View Full Version : Tips na mabilisang panganganak...
ICHIBAN08
01-25-2007, 05:29 PM
Hello po sa mga ka tf members na nakaranas ng manganak dito sa japan (hindi ko lang po alam kung may thread na po ng ganito pakibigay alam na lang po:D )..sana naman po ay mabigyan nyo ako ng mga dapat gawin ko para sa paghahanda ko sa pag anak ko next month, kasi unang pag-anak ko ito at sobrang nahihirapan na ako sa mga nararamdaman ko:( ..lahat ng masasakit ay iniinda ko pero bakit pag tuwing gabi lang bago matulog at minsan nagigising ako sa sakit ng balakang ko at puwitan sa madaling araw..minsan tuloy e iniisip namin ng hubby ko baka nagle-labour na ako:confused: ..pag araw naman e genki akong kumilos at nakakapag lakad pa minsan ng isang oras...mga nasa 36 weeks na po kasi akong buntis e hindi ko po alam ang pakiramdam ng manganganak kasi nga po e fisrt time ko...
Mga mommies, baka naman po pwedeng makahingi ng mga tips na dapat gawin ko para mabilis ako manganak sa oras ng paglabas na ng baby ko..kasi may nanganganak daw na hirap na hirap ilabas ang bata kaya ang iba e na se-ceasarian ( tama po ba ang spelling paki-correct na lang po:D )...hindi kasi ako magawa konting excersice ko e pahinga agad ako..natatakot po akong manganak kaya humihingi po ako ng mga payo ninyo kung ano ang nararapat kong gawin para makaraos ako nang maayos...lalo na po wala akong kamag anakan dito sa japan na makakasama ko...wait ko na lang po ang mga reply nyo...ngayon palang e nagpapasalamat na po ako sa maibibigay ninyong tips para dito...
wildflower
01-25-2007, 06:12 PM
hello sayo ichiban...kapapangan ak ko lang last december 1..ganyan din naramdaman ko noon malapit na kabuwanan ko.ginawa ng eexercise ako tuwing umaga naglalakad ako tapos paghapon ganun naman naglalakad ako para madali lang lumabas ang bata at mataas ang hininga mo.pero iba dito manganak kasi masakit at wala painless.di tulad sa pinas may painless at pain reliever para mawala ang sakit..sa public hospital kasi ako nanganak dito pero makakapaghinga k ng mabuti kasi 1 week ka sa ospital.at dito pagnakapanganak kana sariling sikap talaga kasi wala tayo kamag anak dito.at hwag ka lagi tulog ng tulog sa araw kilos kilos ka para normal ka manganak...
palangga
01-25-2007, 07:03 PM
hala si inday wildflower nibanat!!:D :D
hello ICHIBAN08 hajimemashite:wave: !! payo ko lang pag nag labor ka na,hwag ka iri ng iri kung hindi pa lalabas yung bata..antayin mo lang na para bang ang sarap ng iiri tsaka pa lang dun mo gamitin ang lahat ng lakas mo sa pag iri para labas kaagad yung baby..
ako na CS dahil dyan eh,hindi pa oras s pag iri,iniri ko ng iniri para mapadali yung paglabas ng baby.kya ayun na caesarian ng di oras dahil naubusan ng lakas..
na fell ko yung masarap na sanang iiri kaya lang nsa loob nako ng operating room,sumigaw tlaga ako ng iiri ako kse para bang lalabas na yung bata,kya ayun dali dali nila akong sinaksakan kaagad anesthesia since dun di ko na alam ang kasunod.nagising na lang ako na nsa kuarto na..(naalala ko lang na kung lumabas ng kusa yung baby at di natuloy yung operasyon,walang mapagkakwartahan yung mga doktor s kin kya kaagad nila akong ininject ng general anesthesia):rolleyes :
kaya ichiban08,tama yung sinabi ni wildflower sa yo.
maglakad lakad ka para mapabilis yung pagbaba ng bata s tyan mo at ng di ka mahirapan manganak:) :)
ICHIBAN08
01-25-2007, 07:15 PM
wildflower san, konbanwa:) ..salamat sa ibinigay mong tip napakalaking tulong nito..medyo ninenerbiyos na ako kasi wala pala ditong painless at tlaga palang normal ang pag anak dito...mukhang ang sakit nun:cry: sana makaya ko talaga...eto nga at mag gagabi na naman maiiyak na naman ako sa sakit ng balakang ko at hindi na maka pwesto ng maayos para masarap ang tulog ko....haaay kay hirap pala magbuntis:( ...salamat po ulit
wildflower
01-25-2007, 07:15 PM
hello ichiban..tama yan advice ni palangga bago ako nanganak nakinig ako sa advice ni palangga na mag exercise maglakad lakad mga ilan araw nag labor agad ako.maghanda handa kana hehehe........
ICHIBAN08
01-25-2007, 07:31 PM
Wildflower san at Palangga san, maraming salamat po ulit...gagawin ko po ang mga ibinigay nyong mga tips, mag lalakad na po ulit ako kasi napatigil nitong mga ilang araw ang paglalakad ko kasi bigla akong tinamad lumabas dahil sobrang lamig sa labas....medyo lumaki po kasi ako at bumigat bigla timbang ko kaya naman advice ng doktor e mag diet daw ako:( ...ganun po pala dapat nasa tama ang pag ire ayoko pa namang ma-CS mas mahal ata ang bayad...kelangan na po palang handa na ko...:O
summergirl
01-25-2007, 07:52 PM
Mag walking na na dapat dahil malapit ka ng manganak,sabi ng Obgyne ko dapat daw pag nag-le labor ka na dapat daw nakasarado ang bibig mo at pag alam mo ng manganganak ka na inom ka daw ng fresh na itlog,Good Luck.
wildflower
01-25-2007, 07:58 PM
Wildflower san at Palangga san, maraming salamat po ulit...gagawin ko po ang mga ibinigay nyong mga tips, mag lalakad na po ulit ako kasi napatigil nitong mga ilang araw ang paglalakad ko kasi bigla akong tinamad lumabas dahil sobrang lamig sa labas....medyo lumaki po kasi ako at bumigat bigla timbang ko kaya naman advice ng doktor e mag diet daw ako:( ...ganun po pala dapat nasa tama ang pag ire ayoko pa namang ma-CS mas mahal ata ang bayad...kelangan na po palang handa na ko...:O
hello uli sayo ichiban...masakit talaga dito manganak kasi normal lahat..kaya handa kana at magdasal lagi at mahirap din pag ma cs ka dito kasi wala tayo kamag anak na mag aalaga sa atin buti na lang andito tong byenan ko na ubod ng sungit kahit papano nakatulong ng akoy lumabas na sa ospital pero ngyon malakas na ako back to the normal na ako na gumagawa ng gawain bahay..lam mo ba ng nanganak ako dito natawag ko lahat ng santo may anak na ako sa pinas pero noon nanganak ako sa pinas painless kaya di ko masyado naramdaman ang sakit di tulad dito kaya ayaw ko na talaga manganak dito..:banghead:
tisay
01-25-2007, 08:54 PM
hello,ichiban.share ko lang din experience ko ng nanganak ako dito.:wink: ..anytime now pwede ka ng manganak kaya every time magto-toilet ka lagi mong i-check ang panty mo baka may lumalabas na dugo..ganyan kasi sign ko, para malaman mo kong manganganak kana..:confused: habang nagle-labor ako for 9hours di nawala sa tabi ko ang hubby ko at kumukuha ako ng lakas sa palad niya pisil-pisil ko kapag pabilis ng pabilis na hilab ng tiyan ko at kapag sumasakit na ulit hinihimas niya balakang ko one way pang-releive ng sakit tapos hinga ka lang sa bibig ha...nang nasa operating room na ako..kasama ko parin sa loob hubby ko..zutto ang pagpisil ko sa palad niya...nakakakuha kasi ako ng lakas sa kanya.. hanggang lumabas ang "angel"namin...napaiyak pa hubby ko at natawa pati ang doktor at mga nurse kasi kitang-kita niya ng lumabas baby girl namin na pagkahugot at pag-angat ng doktor ehh bigla ba namang nag "wee-wee":eeek: :lol:...
:) kaya dear,,don't be afraid lakasan mo lang lagi ang loob mo at pray ka lagi.. wag mo hayaang pamahayan ka ng takot..ang isipin mo this time,,excitement..ma kikita niyo na rin sa wakas ang "angel" niyo.....ganbattene: )
ICHIBAN08
01-25-2007, 09:13 PM
Summergirl san salamat din sa tip na ibinigay mo,gagawin ko nga itikom bibig ko pag nag le-labour na ako atsaka iinum din ako ng itlog...nakupow! :eek: ang lapit na nga ako manganak mukhang ang sakit nga...salamat ulit wildflower san, mabuti ka pa nakaraos na..siguradong pagka ganda ng baby mo:) ...pwede kayang mag request sa doktor dito na bigyan ako ng painless na gamot sa panganganak ko? parang hindi ko kakayanin ang sakit eh...may nerbyos po kasi ako...oo tama ka wildflower san ang hirap ng walang kamag anak dito...may byenan din ako pero urusai palibhasa e edad 70 gorai na kaya medyo sinaunang kultura ang itinuturo...mabait naman kahit urusai pero iba pa rin ang mga tunay na magulang kung sila ang mag aalaga...kaya mahirap tong pag dadaanan ko..eto na po ata ang pinaka mahirap na pagdadaanan ko sa buhay ang manganak ng hindi kasama ang pamilya na dadamay sakin...:( lalo na't unang panganganak ko pa...
May tanong pa po ako...kasi kung kelang nasa 8mons na tyan ko e saka ko naisipang mag vitamins...kasi naman ang doktor ko dito e ang payo wag na wag daw ako magba-vitamins kasi pinaka maganda daw sa lahat ang normal basta kumain lang ng mga masusustansyang pagkain...ngayon po nagpabili ako sa hubby ko ng vitamins with iron para paghanda ko sa pag anak ko e lumakas ako at ang baby ko, para paglabas niya e may lakas kami pareho...ngayon ang tanong ko po, hindi kaya biglang lumaki ang bata sa loob ng tyan ko pag nag vitamins pa ako? baka kasi pag lumaki mas mahirapan ako manganak ng normal at ma CS pa....kasi mula ng mag vitamins ako pakiramdam ko e bumigat ang tyan ko atsaka gaya po ng nasabi ko kanina na tinamad ako maglakad bigla, at sa vitamins kaya ang dahilan?:confused: ...ano po kaya huminto na kaya ako sa vitamins?...salamat po ulit sa magpapayo...sensya na po ang dami kong tanong:D
palangga
01-25-2007, 09:27 PM
Summergirl san salamat din sa tip na ibinigay mo,gagawin ko nga itikom bibig ko pag nag le-labour na ako atsaka iinum din ako ng itlog...nakupow! :eek: ang lapit na nga ako manganak mukhang ang sakit nga...salamat ulit wildflower san, mabuti ka pa nakaraos na..siguradong pagka ganda ng baby mo:) ...pwede kayang mag request sa doktor dito na bigyan ako ng painless na gamot sa panganganak ko? parang hindi ko kakayanin ang sakit eh...may nerbyos po kasi ako...oo tama ka wildflower san ang hirap ng walang kamag anak dito...may byenan din ako pero urusai palibhasa e edad 70 gorai na kaya medyo sinaunang kultura ang itinuturo...mabait naman kahit urusai pero iba pa rin ang mga tunay na magulang kung sila ang mag aalaga...kaya mahirap tong pag dadaanan ko..eto na po ata ang pinaka mahirap na pagdadaanan ko sa buhay ang manganak ng hindi kasama ang pamilya na dadamay sakin...:( lalo na't unang panganganak ko pa...
May tanong pa po ako...kasi kung kelang nasa 8mons na tyan ko e saka ko naisipang mag vitamins...kasi naman ang doktor ko dito e ang payo wag na wag daw ako magba-vitamins kasi pinaka maganda daw sa lahat ang normal basta kumain lang ng mga masusustansyang pagkain...ngayon po nagpabili ako sa hubby ko ng vitamins with iron para paghanda ko sa pag anak ko e lumakas ako at ang baby ko, para paglabas niya e may lakas kami pareho...ngayon ang tanong ko po, hindi kaya biglang lumaki ang bata sa loob ng tyan ko pag nag vitamins pa ako? baka kasi pag lumaki mas mahirapan ako manganak ng normal at ma CS pa....kasi mula ng mag vitamins ako pakiramdam ko e bumigat ang tyan ko atsaka gaya po ng nasabi ko kanina na tinamad ako maglakad bigla, at sa vitamins kaya ang dahilan?:confused: ...ano po kaya huminto na kaya ako sa vitamins?...salamat po ulit sa magpapayo...sensya na po ang dami kong tanong:D
hi ICHIBAN08!!
pabigat ng pabigat tlaga yan dahil papalabas na yung baby mo..
kailan pala ang due date?
ganbatte ne :)
ICHIBAN08
01-25-2007, 10:49 PM
Hi Palangga san:wave: ! sabi nung unang check up ko e mga March 3 2007 ang due date ko...pero pabago ng pabago sa ultrasound meroon minsan nakalagay sa due date e feb25 daw...pero ang tantya ulit ng doktor ko nung last check up ko e baka daw next month nga mga last week ng feb...malapit na nga po ayy!:( sobrang nangangamba na ako...pakiramdam ko parang puputok ang tyan ko minsan kasi matigas at mabigat po talaga, haaay sobra pong hirap a-ahh:ohlord: ...pati yung "P" ko e masakit din talaga (ay sorry po:D )...natural din po siguro yun?...
Hi Tisay san!:wave: salamat sa mga tips:D ...nakakatuwa naman ang hubby mo full support sayo talaga...at ang baby mo e nakakatuwa din hehehe! nagwiwih hehehe!...si hubby ko na rin talaga ang magpapalakas ng loob ko dahil wala akong makakasama ditong mga kamag anak..kaya nag promise sakin ang hubby ko na kasama ko siya pag nanganak ako para may pampalakas ng loob...nagaalala din siya sakin dahil first baby niya rin to kaya salamat sa dios at nakatagpo ako ng napakabait na asawa sobrang suporta rin po siya kaya mahal na mahal ko siya:love: ...
Wildflower san, Palangga san, Summergirl san, Tisay san at sa mga magbibigay pa po nang mga tips e nagpapasalmat po ako sa inyong lahat...napakalaking tulong po ang mga ibinigay ninyong mga tips lahat nang ito e susundin ko para tulad ninyo e maayos din akong makaraos sa panganganak...marami ng salmat din sa bumubuo ng forum na to at lahat ng mga tf members, saludo po ako sa inyo:bowdown: dahil marami po kayong tulad ko na natutulungan..God bless you all kabayan!..babalitaan ko po kayo pag naka panganak na ako..asahan ninyo ang suporta ko sa forum na ito...thank you guys:p
myukasky
01-26-2007, 12:30 AM
Ako twice na nanganak, siguro ang naging secret ko lang noon ay yung nagwawalking ako at futsu ako noon. Futsu ibig ko bang sabihin kung ano yung ginagawa ko noong di pa ako buntis ay ganon din ginagawa ko. Tagtag na tagtag talaga ako, kapag nagkakaimono ako walking. Dala ko yung jidensha ko pero di ako nakasakay, tulak tulak ko sya para sa nimotsu ko pag-uwi galing sa pagkakaimono. Sa last baby ko nga nasa 4000 grams sya normal ko sya nailabas. Halos 6 hours lang ako nag intay at pag pasok sa room wala pang 30 mins lumabas na si baby giant.:eek: Ganito kung paano mo malalaman na manganganak ka na. Madalas umihi, kaiihi mo lang parang gusto mo ulit bumalik sa CR para umihi. At yung pagsakit ng balakang ay parang hinahati yung katawan mo, feeling mo ay manananggal ka hehehehhe totoo yan, but hindi porket nananakit na yung balakan mo malapit ka na manganak. May bilang din yan sis kasi ako noon sa loob ng 5 or 10 minutes ay madalas na yung sumpong ng pananakit ng balakang ay sign na yan na malapit ka na manganak. Kapag napansin mo na yung sa underwear mo ay may di kanais nais na kulay sign din po yan ng malapit ka ng manganak. Kapag malaki ang baby sis talagang sasakit ang balakang mo lalo na kung sa gabi na sa oras ng pagtulog. Don't worry sis ganyan talaga kapag first time, ganyan din ako at sila. Nakaya naming lahat kaya ikaw din I'm sure you can do it. Goodluck!!!!!!!!!!!! !!!!!!!!
katheyrine
01-26-2007, 10:14 AM
Futsu ibig ko bang sabihin kung ano yung ginagawa ko noong di pa ako buntis ay ganon din ginagawa ko. Tagtag na tagtag talaga ako, kapag nagkakaimono ako walking. Dala ko yung jidensha ko pero di ako nakasakay, tulak tulak ko sya para sa nimotsu ko pag-uwi galing sa pagkakaimono.
Ohayo Ichiban san!
Kagaya mo eh buntis rin ako at mag-8 months na ako this Feb2. April 7 nman ang due ko at kagaya mo pa rin eh talagang hirap na hirap ako sa pagbubuntis kong ito. First time,so lahat eh di ko alam hanggang napag-aaralan na lang, maraming takot sobra pero kailangan nating lakasan ang loob dahil ramdam daw lahat ni baby pag takot ang mommy nila, takot din sila. Kaya eto at nilalakasan ko na lang ang loob ko para na rin kay baby.
Simula at sapol na malaman kong buntis ako eh reyna ako ng pagsuka kahit hanggang ngayon! Hirap na hirap ako :( at kagaya mo tuwing gabi eh parang ikamamatay ko ang sakit ng aking balakang at ang pag-ihi ng gapurat maya`t-maya eh nakakapuyat! Minsan tinatakpan ko na lang bibig ko sa pag-iyak at pag-ungol para di magising si husband ko kasi kawawa rin naman at may pasok sa trabaho.
Maswerte ka at urusai lang ang bienan mo ako eh talagang stricto sila...bawal ang pahinga-pahinga! Tag-tag na tag-tag ako, parang hindi ako buntis dito!!! Kung nasa pinas tayo na parang Senorita eh hindi dito! Bawal akong matulog isipin mo yon? kasi gawain ng tamad daw ang matulog sa araw...kaya naman daig ko pa ang nakadrugs dito...at ang trabaho ko ha! 4th floor hanggang garahe nililinis ko ang lobby ng building..landlord kasi bienan ko at chonan itong aking asawa. Maraming beses akong naiyak gawa nga ng mga trabaho ko dito Ichiban, minsan natatakot ako na baka makunan ako pero salamat naman at nakukuha ko sa usap ang baby ko sa tyan...lagi ko sinasabi na "anak kapit ka lang ha, marami tayong trabaho ni mommy today".
Ngayon Ichiban eh daig pa sa kabayo gumalaw itong baby ko sa loob, grabe! At tanggal lahat ng sakit ng katawan at kalooban ko oras na ma-ultrasound na ako at sinabi ng doctor kong "WALANG PROBLEMA ang ANAK ko at AKO". Minsan nakaka-kiliti pag gumagalaw o sumisipa pero mas madalas ang parang bine-blade ang loob ng "P" ko sa sakit!!! Sa hirap ng dinadanas ko sa aking pagbubuntis na ito eh talagang mahihirapan silang humiling ng kasunod at isipin mo ang kakapal ng mukhang humiling ng 4 na anak daw!!! Manigas sila!!! :mad: Buti kung hindi ako abala sa lahat ng responsibilidad ko dito no! Punta sa banko, palengke, doon at dito, luto dito, linis dito, laba dito, utos dito, lakad dito...grabe Ichiban, napakaswerte mo at nakakapahinga ka...eh ako parang hindi buntis!!! :(
Sana nga Myukasky-san eh madali akong manganak kagaya mo...sana eh makayanan ko rin itong lahat! Ichiban-san, lakad ka rin pero dapat lagi mong dala ang ketai denwa mo just in case...ok?
Gambatte ne.. at hindi ka nag-iisa sis!
P.S * Totoo ba ang utlrasound? Girl kasi itong nakita sa baby ko..pero maraming kumontra kasi nagkakamali daw ito...ikaw ba? kayo ba, nagkamali ba o tumpak ang sinabi sa ultrasound kung girl or boy si baby?
mOtt_erU
01-27-2007, 09:08 AM
Nice thread ICHIBAN08 san......balak namen magbaby na next year...sa mga advices na binigay nila madami akong natutunan na makakatulong saken at magagamit ko pag buntis nako o kaya`y malapit na magLabor...
tfcfan
01-27-2007, 10:14 AM
Ohayo sa inyo "first time Mama" Ichiban08 at Katheyrine :)
Sa experience ko sa first baby ko 20 hours akong naglabor kahit na sabihin pang tagtag ang katawan ko sa kalakad nun.Di ko pa kase alam ang tinatawag nilang tunay na labor at false labor kase first time nga po,pero dito sa second baby ko which I gave birth last year August
nung maramdaman ko ng madaling araw yung kakaibang sakit,(parang hinahati or hinihiwa yung balakang ko at hindi sa pwerta ang sakit) punta agad kami ng ospital then after 2hours nailabas ko yung baby boy ko.Actually lumagpas ng dalawang araw sa due date yung second baby ko compare sa panganay ko na advance naman ng one week sa due date nya rin.Kaya tama ,advices na narinig ko at nabasa na it's either na advance or late sa due date ang paglabas ng baby .At yung sa pag-ire eh tama sabi nila na di basta ire ng ire,dapat isang malalim na inhale at isang mabilis na exhale, then iinhale ulit tapos exhale lang ,ganun lang po,then meron akong ocha(green tea na nasa pack) na bigay ng hospital parang SOP na yata sa kanila yun habang nanganganak pang alis uhaw at pangpagising yata,lakas ng caffeine ng ocha di ba! At required din yata sa mga hospital dito na 5 days to 1 week kang mako confine para makapahinga naman ang bagong panganak.At sabi nila nagkakamali minsan ang ultrasound pero sa case ko lahat sila tumama,at mas mabuti itry nyo din yung 3D ultrasound para mas sigurado, kitang kita ang ebidensya :)
O sya mga Mommy iro-iro taihen kedo,ganbatte kudasai!
ICHIBAN08
01-27-2007, 02:51 PM
:D Konichiwa!...Hi sa inyo myukasky@, katheyrine@, tfcfan@, mott erU@.... salamat sa reply...eto kagagaling ko lang ng byouin at agad akong nag open ng computer at sa tf kaagad ang pinuntahan ko... umattend ako ng seminar at kahit nag iisa e lakas loob akong nagpunta ng byouin para nga dito...busy kasi asawa ko kaya talagang hindi siya pede at may work naman ang mga byenan ko kaya alone akong nagtungo sa byouin...nagdala ako ng note para incase na may words na hindi ko maintindihan e itatanong ko sa asawa ko...marami akong natutunan kahit papaano hindi ko man maintindihan lahat e atleast may natutunan ako sa ibinigay nilang seminar na yun...halos in-orient pa kami sa delivery room at ipinakita samin ang mga sample na batang kapapanganak palang ngayon..ang ku-cute nila at parang napaka sensitibo pa ng katawan nila...at ipinalabas nila sa video kung papaano gagawing pag ire at itinuro nila samin ang mga dapat gagawin pag nagle-labour (JINTSU) na at pagpapalabas na ang panubigan (HASUI)...hanggang sa lumabas na ang bata gusto ko sana maiyak kasi na touch ako sa palabas nung lumabas ang baby...kasi parang nakikinikita kita ko na na napakasarap ng maging isang ina:O ...
myukasky san, nagsimula nga ulit ako maglalakad mula pa kahapon naka isang oras at kalahating minuto nga ako pero pinagsaktan naman ako ng balakang:( ...at napakabagal ko maglakad isa pa e hingal to the max ako...pero nakakarelax!:p ...oo panay ihi ko nga halos di na ako nalabas ng toilet kasi naman e kaka-ihi ko palang at titindig na abay parang maypapatak na namang ihi,kainis na nga eh!:mad: ...masakit ang balakang ko pag madaling araw na pati mga binti ko na parang namamanhid...grabe hirap na ako talga! pero kinakaya ko po...salamat sa ibinigay mong tip myukasky natatakot nga ako baka giant ang lumabas:eek:, wag naman po sana...hai, watashi mou ganbarimasu...sugoku iro iro taihen da ne...kaya isang baby lang po ang plano ko...
katheyrine san, halos pareho tayo nitong taong to manganganak...haaay ang hirap ano?!:O kaya anata mou ganbatte ne...balitaan mo ko pag nanganak ka na...
mott erU san, salmat sa reply mo ha...oo nga dapat e maghanda ka na rin kung may plano na kayo ng asawa mo mag anak...nung nag plano kami ni hubby ko e bago ako magbuntis umiinom na ako ng folic acid...halos isang buwan palang ako nakakainom ng diet supplement na yun e nabuntis agad ako...isa kasi yun sa ipinayo sakin ng advicer ko pagpaplano ng magkababy...subukan mo at isa pa dapat e healthy ka at walang kahit anong vices...goodluck sayo at wag mo kaming kalilimutang balitaan sa plano mo ha...pag kapanganak ko e sasabihin ko sayo ang mga dadanasin ko paglabas ni baby ko...ganbatte ne...:D
tfcfan san, grabe 20hrs kang nag labour?:eek: natatakot nga ako e...iba iba pala ang kaso ano? kahit pala tagtag ka sa kakalakad habang buntis ka e hindi pala ganun kadaling mailabas ang baby pagnanganganak ka na...o nagkakataon lang talaga na may matagal maglabour ano po?kaya nga minsan po talagang pinakikiramdaman ko ang katawan ko pag kakaiba na ang sakit e talagang hindi na ako maka imik eh....kasi nung minsang sumakit nung gabi...hindi ako nakapag salita ng arraaay:shutup: napayakap lang ako sa asawa ko kaya tuloy kahit anong sakit hindi siya magising gising kasi nga po hindi ako nakaimik nun time na yun sa sakit:O ...pero nawala rin ang sakit nung nakatulog na ako...kinabukasan naman e genki naman ang katawan ko...grabe pala ang pagbubuntis parang abnormal...may sumpong po talaga...yan nga po ang sinabi ng sensei na nag seminar samin mag stay daw kami ng mga 1week...at pag nakaramdama ng labor e wag daw mag panic...dios ko pow ! tama pala ang sabi ng iba na ang pangangak ay parang ang kalahati ng katawan mo e parang nasa ilalim na ng hukay...salmat po ulit sa mga tips na naibigay ninyo ha...kahit na alam kong mahirap ang pagdadaanan ko at ganun din ang ibang mga mommies na sa ngayon e buntis din e kelangan naming lakasan ang loob....kaya katheyrine san ganbaremasho!:D
kaya minna san,iro-iro hontoni doomo arigatougozaimashitt a....:bowdown: :)
babyangel
02-09-2007, 02:23 AM
Nakakatuwa naman mga advice ng mga kapamilya nating taga TF:) Naalala ko tuloy ng akoy ngbubuntis din at naranasan din ang lahat ng hirap.Ang napansin ko lang sa lahat ng naging mommy na dito sa TF parang wala akung nabasa na nakaranas ng Painless dito sa japan:rolleyes: Kasi ako dito rin po nanganak sa japan at 1st baby din po.Painless po ako at totoo po meron na rin nyan dito sa japan:) Yon nga lang medyo expensive talaga:confused: Pero di bale ang mahalaga di ko naman naranasan yong sinasabi nila labor at talagang napakasakit daw talaga:eek: Ang maganda pa don kung malalaman mo na yong nalalapit mong panganganak pwede ka mg-deside ng date na kung kelan mo gustong ilabas ng baby mo:) At maganda yon kasi naka handa ka na talaga at alam mo na manganganak ka na talaga.Kasi pg yong normal lang at may labor talagang di mo alam kung kelan mo mararamdaman:confuse d: Talagang kakaba kaba ka talaga.Eh kung painless ka lahat alam mo ang dapat mong gawin at ready ka na lagi.Pa-schedule ka lang at pupunta na lang kayo ng ospital para start na ng panganganak mo at di mo na mararanasan yong mataranta ka at di mo alam ang mga susunod na gagawin:confused: lalo na sa situation natin dito walang mga kamag-anak na tutulong:( Kaya sis try mo sa ospital n ask mo about painless kasi lahat ng ospital meron ganyan talaga at nalaman ko yan dahil hubby ko talagang ng-research talaga yan about sa mga pg-bubuntis at nalaman namin na may painless nga sa japan at yon na ang ginawa namin para daw di kami mahirapan ng baby ko.Alam mo naalala ko pa non nasa tabi ko pa sya non ng manganak ako:love: Kaya tuloy ng mabasa ko tong thread mo parang gusto ko na naman mg ka baby ulit:) Kasi promise talagang di ako nahirapan at di ko naranasan yong sakit kasi pinaire lang nila ko saglitlang baby namin lumabas na:) At alam mo pg kalabas ko sa kanya gulat ako non at hubby ko kasi genki daw ako at happy talaga sobra syempre mommy ka na at 1st baby pa namin.Sabi ng hubby ko kung wala raw akung nararamdaman sakit sabi ko wala:rolleyes: dahil talagang us in wala sakit na maramdaman.Nxtday naku non nakaramdam ng sakit yong parang normal lang na alam mo na yong klaseng dadatnan ka na ng monthly period:p ganon klaseng sakit lang.Maniwalapo kayo sa hindi nextday non tumatayo na ko at talagang kumikilos na kasi syempre kelangan asikasuhin ng baby namin practice na sa mga dapat gawin.Yan po ang expirence ko mga kapamilya ko dito sa TF ng akoy manganak dito sa japan:) I hope nakatulong po ako sa mga magiging mommy na at ngpa-planong maging mommy na rin:) Ganbatte ne sainyo mga sis:dowave:
ICHIBAN08
02-10-2007, 03:11 PM
Hi sayo @babyangel san!:wave: ..napaka gandang tip nitong itinuro mo sa amin mukhang hindi ka nga nahirapan sa panganganak mabuti ka pa nakaraos na walang sakit na naramdaman...ako ngayon palang buwan or sa 1st week of march...mamaya pag dating ng hubby ko e paguusapan namin ang tungkol sa painless...pde pala yung magpa schedule ka na kung kelan mo gustuhin na manganak kasi due date ko daw sabi ni dok e sa March3...first baby ko to kaya naman mabagal daw ang araw ng paglabas ng baby ko at depende daw sa kondisyon namin ni baby yun...naku subukan ko nga itanong yan sa doktor kasi next week check up ko ulit malimit na a ko magpunta ng byouin dahil kabuwanan ko na nga kaya eto magastos po talaga:O ...
Babyangel san napakaganda ng tip na naibigay ninyo talaga kasi may nerbyos ako sa totoo lang...baka kasi sumpungin ako ng nerbyos sa oras ng panganganak ko...kaya abot na abot ang napakagandang ibinigay mong tips kasi manganganak palang ako sa 1st week ng march...kaya malaking tulong to sa mga tulad kong first time magiging mommy o first time manganak dito sa japan...Honto ni Doomo Arigatougozaimashitt a...:)
babyangel
02-10-2007, 08:11 PM
Hi sayo @babyangel san!:wave: ..napaka gandang tip nitong itinuro mo sa amin mukhang hindi ka nga nahirapan sa panganganak mabuti ka pa nakaraos na walang sakit na naramdaman...ako ngayon palang buwan or sa 1st week of march...mamaya pag dating ng hubby ko e paguusapan namin ang tungkol sa painless...pde pala yung magpa schedule ka na kung kelan mo gustuhin na manganak kasi due date ko daw sabi ni dok e sa March3...first baby ko to kaya naman mabagal daw ang araw ng paglabas ng baby ko at depende daw sa kondisyon namin ni baby yun...naku subukan ko nga itanong yan sa doktor kasi next week check up ko ulit malimit na a ko magpunta ng byouin dahil kabuwanan ko na nga kaya eto magastos po talaga:O ...
Babyangel san napakaganda ng tip na naibigay ninyo talaga kasi may nerbyos ako sa totoo lang...baka kasi sumpungin ako ng nerbyos sa oras ng panganganak ko...kaya abot na abot ang napakagandang ibinigay mong tips kasi manganganak palang ako sa 1st week ng march...kaya malaking tulong to sa mga tulad kong first time magiging mommy o first time manganak dito sa japan...Honto ni Doomo Arigatougozaimashitt a...:)
Tamang tama nakahabol ako mg-advice sayo:) tama ka dyan pg-usapan mo ng hubby mo at ng di ka mahirapan at sa sitwasyon mong yan mahirap talaga may nerbiyos ka pa pala kamo.:( Kaya kung ako sayo yan na lang at promise ko sayo di ka mahihirapan.Ako din 1st baby ko rin din at buti kamo nalaman ng hubby ko na may painless pala dito.Ganbatte ne ipaliwanag mo sa hubby mo at nabasa mo na rin siguro reply ko sayo sa PM mo sakin.Kaya dont be nervous at painless lang katapat nyan di bale expensive ang mahalaga makaraos kayo ng baby mo at minsan lang yan kaya wag mo intindihin gastos.At i know na kaya ng husband mo yan dahil babalik namn sayo kalahati ng gagastusin mo:) Balitaan mo ko kung ano naging desisyon ng hubby mo:rolleyes:
ICHIBAN08
02-10-2007, 08:57 PM
Naku eto nasabi ko na sa asawa ko pero talagang ayaw maniwalang may painless dito:mad: ...naiinis ako sa kanya kasi ang alam talaga daw niya e walang painless dito...ang katwiran pa sa ibang byouin daw baka meroon pero dito sa byouin na pag aanakan ko e wala daw dun:( ...kaya sa next week kong check up e itatanong ko na sa permanent doctor ko ang tungkol dito...baka kaya ayaw niyang maniwala e walang pambayad nun hehehe:O !...pero salamat talaga sayo @babyangel baka ma-convince ko rin siya kasi talagang ayaw ko makaramdam ng sakit dahil nga sa nervous ko..pilitin ko siya talaga:banghead: ...yup,babalitaan kita sa magiging desisyon ng asawa ko basta gagawin ko lahat lalo na nalaman kong pde palang magpa schedule ng ganun at magparequest ng pampamanhid...kaya napakalaking tulong ng pagreply mo sa thread ko at ganun din nalaman rin ng bestfriend kong buntis natuwa siya sa post reply mo...malapit na rin kasi siya kasunod ko isang buwan lang pagitan at isa pa first baby niya rin:D medyo kapareho kong nagshi-shinpai sa sakit manganak...balitaan kita promise:D
babyangel
02-11-2007, 04:56 PM
Naku eto nasabi ko na sa asawa ko pero talagang ayaw maniwalang may painless dito:mad: ...naiinis ako sa kanya kasi ang alam talaga daw niya e walang painless dito...ang katwiran pa sa ibang byouin daw baka meroon pero dito sa byouin na pag aanakan ko e wala daw dun:( ...kaya sa next week kong check up e itatanong ko na sa permanent doctor ko ang tungkol dito...baka kaya ayaw niyang maniwala e walang pambayad nun hehehe:O !...pero salamat talaga sayo @babyangel baka ma-convince ko rin siya kasi talagang ayaw ko makaramdam ng sakit dahil nga sa nervous ko..pilitin ko siya talaga:banghead: ...yup,babalitaan kita sa magiging desisyon ng asawa ko basta gagawin ko lahat lalo na nalaman kong pde palang magpa schedule ng ganun at magparequest ng pampamanhid...kaya napakalaking tulong ng pagreply mo sa thread ko at ganun din nalaman rin ng bestfriend kong buntis natuwa siya sa post reply mo...malapit na rin kasi siya kasunod ko isang buwan lang pagitan at isa pa first baby niya rin:D medyo kapareho kong nagshi-shinpai sa sakit manganak...balitaan kita promise:D
Kahit ka san sulok ng ospital dito sa japan mg ask about dyan sa painless sure yan na meron talaga sa internet nabasa ng hubby ko yan.At baka nga worried hubby mo expensive nga talaga:O pero half ng gagastusin nyo babalik naman yon from kaisha nya kaya shinpai nai deshiyo:confused: Pag-usapan nyo na lang mabuti para naman kamo sa kabutihan nyo ng baby mo at pgbigyan ka na sana nya.Correct ka sis ask mo sa doctor mo at mayang gabi pg-uwi ng hubby ko ask ko yong japanese word about sa painless na ginawa sakin.Tanda ko rin kaso baka maling nihonggo ko:confused: (Misoubonbei)parang yan ata yon:p I fotgot im not sure pa rin ask ko na lng sa hubby ko.Wait mo na lang din at reply uli ako.Para yon ang ask mo sa doktor mo at im sure alam nya agad yon.:)
ICHIBAN08
02-11-2007, 05:13 PM
Salamat ng marami sayo babyangel san:) ...eto nga lahat ng tips na naibigay ng mga ka TF family about sa mabilisang panganganak e ginagawa ko..palagi rin akong naglalakad lakad at kumikilos para mabilis ko din mailabas si baby ko...at yung painless e sana ma convince ko si habibi ko sa ngayon di ko na ulit nauulit kasi maiinis lang ako at medyo worried sa isasagot na naman niya:mad: ...wait ko reply mo babyangel :D para maitanong ko kay dok ang tawag sa painless na yun...kasi sa asatte na ang check up ko...salamat ulit sayo:)
babyangel
02-11-2007, 11:22 PM
Salamat ng marami sayo babyangel san:) ...eto nga lahat ng tips na naibigay ng mga ka TF family about sa mabilisang panganganak e ginagawa ko..palagi rin akong naglalakad lakad at kumikilos para mabilis ko din mailabas si baby ko...at yung painless e sana ma convince ko si habibi ko sa ngayon di ko na ulit nauulit kasi maiinis lang ako at medyo worried sa isasagot na naman niya:mad: ...wait ko reply mo babyangel :D para maitanong ko kay dok ang tawag sa painless na yun...kasi sa asatte na ang check up ko...salamat ulit sayo:)
My Goodnews ako sayo silip ka na sa PM ko sayo:rolleyes: I know matutuwa ka:) Ganbatte ne
ICHIBAN08
02-12-2007, 04:25 PM
Maraming salamat sayo Babyangel:D ...kinakausap ko na si habibi tungkol dito di ko pa nga lang nakukuha ang matamis niyang "OO",..babalitaan kita pag na nakunbinsi ko na siya...tuwing darating siya galing work e kinakausap ko siya tungkol dito medyo nag iisip pa siya siguro tinatantya niya magagatos:O (ang kuripot kasi neto eh)...salamat talaga sayong magandang tip:)
luckycharm
04-23-2008, 08:54 AM
Hello Ichiban, ano na nangyari sa panganganak mo sis,nakapagpapainles s ka ba ??? balitaan mo naman kami kasi ako malapit na rin manganak at tulad mo non takot din ako.. sana magparamdam ka @ ichiban :)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.