PDA

View Full Version : Protection for Hard Disks


wildflower
01-30-2007, 11:19 AM
bakit po ba nasisira ang hard disk ng computer..ano po ba ang dahilan..kasi kapapalit ko lang ng hard disk nasira kasi sabi ng technician..ano po ba dapat gawin para di masira ang hard disk...sana may sumagot sa tanong ko..para maalagaan ko ang hard disk ng computer ang mahal kasi magpaayos ng computer..maliban sa hard disk may iba pa inayos...:crash:

ninong
01-30-2007, 12:16 PM
heto ang masasabi kong pwedeng pang galingan ng sira ng hard disk.

1.surge sa voltage at current.ito yung habang nagco-computer ka ay bigla may gagamit sa aircon/heater, microwave at ang consento ay magkasama sa pc mo.

2.poor quality.lahat ng hd ay gawa na sa mga overseas plant ng mga kumpanya.karaniwan mahina nang kalidad kahit branded dahil sa ibat-ibang kadahilanan sa mga pagawaan like negligence ng trabahador,poor QC,etc.

3.improper na pag shut down sa pc like nag freeze sya at pinatay sa power switch..di ko maipaliwanag pero yun na yun.

4.wear and tear.lahat ng bagay pag matagal na ay masisira rin.yun na rin yun.

5.etc.

vectra1123
01-30-2007, 12:32 PM
Dagdag sa sinabi ni ninong! Shock! Madalas na pagkabagsak lalot palipat -lipat ng pwesto! Ex.sa laptop. Heat,lalot nakasiksik sa isang sulok ng bahay ang pc dahil maliit ang pwesto . Bukod don,anumang bagay na dinadaluyan ng kuryente kahit bagong bili may posibilidad na masira kinabukasan! Dagdag pa ,kung talagang sira ang hd mo,dapat hindi ka makakapag-boot ng pc kung nandito ang os mo,ganon ba ang nangyari?Marami kasing hokus-pokus pagdating sa repair shop!:confused:

thermometer
01-30-2007, 01:10 PM
Additional tips

1. Make sure na na shutdown mo ang PC/Laptop mo ng maayos
2. In case na Freeze / Hang ang PC laptop mo at required talaga na mag Shutdown ka make sure na hinde nag reread ang HD mo totally by listening to sound or yong makiki mo sa PC mo na red lamp na nag iindicate na me process na gngawa ang PC mo
3. Make sure enough Power ang Bahay nyo.. dto sa Japan pag sabay sabay gamit ng electicity at naover load nag autmatic Off ang kuryente natin at pag pag biglang nawala ang kuryenye biglang patay ang PC.
4. Ingatan mo pagbuhat sa PC o laptop mo na hinde makakaabsorb ng Shock.
5.Enough Ventilation sa PC or Laptop mo para makalabas ang Init.

and last.

Make sure na talagang Hard disk ang Pinapalitan ng Technician mo or talagang Sira ang Hard Disk (hardware problem) at kailangn palitan baka OS or puede naman ireformat. :)

wildflower
01-30-2007, 04:36 PM
marami salamat po sa nag reply ngayon alam ko na anong gagawin para di masira uli ang hard disk ko susundin ko yong mga tips nyo.:dowave:

docomo
01-30-2007, 11:11 PM
:) mukhang nasagot na naman lahat;

- improper power on/off procedure
- power surge/drop
- heat
- mishandling (drops and bumps)
- natural wear and tear
- inherent hard drive defect
- viruses

infinite_trial
01-31-2007, 01:20 AM
hmmnnn...kailangan mong malaman kung ito ay mechanical or technical failure.
kapag maingay na ang hard drive mo (medyo nagkiclick ang sound or parang may ginigiling), technical failure na yan at usually mahirap na irecover. what you can do though to save the data bago sya tuluyang mamatay (just in case di na nagboot ang computer mo/di na makapasok sa windows) pwede mong ilagay sa ziplock ang hard drive at ilagay sa freezer ng mga ilang minuto. after that, magagamit mo pa sya sandali para makapagbackup ng data.

ngayon kung technical failure naman, nasosolusyonan yan ng low level formatting. mendokusai nga lang...

ito yung ginagawa bago ka maginstall ng operating system, medyo old school lang kasi dos command sya. minsan siguro post ko dito sa tf, di ko na rin kabisado sa tagal na hindi ko na nagagamit. makicheck na lang din yung thread ni sir crispee about xp tips & tricks, nagpost ako dun ng maaring gawin pangcheck kasi minsan akala natin hard drive pero software failure lang pala.

michael_jp
01-31-2007, 08:27 PM
pwede mong ilagay sa ziplock ang hard drive at ilagay sa freezer ng mga ilang minuto. after that, magagamit mo pa sya sandali para makapagbackup ng data.

Alrayt! I wanna try that. :)

By the way, I use "HDD Health (http://www.panterasoft.com/index.html?source=hd dh_shortcut)" as an HDD failure-prediction agent. And use windows utility tool to error-check the HDD once a month.

infinite_trial
01-31-2007, 11:09 PM
hehe ngayon ko lang napansin pareho palang technical yung sinabi ko..sensya na lasing ako kagabi. pag clicking sound, mechanical failure.

thermometer
02-01-2007, 11:30 AM
Alrayt! I wanna try that. :)

By the way, I use "HDD Health (http://www.panterasoft.com/index.html?source=hd dh_shortcut)" as an HDD failure-prediction agent. And use windows utility tool to error-check the HDD once a month.
:confused:
hmm..ma try na din ito...
gano ko naman katagal lalagay ang Hard disk ko sa Freezer ?

Hinde kaya pag sinaksak ko na sya sa PC ko ..magkaron ng short circuit ?

infinite_trial
02-01-2007, 01:37 PM
:confused:
hmm..ma try na din ito...
gano ko naman katagal lalagay ang Hard disk ko sa Freezer ?

Hinde kaya pag sinaksak ko na sya sa PC ko ..magkaron ng short circuit ?

one hour max to be safe and use anti-static bag of course.

thermometer
02-01-2007, 01:44 PM
one hour max to be safe and use anti-static bag of course.
Thanks infinite... but curious.. where did you get the idea??

infinite_trial
02-01-2007, 02:29 PM
Thanks infinite... but curious.. where did you get the idea??

kasama sya sa cheatsheet namin nung nagwowork pa sa dell...inaadvise sa mga customers na ayaw magbayad ng fee for data recovery :D

vectra1123
02-01-2007, 05:55 PM
kasama sya sa cheatsheet namin nung nagwowork pa sa dell...inaadvise sa mga customers na ayaw magbayad ng fee for data recovery :D
Talaga lang ha? I will do it today,post ko resulta,meron ako ditong hard disk,pinagtanggalan ko sa nirepair na pc, hindi na rin sya marecognize ng software kong ginagamit sa pagrecover ng data!:confused:

infinite_trial
02-01-2007, 06:07 PM
Talaga lang ha? I will do it today,post ko resulta,meron ako ditong hard disk,pinagtanggalan ko sa nirepair na pc, hindi na rin sya marecognize ng software kong ginagamit sa pagrecover ng data!:confused:

uy di sya 100% ha. minsan nga sandali lang magboboot yan. depende sa sira ng hard drive. pero madalas nagana to sa hard disk not found na errors. ano naman pala software gamit mo pangrecover? may sinasabi sakin kaso low level language, di ko pa natatanong.

ganito yung scenario ha (http://geeksaresexy.blogspo t.com/2006/01/freeze-your-hard-drive-to-recover-data.html)

hindi ganito (http://www.hardforum.com/showthread.php?p=102 8112728) :lol:

vectra1123
02-01-2007, 07:38 PM
HA!HA!HA! Effective! Narecognized! Try ko pa maigi!Ito ang picture o!hd.jpg (http://www.timog.com/forum/attachment.php?attac hmentid=9433&stc=1&d=1170326289)

thermometer
02-01-2007, 07:48 PM
readable ba after maregognize? puede ka gamit ng getdataback na software pra sa recovery...hehehhee matry nga din yan pag nakaencounter ako ng kailangn irecover

vectra1123
02-01-2007, 08:14 PM
readable ba after maregognize? puede ka gamit ng getdataback na software pra sa recovery...hehehhee matry nga din yan pag nakaencounter ako ng kailangn irecover
OO Tol, gumana sa akin, narecover ko yung mga bomba ko HA!HA!HA! IOLO ginamit ko

docomo
02-01-2007, 08:24 PM
OO Tol, gumana sa akin, narecover ko yung mga bomba ko HA!HA!HA! IOLO ginamit ko

ala ang saya saya ng bata :p ok talaga ha ? :)

ma~try din yan IT.. sana di ko makalimutan baka maging dry ice ito pag nagkataon :D

crispee
02-01-2007, 08:46 PM
Ok ang 'cheatsheet' mo IT:D. Lalo akong natawa doon sa harddisk na nabalutan ng ice. Iba naman ang naisip ko, di kaya effective naman itong cooler lalo sa tag-init? :D

Pasingit lang:
Another recommendation kung gusto ng mas matibay na hardisk, bumili kayo ng HD na para sa servers. Mas mahusay ito kumpara sa basic HD na naka-install sa end-users dahil binuo ito para magsilbi kahit 24hrs na walang pahinga. Medyo mataas ang presyo kaysa ordinaryong HD pero sigurado ka naman sa serbisyo lalo na kung ikaw ay 'power-user'.

infinite_trial
02-01-2007, 09:35 PM
hehe mukha ngang tuwang-tuwa si vectra. pero paalala lang di pa rin yan gumagana all the time ha. baka idemanda nyo ko lolz.

thermometer
02-02-2007, 11:52 AM
hehe mukha ngang tuwang-tuwa si vectra. pero paalala lang di pa rin yan gumagana all the time ha. baka idemanda nyo ko lolz.
hmmm.. Metal compress when freeze probably that might be the reason why there is a chance for us to recover the data on disk...

hehehehe wala lang im just thinking what made it possible to recover the disk after freezing...

:confused:

vectra1123
02-02-2007, 12:30 PM
hmmm.. Metal compress when freeze probably that might be the reason why there is a chance for us to recover the data on disk...

hehehehe wala lang im just thinking what made it possible to recover the disk after freezing...

:confused:Mahirap ngang paniwalaan, tsamba kumbaga sa basketball!Pero ok pa rin mag experiment,dagdag kaalaman di ba?Additional info! tungkol sa hard diskhttp://www.howstuffworks.co m/hard-disk5.htm
hard-disk11.jpg (http://www.timog.com/forum/attachment.php?attac hmentid=9448&stc=1&d=1170386988)

wildflower
02-02-2007, 12:55 PM
hello po sa inyo lahat mga ka tf ang dami ko natutunan paano alagaan ang hard disk..ang gagaling nyo naman naayos nyo mga computer nyo at nabubuksan nyo.ako talaga walang alam pagdating sa pag aayos ng pc ang alam ko lang mag chat at mag online sa tf..kaya kung ano ano kinakalikot ko hanggang sa nasira hard disk ko dati .paano di naman me marunong magbasa ng japanesse kaya kung ano ano na napipindot ko:crash: di ko pala alam nasira na hard disk ng computer nalaman ko lang ng ipaayos ko at yong memory nya mahina na hehehe pero ngyon ok na ang pc ko bago lahat ang pyesa kaya lagi naku naka online....

infinite_trial
02-02-2007, 01:51 PM
^ wildflower yan kay vectra pede ka magpaayos jan baka magawan pa ng paraan kaysa palit ka ng palit ng bago di ba?

wildflower
02-02-2007, 03:18 PM
^ wildflower yan kay vectra pede ka magpaayos jan baka magawan pa ng paraan kaysa palit ka ng palit ng bago di ba?


hello infinite_trial....ta ma ka next time pagnasira kay vectra na ako magpapaayos...two times na to napaayos pc ko hhhmmm may sulosyon naku pagnasira....:D

vectra1123
02-02-2007, 05:52 PM
hello infinite_trial....ta ma ka next time pagnasira kay vectra na ako magpapaayos...two times na to napaayos pc ko hhhmmm may sulosyon naku pagnasira....:DNaku! Ikaw talaga Infinte pag-aabonehin mo pa ako HA!HA! parang mayaman a? Hindi pag may parts lang at meron ako pwede na libre! Pero service fee doble! HA!HA!HA!:D