PDA

View Full Version : ano feeling my hubby na Japanese?

yukio_cris
01-30-2007, 05:50 PM
for me, very happy and contented;)

nikkichibi
01-30-2007, 06:27 PM
feeling ng may japanese hubby ,
mahirap at masaya :)
minsan nakakadugo ng utak , :D

yukio_cris
01-30-2007, 06:38 PM
feeling ng may japanese hubby ,
mahirap at masaya :)
minsan nakakadugo ng utak , :D

nakakdugo din ng puso?:(

mukomae
01-30-2007, 07:07 PM
masaya, minsan nakakapikon:p

ako_po_si
01-30-2007, 08:06 PM
masaya at masarap:) pero minsan mahirap:(

ICHIBAN08
01-30-2007, 08:30 PM
Funny, kasi hubby ko e medyo komedyante ang dating...kaya naman pagkasama ko siya e naaaliw ako sa kanya (parang clown:D )..

yukio_cris
01-30-2007, 08:49 PM
Funny, kasi hubby ko e medyo komedyante ang dating...kaya naman pagkasama ko siya e naaaliw ako sa kanya (parang clown:D )..

hubby ko din, taikutsu narehen wa

Chibi
01-30-2007, 09:01 PM
happy.....kahit mahirap lang kami sa Japan!:p
contented........mab ait kase hubby ko at hindi maingay.:)
madly in love!:eek: :D

purpletablet
01-30-2007, 09:08 PM
pa OT po:: tingin tingin lang ako baka mamya jap rin maging hubby ko.nyaknyak!

sa tingin ko parang mahirap lalo na pag nde marunong magnihongo ang girl :confused:

summergirl
01-30-2007, 09:28 PM
Sick and tired but i'm very happy of my children

nikkichibi
01-30-2007, 09:31 PM
pa OT po:: tingin tingin lang ako baka mamya jap rin maging hubby ko.nyaknyak!

sa tingin ko parang mahirap lalo na pag nde marunong magnihongo ang girl :confused:
pa ot din po :)
purpz ng aaral ka na ha , di naman mashadong mahirap e tyaga lang ng konti :)
pag di kayo mag kaintindihan gamitin mo body language . tas pag galit sha kiss mo lang mawawala na galit non , :D

proud me
01-30-2007, 09:32 PM
pasali nga ako..
noon...feeling nakakatanda!:p ....dahil nga maraming mahirap...intindihin ...pabago-bago!
ngayon...feeling...b aka matulad din ako sa mga madalas kong makitang mga ibang haponesa mga panot yong buhok sa ibabaw....nakakatako t!:eek: ...seriyoso talaga ayaw kong mapanot buhok ko...:p

purpletablet
01-30-2007, 09:40 PM
pa ot din po :)
purpz ng aaral ka na ha , di naman mashadong mahirap e tyaga lang ng konti :)
pag di kayo mag kaintindihan gamitin mo body language . tas pag galit sha kiss mo lang mawawala na galit non , :D

pa OT rin po:

ate ewan ko ba ang tamad tamad ko talaga mag-aral ng nihongo although alam kong kelangan talaga... ewan ko po ba.... siguro pagod na utak ko sa pag-aaral simula kinder hanggang college.. ayoko muna paduguin ang utak ko tulad ng kay ate joy. hehehehe:D .. mwaaah!

palangga
01-30-2007, 09:47 PM
nakakatuwa at nakakainis paminsan minsan dahil sa sobrang katangahan:)

nikkichibi
01-30-2007, 09:49 PM
pa OT rin po:

ate ewan ko ba ang tamad tamad ko talaga mag-aral ng nihongo although alam kong kelangan talaga... ewan ko po ba.... siguro pagod na utak ko sa pag-aaral simula kinder hanggang college.. ayoko muna paduguin ang utak ko tulad ng kay ate joy. hehehehe:D .. mwaaah!
sa ayaw at sa gusto mo dudugo ang utak mo :D
lika d2 turuan kita ng nihongo:)
sorry po at ot na talaga :)

Inday_36
01-30-2007, 10:00 PM
sali din ako..
masarap.....super love nya ko.
mahirap..........nag-aaway kami madalas kasi opposite kami sa lahat ng bagay... pero
masaya.............. ito ang pinakaGusto ko sa kanya, meron syang sense of humor.:D

myukasky
01-30-2007, 10:03 PM
First year namin ng husband ko parang gusto ko na umayaw, kung baga sa game gusto ko tomorrow game over na. Feeling ko noon ang hirap ng pinasok kung buhay, dumating na nga ako sa time na gusto ko makipag hiwalay na. Pero ngayon feeling ko ang saya saya ko kahit na may dumating na bagyo nandiyan pa rin husband ko, kahit wala siyang pera nakikita ko naman na nagsusumikap sya. Basta ang masasabi ko lang walang mahirap sa taong nagsisikap.:D :D :D

cute_pinay79
01-30-2007, 10:04 PM
pa OT rin po:

ate ewan ko ba ang tamad tamad ko talaga mag-aral ng nihongo although alam kong kelangan talaga... ewan ko po ba.... siguro pagod na utak ko sa pag-aaral simula kinder hanggang college.. ayoko muna paduguin ang utak ko tulad ng kay ate joy. hehehehe:D .. mwaaah!

Oist! Sis! Ako ba yang ate joy na tinutukoy mo?:confused:...
bago ma-OT, ito muna opinion ko...

in my case? Siguro... ang masasabi ko ay super hirap, pero kya namang i-tolerate kasi merong Love na tinatawag... Hirap? Kasi po sa cultural adjustment... Hirap mag-adjust, at darating ka talaga sa point na nkakadugo na ng utak like what nikkichibi san says... Ako nga minsan, pag di ko ma-take kasungitan ni hubby or minsan parang rude ang dating nya sakin, parang gusto ko ng p_ _ _yin eh! hehe!:D

Mabalik kay purple chan...
Hirap talaga sis pag magkaiba kyo ng lenguahe... Kami nga, mdalas akong ma-misunderstood ni hubby, kahit fluent sya sa eigo at nkakaintindi...
Oi sis ha! Di pa nman ako nagpapadugo ng utak... preparing pa lang... more on self study muna pag may time...

maimai
01-30-2007, 10:05 PM
feeling ng may japanese hubby ,
mahirap at masaya :)
minsan nakakadugo ng utak , :D

trulili ka dyan..

minsan nakakainis din~~:)

purpletablet
01-30-2007, 10:14 PM
Oist! Sis! Ako ba yang ate joy na tinutukoy mo?:confused:...
bago ma-OT, ito muna opinion ko...

in my case? Siguro... ang masasabi ko ay super hirap, pero kya namang i-tolerate kasi merong Love na tinatawag... Hirap? Kasi po sa cultural adjustment... Hirap mag-adjust, at darating ka talaga sa point na nkakadugo na ng utak like what nikkichibi san says... Ako nga minsan, pag di ko ma-take kasungitan ni hubby or minsan parang rude ang dating nya sakin, parang gusto ko ng p_ _ _yin eh! hehe!:D

Mabalik kay purple chan...
Hirap talaga sis pag magkaiba kyo ng lenguahe... Kami nga, mdalas akong ma-misunderstood ni hubby, kahit fluent sya sa eigo at nkakaintindi...
Oi sis ha! Di pa nman ako nagpapadugo ng utak... preparing pa lang... more on self study muna pag may time...

ayyy sis! si wolfie po ung si ate joy... ikaw nman joy lang kasi ayaw mo patawag na ate..

sorry po ot na talaga!

@ ate nikkichibs.. sige papaturo ako sau pag kelangan talaga.. sa ngaun nde pa nman..hihi

cute_pinay79
01-30-2007, 10:17 PM
@purple chan
ganun ba?!:eek: hehe suray~~~! Kala ko ako na eh...

honey
01-30-2007, 11:07 PM
Happy
Contented

Iba ibang emotions e! pero maspuno ng saya kahit paano:)

Philipinessa
01-30-2007, 11:10 PM
EL NINO at EL NINA ang dating!!!
Nakaka tuyo at nakaka basa!!!
Mahirap ipaliwanag pero maligaya!!! :D

mai
01-30-2007, 11:15 PM
feeling...? happy happy hapy:)
pero minsan malungkot kase malayo at kailangan pang bumili ng ticket para makita ang relatives at family sa pilipinas:(

yukio_cris
01-30-2007, 11:30 PM
feeling...? happy happy hapy:)
pero minsan malungkot kase malayo at kailangan pang bumili ng ticket para makita ang relatives at family sa pilipinas:(

that's the painful thing :yesyes:

anyway, somebody know how to edit the options
of my poll? That's my objectives po kc.
sowie, nangangapa pa me eh(~~)

louvette_15
01-30-2007, 11:43 PM
happy.....kahit mahirap lang kami sa Japan!:p
contented........mab ait kase hubby ko at hindi maingay.:)
madly in love!:eek: :D

hi chibi san, parehong-pareho feeling natin. pera lang naman problema, but i dont worry kasi nahahanap naman yan db?

sam_227
01-31-2007, 12:04 AM
Funny, kasi hubby ko e medyo komedyante ang dating...kaya naman pagkasama ko siya e naaaliw ako sa kanya (parang clown:D )..

Ako man happy din kahit minsan kapos sa panggastos kahit papano nakaka survive naman.Lalo nat may baby n a kami mas lalo kami masaya pamilya.

EllahMauiMar
01-31-2007, 12:52 AM
Masayang masaya, pero walang bed of roses sa lahat ng relasyon. Mahirap lang kasi gusto kong makatulong ngayon sa kanya sa dami ng gastos namin sa bahay..pero makakaraos rin. God is good!

midnight
01-31-2007, 01:48 AM
minsan nakakasawa pero feeling lucky to have a husband like my hubby:)

mhisoza
01-31-2007, 05:56 AM
ako naman masaya dahil may pagka komikero sya..mahirap, malupit may pag ka Kibishii
rin...minsan nakakasawa .....kung pwede lang syang ibalik sa sinapupunan ng Nanay nya
para di ko muna makita......:D :D :D

bell
01-31-2007, 09:00 AM
ako masayang mahirap na minsan dimo maintindihan ang isip.magulo pero nakakatuwa.ah ewan,minsan akala mo may giyera,minsan naman parang magsyota na parang nilalanggam na sa kasweetan,basta mahal nya kami ng mga anak ko at mahal namin sya!:D

wildflower
01-31-2007, 09:58 AM
masaya,mahirap minsan nakakalungkot malayo kasi sa pinas at minsan nakaka high blood at nakakabaliktad ng utak..hehehehe:love:

MIMI
01-31-2007, 10:32 AM
nakaka bobo, magkakaroon yata ako ng sakit sa puso:mad:

MIMI
01-31-2007, 10:54 AM
for me, very happy and contented;)buti ka pa , okanemuchi!!:D

emyken1423
01-31-2007, 11:09 AM
interesting na exciting na nakaka boring na nakaka praning nung una.....malayo ka sa pinas ....di kami mag kaintindihan mag asawa......tradition s, culture, beliefs madalas naming pinag aawayan...pasaway kasi ako.....pero sa ngayon medyo okey na na kapag adjust na ng konti ...... ang lengwahe nila di ko pa rin ma learn.....pero asawa ko kahit ganon lang yun mabit sya, thoughtful , caring and loving.....para na rin syang pinoy kung magmahal....inaappre ciate nya lahat ng ginagawa ko kahit mali sinasabi nyang tama......yun nga lang may kasabay pang iling at tsk..tsk...tsk...

Tarena314
01-31-2007, 11:58 AM
ako naman ..,halo- halong emotion nong una naming pagsasama..,pero ngayon sa tagal na rin namin,ay masasabi ko ng masaya ang buhay ko..,kuntento na at wala ng hahanapin pa..,:)

palangga
01-31-2007, 12:05 PM
madaling isipin,mahirap gawin :D

palangga
01-31-2007, 12:06 PM
ooooppppssss!!! sorry wrong post po :bonk: :bonk:

mikaeru
01-31-2007, 12:51 PM
ohayou minna san,:)

Sobra sakit sa ulo lalo na sa puso...
minsan tutulo na lang luha ko sobrang sama ng loob...
pero pilit ko pa ring iniintindi at mag-gaman! at isa pa masyado siyang mahigpit at dami pang tanong...(siguristo/a)

ay nag-OT na po ako...pasensiya na po:D

sana nga lang po makinig naman siya sakin minsan at hindi palaging nasa lansangan!:mad:

freegirl
01-31-2007, 02:23 PM
minsan masaya minsan naman parang aso't-pusa...talagang ganon lang siguro.Kailangan minsan na ituro o ipabatid sa kanya ang kamalian niya sa pag dedesisyon.

yukio_cris
01-31-2007, 04:29 PM
buti ka pa , okanemuchi!!:D

okanemuchi janai yo:eek:

yukio_cris
01-31-2007, 04:45 PM
ohayou minna san,:)

Sobra sakit sa ulo lalo na sa puso...
minsan tutulo na lang luha ko sobrang sama ng loob...
pero pilit ko pa ring iniintindi at mag-gaman! at isa pa masyado siyang mahigpit at dami pang tanong...(siguristo/a)

ay nag-OT na po ako...pasensiya na po:D

sana nga lang po makinig naman siya sakin minsan at hindi palaging nasa lansangan!:mad:

nwei, tinray mo na ba sya kausapin ng masinsinan once?

tisay
01-31-2007, 04:59 PM
...:japanese: ...happy...contented .....and...

......:love: madly inlove...

ICHIBAN08
01-31-2007, 05:07 PM
guys, pasingit po ulit:D ...basta tungkol sa hubby e very interesting sakin kasi masaya ako with my hubby...nung una nga ang pagkaka alam ko e tsumitai daw ang mga asawang hapon:confused: ...marami akong nababalitaang grabe daw ugali at parang hari umasta sa mga esmi nilang pinay...ngayon nga na-realized ko na may asawa na rin akong japanese hindi pala naman pare-pareho ang ugali...kasi super lambing ng asawa ko at funny nga tulad ng nabanggit ko kanina...mga gawaing bahay e hati kami...hindi siya wagamama talaga kaya naman masayang masaya po ako talaga na may hubby akong tulad niya,...kaya talagang nagpapasalamat ako sa dios:halo: ... sana wag siyang magbago..

yukio_cris
01-31-2007, 05:19 PM

ang pagkakaiba natin, pag d mo inutusan , d kikilos, walang joshiki kumbaga but sa
mga naririnig ko, ganyan daw pala tlaga cla daitay. but im happy anyway, hi sau

MIMI
01-31-2007, 05:44 PM
ang pagkakaiba natin, pag d mo inutusan , d kikilos, walang joshiki kumbaga but sa
mga naririnig ko, ganyan daw pala tlaga cla daitay. but im happy anyway, hi sau
nakikipag chismisan ka pa dyan ,15 min. nalang uwi na tayo... magtpon ka na ng trash and hugas cups. hihihi:D ako tapos na. :D

yukio_cris
01-31-2007, 05:47 PM
nakikipag chismisan ka pa dyan ,15 min. nalang uwi na tayo... magtpon ka na ng trash and hugas cups. hihihi:D ako tapos na. :D
c you later:)

MIMI
01-31-2007, 05:50 PM
c you later:)cge bye na.:)

poohbear
01-31-2007, 07:31 PM
masaya , na mahirap po ang may asawa nihonjin, sabi nga nila di ito Bed of Roses!:O
minsan stress ako ! Ang hirap kasing mag adjust!:) but i still love my husband no matter
what !:D

Chibi
01-31-2007, 07:37 PM
hi chibi san, parehong-pareho feeling natin. pera lang naman problema, but i dont worry kasi nahahanap naman yan db?
hi,louvette,korek ka jyan sistah,masipag naman mag trabaho hubby koh,ang importante may peace of mind tayo .:)

yukio_cris
01-31-2007, 07:40 PM
masaya , na mahirap po ang may asawa nihonjin, sabi nga nila di ito Bed of Roses!:O
minsan stress ako ! Ang hirap kasing mag adjust!:) but i still love my husband no matter
what !:D

and besides, it's our life now, pinili natin ito so , all we gonna do
is to take this life forever. Gambarimasyou ne:p

fremsite
02-01-2007, 08:08 PM
for me, very happy and contented;)

feeling na may hubby na japanese .........? :eek:

hmmm.............. :confused:

napakadali ng tanong pero parang hindi ko maintindihan .................... .........:confused:

but i'm lucky to have him ... that's for sure ... :)

yukio_cris
02-01-2007, 11:20 PM

what part ang di mo ma get?:rolleyes:

summerghie
02-01-2007, 11:37 PM
happy and lucky kasi i was blessed w/ a kind, responsible and as in ang haba ng ~~~~~~:D
patience niya sa aking mga tantrums at kakulitan...

but on the other side eh mahirap pa rin.
first ang language ang hirap magexplain kapag di mo alam sa nihonggo ang sasabihin kailangan mo pang hanapin sa dictionary.

second ang kanilang culture and beliefs nila lalo na kapag sa inaka nakatira medyo maraming pamahiin.

lastly gaijin parin sila so minsan di mo maiwasan ikumpara sila sa kapwa natin pinoy dahil sa mga indefferences ninyo.

neneng
02-01-2007, 11:48 PM
pasali ha...

been here in japan for more than 2 decades and of course naranasan ko din ang hirap at sarap ng buhay with my japanese husband. .....my feelings???...first and foremost, financially stable. siguro i'm very lucky to have him dahil super bait and understanding:p

yukio_cris
02-01-2007, 11:51 PM

lucky you sis:cool:

lalen16loves
02-02-2007, 08:03 AM
hindi ko alam kung masaya o mahirap.. ang asawa ko kasi sobrang taas ng pride..hindi mo masukat , akala mo kung sinong hari :mad: kung hindi lang ako mapagtimpi ay naku , hindi ko alam..binubuntong hininga ko nalang ....pero iniisip ko naring sya narin siguro ang swerte ko at ang baby namin...

ichimar
02-02-2007, 08:16 AM
masaya na mahirap:) sa una gusto kong mag give up,pero ngayun,bumaha bumagyo at umulan man ng napakaraming yelo,patuloy pa din akong tatahak sa ganitong buhay,basta kasama ko sya:D trulili yan at seryoso ako ngayun:p :D

yukio_cris
02-02-2007, 03:47 PM

atakushi mo ganbaru kara na:japanese:

mOtt_erU
02-02-2007, 06:16 PM
....masayang mahirap...:p ....basta nanjan palagi ang gUidance ng nasa itaas at yung LOVE nyo para sa isa`t isa; everything follows na.... :sweeties:

babyangel
02-02-2007, 10:28 PM
Nakakapikon:mad:mins an my lungkot:( at nakakapagod din lalo na kung di kayo minsan mgkaintindihan sa mga bagay bagay:confused: Pero ang mahalaga HAPPY:grouphug:

:dowave:

jhoichang
02-04-2007, 09:09 PM
nag-asawa akoh ng hapon, matanda sakin ng almost 20 years. but i really didn`t mind at all. mabait xa nung una. pero nung tumagal nah, lumabas na tunay na ugali. grabe!!! wagamama talaga!!! kya ngayon we`re separated... i don`t have any regrets coz i know it`s not worth it... hindi nmn lahat ng hapon ganon, but for those who are planning to marry, think carefully... don`t rush... :mad:

Soju6
02-04-2007, 10:14 PM
Jhoichang,
Meron din palang pinay na hindi nagpapakamartir dito, finally.
Halos lahat kasi ng nababasa ko tungkol sa may asawang hapon ay puro na
lang daing kung paano sila maltratuhin,lokohin at saktan pa kung mnsan.
I'm proud of you, "You go girl"!!!:dowave: Careful na lang dun sa mapipili mo ulit.

Autumn
02-04-2007, 10:47 PM
Feeling..?

Feeling ko ¥en ako na nag lalakad sa kalye...pahingi daw ng pera sabi ng relatives ko:eek:..

ang pakasalan sya.ang pinaka masaklap na ginawa ko sa buhay ko..:rolleyes:
nagka utsubyou ako dahil sa kanya...:mad:

Soju6
02-04-2007, 11:15 PM
Wow namannn, pati ikaw Miss Autumn? Naging walo tuloy ang tingin mo?
yun ba ibig sabihin nun? otso-view? :bonk:
Sorry po, biro lang!

Autumn
02-04-2007, 11:20 PM
Wow namannn, pati ikaw Miss Autumn? Naging walo tuloy ang tingin mo?
yun ba ibig sabihin nun? otso-view? :bonk:
Sorry po, biro lang!
:firehead::fence:waa aa ang tagal bago ko na getz...:biglaugh:

jhoichang
02-05-2007, 07:04 PM
hey soju6..
thnx! bakit nmn ako magpapakamartir sa kanya? in the first place hindi koh kasalanan kung bakit kme nghiwalay. hindi ko kawalan.. ska meron din tyong damdamin n mga oinay noh! akala kze ng mga yan, porke gaijin tau, hindi n tau lalaban sa kanila! puwes, nagkakamali sila!!

yukio_cris
02-07-2007, 01:06 PM

magmahalan taung lahat although di christmas day:D :D :D
ano ba yun:bonk:

tfcfan
02-08-2007, 09:20 AM
Masaya na nakakastress :)
mas marami kaseng responsibilidad pala ang maging asawa ng Japanese mula pagkagising at pagtulog sa gabi ,hay! :nono:
Sa Pinas kahit tulugan mo asawa mo pagkagising sa umaga pwede di ba.dito parang di yata ideal wife kung di mo ipaghanda ng almusal at mga gagamitin ni mister sa pagpasok nya sa trabaho.Pagdating din,di pwedeng pabayaan mong kumaing mag-isa dapat ipaghanda pa.hay ulit!!!;)

freegirl
02-08-2007, 09:45 AM
[quote=tfcfan;235789]Masaya na nakakastress :)
mas marami kaseng responsibilidad pala ang maging asawa ng Japanese mula pagkagising at pagtulog sa gabi ,hay! :nono:

sinabi mo pa sis...mahirap talaga ang mag-asawa ng hapon kailangan lagi silang asikasuhin.

Soju6
02-08-2007, 03:46 PM
TFCfan/freegirl,

Hmmm? Tanong lang mga misis, yung magandang treatment niyo sa hubby niyong hapon - I am sure na bago pa lang kayo mag asawa ng hapon ay alam na ninyo kung anong klaseng atensyon ( obligasyon? ) ang ibibibgay niyo sa kanya.

Ginagawa mo ba ito (special treatments sa jap hubby) because of "love"? Anong mangyayari pag sinabi mong di ka makakapgluto o di mo maihahanda yung issusuot niya dahil pagod ka? Kung pinoy ang asawa ninyo , ok lang di ba? Bakit ganun?

Sa akin, pag nag asawa ako (sigurado pinay)....ok lang na ako ang magluto basta may oras lang, tulungan ko siyang mag linis o mag alaga ng (mga)bata...dahil mahal ko yung asawa ko at ayokong nakikita kong nahihirapan siya. Kasi hindi ako nag asawa para magkaruon ng "maid at babysitter" sa bahay. Di ba dapat ganun? O old fashion lang talaga ako?

tfcfan
02-08-2007, 04:17 PM
TFCfan

Actually hindi po :O

yes out of love and responsibility as a wife kase ginagawa rin ng hubby ko yung responsibilidad nya sa amin ng mga anak ko,At kung pagod ako naiintindihan nya yun sya na nagkukusa kung minsan :p (lang naman) Kung pinoy siguro depende sa ugali ng Pinoy,puro kase porma ang alam ng ibang pinoy pero kulang sa aksyon...

Soju6
02-08-2007, 04:33 PM
"puro kase porma ang alam ng ibang pinoy pero kulang sa aksyon..."

Hmmm? korek ka diyan, "ng ibang pinoy".

Nakapag asawa ka na rin ng pinoy?

abby
02-08-2007, 05:02 PM
makikisali po! feeling ko...lucky ako! kase mabait po ang naging asawa ko,halos lahat ng gawain dito sa bahay hati kami pati sa pag aalaga ng anak namin.wala din po syang reklamo sa pagkain kahit madalas kong lutuin ay pinoy food(halos lahat kase ng pagkain natin ay gusto nya).cguro sya naman hindi lucky,kase po hindi ako masyadong maasikaso sa kanya at ako ang madalas nasusunod dito sa bahay:p in short takusa ang asawa ko(jowk):)

Soju6
02-08-2007, 05:21 PM
Abby,

Hindi takusa yun......mahal ka lang talaga.

eltann
02-08-2007, 05:27 PM
based sa mga nabasa ko, i guess majority were happy and contented sa mga hubby nila...

eto naman po tanong ko...
sa tingin nyo, ano pa rin ang mas magandang mapangasawa, Hapon o Filipino? at bakit?

kung ako ang tatanungin, eto mga opinions ko:
kung dito ka sa japan maninirahan, mas maganda siguro na hapon ang mapangasawa mo
pero ugaling pinoy.
kasi magiging advantage yun dito sa japan na kaya nyang alamin at itanong lahat di ba?
unlike sa ating mga filipino, although kahit marunong na tayo mag nihonggo, marami pa
rin tayong di kayang tanungin at alamin...

pero kung makakita naman siguro tayo ng pinoy na magaling na magaling mag nihonggo
at kayang alamin ang lahat sa japan, siguro mas maganda pa rin na yun ang mapangasawa
natin di ba?... iba kasi magmahal at mag asikaso ang pinoy... (although not all siguro...)

ano sa tingin nyo? :confused:

Soju6
02-08-2007, 05:52 PM
Ang magandang mapangasawa? Kung sino ang nasa "puso mo" yun ang mahalaga.
Hindi yung nationality ng bansang titirahan mo. Paano kung ayaw mo na rito sa Japan at gusto mong manirahan sa Germany? tskk.....magpapalit ka ng asawa from hapon to aleman, at nagsawa ka ulit sa germany gsto mo naman tumira sa Bangladesh....Bangla deshi magiging asawa mo. Baho kilikili ng mga yun. hehehehe.
biro lang ho......Kung sino ang mahal mo, yun ang samahan mo.

eltann
02-08-2007, 05:57 PM
TAMA!!! perfectly said.... :dowave:

yukio_cris
02-08-2007, 08:57 PM
Ang magandang mapangasawa? Kung sino ang nasa "puso mo" yun ang mahalaga.
Hindi yung nationality ng bansang titirahan mo. Paano kung ayaw mo na rito sa Japan at gusto mong manirahan sa Germany? tskk.....magpapalit ka ng asawa from hapon to aleman, at nagsawa ka ulit sa germany gsto mo naman tumira sa Bangladesh....Bangla deshi magiging asawa mo. Baho kilikili ng mga yun. hehehehe.
biro lang ho......Kung sino ang mahal mo, yun ang samahan mo.

bakit yun iba, although di nila love pinapakasalan :shutup:

Soju6
02-08-2007, 10:03 PM
For financial reasons(?).....haban g buhay na lang tiis kahit walang love involve.
Kahit mahigit 50 na yung hapon.
Kung may masasaktan man, sorry ...wala akong maisip na iba pang dahilan.
Pero tama ba yun? Bakit di na lang magsikap umunlad sa sariling paraan para kung mag aasawa na ay yung talagang "love " nila ang papakasalan nila.

yukio_cris
02-08-2007, 10:27 PM

pero as i was saying hindi natin sila masisisi dahil sa hirap ng buhay ngayon.:(

eltann
02-08-2007, 11:57 PM
napag-uusapan lang po...

i guess they were just being practical...
and they thought that in the long run, matututunan din nilang mahalin ung di nila mahal sa
simula...

sorry.

yukio_cris
02-09-2007, 03:37 PM
napag-uusapan lang po...

i guess they were just being practical...
and they thought that in the long run, matututunan din nilang mahalin ung di nila mahal sa
simula...

sorry.

lalo na sa panahon ngayon, hirap na kasi buhay nowadays:O

ICHIBAN08
02-09-2007, 04:28 PM
sa sitwasyon ko nung ma-meet ko hubby ko, halos buwan lang relasyon namin at hindi pa malimit magkita nun..pero napag usapan agad ang kasalan...mahal niya agad ako at ako aminadong hindi pa siya lubos na kilala kaya medyo alinlangan pa ang sagot ko...pero that was time naramdaman ko palang sa kanya e crush, kasi kinikilig talaga ako pag nakikita siya at yung pagpapakita niya ng kabaitan e dun ko nalamang gusto ko siya...hanggang sa naramdaman ko na lang mahal ko pala siya at ayun nagpakasal kami ng 6mons lang mag boyfriend...maaga pa kung tutuusin pero wala pala yun sa aga o tagal ng relasyon mahalaga e pagmamahalan talaga...ngayon wala ako masasabi sa pagsasama namin halos mag to-2years na kaming kasal this year e hindi naman siya nagbabago mas lalo ko nakita ang pagmamahal niya at matulungin bilang asawa...im really thank god kasi binigyan niya ako ng mabuting asawa:) ...

honey
02-09-2007, 05:38 PM
hello eltann and Soju6:D and kaTF

Nagkaroon ako ng Pinoy na boyfriend kaso ang bilis mawala pinapalitan agad ako , Hapon ganun din mabilis mahulog loob sa ibang babae charming at funny yan gusto nila e.Akala ko nga hindi na ako makakapag-asawa pero binigyan ako ni god ng talagang gusto ko ang totoo gusto ko mapangasawa PINOY kasi masarap sila magmahal at hindi ako mahihirapan masabi mga gusto ko kaso binigay ni GOD hapon ugaling pinoy.Syempre hindi na ako nagrereklamo kasi mabait naman at sinusunod nya maga gusto ko.Luto ako ng filipin food kain sya, sa pinas naka pants lang at tshirt lang yan kapag namasyal,marunong makisama nagtatagalog kahit hirap kaya nagustuhan sya ng parents ko kahit hindi mayaman basta mahal daw ako yun ang importante.Hindi naman ako nagsisi sa pagsunod sa mga magulang ko kasi magpahanggang ngaun hindi sya nagbago mabait talaga.:)

Maraming filipina na nakapag-asawa ng hapon na swerte kahit hindi sila nag-asawa ng filipino.

Yung ibang sinasabi nyong dahil sa financial kaya nagasawa ng hapon.... marami talagang ganyan pero saludo ako sa mga nagseseryoso at minamahal ang mabait na hapon no comment na lang sa mga hmmmmmmmp!:p

Pinagkaiba lang ng Pinoy sa Hapon ang PINOY MARUNONG MAKARAMDAM ang HAPON SIGE LANG NG SIGE hindi nila alam na mali na pala ginagawa nila sa sobrang pagmamahal.isang halimbawa lang naman ito peace.:D

ICHIBAN08
02-09-2007, 11:04 PM
Tama po kayo Honey san:) ...maraming pilipinang utak ang ginamit kahit ang iba ay may kabit pa sa pilipinas..may mga kakilala akong ganyan at masaklap pa gamitan silang lahat...yung girl ginagamit niya lang asawang hapon para sa pera tapos may kabit pa sa pilipinas at may asawa pa ang kinabitan niya sa pinas at ang kabit niyang lalaki sa pinas e may isa pang kabit...grabe ano po kabitan sila:D ( pa san tabi po ha! sorry po, base lang sa kakilala ko!)...kawawa naman yung hapon na sobrang nagmamahal sa asawang pinay kung lolokohin lang ng ganun:( ...sana e magliwanag ang isipan niya at magbago...

mikaeru
02-09-2007, 11:39 PM
minsan masaya minsan naman parang aso't-pusa...talagang ganon lang siguro.Kailangan minsan na ituro o ipabatid sa kanya ang kamalian niya sa pag dedesisyon.

Tama ka jan Freegirl chan:)

mikaeru
02-09-2007, 11:42 PM
ako naman masaya dahil may pagka komikero sya..mahirap, malupit may pag ka Kibishii
rin...minsan nakakasawa .....kung pwede lang syang ibalik sa sinapupunan ng Nanay nya
para di ko muna makita......:D :D :D

Hay naku mhisoza chan , pareho tayo:D
kung pwede nga lang talaga ibalik sa sinapupunan ng ina nya...Promise:rolley es:

sharpener
02-10-2007, 04:33 AM
feeling ko may amo ako, toyo lang iaabot mo pa

honey
02-10-2007, 03:01 PM
Sabi nila wala raw saysay ang isang relasyon kung walang pagaaway:D Kasi dun nyo malalaman kung gaano nyo kayang tiisin na wala sa buhay nyo ang mahal nyo kapag hindi na kayo pinapansin hindi na kayo magkatabi matulog etc...

Ang mga hapon pagkakaalam ko lang ha! kailangan bibigyan ng gulpi di gulat ba! hindi yung sige ok lang ganya tayong mga filipina e mapagbigay hindi kikibo pero lumalaki ulo ng mga hapon kasi ok lang sayo pero kapag sinabi mo maiintindihan naman nila at iaadjust nila sarili nila maliban na lang kung makakalimutin si mister tulad ng asawa ko :biglaugh: parang sawa kapag naghubad ng damit, makalat pa sa bahay.Kapag sinabi sa kanya mga ilang buwan ayan na naman sya :p kaya shikatanai sunod ang katulong:p .

proud me
02-10-2007, 03:12 PM
Sabi nila wala raw saysay ang isang relasyon kung walang pagaaway:D Kasi dun nyo malalaman kung gaano nyo kayang tiisin na wala sa buhay nyo ang mahal nyo kapag hindi na kayo pinapansin hindi na kayo magkatabi matulog etc...

Ang mga hapon pagkakaalam ko lang ha! kailangan bibigyan ng gulpi di gulat ba! hindi yung sige ok lang ganya tayong mga filipina e mapagbigay hindi kikibo pero lumalaki ulo ng mga hapon kasi ok lang sayo pero kapag sinabi mo maiintindihan naman nila at iaadjust nila sarili nila maliban na lang kung makakalimutin si mister tulad ng asawa ko :biglaugh: parang sawa kapag naghubad ng damit, makalat pa sa bahay.Kapag sinabi sa kanya mga ilang buwan ayan na naman sya :p kaya shikatanai sunod ang katulong:p . honey san...akala ko ako lang me ganyang ka-patner....kaya ako minsan pag-alam ko ng luma yong mga hinubad nya at pwede ng husgahan itapon.....pag hinubad nya yong medyas nya kung saan-saan...pinapakita ko sa kanya na itapon sa basura....pero wala paring epekto...kaya hindi ko na sinasabi dinadampot ko nalang ng walang salita-salita...yon biglang mag-sasabi ng gomen ne!..:p

honey
02-10-2007, 03:16 PM
^^^mabait pa po kayo nyan yun friend ko sinilaban damit ng asawa nya e para rin po kasing sawa kung maghubad iwan lang kung saan.

OO ganyan nga mga hapon magaling sa bibig pero sa gawa paminsan minsan pero shoganai diba kasi trabaho nating mga misis yan ang maglinis ng kalat ng anak at asawa pero ang sa atin lang po ba e! kahit yung kalat na lang nila ligpitin nila bawas na sa stress po natin:p .

miyuki
02-10-2007, 04:09 PM
sa sitwasyon ko nung ma-meet ko hubby ko, halos buwan lang relasyon namin at hindi pa malimit magkita nun..pero napag usapan agad ang kasalan...mahal niya agad ako at ako aminadong hindi pa siya lubos na kilala kaya medyo alinlangan pa ang sagot ko...pero that was time naramdaman ko palang sa kanya e crush, kasi kinikilig talaga ako pag nakikita siya at yung pagpapakita niya ng kabaitan e dun ko nalamang gusto ko siya...hanggang sa naramdaman ko na lang mahal ko pala siya at ayun nagpakasal kami ng 6mons lang mag boyfriend...maaga pa kung tutuusin pero wala pala yun sa aga o tagal ng relasyon mahalaga e pagmamahalan talaga...ngayon wala ako masasabi sa pagsasama namin halos mag to-2years na kaming kasal this year e hindi naman siya nagbabago mas lalo ko nakita ang pagmamahal niya at matulungin bilang asawa...im really thank god kasi binigyan niya ako ng mabuting asawa:) ...
ichiban08-san ...makakambal ang kapalaran natin... mabait din ang napangasawa ko... 6 years lang naman gap ng age namin... wala na akong nakitang kasing bait nya napakalinis ng isip at puso.. ni hindi nag iisip ng bad about sa kapwa. kaya naman kahit nung una hindi ko sya feel untiunti natutunan ko na din syang mahalin..saka mas maganda pala ung ganito ung ikaw ang mas mahal kasi kahit puro filipino food luto ko ok pa dinat minsan napapaalat heheheh masarap pa din daw ... :D .. now may baby na kami at nakita ko na lalo nya akong minahal at ung pamilya ko kita ko na mahal din nya... lahat ng need ko isinusubo na sa akin kaya lang sa sobrang pagka protective na akala minsan lahat kailangan sya gumawa nakakafeel tuloy ako ng parang bata akong dapat lahat sya lalo na sa mga papers ng baby ...pero ok na din .pero after retirement we are planning na sapinas manirahan kahit pano magagantihan ko naman ang pag aalaga nya sa akin ako naman ang aalalay sa kanya ...kaya lang tagal pa nonnnnnnn ...:p

proud me
02-10-2007, 10:11 PM
^^^mabait pa po kayo nyan yun friend ko sinilaban damit ng asawa nya e para rin po kasing sawa kung maghubad iwan lang kung saan.

OO ganyan nga mga hapon magaling sa bibig pero sa gawa paminsan minsan pero shoganai diba kasi trabaho nating mga misis yan ang maglinis ng kalat ng anak at asawa pero ang sa atin lang po ba e! kahit yung kalat na lang nila ligpitin nila bawas na sa stress po natin:p .sinabi mo pa!:p ...pero minsan si oto yong anak ko na sumisita sa kanya...halimbawa yong plastic ng mga snacks tapos ipapatong pa sa table eh....pahabain nya lang yong kamay nya ng konte meron gomi bako na.:p kaya minsan pagkakain na ng mga snacks mag-bibitbit narin siya ng lalagyan ng mga basura....minsan mas merong talab sa kanya pag-musume nya na ang sumita sa kanya!:p

ICHIBAN08
02-11-2007, 09:16 AM
Hi sayo @miyuki san!:wave: ...hahaha:D ! correct ka jan sis halos magkakambal tayo kung papaano ipakita satin ng asawa natin na mahal na mahal nila tayo kaya natutuwa naman ako talaga...nung una kasi wala pa akong alam na luto kaya naluluto ko araw araw e filipino foods din pero para sa kanya e masarap hahaha kahit na sobra namang mamantikan kasi araw araw ba naman e puro fried ang naluluto ko wala man lang sabaw hahaha! kahit alam kong napipilitan lang tuloy din ang kain, gaya ng sayong habibi maalat na e tuloy pa rin ang subo hahaha:D !nakakatuwa talaga si habibi mo...kaya ngayon nag aaral ako magluto ng pagkaing hapon utay utay kaya very appreciated naman niya lalo na magkakaanak na kami paglabas ng first baby namin:) e excited na rin talaga siya...halos hindi tayo nagkakaiba sa treatment ng mga asawa natin talaga pero sa pananaw sa buhay may pagkakaiba satin, ang asawa ko naman e walang ka-plano planong tumira sa pilipinas:O dito kaming dalawa habang buhay kasama ng magiging anak namin..kahit gusto ko rin talaga tumira kami sa atin sa pinas e siya naman ang aayaw:( ...ulti mo mga kelangan ko ring mga papers o mga documents ko sa city hall at immigrations siya rin nag aasikaso, kaya medyo wala akong alam tuloy kung papaano mag process ng papers dito:confused: , ganyan siya ka asikaso hehehe:D ...

Inday_36
02-11-2007, 09:36 AM
Tama po kayo Honey san:) ...maraming pilipinang utak ang ginamit kahit ang iba ay may kabit pa sa pilipinas..may mga kakilala akong ganyan at masaklap pa gamitan silang lahat...yung girl ginagamit niya lang asawang hapon para sa pera tapos may kabit pa sa pilipinas at may asawa pa ang kinabitan niya sa pinas at ang kabit niyang lalaki sa pinas e may isa pang kabit...grabe ano po kabitan sila:D ( pa san tabi po ha! sorry po, base lang sa kakilala ko!)...kawawa naman yung hapon na sobrang nagmamahal sa asawang pinay kung lolokohin lang ng ganun:( ...sana e magliwanag ang isipan niya at magbago...

nakarinig na ako ng ganitong kwento, totoo ba ito? buti di nagkakasakit? :confused: ano naman ang sabi ng family nya sa pinas? syempre hindi maaring hindi sila mapag usapan ng mga kapit bahay...

miyuki
02-11-2007, 10:15 AM
ganon ba ichiban08 san ... buntis ka now? ilang bwan ka na? wen due mo? know mo na if boy or girl? heheheh dami tanong noh!? by the way swerte tayo kasi may ilan din na medyo d maganda ang kanilang swerte sa pag aasawa d2 ..... basta suklian lang natin ng magmamahal ang ibinibigay ng mga hubby natin... nakakatuwa isipin na talagang d din lahat failure ang result ng mag-asawa ng magkaiba ang lahi at paniniwala...puso na lang ang nagkakaintindihan d ba?.. take care laways for ur baby and hubby...

ICHIBAN08
02-11-2007, 10:29 AM
Hi inday san!:)...Kasi barkada namin nung una yung girl na may asawa din dito japanese...siya na rin naman ang nagku-kwento samin wala nga siya kyemeng magsalita at kaya kilala namin ang guy na kabit niya e naka-barkada rin namin dahil sa kaniya ipinakilala kami nung una...medyo malalayo kasi ang bahay - bahay namin kaya hindi ko rin alam kung pinag tsi-tsismisan sila ng kapitbahay nila...kaya ko alam malimit siyang mag open sakin ng problema niya tungkol nga sa rela-relasyon niya sa dalawang guys...kaya nga may tatlong question mark sa ulo ko:confused: bakit kaya niya nagagawa yun wala kaya siyang kunsyensiya???..sa ngayon naman wala na akong balita pa mula nung mag asawa na rin ako ng japanese...mas nauna kasi yun sakin mag asawa kasi siya dalawa na anak niya sa japanese na yun at almost 14yrs na ata siya dito sa japan...pabalik balik na lang din at ayun nga nagmi-meet sila ng jowa niyang pinoy with her family...alam na rin siguro ng pamilya niya nagbibingihan na lang siguro dahil suportado sila ng anak nila e...mas matanda naman kasi siya sakin kaya hindi ko mapayuhan na pagalit sa kaniya almost 9 yrs ang tanda niya sakin kaya tahimik lang ako:( ...haaay ano na kaya ang nangyaris a kanya?:confused: naisip ko tuloy siya:rolleyes:

myukasky
02-11-2007, 01:06 PM

Parang drama sa tv no hhehhhehhehe. Jinsie iro iro talaga:D Alam mo sis minsan di naman sila dapat payuhan pa kasi baka ikaw pa lumabas na masama. Nasa tamang idad na naman siya so alam na niya ginagawa nya:D

yukio_cris
02-11-2007, 02:38 PM

usually yung nasa right age pa ang sometimes nacoconfuse kung
ano talaga ang right or wrong...:rolleyes:

ICHIBAN08
02-11-2007, 03:00 PM
OO tama kayo mga sis:O , kaya kahit ako e hindi ko lubos na may nangyayaring ganyan at may mga taong nagagawa lokohin ang asawa nila..ayoko magpayo baka mamaya masamain pa kasi ang mga ganung taong gumagawa ng ganun e madilim ang isipan ng mga yan wala silang nakikita kundi sarili nila e tama...sila rin naman yung namomroblema sa sarili na rin nilang gawa di ba?...kaya hinayaan ko yung barkada namin na magmulat sa katotohanan na siya na rin ang makakagawa para malampasan niya yun at mabago ang buhay sa sarili niyang paraan...:rolleyes:

nhette120505
03-07-2007, 12:47 PM
masaya kasi kasama mo ang taong mahal mo isa pa alam mong secure ka sa kanya.

mahirap kasi mahirap maging housewife noh.

love0308
03-07-2007, 03:18 PM
feeling ng may husband eh parang adventure ha ha ha:) dont take it seriously guys kasi tatanda tayo bigla:D

mr.kuripot
03-07-2007, 03:41 PM
:Dvery very happy..shiawase po..

Bheng
03-07-2007, 08:49 PM
siguro masasabi ko sa mga dinanas ko sa kamay ng asawa kong hapon...kurushi...ay okong dumating sa point na pagsisihan ko na ngpakasal ako sa hapon., o dahil mali lng ako ng piniling pakasalan., gusto ko ng lumaya tumakas sa kanya.,suko na ko....ayoko na talaga...hehehe..bas ta..yun lng masasabi ko...kurushi....

wonderKulit
03-07-2007, 10:36 PM
:D very happy kasi super kenkoy sya kahit kapos kami minsan sa pera...medyo may topak din pala minsan :scratch: pero sya pa rin gumagawa ng paraan para bumalik yong tawanan namin :D ...kaya love ko talaga hubby ko :sweeties: :love: :kiss:

mamimo
03-07-2007, 11:14 PM
super seryoso baka sa ICU bagsak namin nito:D :)

proud me
03-08-2007, 03:54 PM
Feeling..?

Feeling ko ¥en ako na nag lalakad sa kalye...pahingi daw ng pera sabi ng relatives ko:eek:..

...:mad: he hehe~~~~siguro karamihan naman na naka-pag asawa ng jpnese o dayuhan~~~~sa pinas ganyan talaga karamihan ang tingin o pakiramdam ng nakakarami.:D parang akala lahat ata ng makapag-asawa ng dayuhan~~~~eh,pipiti k at hihingi nalang ng pera sa asawa para ipamudmud sa kanila.:D :p yung hirap ng pamumuhay hindi nila kasi naririnig nga~~~~naririnig lang nila yung sarap ng buhay!:D

la_tina512
03-14-2007, 12:44 AM
Tired, fed up. If not for my kids I could have left him a long time ago. It's also my faith that prevents me from doing something I'll regret later. In a way, I thank God dahil ginagamit ang asawa ko to teach me how to persevere. I envy may kababayang Filipinas who are happy with their hubbies. My kids are the most that matter to me now.

chokulit
03-20-2007, 10:31 AM

Same here ate Tina... I tried my best to adjust myself here. Napakita ko na ang lahat ng concern ko sa family nya dito...pero di pala ako dapat mag expect na ganun din ang gawin nya sa family ko...lahat ng ginawa ko walang appreciation, lahat puro atarimae no koto...puro self pity na naramdaman ko, ooops tama drama di bagay sa akin hehehe (nadadala lang po:D )

yuto
04-13-2007, 08:04 PM
ang saya-saya kase mabait habibi ko ganun din sya sa mga anak nmin,ako lang lokaloka:lol:

tadashi
04-13-2007, 10:15 PM
:)masaya ako kasi finally natagpuan ko sa asawa ko yung hinahanap ko na guy,sabihin man natin na ibang lahi siya,magkaiba man ng kultura sa puso alam naming mahal namin ang isat isa napakalambing at maasikaso ng asawa ko sa bait wala ako masabi hindi man siya mayaman pero kontento na ako.

yukio_cris
04-15-2007, 12:14 AM
na miss ko tong thread ko ...medjo busy na kasi me....(sa katutulog):D
sabuhay ng tao talaga walang puro sarap...bakit? kasi walang thrill... kelangan may mga challenges din, sa pag aasawa hindi naman kelangan pumili, dahil dadating at dadating kahit na ayaw mo...ako, eto masaya kahit na maraming challenges sa buhay may asawa pero masaya talaga ako dahil biniyayaaan ako ng mabuting asawa... ngayon eto magkakanak na kami....:D goodluck sa ating lahat mga ka TF. God Bless

aj_4983
04-16-2007, 04:10 PM
Mahirap kc di ko msyadong ma-express feeling ko s knya in so many ways using their languange. Kya minsan sa actions ko n lng dinadaan...:D Pero I'm happy to be his wife. Responsible husband nmn kc sya.I love him. :love: sakang man sya I don't care...:hihi:

katheyrine
06-30-2008, 11:20 AM
Hay...ano nga ba ang feeling?:rolleyes:
Di ko na ma-ispelling. Sa dami na ng nangyari sa amin.
Ngayon magdadalawa na ang aming baby pero talagang gambatteru pa rin kami kahit malimit ang arguements.
Complete reverse kasi talaga kami kaya laging APOY.:D
Pero come to think of, masaya naman.
Kung wala ang mga spices eh di walang kalasa-lasa ang relasyon namin.

slovet27
06-30-2008, 11:47 AM
before ayoko talaga makapangasawa ng hapon kz marami ako naririnig na sabi sabi na naghihiwalay din daw agad..pero nung na meet ko yung hubby ko parang biglang nagbago yung pananaw ko..and now i'm proud to say dat my husband is a japanese..bakit? ewan ko..pero ang alam ko lang masaya ako sakanya..kahit nagkakaron kami minsan ng arguements sa mga bagay bagay..he see to it na maayos agad ang lahat..ayaw niya na nagagalit ako kz samishii daw ang hauz namen..very responsible and mature enough to handle relationship.i love you hubby..ehehehe..:D:D

ichigoichie
06-30-2008, 01:17 PM
nagenjoy po ako sa pagbabasa ah! good luck po sa inyong lahat na may asawang hapon.

musikaghie
07-01-2008, 09:57 PM
Ano feeling ng may Japanese Hubby?

For me Okey lang. Tahimik at panatag ang kalooban ko sa asawa ko. Kahit

ngayon na matagal na kaming nagsasama, Wala akong natatandaan na pinasakit

nya ang ulo ko, o kaya pinasama ang loob ko. Kahit ako lagi ang nagbibigay ng

sakit ng ulo sa kanya. Kahit minsan di ako sinaktan o pinagbuhatan ng kamay

kahit na may ugali akong pag ka Moody. Sabi ko sa sarili ko di ako nagkamali ng

pagpapakasal sa kanya. Pati pamilya ko sa Pinas, bago kami ikasal

hanggang ngayon Suportado niya at mahal niya. Kaya kahit mahirap lang

ang napangasawa ko Masaya naman ako sa kanya~~~:)