ok lang sakin, don sya maligaya eh.., sabi ko sa kanya sige tulungan na kita para hindi kana mahirapan pa..,wahhhhh..,!! baka ma banned ako nito..,DIYOS ko po patatawarin nyo po ako..,hontoni gomennasai:bowdown:

Saling Pusa
01-23-2007, 03:55 PM
Ang SEX ay hindi dapat ikahiya. Ginagawa ito ng normal na tao pero ayaw pag-usapan. Normal sa mag-asawa ang SEX at normal ito sa marriage at hindi lang para sa lalake para rin ito sa babae. Kaya kapag lalake lamang nagpaparaos mag-isa ay hindi "normal" ito sa kontekto ng kasal. Makasarili siya!

Philipinessa
01-23-2007, 05:06 PM
Ako eh nagbalik mula sa aking pamamalengke at nabasa ko nga ang mga reply ng aking mga kapwa MISIS. Ako eh nagtawang magaleng dahil nahuli ko rin itong si MISTER na nagsarili pero TANGGING magaleng! Ako eh may sa reyna ng mga ilong dahil amoy ko lahat, at pati toilet siempre ako naglilinis so alam ko ang mga nangyayari dito at daig ko pa imbestigador sa mga nakikitang kung anik anik dito. Pero pandi TANGGING magaleng...huli na eh tanggi pa! :mad:

Hindi naman talaga ako tutol sa pagpunta nya sa mga PORNO sites or kung ano mang anek anek basta ba naman gampanan nya ang tungkulin nya sa akin bilang asawa ng tama. Isang taon pa lang kaming kasal pero parang feeling ko eh 40 yrs na! Punong-puno ako ng pagmamahal nga pero EL NINO naman ako pagdating sa init nya. Masakit lalo na`t kailangan ko rin naman ito... :( Maganda nga sana kung nakuha sya ng technique eh kaya lang ALA, NAI, WALA...as in BOKYA! Minsan ha, naaawa na ako sa sarili ko... :(

Si Mister ay 32 years old lang.
Nagkakilala kami sa IT company na pinagtratrabahuhan ko dati.
Wala pa kaming anak.
At ako primera nyang asawa.
Isang taon palang kaming kasal.

Hay ewan ko talaga kung ano solusyon dito...subukan ko namang reypin kaya lang baka matulak ako nakakahiya di ba? hahahaha :D

Ka TF baka kaya mapagalitan ako dito o mapulis? Bawal ata ganitong thread dito eh..sorry po.

docomo
01-23-2007, 05:22 PM
I think guys (or girls) who prefer to watch porn rather than do the real thing with their other half have a problem, and I think that problem should be addressed because either their relationship isn't healthy in some shape or form, or they have a major addiction to it and they need help.:)

Philipinessa
01-23-2007, 05:36 PM

Yes this is a SERIOUS problem for me kasi baka dumating ang time ako na mawalan ng gana or love sa kanya. Sometimes I am thinking porn gets him into the habit of objectifying women, which makes him careless of my feelings. Sometimes we argue~ that! it is a man's right to do porn "daw" and that! it is part of man's make-up to look at women and get excited. But its a lame excuse! Andito naman ako eh, yun nga lang di ganong kalaki! :p Eto at nagbibiro na naman ako....Kidding aside and obviously, hindi naman necessary for the survival of the human male ito di ba mga MISTER? And it's not preventing th em from straying elsewhere.

:rolleyes:

Dax
01-23-2007, 05:59 PM
I think guys (or girls) who prefer to watch porn rather than do the real thing with their other half have a problem, and I think that problem should be addressed because either their relationship isn't healthy in some shape or form, or they have a major addiction to it and they need help.:)I think you are right doc - problema ito. Kung nandyan lang naman si misis pero panay pa din ng porn ni mister, baka...

1. he doesn't want to do it with his wife
- but he loves her and doesn't want to do it with other women :halo:
- because he does not love her but can't do it with other women :p

2. he can't do it with his wife
- because he somehow views her as a mother figure, and not a sex partner anymore :(
- because the wife is sick and can't have sex :O

At marami pa sigurong iba. Pero kung papipiliin ang isang misis: mambabae ang mister nya o mag-porn alin kaya ang pipiliin? :confused:

Kung nagmamahalan naman ang magasawa at wala namang sakit, sana SABAY na lang sila manood, gayahin nila, o mag-imbento ng sariling ano di enjoy pa!:D

docomo
01-23-2007, 06:10 PM
I agree Dax :)
I see no harm in it provided both people are comfortable with it. If it adds a bit of spice to your relationship, then fair enough... stop na tayo .. baka kung saan mapunta :p

dcat
01-23-2007, 06:42 PM
Kung nagmamahalan naman ang magasawa at wala namang sakit, sana SABAY na lang sila manood, gayahin nila, o mag-imbento ng sariling ano di enjoy pa!:D

I agree Dax :)
I see no harm in it provided both people are comfortable with it. If it adds a bit of spice to your relationship, then fair enough.

Hi mods!:)
Are you two suggesting that maybe Philipinessa should start watching porns with her husband? Maybe it's a good idea - if you can't beat him, join him. :D

TR250
01-23-2007, 07:02 PM
Boys will be boys at di magbabago yan. Pag nagbago ay duon ka matakot.

Saling Pusa
01-23-2007, 08:44 PM
Boys will be boys at di magbabago yan. Pag nagbago ay duon ka matakot.
Where are you coming from? :confused: Do you mean that boys have the license to do things which are psychologically unhealthy or "disgusting"? The statement might to be too loaded justifying "some behaviors" because of gender! :rolleyes:

Saling Pusa
01-23-2007, 08:49 PM
Hi mods!:)
Are you two suggesting that maybe Philipinessa should start watching porns with her husband? Maybe it's a good idea - if you can't beat him, join him. :D

The long-term psychological devastion of the effect of Pornography is too dangerous to suggest that! Research studies will show that pornography is never healthy to the
sex life of any couple even they thought it enhances their sexual satisfaction.:eek:

dcat
01-23-2007, 08:58 PM

Hullo Saling Pusa!
Really? Thank you for your informative post. Actually, I dunno anything about such researches, and will be glad to read them if you could fill us in on where to get them.
Mind you, men are not the only ones who like to watch porns. As far as Japan is concern, it seems to me that women equally like watching porns. :)

Saling Pusa
01-23-2007, 09:09 PM
Maybe you can start with this report: Pornography: The Deconstruction of Human Sexuality http://www.nationalcoalitio n.org/culture/articles/ca050124.html

TR250
01-23-2007, 10:04 PM
Where are you coming from? :confused: Do you mean that boys have the license to do things which are psychologically unhealthy or "disgusting"? The statement might to be too loaded justifying "some behaviors" because of gender! :rolleyes:

It might be disgusting for you but it's a "way of life" for me and I don't need a license to do pshychologically unhealthy or disgusting stuffs... I just do it anyway :D I havn't heard of a law that prohibits looking at porn or a law banning jerking-off... You can call it the gender crap or whatsoever but its your call.
I'm a nice guy so I even share my porn collection to my wife and to some of my closest friends (male and female)... and I have even recieved several kinki e-mail photos from some of my lady friends (my cell phone is full of it).
It is very normal for me and my friends to look at porn and we are very mature about it. We don't stick our darts to every board in the neigborhood... but sometime we do get lucky.
You were asking where I'm from... I'm from Kyoto... Just relax OK.
I'm psychologically ill.... awww!!!

Philipinessa
01-23-2007, 11:17 PM
Everybody relax...
inhale, exhale...
lets make this sharing healthy and nice...
SMILE :D

Oyasuminasai mina san. Tulog na ako at marami pang trabaho bukas...tamang kiss na lang kay MISTER :p

fisher
01-24-2007, 12:10 AM
It might be disgusting for you but it's a "way of life" for me and I don't need a license to do pshychologically unhealthy or disgusting stuffs... I just do it anyway :D I havn't heard of a law that prohibits looking at porn or a law banning jerking-off... You can call it the gender crap or whatsoever but its your call.
I'm a nice guy so I even share my porn collection to my wife and to some of my closest friends (male and female)... and I have even recieved several kinki e-mail photos from some of my lady friends (my cell phone is full of it).
It is very normal for me and my friends to look at porn and we are very mature about it. We don't stick our darts to every board in the neigborhood... but sometime we do get lucky.
You were asking where I'm from... I'm from Kyoto... Just relax OK.
I'm psychologically ill.... awww!!!

And may I add na ang taong umiilag o nagkukunwaring di mahilig sa mga porn stuffs ay ang may diperensiya sa utak.This is what I think,I don't care what the others are thinking:D .Pareng TR250,pareho pala tayong psychologically ill:p .........but I don't care I feel that I am normal than normal hehehehehe:p .

fisher
01-24-2007, 12:19 AM
sorry kung malabo profile ni mister ha :p ... Psychologist ka pala, tamang-tama. Hindi naman "sobrang" hilig ko sa sex no! Normal lang sa aking pakiramdam dahil hindi ito araw-araw, tsaka siempre normal lang magpakita ng needs pero laging rejection ang nakukuha ko, hay. tsumetai si mister, walang imik, zutto nasa PC kahit kausapin mo, iimik lang ng konti...gagawin ang trading nya, minsan parang feeling ko eh isa akong pader. pagod daw! pero zutto as in nakatutok sa PC, trabaho daw pero pag chineck ko PC, yun nga wala namang mga wenta ginagawa, Porno, stocks, auctions etc blah blah blah

Di ba eh may needs naman din kaming mga babae? Hindi naman ako mahilig manuod ng mga porno at hindi rin naman ako magsasarili no para makaraos lang..siempre gusto ko eh Mister ko. Pero nakaka-frustrate kasi nga, ayaw nya..baliktad grabe! Bata pa naman ako at sya rin pero bakit wala sya gana? Pero may duda rin ako na nagsasarili ito..pero hindi ko talaga maintindihan Saling Pusa...tinatanong ko naman sya ng maayos pero walang sagot na maayos.

:(

Hiya ako siempre kasi baka may maka-mis-interpret sakin..pero tama ka, talagang sinimulan ko ito kaya papanindigan ko.. :D
Anong trading na sinasabi mo na ginagawa ng iyong mister at kapag kinakausap mo siya ay iimik lang at tutok na naman sa pc at sinasabing trabaho daw? Di kaya nagda-download siya ng mga porn movies at kinokopya at ibinebenta?At yung mga dumarating sa kanya ay mga orders or kinokopya din niya?Ayaw kong isipin na ganito ang ginagawa niya nagtatanong lang base sa mga ikinuwento mo sa amin.Huwag kang magalit sa akin and I hope I am wrong:) .

bianca marie
01-24-2007, 12:33 AM
Bato-bato sa langit matamaan wag magalit... 80% of men are cheaters. Kahit walang intimacy kahit porno ang ninapanood eh cheating pa rin yon. Im a woman too payo ko sa iyo keep on eye on your husband kasi sa susunod iba na ang gagawain nya. Men always think that the grass is always greener on the other side of the fence. Majority they always learned it in a hard way... By the time they realized its too late they cannot turn back time... And men always fantasized. Que Maganda ka, Que sexy ka they always wonder how the other women look like when their naked. And quite frankly it's the same shit iba lang ang mukha, katawan but a hole is a hole. I'll tell you a story based on my own experienced, I have a live- Bf for a long time.. Our sex life is great we did most of thing you can find in the in the book we have sex 3x week sometimes more. I go to the gym to keep me fit fixed my outside look all the time. I always dressed to impress sabihin mo na nagawa ko nang lahat. Tapos kasama nya sa trabaho dumating sa buhay namin part-time co-worker nya lang tinutuksu sya sa isa nya ring kasama sa trabaho sumakay siya sa biro nabaling siya sa kasama rin nila sa trabaho isang Somalian muslim pa ang pinalit sa akin. Now pinagsisihan nya lahat, lahat ng kalahi nya na kaibigan namin walang pumanig sa kanya. ganoon din ang nga pamilya ko.See sa isang kisap mata your life can changed dramatically. He hurt me so much ang nasautak ko lang revenge. I can never forgive him for what he'd done i gave him mylife ngayon wala siyang kadamay kundi yong somalian at ang advisor nya. He did not only lose me but he lost everybody. And a cheater will always be a cheater.:(Nabalitaan ko inintay nya raw ang tawag ko para amuin ko siya... He can kiss my ASS.:( I will never call.:D

dcat
01-24-2007, 12:57 AM
Bato-bato sa langit matamaan wag magalit... 80% of men are cheaters. Kahit walang intimacy kahit porno ang ninapanood eh cheating pa rin yon. Im a woman too payo ko sa iyo keep on eye on your husband kasi sa susunod iba na ang gagawain nya. Men always think that the grass is always greener on the other side of the fence. Majority they always learned it in a hard way... By the time they realized its too late they cannot turn back time... And men always fantasized.
hi bianca marie!:)
Where did you get that stats? did you get it from any reputable statistical sources? or did you just conjure that out from your own intuition? And how about women?

Back on the topic, do you mean to say watching porns is a prelude to actual cheating? If that is the case, then men have as much right to watch over their partners since women watch them too. Your generalizations are dubious, and it targets men only. You must provide a more balanced view about the matter.;)

docomo
01-24-2007, 01:18 AM
Looking at porn is like any addiction..It's an addiction and a tough one to break...

I don't see porn as harmless fun when the price is the other person's feelings. So I think it's important to figure out if what he's doing is an addiction or not....if he needs it to perform sexually or it impacts the relationship then you may need to move on.
But only you can determine your comfort level. I have no problem with a woman who enjoys porn but I also believe there is nothing wrong with a woman finding it offensive. It's a matter of personal choice for each person. It's only important you're honest with yourself and your significant other about it (and vice versa).:)

bianca marie
01-24-2007, 01:24 AM

did i say all of men basahin mo na bago ka magsalita. What do you get on watching porn anyway. You get horny and jack off? Beside i got that info in goodmorning canada i don't make it up. What do you think im a moron?:eek:

docomo
01-24-2007, 01:38 AM

huh?:confused:

bianca marie
01-24-2007, 02:17 AM
huh?:confused:

Docomo... it's not you ang tinutukoy ko si dcat. No wonder your confused.:D Sa dami ng pilipino dito its so common na iniiwan ng lalaki ang asawa nila dahil din sa isang pilipina. Kung gagawin mong educational ang pornong pinapanood mo depende sa dvd. Not if it's hardcore. That's why i never dated pilipino guys in here.Kasi halos araw-araw ganoon ang balita, sabihin mo nga nakalahi mo. Oy! iniwanan si ganito dahil kay ganito. Makes you sick in your stomach.

mbstorun
01-24-2007, 02:43 AM
this means...im lucky enough that my hubby doesnt watch porn hahahh...or baka di pa nagsasawa sakin nyahhhh~~~ wag naman sana...:p pero ni isang dvd na porn wala naman kami sa bahay..pero ewan ko lang baka he's watching sa internet pag sa trabaho sya at magaling naman si mister ayaw patalo hehhe..:p

TR250
01-24-2007, 03:08 AM
And may I add na ang taong umiilag o nagkukunwaring di mahilig sa mga porn stuffs ay ang may diperensiya sa utak.This is what I think,I don't care what the others are thinking:D .Pareng TR250,pareho pala tayong psychologically ill:p .........but I don't care I feel that I am normal than normal hehehehehe:p .

Nice to know that I'm not the only one who'se psychologically ill...
You normal??? Nah!!! You belong in the "expert class"... Me follow you master Yoda sensei... teach me wisdom, teach me truth, teach me how to use me tiny bazoookaaa :D

bianca marie,
Salamat sa pag bahagi mo ng iyong karanasan. Base sa sarili kong obserbasyon ay masasabi kong maaaring tama ang 80% (big and small ways). Yung small ways ay maitutulad ko sa mga kakilala kong mahilig tumingin ng porn pero hindi gumagawa ng extrang aksyon. Big ways... marami rin syempre. Pero base sa nakita ko ay karamihan sa mga nakilala ko ay hanggang pantasya lang at talaga namang napakadiretso. Dahil sa nature ng trabaho ko (puros barakong business men) ay medyo weird pag walang aksyon. Karamihan ay mahusay magdala pero meroon din namang mga masyadong seryoso kung maglaro. Sa tingin ko ay iba-iba nga talaga ang tao at dipende rin sa pagdadala nila sa sitwasyon. Siguro para sa iba ay may masamang ipekto pero para sa akin ay malaking tulong ang nagagawa nito. Sabihin na lang nating dati akong pro at talagang nag enjoy ako nung aking kabataan. Bagamat matanda na ako ngayon ay hindi pa rin naaalis ang ilan sa aking mga pantasya sa buhay pero sa tulong ng pagtingin sa porno ay nakukuntento at kadalasan ay nakokontrol nito ang aking pagpapantasya. Marami rin akong naranasang kabalbalan nung kabataan at dahil nga medyo mahilig ako sa extreme sports ay medyo "crazy" ang trip ko. Nung kabataan ay naandiyan na yung may aksyon sa water falls habag nag rappeling, habang nag ra-rock-climbing, habang nag ski, habang kumakarera ng drift race sa yelo, at ilang beses ay nagsubok na irampa yung motorsiklo sa jump ramp kaya lang natakot yung kasama, etc... those were the days... Maski matanda na nga ako ay naandoon pa rin ang memories at kung may pagkakataon ay gusto ko uling masubukan kaya nga lang I'm too old for that. Yung mga weird acrobatic stunts ay di trip ni esmi at pag inakrobat ko raw siya ay hihiwalayan ako kaya tiis na lang ako hanggang porno (14 long years and I'm still madly inlove with esmi).
Tulad ng nabanggit mo na "parepareho lang" at iba nga lang ang mukha. Naniniwala ako diyan. Minsan ay swineswerte ay meroon pa rin naman akong natatanggap na invitation paminsan-minsan kaya nga lang ay tinatamad na nga ako dahil parepareho nga at sakit lang ng ulo. Matagal ko ng napag-aralang makaiwas o tumanggi (in a nice decent way... I'm always gentle :D). Yun nga lang since times are tough na pag biz related ay go pa rin ako (we need food). May problema rin ako kay Mr. Tiny na grabeng antukin na maski beauty yung kasama ay natutulog.... nakakahiya talaga at pag walang audio/visual help ay siguradong motorsiklo ang nasa utak ko (that bad). Matagal ng walang extra at OK na rin ito siguro nga dahil sa kakapanood ko ng porno kaya nakokontrol ko ang hilig ko sa X-games :D Para bang TV game lang ang dating sa akin at iba ang TV game sa reality... Reality sucks!!! Anybody here who can spare me a free ticket to Toronto :D

dcat
01-24-2007, 04:09 AM
did i say all of men basahin mo na bago ka magsalita. What do you get on watching porn anyway. You get horny and jack off? Beside i got that info in goodmorning canada i don't make it up. What do you think im a moron?:eek:
hi bianca marie!:)
Well, your generalizations were highlighted in my previous post. Please check them yourself, or maybe you don't know what is the meaning of your own words. Even if you did not say "all men", "always" means 100 percent. Please correct me if i'm wrong.

Goodmorning Canada must be one hell of an authority in judging men's psychological nature, and if you got your number from them, where is the number for women? In fact, I easily found this survey (http://www.thesun.co.uk/article/0,,2-2006600199,00.html) that reveals "women cheat more than men." So, at least mine is written and backed by a newspaper.

But of course, I don't believe such surveys easily. I guess the most trustworthy statistics I found on the net is this set of snippets. (http://www.menstuff.org/issues/byissue/infidelitystats.html #snippets) Reading through those extracts, you could see that there were no stats saying 80% of men cheats. The general conclusion that you will get from those numbers is that men and women are morstly the same. Please, I read posts carefully and without bias. I am open to anything and I do not judge people. And I am not the one who called you a moron. ;)

bianca marie
01-24-2007, 04:32 AM

Maybe those women cheats cuz their husband, BF etc. got small "DICK" (6 inches won't take me no where) or don't get satisfied. You know women can fake orgasm, do you know that? Beside your survey is in UK tao doon all they want get drunk and get laid, i live in Canada and sure as hell "honey" women here specially the one who's filing for divorce always gets alot of money from heir ex husbands.:D

Philipinessa
01-24-2007, 08:02 AM
Ohayo Mina san!

Hindi naman kayo nag-aaway na`n mga kabayan? Nagpost kasi ako ng thread na ito para maliwanagan talaga lalo na sa mga MISTER dito na halos pareho ng habit ng MISTER ko. Malay ko pa na ako eh nagiging makasarili rin di ba? Kaya mula dito baka mabukas din mata ko hehehe kaya lang nga parang nag-away ba kayo? Patigil ko na lang to sa lolo Moderator?:D

eh lolo Fischer hindi naman sya nagkokopya or nagbebenta, as in bumibili lang sya sa online shops. Dami talaga promise ako pa nga nag-aarange neto eh! hehehe parang gusto ko ngang ibenta eh para may pera ako:D ...minsan siempre pinapanuod ko pag nasa office sya kaya lang nakakasawa, pare-pareho yun lang ng yun lang, pero siempre iba-iba ng size at color. :D may hardcore;) , softcore, corecore:D , gangbang, kinky, bondage or kahit pa anong band-aid tawag dito malay ko.. hahaha. ...pagsinabi ko sa kanya na nanuod ako eh as in tatawa lang at sasabihing "horny ka talaga" sabay sabi ko sa sarili ko..."nyek! sino kaya?" :confused:
anyway, ang sakin lang eh, makabili na nga lang ng vibrator o dildo para tapos usap hahaha joke po! ...naku mamya na nga lang at magluluto pa ako ng breakfast hihihihi

everybody chill, Wednesday ngayon pasalamat tayo sa magandang araw! naku sale sa Daimasu lahat ng gulay hyaku-yen, makapamalengke na rin muna, pagkalaba.

Mata ato de ne. :cool:

goma_23
01-24-2007, 08:41 AM
Porn is immoral on spiritual aspect, and it degrades not only your spiritual strength but it also degrades the moral foundation that binds spiritual activities.

But physiologically, It's natural , specially for Men to engage in such activities since our reproductive system is situated to be "easily aroused" since it is hanging outside, unlike women who needs "special maneuvers" (with a capital G) to satisfies ones needs.

In medieval times, there were rampant cases of rape & peeping toms are everywhere, but with the introduction of erotic literatures with graphical representations, it was minimized to a more acceptable level, but with effects we may never understand, which includes weird approach to sexuality.

I suggest that you "explore" with your husbands, specially that most of Japanese Men are less agressive than Filipino's , in a way you could also understand their feelings, because the lesser the intimacy in a relationship the higher the change of having difficulty maintaining it.

You could approach it in several ways,

1. understand his ways (domination / submission)
2. diversify - there are several ways of doing it, which may shock the inner filipino in you.
3. body language - which may be useful since you are having language barrier.

These are only basic, in terms of sexuality and you could have several ways to enjoy it with your partners. The more he thinks your diversity, the more that he would want it (trust me on this)

If your more of a spiritual being, you could still do such things that will not compromise your belief, but then you might not get the "equilibrium" in between.

hope this could help.

Philipinessa
01-24-2007, 09:34 AM
I suggest that you "explore" with your husbands, specially that most of Japanese Men are less agressive than Filipino's , in a way you could also understand their feelings, because the lesser the intimacy in a relationship the higher the change of having difficulty maintaining it.

You could approach it in several ways,

1. understand his ways (domination / submission)
2. diversify - there are several ways of doing it, which may shock the inner filipino in you.
3. body language - which may be useful since you are having language barrier.

These are only basic, in terms of sexuality and you could have several ways to enjoy it with your partners. The more he thinks your diversity, the more that he would want it (trust me on this)

hope this could help.

ohayo goma san!

yoku wakarimashita! :D siempre mahal ko si Mister kaya gagawin ko lahat para sa kakaganda ng aming pagsasama. arigatou ne!

hihihi laban na ito.. :p ;) :D

sensei
01-24-2007, 09:38 AM
As far as Japan is concern, it seems to me that women equally like watching porns.

Are you two suggesting that maybe Philipinessa should start watching porns with her husband? Maybe it's a good idea - if you can't beat him, join him. :D

Oh yes it's a great idea, psychologically ill si mister kaya he needs Philippinessa's help. Kung magiging open si mister kay misis, eventually matitigil si mister sa porno.

Hindi mo nakikita Philipinessa? Hindi open si mister sayo...dapat gumawa ka ng move para hindi siya mahiya. Isaisahin mo yung mga dvd's then tell him "Kondo issho ni miyouka? Dounna?...tada mitemitai dake" sabay smile, pa innocent effect;)

Pati yung porno sites na sinasabi mo...dapat malaman niyang tinitignan mo rin. Tapos ikwento mo sa kanya....." saki are mita !!! dekkkkaiii ne....hokani wa? ato doko de hirakeba ii? "

Pag naconvince mo siya na panoorin niyo ng sabay, wag na wag kang kukurap. Daanin mo sa konting hagikgik sabay sabing "kondo yatte miru !!!"

Paminsan minsan talk about pabirong sexy lines...para masanay si mister at hindi na patagong nagsasarili. Uy Philippinessa !!! ...malamang hindi mo masatisfy si mister, aba'y kilos na !!!

I suggest that you "explore" with your husbands, specially that most of Japanese men are less aggressive than Filipinos , in a way you could also understand their feelings, because the lesser the intimacy in a relationship the higher the change of having difficulty maintaining it.

Philipinessa
01-24-2007, 09:48 AM
Oh yes it's a great idea, psychologically ill si mister kaya he needs Philippinessa's help. Kung magiging open si mister kay misis, eventually matitigil si mister sa porno.

Hindi mo nakikita Philipinessa? Hindi open si mister sayo...dapat gumawa ka ng move para hindi siya mahiya. Isaisahin mo yung mga dvd's then tell him "Kondo issho ni miyouka? Dounna?...tada mitemitai dake" sabay smile, pa innocent effect;)

Pati yung porno sites na sinasabi mo...dapat malaman niyang tinitignan mo rin. Tapos ikwento mo sa kanya....." saki are mita !!! dekkkkaiii ne....hokani wa? ato doko de hirakeba ii? "

Pag naconvince mo siya na panoorin niyo ng sabay, wag na wag kang kukurap. Daanin mo sa konting hagikgik sabay sabing "kondo yatte miru !!!"

Paminsan minsan talk about pabirong sexy lines...para masanay si mister at hindi na patagong nagsasarili. Uy Philippinessa !!! ...malamang hindi mo masatisfy si mister, aba'y kilos na !!!

ahihihihi hindi naman...hihihihi (kinikilig pa) para kasing feeling ko eh sya pa ang nadidiahe..pero tama ka dapat eh ikilos ko kagad ito bago lumala ang problema at maging sobrang sakit sa puso...naku...gagawi n ko talaga yan hihihihi..salamat talaga ng marami sa advice nyong lahat!!! yahoooo!!! excited na tuloy ako... :D :p

love0308
01-24-2007, 12:16 PM
Advice lang po bakit di mo siya i reverse psychology kami kasi ni hubby honestly speaking sabay kaming nanonood ng porno sa internet:p habang nanonood eh nag uusap kami about dun sa pinapanood namin, nagtatawanan kasi may mga hen kaming napapanood, pero syempre sabay na nagiinit din ang katawan namin, and maganda niyan eh sinasagot niya yung mga tanong ko example kung futso ba sa nihonjin na manood ng mga porno movies:) sabi niya futso naman daw yun (but case to case basis ha) kasi si hubby di siya manonood nun kung di ako kasama tsaka sa totoo lang kinakalikot ko din yung ketai niya and email add niya wala talagang maitatago si hubby sa akin:) . Kaya kung ako sa iyo kunwari gusto mo rin manood ng mga porno na pinapanood niya para mag enjoy kayo pareho then habang nanood kayo eh mag usap kayo i open up mo yung gusto mong sabihin total mag asawa naman kayo kaya walng nakakhiya di ba?:) sana makatulong!

infinite_trial
01-24-2007, 01:06 PM
hi Philipinessa, share ko lang experience ng kakilala ko. addict din sa porn yung ex-hubby nya but the difference with your hubby, nagsisiping sila after that pero meron kondisyon: nakasuot sya ng daster at spoon position lang. all her married life wit her ex hubby she thought na okay lang ito, but she feels violated everytime na magkukulong sa kwarto ang ex nya to j*rk off while watching porn. as in halos araw-araw daw ay ganun.

i think porn is okay but too much is TOO much. if your hubby is willing to undergo counselling or therapy, i think it would help a lot. yun nga lang hindi ko alam kung ano ang too much sa hapon. this is only an observation, kasi masyadong exposed sila sa porn/adult media. alam mo naman tayong mga pinoy di ba pag ganito, patago pa...pero sila kahit sa tren nagbabasa parang normal lang. but it won't hurt naman kung itry nyo ang counselling di ba?

thermometer
01-24-2007, 01:52 PM
Wala naman siguro Problema kung manood ang lalake/ Babae ng Porno or Mag karon ng Collection..

ang magiging problema lang ..Pag ang Movie /Magazine na kinukullect ng Hubby nyo ay Mens Magazine at nagsasarili eh Matakot na kayo at kabahan ...:D sigurado me itinatago si Mister nyo.....

Philipinessa
01-24-2007, 02:16 PM
lovesky and infinite san arigatou! honga bakit nga naman hindi ireverse psych ano...lahat nga naman ng SOBRA eh di maganda...lahat ay aking susubukan at ng malaman ang bawat resulta, ang daming advices.. :D kaya pagwa- epek eh yung sumunod naman di ba...salamat honto ni! masaya ang aking puso ngayon dahil ang dami kong ideas! salamat sa inyong lahat at dito sa TF! :)

ang magiging problema lang ..Pag ang Movie /Magazine na kinukullect ng Hubby nyo ay Mens Magazine at nagsasarili eh Matakot na kayo at kabahan ...:D sigurado me itinatago si Mister nyo.....

hahaha napatawa ako dito thermometer san...sabagay nga mas nakakatakot yun..di ko kabaro ang makakalaban ko nun...hihihihi salamat po!:p

thermometer
01-24-2007, 02:40 PM
lovesky and infinite san arigatou! honga bakit nga naman hindi ireverse psych ano...lahat nga naman ng SOBRA eh di maganda...lahat ay aking susubukan at ng malaman ang bawat resulta, ang daming advices.. :D kaya pagwa- epek eh yung sumunod naman di ba...salamat honto ni! masaya ang aking puso ngayon dahil ang dami kong ideas! salamat sa inyong lahat at dito sa TF! :)

hahaha napatawa ako dito thermometer san...sabagay nga mas nakakatakot yun..di ko kabaro ang makakalaban ko nun...hihihihi salamat po!:p
ikaw talaga@ Philipinessa ...pero tama yon if you can not get rid of it ..join hehee

I heard another cases.. yong hubby naman mas nasisisyahan kapag binobosohan si Mrs..kind weird but we can convert thos sexy thrilling habit into a fruitfull one..wala naman masama hinde ba..

ang sex life ng mag asawa ..ay lalong gaganada kung me unawaan ang bawat isa..at sensitive sa pangangailangn ng bawat isa.. you can do anything you want to explore the beauty ...basta me concern lang bawat isa at gusto din ng bawat isa.. pero kung meron msasaktan at meron rejection dapat hinde ito ituloy baskus ay pagusapan :)

babyangel
01-24-2007, 05:01 PM
:) Ohayo mina sama! :)

I am new here pero sasamantalahin ko na ang pagkakataong ito para makakuha ng opinyon, payo o kahit anong hinuha mula sa mga kababayan ko, lalo rin sa mga MISTER dito.

Tatlong taon ko halos boyfriend itong si Mister ko at nitong 2005 lang kami nagpakasal. Simula`t sapol ~ tahimik, matalino, at seryoso ito sa buhay. Masaya naman kaming nagsasama, walang problema kahit talagang tsumetai minsan eh okhay lang dahil ini-intindi ko na lang sya bilang asawa nya. Siguro talagang ganito lang silang mga Nihonjin.

Ngunit datapwa`t ganito eh wala akong reklamo, siempre meron at ito nga ang aking ishe-share sa inyo. MAHILIG si MISTER sa PORNO. Ma-DVD, VHS, Comics, Mags, Internet Sites, etc etc pa...pero wala sa mukha nya dahil kagalang-galang nga ika nga. At ni sa mga salita nya eh walang bastos na nalabas...pero hindi rin naman sya maniac pagdating sa akin. Tsumetai nga eh :p :rolleyes: zannen! (joke po) at ni hindi ko rin sya nakikitang nanunuod, pero! may nadating namang mga packages mula sa mga online shops na DVD at mags, at pag chinecheck ko PC nya pag nasa office sya eh grabe to the max ang daming PORNO!!! Gusto kong burahin pero mahuhuli nga akong pinakelaman ko ang PC nya di ba...kaya tamang deadma ako na kunyari eh walang alam.

Hay, tinanong ko naman sya tungkol dito pero sabi nya eh, wala daw yun. Bakit kaya may mga lalaking ganito kabayan? Ano ba ito? Naturalesa ba talaga ito ng lalake? Frustration? Desires? Fulfillment? Pero sa totoong buhay naman namin hindi sya maniac, buti nga kung maniac sya sa akin no, eh TSUMETAI nga! Sa utak lang ba ito??? Hindi ko na maintindihan minsan, nagseselos ba ako o naiinsecure? May itsura naman ako hehehe at sexy pa rin (yabang). Seriously, ano gagawin ko? Isa-sawalang bahala ko na lang ba ito? Totoo ba na mas mabuti na yung ganito "raw" kesa nambabae? Sus eh malay ko pa...

Hay sana eh may makuha akong mga hinuha mula sa inyo ka-TF lalo na sa mga MISTER dito.

Yoroshiku :D

Konnichiwa Philippinessa,nabasa ko tong thread mo tawa ko ng tawa:lol: dahil di lang pala ako ang my ganito case.Mayron din pala iba.pareho tayo ng sitwasyon,kasi ako ganyan din dati.Mg-boyfriend pa lang kami ng mister ko non magana kami sa sex talaga.Nong ng-pakasal na kami may natuklasan ako at marami din ngbago sa kanya Shock :eek: talaga ako sa mga nakita ko pgbabago.Kasi parang lumamig sya sya sakin i dont know why kasi wala naman ako ginawa masama kung bt sya ngbago at ng mabuntis na nga ako.Don ko sya nahuli nanood ng porno at ngsasarili sya:)Nong time na yon ako nahiya mgpkita ako yong umatras at hinayaan na lng sa ginagawa nya ganon:rolleyes: di nya alam na nakita ko talaga sya.Inis na inis ako kung bakit sya ganon sa isip ko non maganda :p nmn ako mabango bat nya ginawa yon at patago pa nakakapikon.Simula non minatyagan ko sya at nghalungkat sa kwarto mga dati nya gamit nong binata pa sya at nakita ko nga marami sya DVD at mga VHS nga.Check ko ketai nya at sa PC wla nmn sya Porno sa DVD at VHS lng talaga.At palagi ko nga sya nakikita ng ngsasarili at minsan di na ko maka pg-pigil kinumpronta ko talaga sya:mad: Kung bakit nya ginagawa yong ganon,sabi ko pa sa kanya non gago ka ba at my sira utak mo ng-asawa ka pa kung di mo rin naman ako ??????(alam nyo n kung ano yon:rolleyes: ibig kung sabihin)Kanda utal utal sya non :( reason nya buntis daw ako at natatakot sya mg-sex kami kaya sya nanonood daw at kanda tanggi nga ni hindi umamin na nakita ko sya ngsasarili at nanood lng daw.Bwesit ako non huli na ng ilang beses ayaw pa umamin bat kaya asawa naman nya ko:mad: At hanggang sa ng ka baby na nga kami,iwan ko rin ba kung bakit sya ngbago talaga,tsumitai na talaga sya at wala ng lagi gana ang dahilan pagod dw sa work at tulad mo rin ako ng nglalambing ako pa yong kawawa tanggihan ba naman:eek: hanggang nasanay na lang ako sa isang month marami na siguro yong 3 beses na mg-ganon:confused: kami at ako pa lagi ngyayaya :( wala na sya pgkukusa talaga:( nakakalungkot man isipin deadma na lang ang mahalaga daw sabi nya masaya daw kami at ng-kakasundo di naman daw lagi sa sex lang nagiging shiawase ang family.At ang importante di daw sya tumatabi sa iba girls.Kaya ganito na kami ng mister ko parang ako ng lalake tumatayo sa sitwasyon namin kasi ako lagi kumakalabit:p yon nga lang minsan may time pa rin talaga umaangal na pass muna at pagod mata kondo daw or mata ashita na lang daw:rolleyes: ako naman wala ng magawa tamimi na lang at itulog na lang at lilipas din naman :pKaya tama ka don sis na may pangangailangan din tayo mga babae.Pero sa ngaun laking pasasalamat ko di na sya nanonood ng Porno simula ng inaway ko sya di na yon naulit na ginawa nya:pKinandado ko sa 1 kabinet na di nya mabuksan at di nya na rin daw kilangan.Kaya sainyo mga taga TF kung sino gusto ng DVD at VHS na Porno marami ako ibibigay ko sainyo ng LIBRE pa at ng wala ng kalat dito at ng wala na kami pg-awayan pa.Ibibigay ko sainyo pm nyo lang ako kung gusto nyo:) At salamat talaga sau Philippinessa ng thread ka ng ganito.Nakakabawas ng stress at nasasagot ang mga katanungan na nahihiya i -open sa friend.Buti na lang at my TF yokatta ne mina san arigatou:dowave:

Philipinessa
01-24-2007, 05:59 PM
baby angel...:p :D

ay napakasakit kuya eddie...ang saklap matanggihan..akala yata ng lalake di nasakit ang ulo ng babae pag hindi napagbigyan, sakit din sa ulo eh..parang hilo at laging barino hihihi...ay hindi pala ako nag-iisa sa mundong ibabaw...inakupow mabuntis pa kaya ako ng lagay na ito hahaha..di kaya maging mukhang daliri o kuko ang anak ko hhahaha joke! wag mawalan ng pag-asa kumbaga...hay ang buhay napakasarap na napakahirap hihihi...tsk tsk tsk

ay sya tamang magluluto muna ako ng dinner at baka ako eh ma-award ni MISTER at di mabiyayaan mamya (sana naman!) :D :p

mikkie
01-24-2007, 06:58 PM
Anong trading na sinasabi mo na ginagawa ng iyong mister at kapag kinakausap mo siya ay iimik lang at tutok na naman sa pc at sinasabing trabaho daw? Di kaya nagda-download siya ng mga porn movies at kinokopya at ibinebenta?At yung mga dumarating sa kanya ay mga orders or kinokopya din niya?Ayaw kong isipin na ganito ang ginagawa niya nagtatanong lang base sa mga ikinuwento mo sa amin.Huwag kang magalit sa akin and I hope I am wrong:) .

Fisher,

Yan di nga ang naisip ko...hindi nga lang muna ako nag comment..di kaya nga? sana mali nga rin ang katulad ng iniisip mo...haka-haka ko lang ito ha..:confused:

ICHIBAN08
01-24-2007, 09:15 PM
Hi philippinesssa..Bago lang ako dito hehehe!:D ..Nabasa ko nga ang thread mong ito..Sa tingin ko e isa lang sa habit ng mister mo ang kahiligan niyang manuod nito...Ako man e nahihiligan din manuod kapag nag iisa ako sa bahay at kung minsan e kasama kong manuod si mister, enjoy naman kami hihihi!..Payo ko lang kabayan e mag usap kayo ni mister ng maayos tungkol dito..at kapag nakita mong nanuod ulit siya makipanuod ka na rin, sorry po peace!:love:

Philipinessa
01-24-2007, 11:13 PM
Fisher,

Yan di nga ang naisip ko...hindi nga lang muna ako nag comment..di kaya nga? sana mali nga rin ang katulad ng iniisip mo...haka-haka ko lang ito ha..:confused:

Hi Fischer and Mikkie...hindi sya nakopya o nagbebenta eh...:D

mikkie
01-24-2007, 11:18 PM
Hi Fischer and Mikkie...hindi sya nakopya o nagbebenta eh...:D

Hi,

Ay...sorry po..lurker na lang muna ako dito sa thread mo..comment uli ako later pag meron na akong pwedeng i-share na idea:D

fisher
01-24-2007, 11:34 PM
Hi Fischer and Mikkie...hindi sya nakopya o nagbebenta eh...:D

Kung ganu'n,samahan mo siya paminsan minsan sa panonood malay mo habang nanonood kayo ay kumalabit siya sa iyo.......it will be your chance na hehehehehe.Sometimes sakyan mo yung damdamin niya para mapunta yung atensyon niya sa iyo.Why don't you ask him na sabay kayong manood ng porn movie baka kasi nahihiya lang siyang magyaya sa iyo na manood kayo.And don't forget kailangan bago kang paligo at amoy sabon ka pa hehehehe:p .Nakikiliti na naman ako hihihihi:D .Bakit di kaya ako ang naging asawa mo para wala ka nang ginawa kundi ang awatin ako hehehehehe hindi kasi ako tumitigil eh hahahahaha:nuts: :nuts: :nuts: .

maimai
01-24-2007, 11:52 PM

hahahha~~~sumisisid ka na naman ishda!!:biglaugh: :lol:

tulad ng sinabi ni ishda..sakyan mo ang damdamin nya..baka naghihintay lang naman..~~:D

fisher
01-24-2007, 11:58 PM
hahahha~~~sumisisid ka na naman ishda!!:biglaugh: :lol:

tulad ng sinabi ni ishda..sakyan mo ang damdamin nya..baka naghihintay lang naman..~~:D

Ssshhhhttttttt~~~~~ huwag kang maingay :D :p :) hehehehe.

babyangel
01-25-2007, 12:25 AM
Kung ganu'n,samahan mo siya paminsan minsan sa panonood malay mo habang nanonood kayo ay kumalabit siya sa iyo.......it will be your chance na hehehehehe.Sometimes sakyan mo yung damdamin niya para mapunta yung atensyon niya sa iyo.Why don't you ask him na sabay kayong manood ng porn movie baka kasi nahihiya lang siyang magyaya sa iyo na manood kayo.And don't forget kailangan bago kang paligo at amoy sabon ka pa hehehehe:p .Nakikiliti na naman ako hihihihi:D .Bakit di kaya ako ang naging asawa mo para wala ka nang ginawa kundi ang awatin ako hehehehehe hindi kasi ako tumitigil eh hahahahaha:nuts: :nuts: :nuts: .

Aaaaaaaah:lol:aaaaaa aaaaaaaah :lol: aaaaaaaaaaaaaaaah:lo l: kung ikaw siguro mapangasawa namin wawa kami sayo:eek: mg-mukhang lantang gulay kami nyan:( baka umabot ng ilang dosena anak nyan.:D joke joke joke:D :D :D

babyangel
01-25-2007, 12:35 AM
baby angel...:p :D

ay napakasakit kuya eddie...ang saklap matanggihan..akala yata ng lalake di nasakit ang ulo ng babae pag hindi napagbigyan, sakit din sa ulo eh..parang hilo at laging barino hihihi...ay hindi pala ako nag-iisa sa mundong ibabaw...inakupow mabuntis pa kaya ako ng lagay na ito hahaha..di kaya maging mukhang daliri o kuko ang anak ko hhahaha joke! wag mawalan ng pag-asa kumbaga...hay ang buhay napakasarap na napakahirap hihihi...tsk tsk tsk

ay sya tamang magluluto muna ako ng dinner at baka ako eh ma-award ni MISTER at di mabiyayaan mamya (sana naman!) :D :p

Korek ka dyan sis:) Try mo na kasi konprontahin at ng matauhan na hubby mo:rolleyes: lakasan mo kasi loob mo at ng ma relax ka naman sa nararamdaman mo.Wag mo ng hayaan pa lumala sya sa ganyang gawain:p Advice ko lang yan kasi ako ganyang ginawa ko sa hubby ko.Nasa sayo yan kung kaya mo syang harapin talaga at konprontahin.OK;) lakasan ng loob lang talaga malay natin matigil na sya:rolleyes:

Philipinessa
01-25-2007, 08:31 AM
Siempre kagabi nagluto muna ako ng dinner pero lagi talaga akong excited at masaya basta alam kong uuwi na si MISTER. “Okaerinasai-mase” ang sinasabi ko para makita ko kagad ang napakagandang ngiti nya (gusto kasi nya ang mga sinaunang kotoba) sabay halik na napakasarap sa labing malamig. Kapag napag-palit ko na sya ng damit, derecho yan sa massage chair nya, konting chika at ako eh konting score pa ng halik :D hehehehe. Sa hapag-kainan eh masaya naman kami, wala namang problema sa luto ko kasi masarap akong magluto (naks), usap/share kung ano nangyari sa office, patulong ng konti sa akin sa mga manuals sa office pag may di sya alam, minsan pagalingan pa kami. Pero!!! Pag nga tumutok na sa PC, talo na ang beauty ko! Deadma...:confused:

Kagabi...ang dami kong ideas sobra gawa nga nyong lahat. :) Genking-genki si ako ha, hmmm, amoy fry pa ako kaya siempre naligo na ang lola mo, nagbabad sa mabangong nyuyokusai. Medyo nagtagal at nagshave pa ako ha...lumilipad ang aking isip at kinikilig pa sa mga napasok na ideas at imaginations ng mga gagawin ko ahihihihi. :p

Naglotion, nagblower, naglagay ng lip balm para malambot ang labi, iranai na ang underarm kasi winter naman tsaka ala ako futok. Naku ang pagka ganda ni Misis sabi ko hehehe:D ...siguradong maaakit si MISTER ko, :rolleyes: sabay patak ng aking mga talukap ng matang napakalagkit hahahaha..

Tapos na ang aking routine....alas dose na, naku hihiga na sya! Excited na ako, doble ang tibok ng aking puso, parang nuong unang gabi namin. Nagsuot pa ako ng victoria secret lingerie na itim na napakaganda at nipis! Kaligkig na ako sa lamig pero sige pa rin ang intay ko kay MISTER ha....eto at dumating na...

Napatingin sya sa akin siempre pero ako eh tamang wala lang hehehehe kagaya ng nakagawian, inalis ko ang robe nya. Sabay bigay ng kanyang panlagay sa ulo na ewan ko kung anong tawag duon, (knitted na maliit na bonet para pag gising eh di tirik tirik ang buhok). Sabay higa..ganon pa rin ang aking puso ang biliiisss at ang aking temperatura eh parang umu-usok...sabay sabing “Daddy do you remember this lingerie? As in humarap ako sa kanya para makita nya ang aking hubog, sabay sabi nya, “ofcourse, Ive given that to you last Valentine`s day” sagot ko “You still like it on me? He said “uh-huh, you look so cute”. Cute? Ang sabi ko sa sarili ko, nyek ginawa akong bata, kainis. Hmmm, di pa rin ako tumigil, “next step” sabi ko sa aking sarili. Sabay hawak ko sa kanyang dibdib at sabay halik ng malambing... he kissed me back pero sinabing “YOU SHOULD HAVE WORN THAT THIS SATURDAY, I HAVE WORK TOMORROW.” “I AM TIRED”

ARAY KO POOOOOO....ayun parang binuhusan ako ng malamig na tubig na may yelo na galing sa Hokkaido...laglag ang balikat ng lola mo...

Hay mabuti na lang at ako talaga eh masayahing tao at laging positive pero tsk tsk tsk sakit ha! Para akong nasampal ng sampung asawa ng yakuza dito sa Tokyo. Ang eng-eng ko rin nga naman, sa sobrang excited ko eh nalimutan ko ang timing ng araw...

ay sya bukas ulet...kundi bukas eh di kinabukasan ulit hahahaha ang daming bukas ha!

:D

thermometer
01-25-2007, 10:18 AM

Naku daanin mo nalang kaya sa Santong Paspasan :D...

baka ang gusto ng Mr mo yong itinatali at me latigo pa na kasama

wonderKulit
01-25-2007, 10:28 AM
Naku daanin mo nalang kaya sa Santong Paspasan :D...

:D I second the motion...hatakin mo na sabay sakalin ang leeg at takpan ng mainit at madulas na La........:D alam mo na b ago doon....kunwari lang yan pero gusto nyan minsan sya ang hari at ikaw ang servant....tingnan lang natin kong aayaw pa sya.:shutup: baka ako magka-award nito...:D nagbibigay ng tips lang pow!

Inday_36
01-25-2007, 10:54 AM
hello philipinessa, bakit di mo subukan mag luto ng naka Apron lang ang suot?:D try mo baka makatulong..ginawa ko na rin itong kalokohan noon.:shutup: Marami ding collection ang asawa ko, like VHS, DVD, magazines..kung familiar ka sa Sta. Fe, meron din kami nyan..magazine ni Shinobu Otake exwife ni sanma,.madami rin collection ang asawa kong ganyan, gusto ko rin ibenta., pero isa lang ang kaibahan ng asawa ko sayo, meron syang lakas sa bawat oras:D :D :D heheheyyyy!

wildflower
01-25-2007, 11:08 AM

hello day nakakatuwa ang story mo napatawa mo ako hehehehe.asawa ko din marami collection nyan kaso noon binata pa sya ngayon wala na tinapon na nya lahat sabi ko hwag mo tapon sayang ganda collection nyan hilig ko rin nood ng porno s internet nahuhuli nya ako at asawa ko rin hilig manood kaso patago sa cellphone nya may mga porno din tapos may nakita din ako mga picture ng babae na nakahubad at sya mismo ang nag shot ng picture sabi nya noon pa daw yon nong binata pa sya at may bayad daw bawat oras pagkinunan mo ng picture ang haponesa n nakahubad yon iba tinago ko kasi ganda collection...

sharpener
01-25-2007, 11:19 AM
ay sya bukas ulet...kundi bukas eh di kinabukasan ulit hahahaha ang daming bukas ha!

:D

hahahahha!
pasasaan bat mahuhulog din yan sa mga kamay mo:D

babyangel
01-25-2007, 11:53 AM
Siempre kagabi nagluto muna ako ng dinner pero lagi talaga akong excited at masaya basta alam kong uuwi na si MISTER. “Okaerinasai-mase” ang sinasabi ko para makita ko kagad ang napakagandang ngiti nya (gusto kasi nya ang mga sinaunang kotoba) sabay halik na napakasarap sa labing malamig. Kapag napag-palit ko na sya ng damit, derecho yan sa massage chair nya, konting chika at ako eh konting score pa ng halik :D hehehehe. Sa hapag-kainan eh masaya naman kami, wala namang problema sa luto ko kasi masarap akong magluto (naks), usap/share kung ano nangyari sa office, patulong ng konti sa akin sa mga manuals sa office pag may di sya alam, minsan pagalingan pa kami. Pero!!! Pag nga tumutok na sa PC, talo na ang beauty ko! Deadma...:confused:

Kagabi...ang dami kong ideas sobra gawa nga nyong lahat. :) Genking-genki si ako ha, hmmm, amoy fry pa ako kaya siempre naligo na ang lola mo, nagbabad sa mabangong nyuyokusai. Medyo nagtagal at nagshave pa ako ha...lumilipad ang aking isip at kinikilig pa sa mga napasok na ideas at imaginations ng mga gagawin ko ahihihihi. :p

Naglotion, nagblower, naglagay ng lip balm para malambot ang labi, iranai na ang underarm kasi winter naman tsaka ala ako futok. Naku ang pagka ganda ni Misis sabi ko hehehe:D ...siguradong maaakit si MISTER ko, :rolleyes: sabay patak ng aking mga talukap ng matang napakalagkit hahahaha..

Tapos na ang aking routine....alas dose na, naku hihiga na sya! Excited na ako, doble ang tibok ng aking puso, parang nuong unang gabi namin. Nagsuot pa ako ng victoria secret lingerie na itim na napakaganda at nipis! Kaligkig na ako sa lamig pero sige pa rin ang intay ko kay MISTER ha....eto at dumating na...

Napatingin sya sa akin siempre pero ako eh tamang wala lang hehehehe kagaya ng nakagawian, inalis ko ang robe nya. Sabay bigay ng kanyang panlagay sa ulo na ewan ko kung anong tawag duon, (knitted na maliit na bonet para pag gising eh di tirik tirik ang buhok). Sabay higa..ganon pa rin ang aking puso ang biliiisss at ang aking temperatura eh parang umu-usok...sabay sabing “Daddy do you remember this lingerie? As in humarap ako sa kanya para makita nya ang aking hubog, sabay sabi nya, “ofcourse, Ive given that to you last Valentine`s day” sagot ko “You still like it on me? He said “uh-huh, you look so cute”. Cute? Ang sabi ko sa sarili ko, nyek ginawa akong bata, kainis. Hmmm, di pa rin ako tumigil, “next step” sabi ko sa aking sarili. Sabay hawak ko sa kanyang dibdib at sabay halik ng malambing... he kissed me back pero sinabing “YOU SHOULD HAVE WORN THAT THIS SATURDAY, I HAVE WORK TOMORROW.” “I AM TIRED”

ARAY KO POOOOOO....ayun parang binuhusan ako ng malamig na tubig na may yelo na galing sa Hokkaido...laglag ang balikat ng lola mo...

Hay mabuti na lang at ako talaga eh masayahing tao at laging positive pero tsk tsk tsk sakit ha! Para akong nasampal ng sampung asawa ng yakuza dito sa Tokyo. Ang eng-eng ko rin nga naman, sa sobrang excited ko eh nalimutan ko ang timing ng araw...

ay sya bukas ulet...kundi bukas eh di kinabukasan ulit hahahaha ang daming bukas ha!

:D

Alam mo sis nakakatuwa ka talaga:lol: Daanin mo na lang sa paspasan pg hindi yn nakapalag pa sayo:jiggy: Iwan ko na lang kung maka tanggi pa si hubby mo.

sharpener
01-25-2007, 12:13 PM
ang pagkakamali mo...nag nighties ka pa kase...hahahahahah!

wonderKulit
01-25-2007, 12:16 PM
ang pagkakamali mo...nag nighties ka pa kase...hahahahahah!

:D hahaha sharpener naman...baka itapon na yang nighties nya eh...:D

fisher
01-26-2007, 12:05 AM
Aaaaaaaah:lol:aaaaaa aaaaaaaah :lol: aaaaaaaaaaaaaaaah:lo l: kung ikaw siguro mapangasawa namin wawa kami sayo:eek: mg-mukhang lantang gulay kami nyan:( baka umabot ng ilang dosena anak nyan.:D joke joke joke:D :D :D
Hahahahaha kung ako ang napangasawa ninyo tiyak para kayong nagbalik noong panahon ng kainitan ninyo hehehehehehe:D .Baka naman di man lang ninyo ako patulugin kahit ilang minuto lang para mag-recharge ng power hahahahahaha.

@Philippinesa tsang,gambatte ne:p .Kapag di pa rin nakuha sa mga pa-charming charming mo iyang mister mo,sumama ka sa akin sa Don Quijote at ibibili kita ng gift ko sa iyo sa b-day mo hihihihihihihi:D .

katheyrine
01-26-2007, 10:24 AM
hi @philippinessa-san

naku mas horny ka pa pala kay mister ha? :p mahirap yan! ako nga eh mabuti at nabuntis sa kabila ng pagiging malamig din ng husband ko :D sana eh huwag mag-end yan sa pagkawalan mo ng love sa kanya o ng gana, try ka lang ng try at maging open sa lahat lahat..at lahat ay may kapalit na biyaya...at tama lang din ang pagiging positive mo. ;) huag mo rin pababayaan ang sarili mo, keep yourself fresh, clean and pretty para kahit di ka man madiligan eh atleast basa kang tingnan hahahaha ..ano ba yung nasabi ko? :confused: :rolleyes:

have a nice day!

emyken1423
01-26-2007, 11:08 AM
Hi philipenesa san,

alam mo ganyan din si mister ko nung una actually collection nya puro DVD's....... medyo adokenai(innocent) ako sa mga yun e ...kung di ko pa ito napangasawa e di pa ako makakapanood ng mga iyon....syempre kailangan sabayan mo na lang sya instead of mainis or magselos...ginawa ko ako pa ang bumibili ng mga DVD's para sa kanya as in maramihan talaga....ngayon nagsawa na sya kasi sinabayan ko e.....instead na mag nug ako sa kanya rineverse psychology ko na lang sya...sa ngayon ako na lang ang napapagtripan nya at saka siguro dahil na rin sa nag kakaedad na sya......basta maging open ka lang sa asawa mo tapos kung anong mga trip nya sabayan mo na lang sya.....kasi mga lalake habang naiinis ka lalo silang natutuwa...kaya reverse mo na lang sya.....:D :D :D :D

Philipinessa
01-26-2007, 11:57 AM
Hello mga mahal na Ka-TF!

Wala akong chika ngayon ha sa nangyari kagabi dahil plakda ang lola nyo sa daming trabaho. Wala, HAGOK TO THE BONES ako kagabi eh kaya hindi na ako naka pang- akit at naka- score man lang. Zannen deshita!

Yahoooo!!! Friday ngayon di ba, di ba? Di ba!!! Hmmmn, sabihin nyang may pasok sya bukas at sasakalin ko sya ng necktie nya hihihihi...Ah necktie!!! Good idea! Necktie lang nga maisuot mamyang gabi sa kwarto bago matulog bwahahahahaha...anak ng patiss di kaya ako tamaan ng sipon at ubo neto?

Yung advice na APRON lang isuot...bukas na lang yon hehehe necktie muna ngayon!

Kami-sama, sana naman po tumalab na itow...

mbstorun
01-26-2007, 12:03 PM

hello PHILIPINESSA.. natatawa talaga ako sa kwento mo........ inaabangan ko pa naman kung may nangyari kagabi hahahha.........buti naman at plakda ka kagabi kase kung walang nangyari rin ay baka maghapon kang bugnutin ngayon..........sige try lang ng try at baka sa sobrang subok mo ay tiba~tiba ka naman at baka ikaw naman ang aayaw hahha..........pero maganda yang plano mo at friday nga naman ngayon walang lusot si mister mo at walang pasok bukas!.........sige subukan mo yang necktie lang kung tatalab pag hindi mag apron kana hahhah pero pag hindi pa~~~~~~~PAHIRAM KO KAYA SAYO SI MISTER KO??????? makapag~pahinga naman~! kyahhhhhhh~~~~~~~!!! !:eek: :p

liong
01-26-2007, 01:05 PM

hahahha... nakakakiliti naman dito.........:p sige po mga kabayan patuloy pa ang pagpost ng payo.......:D para ikapulutan ng aral ng mga nakakabatang kababayan........:p

mbstorun
01-26-2007, 01:13 PM
hahahha... nakakakiliti naman dito.........:p sige po mga kabayan patuloy pa ang pagpost ng payo.......:D para ikapulutan ng aral ng mga nakakabatang kababayan........:p

naku LIONG, ikaw ha nakikiliti kana e wala pang resulta ang mga payo dito hehe...kaya intay~intay lang tayo baka pagpulutan din natin ng aral at magaya baka may bago hehheh...:eek: :p

liong
01-26-2007, 01:19 PM
naku LIONG, ikaw ha nakikiliti kana e wala pang resulta ang mga payo dito hehe...kaya intay~intay lang tayo baka pagpulutan din natin ng aral at magaya baka may bago hehheh...:eek: :p

hahahha!! kanina pa ko nakikiliti........:D di na ko magkandaayos dito eh..... siguro ang sarap nyong maging asawa kung ganyan ang mga maiitim ninyong balak sa mga habibi nyo.....:p

di bali dadating din ang panahon ko para sa ganyan......nyahahah ahah!!! nakikiliti ulit ako....HEHEHEHE:p

sana nga mabago ang lahat at sa halip si ate na lang ang gawing medium ng asawa nya...:D :p

aviationlady
01-26-2007, 01:37 PM
@ malufet kong kuya :p
hehe.... pag sa gantong topic ang bilissssssssss talaga :p .nnyahahaha.....:D sorry po OT :p ... napadaan lng po :)

Philipinessa
01-26-2007, 01:46 PM
hindi lang blurry vision ang effect ng lack of sex liong-:order: san!!!! waaahhhh!!! :cry:
nahiwa pa ako ng kutsilyo lecheng hakusai ito!!! pagka bulag na talaga ang epekto nito!!!
pano ako makaka score nito kung natibok tibok ang palad ko sa hiwa! naku ang lalim pa ata...:doh: do syou..:banghead:

mbstorun
01-26-2007, 01:53 PM

naku pow~~~~~ lintek talaga iyan~~~~ imbes na iba ang mahiwa at iba ang makahiwa yan pang kamay mo! kyahhhhhhh~~~~~ malalim ba???? bayaan mo bawiin mo nalang sa lalim rin mamaya hhahha........:D

@LIONG, nakuh~~~~ e ano pa ang inaantay mo????? simulan mo na yan para lalo kang makiliti!:eek: :p

liong
01-26-2007, 03:13 PM
@ malufet kong kuya :p
hehe.... pag sa gantong topic ang bilissssssssss talaga :p .nnyahahaha.....:D sorry po OT :p ... napadaan lng po :) hoist..........:D di ako mahilig sa ganitong topic....HAHAHA!!!:D mabilis lang talaga akong makiliti............ nyahahahhaha:p :hihi:

hindi lang blurry vision ang effect ng lack of sex liong-:order: san!!!! waaahhhh!!! :cry:
nahiwa pa ako ng kutsilyo lecheng hakusai ito!!! pagka bulag na talaga ang epekto nito!!!
pano ako makaka score nito kung natibok tibok ang palad ko sa hiwa! naku ang lalim pa ata...:doh: do syou..:banghead:

hay naku mukhang malala nga........naapektuh an na rin ang patingin mo.......hehehehe:D
konting ingat lang.............di bale babalik din kagad yang paningin mo...:D

Inday_36
01-26-2007, 03:29 PM
pano ako makaka score nito kung natibok tibok ang palad ko sa hiwa! naku ang lalim pa ata...:doh: do syou..:banghead:

bakit di mo try na pumasok mula sa paanan ng futon, tapos kunyari nasagi mo lang ang puno ng saging! ewan ko lang kung wa epek pa rin yan. :hihi:

Saling Pusa
01-26-2007, 03:44 PM
The problem is not physical.. so no amount of physical contact or physical advances will do any good. The problem is psychological..and its the addiction to pornography by the Japanese husband thats why the poor wife is left alone..psychological ly hurting because her self worth and self esteem are hurt. To suggest that she joins him to watch porno does not solve the problem..it worsens the problem which needs immediate therapy.:grouphug:

wonderKulit
01-26-2007, 04:15 PM
:D andami na pala nagbigay ng idea sayo Philipinesa...:rolle yes: taglamig kasi ....:D kaya malakas ang radar pagdating sa ganitong usapan di ba :D

ICHIBAN08
01-26-2007, 04:38 PM
Basta yan ang usapan patok na patok hahaha!:D ...philippinesssa@ sa dami ng nag advice e nakagawa ka na ba ng moves?...pasasaan ba't bibigay din si mister wag ka lang mawalan ng pag asa:p ...ganbatte ne:hihi:

Philipinessa
01-26-2007, 05:47 PM
:tongue:Langya mga ka TF oo, promise ang hirap talaga!!! buti pa yong isa eh malakas ang powers ni mister! hahaha at kung pede ko nga lang talagang hiramin yan eh hihihihi

Kung malaki lang ang dodo ko naku nasampal ko sya neto (ay sorry bastos ata yun) sorry po...ang hirap..daming advices na ini-isa isa ko na nga para makuha ko lang ang matamis nyang "sige na nga!"... kakalungkot...pero sa inyong lahat eh salamat kasi naihihinga ko nga itong aking naisin at madilim na balak kay mister hehehe...

Sana tumigil na ang pagtibok ng aking hiwa sa palad ko para naman walang jama mamya sa paghimas ko sa kanya (naks!) puso ko na lang ang tumitibok dapat hehehe

laban na ito!!!

Kami-sama wag naman po sana nya akong tanggihan mamya...

Philipinessa
01-26-2007, 05:59 PM
bakit di mo try na pumasok mula sa paanan ng futon, tapos kunyari nasagi mo lang ang puno ng saging! ewan ko lang kung wa epek pa rin yan. :hihi:

nakuuuu inday-san, ay sya ang payo mo eh pang kinabukasan...di kaya ako masipa nito sa futong hahahahihihiihi arigatou ne! ang gagaling talaga ng mga kababaihan...mabuhay tayo! sana eh mabuhay rin si mister ko talaga...

yosh yosh yosh yosh! gambaru yosh! hehehe:D

babyangel
01-26-2007, 09:02 PM

Kaya mo yan:lol: Gabi na naman oh:rolleyes: Ganbatte ne sis:thumb:

alaehanoga
01-26-2007, 09:29 PM
:tongue:...pero sa inyong lahat eh salamat kasi naihihinga ko nga itong aking naisin at madilim na balak kay mister hehehe...

Sana tumigil na ang pagtibok ng aking hiwa sa palad ko para naman walang jama mamya sa paghimas ko sa kanya (naks!) puso ko na lang ang tumitibok dapat hehehe

laban na ito!!!

Kami-sama wag naman po sana nya akong tanggihan mamya...
Have a good and memorable night Philipinessa San, hope for your good news tomorrow!! Goodluck!!

fisher
01-27-2007, 12:45 AM
:tongue:Langya mga ka TF oo, promise ang hirap talaga!!! buti pa yong isa eh malakas ang powers ni mister! hahaha at kung pede ko nga lang talagang hiramin yan eh hihihihi

Kung malaki lang ang dodo ko naku nasampal ko sya neto (ay sorry bastos ata yun) sorry po...ang hirap..daming advices na ini-isa isa ko na nga para makuha ko lang ang matamis nyang "sige na nga!"... kakalungkot...pero sa inyong lahat eh salamat kasi naihihinga ko nga itong aking naisin at madilim na balak kay mister hehehe...

Sana tumigil na ang pagtibok ng aking hiwa sa palad ko para naman walang jama mamya sa paghimas ko sa kanya (naks!) puso ko na lang ang tumitibok dapat hehehe

laban na ito!!!

Kami-sama wag naman po sana nya akong tanggihan mamya...

Bukas kapag maghapon kang wala sa TF...Plastado ka hahahahaha:D .Kapag sumisikat pa lang ang araw at nagkakalikot ka na sa TF................di ka nakatulog sa sobrang inis wehehehehehe:p .

mbstorun
01-27-2007, 02:22 AM
Bukas kapag maghapon kang wala sa TF...Plastado ka hahahahaha:D .Kapag sumisikat pa lang ang araw at nagkakalikot ka na sa TF................di ka nakatulog sa sobrang inis wehehehehehe:p .

mukhang 2am na at gising pa ang uliran ko! hmmmm~~~~~~ ano na kaya nagyayari sa nagha~hunting sa mister na ito??? :D

pre FISHER, dali abangan natin ang susunod na kabanata....:p

eri
01-27-2007, 03:21 PM
Ah... Eherm, eherm! Hello Mike Thess,, Thess Mike Hello! hehehe

Pwede po ba makisali sa kilitian nyo? ahihihi:p Hindi ko na matiis na makibasa lang, Sa iyo Ms.Philipinessa, ako po ay nakikisimpatiya, alam ko ang iyong nararamdaman at nakakasakit talaga ng ulo pag natanggihan. Iyang pagsagi sa Puno ng Saging, gawain ko din yan eh!:D Effective sya Sis!!! Kaya go go go ka lang sa mga advices ng mga kaTimog. Laban na kung laban, pasasaan ba't mababawi mo din si mister against dyan sa mga porno stars na yan:p

Goodluck sis:wavey:

Philipinessa
01-27-2007, 04:17 PM
Huh? Nasan ako? At sino kayo? Huh? Ano itong site na ito? Bakit nyo ako binabasa? At bakit ba ako nag-post dito?

Ano pangalan ko? At Bakit ang sakit ng katawan ko?!!! Aaaahhhhh!!! Ang balakang kow...

Hahaha joke mga kapamilya!!! lalalalalala (whistling and dancing!) Nagkakandirit pa yan!

GUESS HUWAAAAATTTT!!!

Yes, hai, uh-huh- uh-huh, OO, tama kayo!!! (yes) SUCCESS!!!!!!!

Ka-TF, Kami-sama...honto ni arigatou gozaimashita! (Bow)

After 4 months eh bigla akong i-nulan, binagyo at samahan mo pa ng lindol!!! (Rock n Roll)

Pagka-uwi nya, kagabi tanong kagad ...yoru-gohan wa, nan desu ka? sagot ko kagad ay, watashi desu..hihihihi sabay pikit ng aking matang lagkit na lagkit hahaha..pero tamang tawa lang ang binigay ng aking mister...

Hindi bumigay sa necktie mga mahal kong ka-TF...bumigay sa futon ni ate Inday!!! I lab you ate Inday! Praise the LORD of THE RINGS!!!

Di ba may hiwa ako sa kamay? Buti na lang nahiwa ako!!! Kasi nahiwa rin ako kagabi hahahahaha sa ibang paraan nga lang (ay bastos na naman akow) peace! sorry sa mga maseselan...hihihi Honga pala, dumaan ako sa ilalim ng futon nga sa paanan tapos kunwari eh nadali ko yung hiwa ko sa palad so nag out-out balance ako kuno sabay dali ng punong saging! Ayun nabalatan ang saging ng wala sa oras!!! Aaahhhhhh grabe kinikilig pa ako hanggang ngayon!!!!! Nakuuuu Ate Inday at mga ka-TF kung pede ko lang ilahad sa inyo lahat-lahat ng nangyari!!! hihihi hahaha kaya lang baka mapulis ako mahirap na!

Naku sayaw tayong lahat! Akala nyo titigil ako HINDI no! May bukas pa hihihi di ba sweldo nung 25...sabi ni Mister...nani tabetai n desu ka? sagot ko kagad...Anata hahahaha yung kireng-kireng pagsabi ng Anata... naniga hoshii n desu ga? Anata ulit sagot ko..ayun nabato ako ng t-shirt nyang hinubad hahahaha hihihihi demo kimoooochiiiii yokatta!!! yosh yosh yosh!!!

I feel good!!! I feel like breakdancin`..

I love you all!!!!

Salamat sa inyong lahat!!!

Philipinessa
01-27-2007, 04:32 PM
Sorry mga mahal kong ka-TF at ang daming nakapost ewan ko kung bakit nangyari yan at 3 beses! hahahahaha ..nangangatal pa kasi ako eh hihihiihi...

Magpapahinga muna ako saglit...

mbstorun
01-27-2007, 04:35 PM
whoah~~~~~ congrats! well done pala! kala ko di umobra papahiram ko sana si mister ko hehhe....:p

babyangel
01-27-2007, 05:55 PM
Sorry mga mahal kong ka-TF at ang daming nakapost ewan ko kung bakit nangyari yan at 3 beses! hahahahaha ..nangangatal pa kasi ako eh hihihiihi...
Magpapahinga muna ako saglit...

Ayannnn:jiggy:naka score ka rin pala sa wakas.Ang problema kelan na naman po kaya masusundan yan kagalakan mong yan sis:confused: Omedetto :p

Inday_36
01-27-2007, 06:20 PM
ha.ha.ha. wala akong masabi..:king: :D nasobrahan ka kasi sa ligaya, kaya ayan! super dami ng nai-post mo..

Autumn
01-27-2007, 06:33 PM
ang cute cute mo naman sis..:D

neneng
01-27-2007, 08:04 PM
philippinessa,
ayaw ko sanang sumali sa inyo kasi "lowla" na si neneng ninyo kaya lang i can't help myself, napahalakhak ako sa kwento mo:p parang umabot pa hanggang amin yong lindol

neneng
01-27-2007, 08:07 PM
sorry may pahabol pa......biglang naputol yong post ko:confused:

anyway , pasa sa iyo philipinessa, more more powers pa rin. Hwag kang sumuko:bouncy:

fisher
01-27-2007, 09:08 PM
Sorry mga mahal kong ka-TF at ang daming nakapost ewan ko kung bakit nangyari yan at 3 beses! hahahahaha ..nangangatal pa kasi ako eh hihihiihi...

Magpapahinga muna ako saglit...

Sinasabi ko na nga ba eh.....kaya pala 4:17 na ng hapon ka gumising eh plastado ka hahahaha.Di kaya kapag naglakad ka niyan e pagiwang giwang pa hehehehehe:D :p .So,by october ay may junior na kayo kung nasapol ng husto ni mister ang bulkang pinasabog bwahahahahaha:p .

Tarena314
01-27-2007, 09:14 PM
Sorry mga mahal kong ka-TF at ang daming nakapost ewan ko kung bakit nangyari yan at 3 beses! hahahahaha ..nangangatal pa kasi ako eh hihihiihi...

Magpapahinga muna ako saglit... grabe ka..,! napatawa mo ako sa post mo..,eh ! di ang ang ligaya natin ano..,? hi hi hi..,sige ! galingan mo pa ang teknik mo ha ..,sana laging ganyan..,hi hi hi:D anyway ..,omedetto !! share mo ulit ang mga pangyayari ha..,:D

docomo
01-27-2007, 09:30 PM
@Philipinessa

sa sobrang saya pinanggigilan ang pag click ng submit reply .. :D omedetou:p

liong
01-27-2007, 09:57 PM
!!!

Yes, hai, uh-huh- uh-huh, OO, tama kayo!!! (yes) SUCCESS!!!!!!!

Ka-TF, Kami-sama...honto ni arigatou gozaimashita! (Bow)

After 4 months eh bigla akong i-nulan, binagyo at samahan mo pa ng lindol!!!

yiheeeeee!!!:D galeng galeng...... congrats sa iyong matagumpay na pangaakit! sana lagi ka ng ulanin at lindulin ng mister mo!:D HAHAHAHAHA:D

at sana ikaw na ang gawing pornstar ng mister mo....:D congrats ulit!!:D :D :D :D

summerghie
01-27-2007, 11:17 PM
makisali na rin nga but before that icongratulate muna kita philipenesa dahil sa nagsuccess ka lowla sa mga plans mo. mgbigay lang ako ng opinion ko regarding doon sa unang post mo about watching porno. i dont want to be hypocrite here but i dont see nothing wrong of watchin porno~~~~~opppss teka lang bago tumaas ang kilay ng iba eh tapusin ko muna ha~~~~ ako nanunuod ako ng porno alone and even w/ my husband...minsan nga katabi nya pa ko habang nagbrowse sya sa internet ng mga porno movie or site saka tinatawag nya pa nga ko eh at pinapakita sakin ~~ok lang walang kaso saka minsan nga nagpupunta siya sa site ng mga my live chat na mga pilipina sa pinas pero di siya nakikipagusap may free viewing lang ng 1 min ata at yun nagtatawanan naman kami. siguro hobby lang ng asawa mo yun magcollect ng porno movies mas matakot ka kung talagang di ka na nya i DO tas he will spend lots of money para lang sa collections niya na mga porno eh yun medyo maalarma ka na kasi parang iba na yun.. saka you have to get used to it na SOME of the japanese eh di talaga mahilig sa sex.di lang naman ikaw ang kinakaong dian (oopppsss sowie for the word) marami tayo(isama mo na ko )..marami ng may prob. niyan kung hahalungkatin mo lang yun old thread tungkol sa ganyan makikita mo maraming member ng mga MALALAMIG ANG GABI SA JAPAN ~~~hehehehehehe~~~~t alagang mas my time pa sila manuod ng tv lalo na kapag soccer games ang palabas, favorite drama series nila, golf, etc... keysa sa magspent ng time para sa sex..they always reason out na pagod sila fr. work at kailangan magrelax. eh kung ikukumapara mo talaga sa pinoy naku dai walang pagod pagod T_ _ _ _ ~~~ahihihihihi~~~ ganyan na talaga siguro sila eh saan ka nakakakita na may sked pa ang pag making love diba kakaiba ~~~~hahahahaha~~~~ka pag ikwento mo pa sa iba ayaw maniwala kasi daw bakit my sked eh sa ganun talaga ~~~so sis you have to get used to it lalo na kapag may anak na kayo dahil mas lalo kapang makakaong niyan....basta maging open lang kayo sa isat isa kasi iba pa rin yun pinaguusapan ang prob. nyo. huli man ang paramdam ko sa thread mo pero sana nakadagdag man lang tulong sayo.. mata ne..gambatte...

Philipinessa
01-28-2007, 05:37 PM
Konbanwa!

Salamat sa lahat ng nag congratulate sa akin ha? :sweeties: Ako eh masaya honto ni! Sana eh sa lahat ng kagayang kong "tigangers or kaongers" eh makascore din kayo hihihihi:p

Whatt`a weekend! Whew! Kakapagod din pala ang sobrahan...ha? ano? ano ulit? di kita marinig, pakilakas nga. nakakabingi pa ano? hehehehe:D

Eto tama nga ang isang ka-TF ko sa katanungang, kailan naman kaya ulit ito masusundan? Ay inang hindi na muna ako aasa na bukas o kinabukasan o sa isang linggo dahil IMPOSSIBLE ata yun dahil may pasok na naman sa trabaho. Baka bibilang ulit ako ng daliri sa paa`t-kamay, isama ko na rin mga paa`t-kamay nyo sa bilangan hehehe. Hayaan mo na, at ako rin naman eh napagod ng husto...diaske, ang dami ko pang palantsahin ngayon, ang bigat ng aking katawan ay! :doh:

Sa lahat ng nagpayo sa akin, maraming salamat! Pipilitin kong mai-bukas ang damdamin at isip ng aking Mister na mag-share naman di ba?...masama ang madamot at magsarili hehehe isama nya ako para cool! para masaya kami pareho di ba? Lahat nga yan eh napag-aaralan kumbaga...minsan nga lang talaga eh dapat magaling kang tu-miming at magaling kang pumaraan hehehe...hindi ako susuko kahit maging kain lupa pa si nene hehehehe:D

Ako eh patuloy na tatalik este tatangkilik dito sa TF dahil ang laki ng tulong nito sa akin at obvious naman sa lahat ng Pilipino dito sa Japan!

Mabuhay ang TF! :dowave: Ang masarap nga la-ang eh MAGPAKA-TOTOO tayong lahat!Yosh! Sige, magpapatulo muna ulit ako ng pawis! Sa......pamamalantsa ! hahahaha;)

docomo
01-28-2007, 06:48 PM
@Philipinessa
wow! you go gurl! yebaaah!!:D