View Full Version : My Family's EB
japphi
01-28-2007, 01:51 AM
Hi there.....gusto ko lang i-share sa inyo ang Family EB namin nang mga kapatid ko.Umuwi kami nang mga anak ko last December 24,2006 hanggang January 6 kami doon.Ang saya nang bakasyon naming mag-iina...kahit papaano ay nakalimutan ang lungkot nang pasko at bagong taon.
Labing tatlo kaming magkakapatid,nasa gitna ako....15 pa lang ako nang mamatay ang Nanay namin.Year 2000 ay nagka-cancer naman ang Tatay namin,pero pagkaraan nang 2 taon ay kinuha na sya ni Lord.
Pero bago yon na namatay ang Tatay namin ay naunang namatay ang pang lima sa kapatid namin.Lukemia ang naging sakit nya.Namatay sya na hindi alam nang Tatay namin,nilihim namin sa kanya na may sakit si Kuya,dahil sa pakiusap na rin nang kapatid namin na huwag ipaalam sa kanya.After 22 days lang sa pagkamatay ni Kuya ay Tatay naman namin ang namatay...napakalaki ng kawalan sa amin.
Nawala na rin ang pinaka-haligi nang bahay namin....tapos ang bread and butter namin noong maliliit pa kami....a brother and our bestfriend ...si Kuya na sa 20 years nya sa Navy ay naka-concentrate sya sa aming pamilya nya kahit na nung nakapag-asawa na sya.
Bawat isa sa aming mga kapatid nya ay tinulungan nya....na kahit na nung nasa hospital sya nang limang buwan...mga kapatid pa rin namin ang iniisip nya.Napakabait na kapatid na talagang lumaban sya sa pagsubok sa kanya para magkaroon pa nang panibagong buhay.
Pero ang Panginoon ay may plano sa bawat isa a atin at sa ngayon ay may 4 years na sa kanilang paglisan ni Tatang at alam namin na masaya na sila doon.
At dito ay gusto ko lang ibahagi sa inyo ang naging EB naming magkakapatid na alam naming masaya din silang nakamasid....kasama ang asawa ko na kalilisan lang din.Happy viewing.......
gGp8Eg50O28
docomo
01-28-2007, 11:31 AM
natutuwa ako para sa yo japphi at ang saya saya ng naging uwi nyo.. kakatuwang tingnan ang EB nyo.. iba talaga pag madaming magkakapatid at pag may bonding na malalim ang pamilya .. nagkakaisa palagi :)
wow lola japphi ang saya naman nyo.talagang magkakasama kayong magkakapatid.:Doo kahit walang mana tayong matanggap basta kompleto angpamilya at masaya kahit walang pera walang tatalo don.whahahahaha di kita makita don ah,at talagang hinanap kita don ~~~~~~hehehehehe~~~~ ewan ko lang kung tama ako~~~~~:rolleyes:na gkaduduling ako paghahanap ha!:D:biglaugh:sana magtuloy tuloy pa ang maganda nyong pagsasamang magkakapatid!:rolley es::love:
Tarena314
01-28-2007, 12:01 PM
Hello Lola Jappi..,
Nakakatuwa naman ang samahan ng pamilya mo..,yan talaga ang isa sa mga kaugalian ng mga pinoy..,ang pagmamahal sa pamilya..,ang dami nyo, at siguradong riot sa saya lagi ano..,? nakaka miss talaga..,:)
SHAMPOO
01-28-2007, 12:40 PM
:D Woowwww lowla Japphi...saya naman ng pamilya nyo ..kainggit...masarap talaga ang maraming kapatid lalo na kung magkakasundo lahat...tnx for sharing your videos..nakakaaliw:D
nikkichibi
01-28-2007, 01:06 PM
nakakatuwang tignan ang mga pictures niong mag kakapatid lowla jappi ang saya saya nio , kahit minsan lang magkita kita ang mag kakapatid ay talagang masaya , habang pinanonood ko nga ay naiiyak ako kasi pareho tayong wala na rin mga magulang , na miss ko bigla ang mga magulang ko :)
palangga
01-28-2007, 01:39 PM
nakakatuwang tignan ang mga pictures niong mag kakapatid lowla jappi ang saya saya nio , kahit minsan lang magkita kita ang mag kakapatid ay talagang masaya , habang pinanonood ko nga ay naiiyak ako kasi pareho tayong wala na rin mga magulang , na miss ko bigla ang mga magulang ko :)
hi nikkichibi!!
pareho pala tayo.naiiyak din ako habang pinanood ko yung video ni maam japphi.
na miss ko rin ang nanay ko bigla(patay na rin kasi)..
to maam japphi,saludo po ako s inyo at s family nyo po:tiphat: ..
vectra1123
01-28-2007, 01:46 PM
Nice video japphi! Saya talaga sa atin,naalala ko tuloy ang mother ko pati mga kapatid ko ! Thanks for sharing! Iba talaga ang pamilyang pinoy!:)
proud me
01-28-2007, 01:51 PM
japphi...ang saya ng pag-uwi mo ...kahit nag-bilang nang19 taon yong absent mo...sulit naman sa Bonggang family eb ninyo.:)
wonderKulit
01-28-2007, 03:02 PM
saya-saya nyo naman dyan ate japphi...andami nyo rin pala...parang katulad sa min boung baryo magkakamag-anak....:( naiinggit ako... tagal ko na kasi di nakauwi eh...miss ko na rin Family ko.
Anyway, thanks sa sharing ng video ng FAMILY REUNION nyo... natouch ako ah :)
Inday_36
01-28-2007, 04:30 PM
Wow! nakaka miss ang buong family sa pinas..parang family sa side ng nanay ko, maraming kapatid, kaya pag nag ipon, ang gugulo....sumakit ang lalamunan ko sa pagpigil ng iyak lowla japphi...ang saya nyo, God bless your family.
japphi
01-29-2007, 11:52 AM
@docomo,bell,Tarena3 14,SHAMPOO,nikkichib i,palangga,vectra112 3,proud me,wonderKulit and Inday_36............ ....
Maraming salamat sa panonood ninyo nang aming mini-video..........talag ang napaka-saya nung umuwi kami......annual yung family reunion namin...pwera sa mismong family reunion naming magkakapatid.
Wala pa ngang one month sa pag-uwi namin dito ang mga bata....missed ko na sila....kasi talagang iba pag andoon ka...puro mga kwentuhan at tawanan...nawala tuloy ang ilang guhit sa mukha ko ha ha ha ha ha ha ha.......
Nakakatuwa nga eh.......yung mga kapatid kong babae ay palit-palitan silang natutulog na kasama kami.....iniwan nila ang mga bahay nila para makasama kaming matulog....at talaga namang kwentuhang katakut-takot......aba...sum usuko sila sa akin.....ba't hindi raw ako inaantok.......he he he he...hindi nila alam...lagi akong hindi dalawin nang antok magmula nang lumisan si Lowlo....kaya talo sila.
Ang ginagawa ko naman para hindi sila antukin...ihanda yung barako nang Japan...sige inom nang barako ha ha ha ha....bili ko sila nang balot...bibingka,but ong pakwan...aba gabi-gabi yon...sumusuko din sila....lalo daw silang tumaba....."pag wala na kami...wala na rin ya"....pero nung makabalik na kami dito...hindi ko namalayan na mau utang pala akong naiwan doon ha ha ha ha ha ha ha.......pero di bale....basta napasaya ko ang mga kapatid ko ay okey na sa akin....hindi mabibili yung kasiyahan o kasayahan naming yon.
Kaya hinahabilin ko rin sa mga anak ko na someday...kahit na wala na ako ay pumunta pa rin sila sa Pampanga at gawin ang ginagawa namin dahil part din sila nang pamilya doon.
neneng
01-29-2007, 01:08 PM
japphi dear,
thanks for sharing your reunion video. Kitang kita talaga ang strong bonding ng inyong family.
You're very right na kahit may naiwan kang utang....okey lang sa iyo kasi nga the happiness you got , the happiness you've shared to your love ones , ay di kayang bayaran. It will remain to the heart and it will be cherished forever;)
sensei
01-29-2007, 01:32 PM
Lowla !!! Buti pa kayo andaming kamag anak, saya naman talaga. Bilang na lang kasi lahi namin sa pinas eh... tapos nung New Year na uwi namin aga ko pa nakatulog:cry: :cry: :cry: .......kulang ang 6 days sa pinas, hindi ako nakapag enjoy.
proud me
01-29-2007, 01:44 PM
japphi san...alam mo tama ka ...kailangan kahit dito lumaki ang mga anak natin at sila ay mga japanese kailangan ituro din natin sa kanila na meron din silang part sa family sa mother side nila sa pinas..yan kasi yong naramdaman ko dito sa anak ko parang pinapasok lang nila sa isip yong dito lang sa japan....:)
@Sensei san..ikaw ba walang video o picture na mai-share nong umuwi ka..true ka rin sensei kasi ...kulang talaga 6days tapos buntis ka pa kaya doble pagod...:)
maganda rin yong meron mga ganitong nakikita na mga kasiyahan sa pag-bakasyon sa sarili nating bayan!....sarap ng pakiramdam...ito siguro ang pag-kakaiba ng mga pinoy Family...:)
mOtt_erU
01-29-2007, 05:13 PM
........nakakatuwa naman yang family EB nyong magkakapatid ate japphi :p
ICHIBAN08
01-29-2007, 05:41 PM
Lowla jappi san@! hello po sa inyo:D ...na-touch naman ako dito sa family EB ninyo ng mga sisiters ninyo...ang saya saya po ninyong lahat dito..at ang gaganda naman ng mga anak ninyo talaga kasi nakita ko po yung mga pictures nila...mga dalagita na hehehe:D ...nakakatuwa parang mga kapatid ninyo lang sila:O :)
ICHIBAN08
01-29-2007, 05:50 PM
sorry po pala sisters lang nailagay ko:bonk: ( sorry po sa pagkakamali ko:bowdown: )...na touch po ako talaga dito sa video ni lowla jappi san sa reunion ng buong family niya lahat ng mga magkakapatid:D ...mabuti pa po kayo may ganitong reunion, kami malabong mangyari to:( ...dalawa lang kaming magkakapatid at hindi ko masyadong kasundo mga kamag anak ko kaya wala kaming ganitong masayang opkasyon pag umuuwi ako ng pinas...
Ate Japphi, ok sa family reunion ah. :) Ako rin gusto ko ring maging tulad ni tatang pagtanda ko, pero lang wala na yatang babaeng gustong manganak ng labing lima eh. :D Heheh.. lima na nga lang eh, nag-uurungan na ang mga kababaihan. :D Masaya sana talaga kapag maraming anak, magulo at nakakapagod, pero masaya naman. Lalong-lalo na kung nagsilabasan ng yung mga apo. :p
Dito sa Japan, dapat gumawa sila ng batas na at least 5 ang dapat maging anak ng mga mag-asawa, kundi may multa. Ewan ko lang kung hindi sumaya ang lipunang ng Japan. :D
Autumn
01-29-2007, 07:27 PM
Wow lola japphi ang saya saya naman ng EB nyo...naiyak ako kasi naalala ko Lola ko noong nabubuhay pa sya..mahilig sa reunion at party mga kapang pangan diba.? lalo na nun marinig ko mga pamilya mo speaking your mother tongue :cry: konti na lang alam ko eh..
miss ko na din pagkain.lalo na yun burong mustasa :(
meron din sana kaming Reunion sa mother side naman kaso hindi ako aabot dahil sa April pa..sana magkaroon ako ng chance maka attend..para may ipagmamalaki din ako;)
poohbear
01-29-2007, 07:46 PM
Ang saya saya naman sa inyo! Nakapag relaxs talaga kayo sa tin !
ang bongga din po ng uwi ninyo talagang binawi ninyo ang 19 years
na di ninyo pag uwi !!!:D
Sarap talagang umuwi sa pinas!:p
greatbarrier
01-29-2007, 08:06 PM
ang saya naman ng reunion nyo lola japphi! masaya talaga pag malaking pamilya... lalo na pag yuletide season... kung absent ka, siguradong asar-talo ka sa inggit pag nakita mo yung mga pics & video ng mga kamag-anak mo... naalala ko tuloy annual reunion ng family ng nanay ko....may kasama pang exchange gift na ultimo mga babies eh kasama... riot talaga :D
downside lang ng malaking family is usually associated to financial matters....magpalaki & magpa-aral ng mga anak, lalo na ngayon. but kung kaya naman, why not? mas maganda na yung ganyan di ba, masaya? walang masayang reunion kung uso na nun family planning :D
Stacie Fil
01-29-2007, 09:29 PM
Hello Japphi,
Thanks for sharing your family EB. Pati kami napasaya mo, and we are very happy for you too.
Guess it would be best if your siblings could have a regular vacation to your homeplace to really get them attached to the family and learn kapampangan. That way, even if you don't convince them, they would naturally connect .
:)
fremsite
01-29-2007, 09:30 PM
japphi dear ... naiiyak naman ako sa video ...
feel na feel kasi ang bonding ninyong lahat .
naho-home sick tuloy ako .. :(
salamat ng marami sa pag-share ..
ganbatte ne .. :)
cutie_rei
01-29-2007, 09:39 PM
that was a very touching video lola....thanks for sharing it!
Pinoy family...very close talaga....I'm happy for you Lola:)
(sayang po di tayo nagkita sa pinas, very busy din po kase ako, di na kita na-contact)
fisher
01-29-2007, 10:18 PM
Japphiiii!!!!!!!!!:c ry: :cry: :cry: .
Hungry eyes
01-29-2007, 10:39 PM
@ japphi san, thank you for sharing the video.kainggit naman ang sasarap siguro ng foods noh? sarap talaga ng malaking pamilya. No place like home talaga noh,;)
barney
01-30-2007, 04:25 AM
@japphi.
ang saya ng family reunion nyo..punong puno ng love.OMEDETOU!:)
wow!ang saya saya naman po ng family reunion nyo:)naiyak po ako sa sobrang saya at na miss ko na din po papa ko eh:Osana balang araw magawa rin namin yan,pagdating ng pahahon,hehehe:psala mat po sa pag share,...
maimai
01-30-2007, 12:18 PM
gGp8Eg50O28
wow lola japphi..ang saya saya naman ng Family Reunion nyo...iba talaga ang mga pinoy...nagkaka-isa sa hirap at ginhawa!!..:king:
very touching..napaiyak ako sa bandang huli.. :cry:
thank's for sharing your Family Background..:)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.