PDA

View Full Version : About Hoken!


poohbear
01-25-2007, 12:52 PM
Hello everybody!

Tanong ko lang kong ilan ang Hoken meron kayo? At sino po ba ang nagbabayad ng
Hoken ninyo kayo po ba? asawa or parents inlaws? Kasi gusto ko lang malaman para
magka idea naman ako, kasi masyado lang kasing marami iniisip ngayon at gumugulo
sa isipan ko.Feeling ko kasi hindi tama ang ginagawa nila sa akin.:mad: Or masyado lang
akong mapaghanap!:rolleyes :

summergirl
01-25-2007, 08:14 PM
i have 3 hokens,asawa ko ang nag-babayad, you didn't mention what's bothering you,Hindi ko tuloy malaman ang isasagot ko sa iyo sa ibang tanong mo.Anyway pag gusto mong sabihin maraming taga tf na willing mag-bigay ng advise .

michael_jp
01-25-2007, 08:24 PM
Here is the basic types of insurance (http://www.housingjapan.net/tokyo_guide/lifestyle/insurance.html) in Japan. Kung may question ka ay i-post mo lang in details para makatulong ang mga TF. :)

poohbear
01-25-2007, 10:39 PM
Sorry medyo binitin ko kayo! Nagdadalawang isip kasi ako kung itatanong ko itong bagay
na to........ Kaya lang naguguluhan na talaga ako! Kaya sana may makapagbigay ng advice
sa kin tungkol sa mga binabalak naming mag asawa! Kung tama ba o mali ang gagawin ko.

Magdadalawang taon na ako dito at nakatira kami sa magulang ng asawa ko. Meron silang
farm bale bussiness ba! Maayos po ito at malakas sa income kaya lang ang sahod po naming
mag - asawa sobrang baba! Noong bago pa lang ako dito parang ok lang sa akin ang lahat
isip ko kasi pabor ito para amin mag- asawa,pero ngayon nalalaman ko na kahit papano ang
buhay dito parang hinde pala ok ,parang kulang, at hinde tama!:O Binibigyan po kami ng
M.I.L ko ng parang sahod namin mag- asawa, Bale sa asawa ko po ay juman at sakin naman
po 3man sila po bahala sa lahat like pagkain,ilectric , at hoken namin at sa iba pang gastusin
sa loob nng bahay.Pero kulang po sa amin mag- asawa ang sahod namin dahil may pinagga-
gastusan din po kami iba like damit , pangagailan ng anak namin toys or damit, bill ng ketai
and phone may sarili po kaming phone sa kuwarto panggamit pag tawag sa pinas,saka bayad
sa youchien , and panggala. Kulang na kulang po sa amin ang pera saka ala din po kaming
ipon dahil kulang nga po! Ang kinasasama ng loob ko maghapon po akong nagtatrabaho at
pagkatpos kong magwork sa farm nila sa loob ng bahay naman po ang aasikasuhin ko at pag
dating ng anak ko rin .Sa madaling salita ginagawa ko po ang lahat para silang masabi dahil
Oyomesan daw ako kahit di naman chonan ang asawa ko bunso po, saka nakikisama po ako
dahil parang wala sila masabi sa kin dahil nakapisan kami sa kanila.Ang di ko lang po matanggap
bakit ang asawa ng tiyuhin ng F.I.L ko sinusuwelduhan nila ng 800 kada oras samantalang di
naman tumutulong sa amin paminsan minsan lang saka medyo mahina na pong kumilos kasi
78 years old saka everday may sueldo kahit di naman nagtrabaho ng araw na yan, minsan
kinukuwento ni M.I.L na noong araw daw si obaasang daw ang nag-aalaga sa asawa ko at
kapatid niya ng maliit pa sila kaya naiisip ko baka tumatanaw lang sila ng utang na loob! Ayaw
ko sanang magtampo dahil wala na man akong karapatan kaya lang po parang unfair naman
po para sa akin dahil araw araw nag gagambaru ako at di po nila akong maringgan ng reklamo
kahit hirap na hirap na po ako!:O na para akong robot na sunod lang ng sunod sa gusto nila
wala a po akong dispusisyon para sa sarili ko, magpahinga nga lang ako iniisip ko kung tama
ba na magpahinga ako? kasi parang iniisip ko baka di tama, baka may gagawin or kailangan
kong maglinis ng bahay habang walang trabaho sa farm.kasi parang isip ko lagi nakamatyag
mother inlaws ko bawat kilos ko!:( Kaya sabi ko sa asawa ko ngayon lumipat na lang kami
kasi gustong kong magtrabaho sa iba lalo pat next year pag aaralin ko kapatid ko sa college
sa totoo lang po di po ako nagpapadala sa pinas paminsan minsan lang pero dahil nga mag
aaral na sa college kapatid ko kailangan ko nang kumita ng medyo malaki na kya ko rin mag
ipon.Tinanong ko po ang asawa ko about my Hoken sabi niya isa lang daw ang hoken ko.
Tama lang ba yon para sa akin?:confused: Sabi ko sa asawa ko pagmagtrabaho ako tutulong ako
sa kanya like panggastos sa araw araw kahit ako pa magbayad ng sarili kong hoken bastat
bumukod na kami.

poohbear
01-25-2007, 10:48 PM
sorry po medyo napahaba ang kuwento ko! Nilalabas ko lang po sama ng loob ko.:weep:
Tf member tama bang bumukod na lang kami kasi feeling ko di na tama, saka
gusto ko rin matutu kong papano humarap sa buhay may asawa at makapag ipon na rin!

Tf member payuhan ninyo namn ako ? tama ba o mali ang gagawin ko?
naguguluhan na po kasi ako:(

japphi
01-25-2007, 11:54 PM
Hi poohbear....hajimema shite.....mukhang namo-mroblema ka sa mga in-laws mo....maganda nga at nailalabas mo unti-unti yang mga hinanakit mo.Marami tayong mga kababayan na pwedeng sumagot o mag-bigay nang advices sa'yo dito.

Tungkol doon sa tanong mo na houken.....ako yung houken ko ay dalawa....life insurance at Gan houken.Pero this time na wala na ang asawa ko ay ako na lang ang nagbabayad sa life insurance ko.

Tungkol naman sa mga in laws mo.....masasabi ko na futsu pa rin ang nangyayari sa inyo nang mga in laws mo.Ang gusto kong sabihin ay kung nasa poder kayo nang mga in laws mo ay futsu na yang ganyan na usapan.

Sila yung bahala sa mga gastusin,pati pala houken ninyo ay sila ang nagbabayad,etc.....t apos dahil tumutulong kayo sa trabho nila...buti nga at may binibigay pa sila sa inyong mag-asawa....yun nga lang ay mababa nga.Pero yun ay sa kadahilanang kasama kayo sa mga binabayad nila na tulad mga bills sa kuryente,tubig etc,etc,etc.Alam mo kung ikukumpara sa iba nating kababayan na nasa poder nang kani-kanilang in laws ay baka masasabi pang maswerte ka......pasensya ka na ha....siguro kaya ko nasasabi ito ay sa kadahilanang hindi ko na-e-experience ang katayuan mo.....pasensya ka na ha.

Pero may nababalitaan din naman ako na ganyan din at talaga namang minamaltrato sila at wala namang ginagawa yung asawa dahil mga magulang nya yon.
Kung halimbawa at umalis kayo sa poder nila....malaking bills buwanan ang magiging problema ninyo.....kapalit nga no'n ay matututo kayong mag-asawa na mamuhay nang sarili ninyo at malaman ang pamumuhay na kayo lang at may freedom o privacy kayong mag-aanak...lalu na ikaw.

Wala akong mai-a-advice na iba sa'yo kundi ang magt'yaga ka pa...basta huwag kang magbabago sa mga in-laws mo...sigurado na kahit hindi sila nagsasalita sa'yo nang mga magagandang bagay tungkol sa'yo ay nakatatak sa kanilang kalooban yang mag bagay na ginagawa mo para sa kanila.Tumatanda sila...kailangan din nila nang lingap nang anak nila o Oyome san nila.At dahil sa mga magulang sila nang asawa mo....kailangan na ituring mo rin silang mga magulang mo rin na kailangan mo ring lingapan sa pagtanda nila.

Gomen ne...wala akong magandang nai-advice sa'yo....yan lang.....moto GANBATTE ne.

katheyrine
01-26-2007, 10:57 AM
hi poohbear.

ako naman medyo iba situation ko sa iyo pero nagkakapareho pag dating sa in laws. landlord nman ang bienan ko, may isa kaming pinto kami ng asawa ko, pero sila sa kabilang pinto as in parehong floor. wala kaming bayad sa rent, ilaw, pagkain, tubig, gas, lang ang binabayaran ko. malaking ginhawa sa amin kasi mahal ang rent di ba? ang hoken naming mag asawa eh kami rin nagbababayad. kaya lang kahit nakabukod kami sa bienan ko eh tutok sila sa buhay naming mag-asawa lalo na sa akin! chonan ang aking kabiyak kaya ang daming sekinin sobra! maaga akong gumising, 5:30 pa lang gising na ako kasi magluluto pa ako breakfast at baon sa lunch ng asawa ko bago sya pumasok. 7:15 aalis na sya...dali dali ko namang gagawin ang paglilinis o paglalaba sa bahay namin dahil 8:30 kailangan pumunta na ako sa kabilang pinto (bahay ni bienan) para magluto ng breakfast nila! sa bagal ng mga ito eh nade-delay ako sa mga gawaing bahay ko, maglilinis ng bahay nila, lahat lahat gawa ko! Magwawalis ako ng 4th floor lobby hanggang garahe eh lilinisin ko, hagdan lang ito so isipin mo ang hirap mag akyat panaog. Itinuturo na nilang lahat sakin pano ang pagpapatakbo ng pauhan nila, punta sa banko, utos dito blah blah blah lahat halos tinuturo nila dahil pag sila raw eh namatay na eh sa amin na ito ng asawa ko...minsan pag sobrang pagod, naiisip kong..."sino bang may gustong manahin namin to"..kaya lang talagang ang buhay nating ito eh napakaraming sakripisyo. pero ang kagandahan naman nitong mga hirap ko eh, halos bigay lahat sa akin ng bienan ko, damit, alahas at kung anu-ano pa. minsan di na rin kami nagastos nga sa pagkain kasi lagi kaming libre sa kabila (bahay ni bienan).

sa kabilang banda, nakakapagod di ba? pero isipin mo na rin ang mga magaganda naiibibigay nila sa iyo, tama yung advice ni Japphi-san na kahit hindi sila naimik eh alam nila lahat ng pagsisikap na ginagawa mo. hindi ka parang robot, marunong ka lang gumalang, rumespeto at umintindi at makisama... :) balansehin mong maigi kung makakabuti nga ba na bumukod kayong mag-asawa, sabi mo eh kulang na kulang ang pera tapos bubukod kayo? di kaya lalo kang mahirapan poo-san? o kaya naman maghanap ka ng trabahong iba, di kaya? o si hubby mo baka pede ring makahanap pa ng ibang part time..kung wala lang conflict ha?

kaya mo yan at lagi mong iisipin na lahat ng sakripisyong nasa tama eh may biyayang kapalit.

ingat ka palagi. motto gambatte ne.:)

poohbear
01-26-2007, 12:55 PM
Ayoko rin po sanang gawin ito kaya lang minsan sumasama ang loob ko.Wala po akong masabi sa F.I.L ko kasi mabait yon nga lang po pagdating sa M.I.L ko parang hinde. M.I.L
ko po kasi minsan mabait minsan naman pinaplastic ako , Kasi pag may ibang tao na dumarating
sa bahay pinapakita niya sa bisita na wala akong alam... katulad po kahapon dumating yong kapatid niyang babae para sunduin siya tapos ako namn naglalaba itinuro niya sa akin kung saan
don yong powder na sabon kung saan ginagamit sa panlaba samantalang alam niya na alam ko
ang tungkol sa mga sabon na yan at kung saan ginagamit!Sabay sabi pa niya na `Nani mo waka
ranai kara' :eek: Samantalang alam ko lahat pagdating sa loob ng bahay ang mga bagay bagay kahit di po ako nakakabasa ng kanji. Ang hirap minsan kasi minsan bigla bigla na lang magagalit sa akin kahit walng dahilan pero pinapagpasensiyahan ko na lang kasi sabi ko sa sarili ko ` Ganyan lang yan kasi tumatanda na ' or minsan inis siya sa asawa ko or kay otoosan sa kin niya
binubuntun yong inis niya.

Alam ko po kapag umalis kami sa poder nila baka magalit sila sa amin at ayoko rin sana mangyari yon kaya lang malapit na po akong mapuno baka po pagsumabog ang galit ko baka
makapagsalita ako ng mga bagay bagay na masakit para sa kanila.At alam ko po na malaking kawalan kami sa kanila pag umalis kami kasi po di po marunong magdrive si okaasan saka nasa
Inaka po kami nakatira Di po niya maasahan si otoosan kasi di sila magkasundo, at papalayo sa kanila ang apo nila pero papano naman ako!:O

mbstorun
01-26-2007, 01:04 PM
poohbear, mahirap nga yang sitwasyon mo at oo tama ka sobrang baba ng sweldo nyong mag-asawa...kung magbubukod kayo at yan pa din ang sweldo nyo sa farm ng inlaws mo siguradong kakapusin pa lalo kayo kaya mas mabuting kausapin mong maigi yang asawa mo dahil iba nga naman talaga pag may sarili kayong bahay.....ako kase sa lahat ng ayaw ko yung may kasama kaming mag-asawa sa bahay dahil nakakailang kumilos....kung baga nagpapakiramdaman kayo...pero since di pa naman nangyari saming mag-asawa na kasama ang pamilya ko sa bahay namin or pamilya nya so far medyo ok naman kami....sa HOKEN mo naman, ok na rin yan kahit isa lang ang HOKEN mo pero siguraduhin mo na meron nga ikaw kase mahirap na u know.........Nung bagong kasal lang kami ng asawa ko isa lang rin ang HOKEN ko dito...lately nalang sya nagdagdag so bale 3 ang HOKEN na naming mag-asawa.....

sana, maintindihan ng asawa mo yan kase sya ang mas mabuting makipag-usap sa parents nya about sa plano mo na magbubukod kayo at sa sweldo nyo dahil kulang na kulang nga yan....kung mag-uupa kayo ng apartment e mahal na rin tapos u need to send your sister pa in college...try to communicate nicely sa asawa mo nalang..God bless u!:p

Philipinessa
01-26-2007, 01:36 PM
poo-san ang hirap nang situasyon mo! kaya nga nag asawa di ba? para humiwalay sa magulang, kahit pa maghirap kayong mag-asawa, mag-asawa nga eh, sa hirap at ginhawa magkasama! kahit pa kulang basta pagkasyahin at hawak nyo sarili nyong buhay at desposisyon...kaya lang tsk tsk tsk..hirap din nakakalito..kasi nga magulang din..at mahirap talaga pag kulang ang pera, ang hirap pagkasyahin ang kulang hehehe

ilabas mo lang lahat ng sama ng loob mo, pero kung ako sayo barahin mo rin yang bienan mo pag ginagawa ka ng tungaw..aba eh sala rin naman yon! nani mo wakaranai kara? daw?! baka sya`y masipa ko! bienan ko eh pag nakita akong di na naimik at nakitang matulis na ang baba ko, takot na sila hehehe kaya minsan hindi masamang umimik o sumagot basta tama ok? huag mong ipunin lahat ng sama ng loob mo kasi pag lumabas yan sa pwet ang baho hahaha joke joke pinatatawa lang kita... ang huag na huag mong iwawala eh ang respeto sa sarili mo ok? walang sinomang pedeng kumuha nan mula sayo..

about sa hoken, kami ni mister nagbabayad at yung isa eh sa companya naman nya.

o sige, gambatte. ingat!:)

poohbear
01-26-2007, 06:24 PM
hi poohbear.

ako naman medyo iba situation ko sa iyo pero nagkakapareho pag dating sa in laws. landlord nman ang bienan ko, may isa kaming pinto kami ng asawa ko, pero sila sa kabilang pinto as in parehong floor. wala kaming bayad sa rent, ilaw, pagkain, tubig, gas, lang ang binabayaran ko. malaking ginhawa sa amin kasi mahal ang rent di ba? ang hoken naming mag asawa eh kami rin nagbababayad. kaya lang kahit nakabukod kami sa bienan ko eh tutok sila sa buhay naming mag-asawa lalo na sa akin! chonan ang aking kabiyak kaya ang daming sekinin sobra! maaga akong gumising, 5:30 pa lang gising na ako kasi magluluto pa ako breakfast at baon sa lunch ng asawa ko bago sya pumasok. 7:15 aalis na sya...dali dali ko namang gagawin ang paglilinis o paglalaba sa bahay namin dahil 8:30 kailangan pumunta na ako sa kabilang pinto (bahay ni bienan) para magluto ng breakfast nila! sa bagal ng mga ito eh nade-delay ako sa mga gawaing bahay ko, maglilinis ng bahay nila, lahat lahat gawa ko! Magwawalis ako ng 4th floor lobby hanggang garahe eh lilinisin ko, hagdan lang ito so isipin mo ang hirap mag akyat panaog. Itinuturo na nilang lahat sakin pano ang pagpapatakbo ng pauhan nila, punta sa banko, utos dito blah blah blah lahat halos tinuturo nila dahil pag sila raw eh namatay na eh sa amin na ito ng asawa ko...minsan pag sobrang pagod, naiisip kong..."sino bang may gustong manahin namin to"..kaya lang talagang ang buhay nating ito eh napakaraming sakripisyo. pero ang kagandahan naman nitong mga hirap ko eh, halos bigay lahat sa akin ng bienan ko, damit, alahas at kung anu-ano pa. minsan di na rin kami nagastos nga sa pagkain kasi lagi kaming libre sa kabila (bahay ni bienan).

sa kabilang banda, nakakapagod di ba? pero isipin mo na rin ang mga magaganda naiibibigay nila sa iyo, tama yung advice ni Japphi-san na kahit hindi sila naimik eh alam nila lahat ng pagsisikap na ginagawa mo. hindi ka parang robot, marunong ka lang gumalang, rumespeto at umintindi at makisama... :) balansehin mong maigi kung makakabuti nga ba na bumukod kayong mag-asawa, sabi mo eh kulang na kulang ang pera tapos bubukod kayo? di kaya lalo kang mahirapan poo-san? o kaya naman maghanap ka ng trabahong iba, di kaya? o si hubby mo baka pede ring makahanap pa ng ibang part time..kung wala lang conflict ha?

kaya mo yan at lagi mong iisipin na lahat ng sakripisyong nasa tama eh may biyayang kapalit.

ingat ka palagi. motto gambatte ne.:)


Buti ka pa nga kahit papano bukod kayo, ako naman ganyan sabi nila sa amin na sa amin mapupunta yong bussiness nila pagwala na sila.kaya lang iniisip ko papano pagdumating sa amin
mag asawa like mawala ang asawa ko na wala pa rin kaming ipon papano naman kaming mag ina! Ayoko mag isip ng ganyan kaya lang dapat din maging praktikal ako dahil di natin alam an mangyayari bukas diba saka me anak kami buti kong ako lang di ako mag iisip ng ganito. Kaya kong pagtiisan lahat like ugali nila dahil mahal ko asawa ko kaya lang papano namn ang kinabukasan namin lalo na anak ko.
Ayoko sanag mag isip ng ganyan kaya lang

poohbear
01-26-2007, 06:48 PM
Alam na ng asawa ko lahat ng sa loob kasi sinabi ko sa kanya. At parang ok na rin sa kanya na bumukod na kami kaya lang iniisip niya din niya kung papano na magulang niya at bahay nila!
Kaya po namin magsarili na di umasa sa inlaws ko kasi puwede pa siyang bumalik sa dati niyang trabaho like sa tokyo kami titira.Pinag usapan na rin namin lahat like budget namin at gastusin
kung bubukod kami, sa totoo lang po magastos nga po pero makakapag ipon pa rin kami lalo na rin po kung magtatrabaho din ako, di katulad dito na wala talaga kaming ipon...

Alam ko po na pagdating ng panahon sa amin na yong bussiness nila giginhawa din kami kaya
lang po mag-aantay pa yata kami ng matagal bago mangyari yon!:O Kaya kong mag tiis at mag
antay ng matagal kong ako lang at wala kaming anak kaya lang di natin alam ang bukas.Ni kahit nga hoken ng asawa ko inlaws ko pa rin nakapangalan na kukuha kung mawala siya.:eek: Dapat ba ganon?????

Tf member baka sa isip niyo mukha akong pera di po! iniisip ko lang po ang future namin lalo
na anak ko!

poohbear
01-26-2007, 06:52 PM
Thansks nga pala sa nagbigay ng advice nila at sa mga magbibigay pa po!
Salamat po sa lahat!


Gusto ko lang po malaman opinyon ninyo tungkol dito at mabalanse ko rin kong ano
talaga ang nararapat kong gawin!:O

altz
01-26-2007, 09:48 PM
may kanikanya talaga tayong katayuan sa Japan. Tama cla poohbear. pag nagbukod kayo,,,shoulder mo lahat ng gastusin. mas malaking bagay na nakatira kayo sa byinan mo. ako wala akong anak, at may trabaho pa kaming pareho ng asawa ko di parin sapat sa lahat ng pangangailangan namin ang kita namin...nag ka livercancer ang asawa ko, nawalan kami ng bahay, dahil hinasang nya,,dahil sa dami ng shakken nya...(di ako kasama sa shakken nya.) sa awa ng lord wala na syang shakken ngayun. kaso mo,,,yun kita nya halos napupunta lang sa hospital. ako naman ay may regular na trabaho. marami akong binyaran sa hoken kuno. ang CAR ko ay 32.500yen monthly loan yun. Car hokken ay more or less 5,000yen, plus gasolina for one month kc wala gasoline service sa kaisha. hokken sa healthcare/semihokken/residence tax/income tax/shaikaihokken plus minsan padala sa pinas lahat sa kaisha binabawas yan 37,000yen more or less din,,depende sa kita,,pag malaki over time malaki pa bawas. plus pag may mga na hospital mag bibigay kapa at pag may namatay...minsan wala din natitira sa sweldo ko. ok,,lang kc regular naman work ko,,,wala rin ako maipayo..ito lang ang ma i share ko ,,,maraming salamat ,,,more power to you

ICHIBAN08
01-27-2007, 05:59 AM
Kabayan, :sweeties: Hajimemashite!...Kab abasa ko lang po ng thread ninyo...mukhang mahirap ang sitwasyon nyo..tama nga po ang ibang kabayan natin na iba iba nga talaga ang pamumuhay natin dito sa japan..may mga napapaganda ang buhay at mayroon namang namomroblema...para po sakin e maganda ang magbukod kayo kung kakayanin nang sitwasyon na magaan sa loob ninyong mag asawa...talaga naman pong napakahirap makasama sa iisang bubong ang ang mga byenan lalo na ang M.I.L...lalo na't sabi ninyo nga e matatanda na...kasi po kung tutuusin ang magdi-desisyon nang buhay ninyo e talagang kayo ring mag asawa at kung tutuusin e may karapatan po kayo mamuhay ng sarili na hindi na kelangan ng desisyon ng mga byenan ninyo...Bakit hindi ninyo subukang lumayo at magsarili?...

Pero kung kakayanin mo pa ang mamuhay kasama sila e magtiis at magdasal na sana e makayanan pa ninyo ang sitwasyon na kasama sila...o kung nagkukulang kayo sa sweldo ninyong mag asawa e bakit hindi kayo mag arubaito kung may magandang pagkakataon:D ...kasi pag may hirap may ginhawa po di ba? kaya pde ring magtyaga na kayo hanggang sa kayo na ang mamahalang mag asawa sa business ng mga byenan ninyo...ngayon e nahihirapan ka man pasasaan ba't giginhawa rin kayo...pero talagang masarap mamuhay na hiwalay sa mga byenan...anjan kasi ang araw araw nagkakasama nagkakaalaman na ng mga tunay na ugali...mabait ka kasi wala kang reklamo kaya siguro para sa M.I.L niyo e ok lang ang lahat sayo...napakabait mo nga e pero magandang ipagpatuloy nyo ang ganyang ugali dahil may malaking award kayong matatanggap buhat sa itaas( kay lord)...:halo:

Mahirap talagang mag desisyon sa lahat:doh: ...anjan ang magsasakripisyo ka at kelangan kapag nag desisyon kayo e walang pagsisisihan at kung ano yung makakapag gaan ng kalooban ninyo na wala kayo aalalahanin...

Ako naman po e asawa ko ang namamahala ng houken ko at bukod kami sa mga byenan ko...matatanda na sila pero malalakas pa at nagtatrabaho...yung byenan kong babae mabait naman siya...dati may similar sa sitwasyon mo na nangyari rin sakin ang tungkol sa sabon hihihi:D ...ayun e bago palang ako nun dito at malimit akong pasyalan dito sa bahay..naipatong ko kasi yung panlinis ng ofuro sa may hugasan ng pinggan kaya akala niya e gagamitin ko yun sa panghugas ng pinggan hihihi:D ...napatawa lang ako at sinabi ko sa kaniya na, "kono sekken ga ofuro ni tsukaushimasu" at sabay itinuro ko sa kanya na ang talagang panghugas ng pinggan hihihi....hindi ko naman kasi sila masisi minsan kung minsan e bina-baka mitai nila ako kasi una gaijin ako at bago palang namamumuhay dito sa japan...kung magtuturo nga naman siya e kelangan perpektong perpekto...mababait naman mga byenan ko sa awa ng dios...kung may ugali man sila minsan ganun talaga ang tao may kanya knyang ugali kaya unawa lang ang pinagagana ko sa isipan ko para maayos ang lahat at ayoko mamroblema mabilis daw tatanda pag palaging iniisip ang problema...

Naku Poobear san@, marami na pala akong nasabi sorry po napahaba ha:bonk:...pero sana e nakatulong po ito sa inyo para sa kahit papaanong paraan e napagaan ko po ang namimigat ninyong problema...sana naman e makapag desisyon kayo ng tama at sana maayos na ang lahat...