PDA

View Full Version : Filipino husband with Japanese wife

aznhonor
01-31-2007, 05:30 AM
curiuos lang po ako srry po sa abala
pero ive heard alot about filipino women marrying japanese husbands

meron po ba na filipino husband and a japanese wife jaan po ba?
just curious lang po ako

louvette_15
01-31-2007, 09:04 AM
yeah, meron din. last december when i went to phil. embassy, i saw a filipino man with his tagalog-fluent japanese wife.. here in numazu, may kasabayan naman si mama (beterans baga) haponesa ang asawa...

aznhonor
01-31-2007, 09:21 AM
hehehe i mean like
satingin nyo lang
is it the same percentage as marriage between a FIlipino wife and a japanese husband?

ksi al teh time palagi ko naririnig puro filipino wife lang at japanese husband
wala pa ko naririnig na Japanese wife at Filipino husband

nikkichibi
01-31-2007, 10:25 AM
meron tayong ka TF member na ang asawa ay haponesa:D

aznhonor
01-31-2007, 10:41 AM
really?astig sino po?

aznhonor
02-01-2007, 01:33 PM
i guess no one wants to answer huh hehehhee ok lang

wildflower
02-01-2007, 01:37 PM
hello sayo hhmmm....tanong mo sa mga guys dito....kung sino sa kanila may wife na haponesa....

aznhonor
02-01-2007, 02:48 PM
any replies out there from the guys? XD

Soju6
02-01-2007, 03:10 PM
Astig? If you have a Japanese wife? What is so special about that? Can you pls tell me?
You're Astig if you have a filipina wife.
Sa mga filipina hong narito sa TF......pasensiyahan niyo na lang po. Ako na ho ang humihingi ng paumanhin.

aznhonor
02-01-2007, 03:23 PM
whoa i dont know what i said to offend u

wildflower
02-01-2007, 04:20 PM
hello sa mga ka tf na guys na may asawa haponesa reply naman kayo dito..hehehe..hintay namin kayo ako rin curious sa mga guys na may asawa na haponesa:jiggy: iba talaga ang pinoy...ang lalakas ng appeal..:king:

Soju6
02-01-2007, 04:26 PM
Kung may asawa akong filipina, ma-oofend siya.
Wow!And you were wondering bakit walang sumasagot sa thread mo? Pasensiya ka na rin if I was the only one who tried to shoot you down. Like you're saying that being married to a japanese girl is better than being married to a filipina. Yes, hindi mo nga sinabi but people here can read between lines. Are you married? to a filipina? I hope not......

aznhonor
02-01-2007, 04:48 PM
eh? i didnt meant to offend u or anyone in this post
all i was pointing out is that all i hear is Filipina married wid a japanese husband
al i want to know is that is tehre anyone around that is a filipino married wid a a japanese woman
and i jsut want to know what is it like

im not married im only 20

infinite_trial
02-01-2007, 05:08 PM
si manong fisher hanapin mo :D

maimai
02-01-2007, 05:19 PM
si manong fisher hanapin mo :D

korekek~~~~hehehhe:D

hintayin mo na lang lalabas yan galing sa pulang dagat ~~:D

naninisid pa siguro yun...:p

Dax
02-01-2007, 05:20 PM
hehehe i mean like
satingin nyo lang
is it the same percentage as marriage between a FIlipino wife and a japanese husband?
Maybe the Statistics Bureau (http://www.stat.go.jp/english/data/kokusei/2000/final/hyodai.htm#20) could help you with that question. Check out Table 89: Part 1. The MS Excel file says that there were 13,700 Pinoys and 73,946 Pinays in 2000. Siguro obvious na konti lang ang Pinoy na may asawang Haponesa compared sa Pinay na may asawang Hapones. :)

aznhonor
02-01-2007, 05:20 PM
ehehehe ill be waiting XD

japphi
02-01-2007, 05:24 PM
i guess no one wants to answer huh hehehhee ok lang

Hi aznhonor....welcome to TF and Hajimemashite.....ma rami din naman dito sa TF na ang wife ay Japanese........tula d nang sagot ni IT....yes si Fisher ...wife nya ay Haponesa....at mayroon pang iba na talaga namang pinagmamalaki nila ang kani-kanilang asawa.

Pero kung ganitong mga tanong at mga sagot ay sigurado ko na hindi sila sasagot.....medyo gandahin naman ang tanong at sagot at lilitaw sila o magbibigay nang mga advices o kailangan mong info...(kung mayroon man).Yoroshiku Onegaishimasu.

sharpener
02-01-2007, 05:37 PM
Kung may asawa akong filipina, ma-oofend siya.
Wow!And you were wondering bakit walang sumasagot sa thread mo? Pasensiya ka na rin if I was the only one who tried to shoot you down. Like you're saying that being married to a japanese girl is better than being married to a filipina. Yes, hindi mo nga sinabi but people here can read between lines. Are you married? to a filipina? I hope not......

o wag na kayong magtalo
instead of astig.....astog na lang...ok ba yun?

disney
02-02-2007, 02:35 PM
instead of astig.....astog na lang...ok ba yun?[/quote]

@sharpener

cool...nice...:D

aznhonor
02-02-2007, 03:15 PM
lol astog

joeblack
02-05-2007, 08:49 PM
lol astog

Pasensya na mga ka TF. kababalik lang anmin galing ng Pilipinas. Ngayon ko lang rin nabasa eto eh!

Lowla Japphi, tama ka na si Maninisid Fisher ay haponesa ang asawa.... naka limutan mo ata na si Mr. Tf ay haponesa rin ang asawa!!! Hahhahahahahahaa.... .................... .

@ aznhonor, ano na ngayon ang katanungan mo?

disney
02-09-2007, 03:51 PM
ako po may tanong.

Mr. TF pano mo po niligawan misis mo? same ba ng style sa panliligaw sa pinay? :confused:
curious lang po:D

joeblack
02-09-2007, 09:07 PM
ako po may tanong.

Mr. TF pano mo po niligawan misis mo? same ba ng style sa panliligaw sa pinay? :confused:
curious lang po:D

Simple lang!Ginayuma ko para wala ng problema!!!!! hahahhahahaa..... Just kiddin'. Sa totoo lang, marami akong assets na nagustuhan nya kaya ko sya napa oo sa sulat lang. Sa sobrang tamis ng mga salita ko siguro nag decide syang puntahan ako sa Iloilo at doon na nagsimula ang magandang bonding namin.....resulta? dalawa kaagad, lalake at babae.......

disney
02-09-2007, 09:27 PM

galing ah...

tanong po ulit:)

yun love letters nyo in english or nihongo?:)

aznhonor
02-10-2007, 09:52 AM
hehehhe
astig nyo po

ano po nasabi naman ng kanyang pamilya?

joeblack
02-10-2007, 10:04 AM
hehehhe
astig nyo po

ano po nasabi naman ng kanyang pamilya?

@ disney san, siyempre english. Di ko naman alam mag nihonggo dati.

@ aznhonor, tungkol sa pamilya nya ay mahal na mahal ako ng tatay nya. Palibhasa'y pag sabado't linggo na wala akong pasok kasabay ko syang nag gagarden. may gulayan kami dito at habang nagpapahinga, kasabay ko rin syang tumutungga.... Hhahahaahaahaa......

Sa totoo lang kung maganda ang pakikitungo mo sa kanila ganun din sila sa yo. bigyan mo lang sila ng pagpapahalaga at pag-aalala.... Ako kasi kung minsan na nasa bahay lang; nagluluto ako ng kung ano anong maisip ko pagkatapos bigyan ko ang biyenan ko at tuwang tuwa naman. Wag kang magyabang dahil yun ang ayaw nila.....Alam nyo na kung iisipin ko lang , ay talagang lucky ako dahil sa super bait ng asawa ko at ng biyenan ko....

wildflower
02-10-2007, 10:38 AM

hello sayo joeblack buti ka pa ang bait ng byenan mo talagang lucky ka hay samantalang ako lagi kami nag aaway ng byenan ko:grrr: paano ang ingay ingay lagi nakakainis di kami magkasundo..

cute_pinay79
02-10-2007, 02:03 PM
Simple lang!Ginayuma ko para wala ng problema!!!!! hahahhahahaa..... Just kiddin'. Sa totoo lang, marami akong assets na nagustuhan nya kaya ko sya napa oo sa sulat lang. Sa sobrang tamis ng mga salita ko siguro nag decide syang puntahan ako sa Iloilo at doon na nagsimula ang magandang bonding namin.....resulta? dalawa kaagad, lalake at babae.......

WoW!:eek: Ang cute naman pala ng love story mo Joeblack san!:D
may mga haponesa palang mahilig din makipag-penpal?:confused: Ang galing! kasi marunong mkipag-communicate sa English yong naging misis mo JB san huh?!:D Kasi Ive noticed na wala pa yatang 10% sa mga japanese ang kya mkipag-communicate in english... kahit mapa-written yta ay very few?...
Share pa ng kilig moments nyo dali!
Para maituro ko sa brod ko ang tecnique kung pano manligaw ng haponesa... hihihi!:hihi:

aznhonor
02-14-2007, 02:38 AM
astig naman ka idol na kita LOOL

ksi maron akong kakilala isa siyang haponesa

pero from what i heard from other people
japanese dont like their daughters to marry any other than japanese men ><
is that true?

joeblack
02-14-2007, 04:19 AM
astig naman ka idol na kita LOOL

ksi maron akong kakilala isa siyang haponesa

pero from what i heard from other people
japanese dont like their daughters to marry any other than japanese men ><
is that true?

Hinde naman lahat siguro. Anyway, but di mo subukan? There's no harm in trying anyway.
Ang wife ko kasi Industrial Engineer ng Tokyo Gas at nagtuturo dati ng Computer Software sa WACOM Computer Company...Kaya magaling mag English.......

aznhonor
02-14-2007, 05:52 AM
oo baka nga stereotype lang ang nagsasabi yun
its da modern world diba
hehehe

TR250
02-14-2007, 12:15 PM
ksi maron akong kakilala isa siyang haponesa
pero from what i heard from other people
japanese dont like their daughters to marry any other than japanese men ><
is that true?

Hi aznhonor,
Ilan ang na engage ako for marriage at dalawa ang napangasawa kong Ponesa. Naengage din ako dati sa ilang Pinay at ilang puti ... sa tingin ko ay halos parepareho lang naman ang katayuan at maski sino namang ama ay di basta-basta ibibigay ang anak nilang babae for marriage. Siguro kung may anak akong babae ay magdadaan muna siya sa butas ng karayun o lalasingin muna niya ako ng husto (eh di naman ako umiinom kaya imposibleng mangyari ito at wala akong anak na babae) bago niya magoyo ako na ibigay ko ang anak kong babae.
Medyo swinerte lang ako siguro mula pa nung kabataan dahil hindi ko masasabing nahirapan ako. Siguro ay dahil isinilang akong bolero ay inborn sa sipsip :D kaya kadalasan ay nilalasing kung yung mga tatay at may masahe pa yung mga nanay :lol: pati sisters ay minsan ay kasama kong maglakwatcha :devil: . Ang napansin ko na ang pinakamahirap ay yung letting go... dahil masyado na akong na attached sa mga magulang nila at pag di natuloy ang kasal ay doble ang lungkot. Hanggang sa ngayon ay in very good terms pa rin ako duon sa magulang nung isang dati kong fiancee na Ponesa.
Pareho rin at walang pinagkaiba sa Pinay (yun nga lang mas sweet ang pinay)... Yung dati kong fiancee na Russian ay sa telepono ko lang nakausap yung magulang niya at OK daw???
Naniniwala ako na madaling magumpisa ng relasyon (including her pamilya)... ang mahirap ay yung makipaghiwalay.
Isang kuya advice na kung nagbabalak kang mang hunting for marriage ay di masyadong problema ang magulang niya. Ang secret ay nasasa nobya mo. Pag naramdaman ng pamilya niya na alaga mo ang anak nila, masaya at di stressed, parating nakatawa at hapi, gentleman ka sa anak nila at halatang meroon kang "balls" to raise a family... siguradong di ka dadaan sa butas ng karayun (sa butas lang ng butones :D)...

infinite_trial
02-14-2007, 12:31 PM
pa OT hehe:

mga lalaki talaga strikto pag naging tatay kapag maloko nung bata pa sila :lol:

lalen16loves
02-14-2007, 12:54 PM
pa OT hehe:

mga lalaki talaga strikto pag naging tatay kapag maloko nung bata pa sila :lol:

korek ka jan sis...:)

papa TR20 ,

mabagsik ka pala...:D siguro ang pogi pogi mo at dami mong minahal....este...an g daming nagmamahal sayo

gomen OT lang po

tokyoboi2
02-14-2007, 01:10 PM
basically ganun ang perception ng mga japanese, but due to frequent travel nila overseas, nagbabago rin ang isip nila when it comes to international marriage. Sa case ko having Japanese wife, nong una ayaw dn nila sa akin pero pag nakita nila na mahal mo ang anak nila, and ang family mo, nagiging close dn ang relationship nyo sa bawat isa. Now, mas close pa sa akin ang mga inlaws ko kisa sa wife ko coz wala silang anak na lalake. And im proud of them too.

mavs
02-14-2007, 01:11 PM
Nakaka-aliw naman ang topic dito ma-action pero romantic at the same time, buti na lang maganda ang nagiging ending.:)

Did you know that the expression "Wala lang" (Filipino expression which means...Just nothing!) is the subconcious mind's way of saying I love you...D'you know why I'm telling you this?....Wala lang!!!!

TR250
02-14-2007, 01:53 PM
korek ka jan sis...:)

papa TR20 ,

mabagsik ka pala...:D siguro ang pogi pogi mo at dami mong minahal....este...an g daming nagmamahal sayo

gomen OT lang po

Dyan ka nagkakamali!
Kung pogi at di ako bansot ay siguradong milyonaryo na ako ngayon :lol:
Syempre mas lamang kung pogi kaya nga double time ako sa pambobola kundi puros latak lang ang mapupunta sa akin :biglaugh:

Dati hiningian ako ng payo nung isang katropang Puti kung bakit daw beauties ang mga nabibingwit ko. Natawa ako ng husto dahil super tangkad, macho at pogi ni puti at kung pwede nga lang ay gusto ko sanang makipagpalit ng mukha sa kanya (pati height :D ). Di lang niya alam na hinaharang ko at inuunahan kong bolahin yung mga chix at sisiguraduhin kong sasakit ang tiyan nila sa kakatawa. Style niya panis dahil maski pogi siya ay hina niyang mangbola at mahiyain pa.
Meroon din isang ka tropang pogi, matangkad at magaling mangbola at blue eys pa kaya pag siya ang kasama ay trabahong marino ako dahil pag na-tameme ay siguradong puros "reject" ang mapupunta sa akin... (pero I take rejects, di naman ako mapili...) BWAHAHA!

For D boyz: Bawal ang tameme, bawal ang mahiyain, at bawal ang naghihintay ng grasya! Kailangang parang Boy Scout na parating handa (handang tumalon sa bintana para umeskapo :biglaugh:) OK lang maski di pogi basta maboladas at di bad breath... you'll go a loooong way!

wildflower
02-14-2007, 02:00 PM

hello sayo Tr lakas ng sex appeal mo ha buti na lang wala ka anak na babae kundi lahat ng manliligaw dadaan sa butas ng karayom hehehe...grabe talaga karesma mo sa mga chicks:D

aznhonor
02-15-2007, 01:22 AM
TR250 2n d idol na kit XD
pero dapat ibahin ko sarili ko medyo mahiyain ako eh hehehhe
mas mabilis na tangapin ka ba ng family nya pag maganda ang trabaho mo?
of couse XD
picture ka naman jaan oh ksama wifey mo XD

TR250
02-15-2007, 02:36 AM
TR250 2n d idol na kit XD
pero dapat ibahin ko sarili ko medyo mahiyain ako eh hehehhe
mas mabilis na tangapin ka ba ng family nya pag maganda ang trabaho mo?
of couse XD
picture ka naman jaan oh ksama wifey mo XD

Syempre lahat naman tayo ay may iba-ibang gimmik kaya sundin mo yung best para sa iyo.
Siguro mas mabilis nga nilang tatanggapin kung mahusay ang trabaho nung lalake pero tulad nga ng nasabi ko ay tsambahan lang dahil yung una kong misis ay super sexy at beauty, brains at business owner at nung nakilala niya ako ay waiter at dancer lang ako sa isang gay bar... bwahaha! na hindi pa marunong mag salita ng Hapon... Nakuha ko nga lang sa kaka beautiful eyes at kaka close open. Ala rin akong pera at ang kaya ko lang ipakain sa kanya tuwing mag de-date kami ay instant ramen... Yung asawa ko rin ngayon ay ganoon din dahil puros Mcdo at instant ang tinitira namin nung mag syota pa lang kami.
Nasasa iyo na lang talaga at syempre nasasa babae na rin kung hindi siya maarte at pa sosyal...
Kung may maganda kang trabaho ay syempre mas OK pero di naman tapos ang labanan kung poor ka na kapareho ko diba...

Tungkol naman sa pix ay tingin na lang sa TF photo gallery o kaya sa site ko na ang link ay nasa ibaba. Ako yung bansot na ungoy na nakasakay sa motorsiklo :D

aznhonor
02-15-2007, 05:44 PM
hehehe thank you po XD
ano na po occupation nyo ngayon?