PDA

View Full Version : Time Management


halloween
02-01-2007, 12:39 AM
Mga ka-TF, share naman kayo ng tips about time management. Maging sa work, household chores o kung saan man.

Ang New Year's resolution ko kasi eh i maximize ang time ko. Feeling ko ksi sa maghapon, wala ako na aaccomplish. Nararanasan nyo ba yung nag-uumpisa pa lang araw nyo eh gabi na agad? Para bang dumadaan na lang ng mabilis sa harapan nyo.

Sabi ko sa sarili ko, siguro part of the blame is the season. Ang lamig kasi eh kaya tanghali ng magising. Pag alis sa higaan, ilang oras pa eh, papasok na sa trabaho pagkatpos ay gabi na, tulog na. Kinabukasan ganon ulit nangyayari. Pero shempre di naman excuse ang malamig ang panahon. Matter of discipline lang.

Nakakatawa nga kasi 2 alarm clocks gamit ko at mag-kaiba sila ng lagayan. Tinatago ko para ma pwersa akong maghanap. hehehe, niloloko ko sarili ko.

Kayo, ano ginagawa nyo? Meron ba kayong organizer na sinusunod? Nagbibigay ba kayo ng allowance sa sarili nyo para ma meet nyo ang deadline na kailangang ma meet?

Ang simple lang noh, parang kino complicate ko. Meron kasi akong dapat tapusin pero di matapos tapos, nakaka frustrate. :mad:

ANg morbid nga minsan kasi sinasabi ko sa sarili ko, oh halloween isipin mo mamamatay ka na bukas kaya gawin mo na! (naku, halloween pa naman username ko, Lord, wag nyo muna akong kunin, kunyari lang po yon, self-deception lang). :D

Salamat sa mga kasagutan nyo ha. :O :p

louvette_15
02-01-2007, 08:53 AM
hello,

when i got married, binalik ko po ung nakagawian kong magsulat sa diary ng mga dapat kong i-accomplish sa bawat araw. kahit po yong pagtapon ng basura ko, my time po yon. pati po mga ulam na lulutuin ko sa loob ng 1 week pra pag namalengke nakasulat ng bibilhin ko, makaka-save po ng time. saka isinusulat ko po yon mga date na sale sa marotomo, seiyu or max value, so alam ko na kaagad saan ako mamamalengke sa marketing day ko. Hindi nga rin po ako araw2 nagkapaglilinis ng bahay kasi nagtatrabaho din po ako, so day off ko lang ako pwede mag general cleaning ng bahay..lahat ng dapat kng i-accomplish sa araw na yon, isinusulat ko na tapus kada matapos ko ang isa ay lalagyan ko ng tsek. pa-praning na nga po c mister ko kasi hindi pa po ako kontento sa 2 diary/schedule book ko. pati po yon ref magnets namin maraming papel papel: things to buy, things to do today..para po pag gising ko, alam ko na po ano gagawin ko. maaga natatapus gawain, may time pa mag tf or magbasa ng book..

goodluck po sa magiging style nyo..ang pinaka importante lang naman dyan ay discipline. kahit anong style or technique gawin mo basta may self-discipline ka ay successful po.

Inday_36
02-01-2007, 09:23 AM
Yes, Time management, is a matter of self discipline. Oo, meron akong organizer na sinusunod, nakasulat sa calendar, basta ako tinatapos ko ang dapat tapusin or binabayaran ko yung dapat bayaran on/before the deadline/due date.

Di ko rin pinatatagal na tumunog ang alarm clock ko, tumatayo ka agad ako, kasi "Lupang Hinirang" ang ringtone, pag-galang sa bansang awit :D at iniisip ko rin na di maistorbo ang konting oras pa na itutulog ng asawa ko. Sa house chore naman, I make it sure na bago mag 4pm tapos ko na lahat.

KUng lamig lang naman ang nagiging problema mo sa umaga, mag half-bath ka, kasi napanood ko dati, maganda daw sa katawan ang half bath sa umaga, me sameru na rin., make it sure na maganda ang temp ng room, yung tipong di ka giginawin. Ganyan lang talaga minsan, lalo na pag pagod ka sa trabaho, minsan di mo na ma meet and deadlines..Gambatte ne!:)

docomo
02-05-2007, 01:02 AM
Procastination is the enemy :p

I have to say that by writing down things you want to do the next the night before is very helpful...have you tried this? Ask yourself what's the goal. When ,where and how will I decide to attempt it..... It's neat and inspiring to accomplish things and be able to cross things off your "to do lists" ... Good Luck :)

Autumn
02-05-2007, 01:28 AM
Di po ako gumagamit ng alarm clock...kasi sabi ng lolo ko noon huwag daw umasa kahit kanino at kahit ano..self dicipline daw yun pag gising on time na walang ala alarm clock..
bago matulog ilalagay ko na sa utak ko kung anong oras dapat gumising..ano ang unang gagawin..
kaya daw tayo nag uulyanin kaagad dahil umaasa tayo sa memo na sinulat natin .imbes na balikan sa isip babasahin na lang..(daw)
pero alam ko kakailanganin ko din mag sulat ng dapat gawin..Aging..

halloween
02-05-2007, 09:28 PM
@Louvette, Inday & Autumn
Salamat sa inputs nyo. Katuwa ka naman Inday, Lupang HInirang ang ringtone mo. Napaka nationalistic mo naman. :D

@Docomo
Yup, I've tried putting it into paper, ganon din ginagawa ko nung nag-aaral pa ko. Ngayon kasi iba eh. Hindi kayang tapusin in a few weeks, months ang bilangan kaya endurance & stamina ang katapat. At yon ang walal ako, hmmm, how sad. :mushy: Pero maraming salamat ha, it's always refreshing to read your posts, kowya, ahihihii.

Inday_36
02-05-2007, 09:42 PM
your welcome...0o nakatuwaan ko lang naman, pero ginagamit ko pa rin until now...gambatte ne~:D