PDA

View Full Version : Pano makatipid sa trains pag mamamasyal?

Mrs. B
02-03-2007, 12:43 AM
Ang mahal ng bayad sa train. Nakaka-discourage mamasyal sa mahal ng pamasahe.

May mabibigay ba kayo na tips para makatipid sa pamasahe?

Kunwari murang bus lines papunta sa mga popular destinations o kaya mura ung train ticket kasi me promo (hehehe meron ba non?)?

Any feedbacks will help.:)

Salamat po!

Soju6
02-03-2007, 10:43 AM
We have the same problem Miss B. I want to visit a friend in Kyoto every other weekend at least pero mahal pamasahe. Mag- drive is out of the question. Ginto gasolina, patay ka pa sa tollgate. Sana merong expert dito saTF about train/ Bus system. Promo...sana nga meron.:coffee:

summergirl
02-03-2007, 11:32 AM
You can buy monthly ticket instead of kada sakay mo,advisable ito kung halos everyday kang gagamit ng pass nila ,pag hindi naman parang ganon din iyon.You buy this sa bus station or train stations.

simor_buts
02-03-2007, 11:43 AM
Ang mahal ng bayad sa train. Nakaka-discourage mamasyal sa mahal ng pamasahe.

May mabibigay ba kayo na tips para makatipid sa pamasahe?

Back when I was in Nagoya a few years ago, they have this ticket called "ichi nichi kippu (one day ticket pass)". I'm pretty sure this thing also exist here in Tokyo or Kanagawa. You can enter and exit any station within the day you purchased the ticket, but I think you can only use this within JR stations if you bought it from JR (not sure, limot ko na kasi :p ). The ticket is very convenient to use if you're going to hop many stations within the day. This is available at all stations, I guess :) .

Just wait for others for more suggestions :)

dcat
02-03-2007, 12:15 PM
Ang mahal ng bayad sa train. Nakaka-discourage mamasyal sa mahal ng pamasahe.
May mabibigay ba kayo na tips para makatipid sa pamasahe?
Kunwari murang bus lines papunta sa mga popular destinations o kaya mura ung train ticket kasi me promo (hehehe meron ba non?)?
Any feedbacks will help.:)
Salamat po!
We have the same problem Miss B. I want to visit a friend in Kyoto every other weekend at least pero mahal pamasahe. Mag- drive is out of the question. Ginto gasolina, patay ka pa sa tollgate. Sana merong expert dito saTF about train/ Bus system. Promo...sana nga meron.:coffee:
Hullo Mrs.B and Soju6! :)

One advice is to work part-time jobs near the place you ofte like to go to. This way you can roam around the place everytime your part-time job finishes. Of course, this could work only if the place is relatively close to your homes. ;)

Second advice: meron pong tinatawag na Seishun Juuhachi Kippu (http://www.geocities.com/TheTropics/Cove/5750/local.html#18kippu). Set po ito ng limang discounted train tickets na karaniwang nabibili kapag vacation season. 11,500 Yen po ang set na tickets na ito. Ang isang ticket (mga 2,300 Yen) ay pwedeng gamitin sa buong isang araw kahit saan sa Japan. Ok lang po kung hindi sa magkakasunod na araw gamitin ang Juuhachi kippu. Pwede syempreng bumaba-baba o lumabas sa station or lugar na gusto ninyong bisitahin.

Pwede ring i-share ang Juuhachi kippu sa inyong kaibigan, pero hindi dapat magkakahiwalay ang paggamit ng tickets. For example, pwedeng gamitin ang Juuhachi Kippu ng limang tao sa buong isang araw pero dapat magkakasama silang magtratravel. The tickets cannot be used by two or more people who would travel separately. Hindi po pwedeng gamitin ang Juuhachi kippu para makasakay sa mga high-speed trains at bullet trains. Pwede lang ito sa mga local trains.

So kunwari, gusto ninyong pumunta sa Tokyo galing Osaka, kaya po ng isang Juuhachi kippu ticket na marating ang tokyo galing osaka sa isang araw, pero magpapalipat-lipat po kayo ng tren at at least aabutin ng 9 oras ang travel yata kasi local trains lang ang pwede ninyong gamitin. Pero at least isan ticket (2,300 Yen) lang ang magagamit ninyo at pwedeng bumaba-baba.

Nabibili po ito sa mga Midori no Madoguchi or "Green Window Ticket Counters" sa mga JR Stations. Usually para po ito sa mga adventurous na mga kabataan - Seishun Juuhachi kippu ay pwedeng itranslate na Tickets para sa mga 18 Years Old na Kabataan. Pero kahit may edad na po kayo, pwede po ninyo itong bilihin kung adventurous parin kayo, heheheh... :D

P.S. I-click po ninyo yung link sa taas for more information about Juuhachi Kippu or tanong pa po kayo tungkol dito.

Soju6
02-03-2007, 12:23 PM
May nakapagsabi sa akin na mas makakamura daw pag Bus from Yokohama to Kyoto.
Di ko alam kung ano at saang Bus station sa Yokohama ako pupunta. Di ko kabisado ang Yokohama, lagi akong nagkakaligaw-ligaw. Sana may experts dito sa TF na makatulong sa akin at kay Miss B.

dcat
02-03-2007, 12:32 PM

Hi Soju6!
Syempre meron po kayong pupuntahan sa Yokohama (to meet a friend or to visit a particular place). Kung alam lang po namin ang pakay ninyo baka meron pa po sa aming makakatulong. Kung meron po kayong friend na imi-meet then he or she should tell you the nearest bus station around his or her place. Usually naman po, yung mga long distance bus stops na yan ay malapit din sa mga major train station ng mga ciudad. So siguro most usually sa malapit sa Yokohama Train Station ang last stop ng bus ninyo. :)

Soju6
02-03-2007, 12:49 PM
Naku salamat ho....Once na na makarating lang ako sa kyoto siguradong mami-meet na ako ng friend ko sa Bus station. Ang hindi ko alam ay yung bus station sa yokohama na may biyaheng papuntang kyoto.

dcat
02-03-2007, 01:10 PM
Naku salamat ho....Once na na makarating lang ako sa kyoto siguradong mami-meet na ako ng friend ko sa Bus station. Ang hindi ko alam ay yung bus station sa yokohama na may biyaheng papuntang kyoto.
Hi again Soju6. :)
Eto po yung nahanap ko para sa inyo: Yokohama Station to Kyoto (http://www.kanachu.co.jp/busguide/highway/kyoto.html): One way is 7,950 Yen. Sa palagay ko hindi pa po kayo masyadong marunong mag-Hapon so medyo mahirap intindihin yang website na yan. Pang-apat po sa schedule yung Yokohama Station Bus Stop. 22:40 po yung alis nung bus at darating sa Kyoto ng 6:30 ng umaga. Ask any of your friends for assistance to call and do reservations for this particular bus. For reservations call: 0463-21-1212 (9AM to 7PM).

Map to the Yokohama Station Bus Stop
9458
Nasa East side (exit) po sya ng Yokohama Station... Good luck and enjoy your travels.

tisay
02-03-2007, 01:27 PM

hello,dcat san...magtatanong lang din ako kung alam mo schedules ng shinkansen..im here in fukuyama,hiroshima ken and planning to visit my cousin in tokyo.:( never pa akong nakarating sa tokyo kaya medyo kabado pa kasi walang alam..sumakay na ako before sa shinkansen pero fuluoka area yon..about northern area wala akong alam:rolleyes: ..pls. let me know kung alam mo pati ang price..ang cousin ko ay nasa higashi hokima adachi-ku ...im busy working and no time to look for schedules medyo malayo kasi samin ang shinkansen eki..yoroshiku onegashimasu.

dcat
02-03-2007, 01:45 PM

Hullo Tisay! :)
Shinkansen ticket from Hiroshima Station to Tokyo Station is 18,550 Yen. Of course there are scheduled Shinkansen trips everyday from Hiroshima to Tokyo, it is around 4 hours of travel. I cannot give you the list of schedules since I don't know your prefered time of departure. However, you could see this JR Cyber Station (http://www.jr.cyberstation. ne.jp/vacancy/Vacancy.html) and check for schedules yourself. The name of your Shinkansen is Nozomi. Choose it on the drop down menu, so you could see the list of your prefered train station of departure. For you, I think there are two best choices of points of departure: Hiroshima Station of Higashi-Hiroshima Station. ;)

See ya guys later! I have to go...

tisay
02-03-2007, 02:16 PM

dcat san,,thank you so much for the info.,,:kiss: ..muuaahhh.. and yeah,wala pa nga akong definite time and day kung kelan pupunta doon kelangan ko munang mag-schedule nang yasumi..pero as soon as possible mararating ko na rin ang tokyo,,:phone: naiinip na rin kasi ang cousin ko sa kahihintay.. :) you helps me a lot...salamat ha!:wink:

Soju6
02-03-2007, 04:24 PM
Boss dcat,
Wow naman...ang galengg, may mapa pa. Laki matitipid ko. Overnight pala, pero ok lang dahil sa bus na ang tulog....parang libre hotel pa. Almusal na lang ang kulang. Di ko kaya magbayad lagi sa Bullet train.
Thank you, thank you...salamat ho.

Mrs. B
02-04-2007, 11:09 PM
thank you po sa mga nagreply!

oo me nakabanggit na nga rin sa kin ng mga bus...night bus...ang travel naman eh yokohama to osaka.... nagpareserve ung officemate namin na hapon...tapos sa convenience store binayaran...kaso di ko naman balak pumunta ng osaka (me friends at dating ka-office mate kami sa osaka) madalas...once ok na.

pero ung one day pass maganda un.pag aaralan namin hehehe...

dcat
02-05-2007, 01:15 AM
dcat san,,thank you so much for the info.,,:kiss: ..muuaahhh.. and yeah,wala pa nga akong definite time and day kung kelan pupunta doon kelangan ko munang mag-schedule nang yasumi..pero as soon as possible mararating ko na rin ang tokyo,,:phone: naiinip na rin kasi ang cousin ko sa kahihintay.. :) you helps me a lot...salamat ha!:wink:
Walang anoman tisay. Ingat parati at enjoy your time in Tokyo with your cousin.
Corrections: Hiroshima Station OR Higashi-Hiroshima Station. Sorry about that I was really hurrying yesterday. :O

Boss dcat,
Wow naman...ang galengg, may mapa pa. Laki matitipid ko. Overnight pala, pero ok lang dahil sa bus na ang tulog....parang libre hotel pa. Almusal na lang ang kulang. Di ko kaya magbayad lagi sa Bullet train. Thank you, thank you...salamat ho.
Hi Soju6!:) Hindi po ako boss, isang hamak na estudyante lang po. Tulong lang ako kung may maitutulong. Ingat parati. I recommend AsaMakku for breakfast...:D

Soju6
02-05-2007, 08:02 AM
Thank you boss, just the same. Kuya ko he's 45 ....estudyante rin siya.
I'll be in Sapporo tonight, may kontaks ka ba dun? Lubusin mo na yung assistance....hehehe
Di ako marunong mag japanese.....ano yung asamaku?

thermometer
02-05-2007, 09:37 AM
Hullo Mrs.B and Soju6! :)

Pwede ring i-share ang Juuhachi kippu sa inyong kaibigan, pero hindi dapat magkakahiwalay ang paggamit ng tickets. For example, pwedeng gamitin ang Juuhachi Kippu ng limang tao sa buong isang araw pero dapat magkakasama silang magtratravel. The tickets cannot be used by two or more people who would travel separately. Hindi po pwedeng gamitin ang Juuhachi kippu para makasakay sa mga high-speed trains at bullet trains. Pwede lang ito sa mga local trains.

Hi DCat -san

yong po bang 18kippu .. dba puede sya gamitin ng magkakahiwalay na araw pero same season...halimbawa aug1 and aug 3 then sep1 and sep2 ..tama po ba ako:confused:

dcat
02-05-2007, 10:51 AM
Hi DCat -san
yong po bang 18kippu .. dba puede sya gamitin ng magkakahiwalay na araw pero same season...halimbawa aug1 and aug 3 then sep1 and sep2 ..tama po ba ako:confused:

Father-therms, tama po kayo. Pwede po syang gamitin sa hiwa-hiwalay na araw pero nasa parehong season. :)

thermometer
02-05-2007, 11:57 AM
DCat -san
isang tanong nalang po.. Pano po yong time Table ng seasoning nila..salamat po ng marami ulet..

dcat
02-05-2007, 04:26 PM
Thank you boss, just the same. Kuya ko he's 45 ....estudyante rin siya.
I'll be in Sapporo tonight, may kontaks ka ba dun? Lubusin mo na yung assistance....hehehe
Di ako marunong mag japanese.....ano yung asamaku?
heheh, medyo magkaiba po kami ng kuya mo kasi nasa twenties palang po ako. :) Sige, titignan ko po yan, pero paki linawan yung tanong, papunta ba o paalis ng Sapporo? Saan galing at saan papunta. Kung wala po nyan mahirap ko po kayong tulungan. AsaMakku ay McDo Breakfast...heheh:D

DCat -san
isang tanong nalang po.. Pano po yong time Table ng seasoning nila..salamat po ng marami ulet..
Father-therms, according to KakuYasuTicket (http://www.kakuyasu-airticket.com/5/000011.html) website, eto po yung time table last year:

発売期間と利用期間 (Time period being sold and Time period of usage).

春 (Haru - Spring)
発売期間 2006年2月20日から200 6年3月31日
利用期間 2006年3月1日から2006 年4月10日

夏 (Natsu - Summer)
発売期間 2006年7月1日から2006 年8月31日
利用期間 2006年7月20日から200 6年9月10日

冬 (Fuyu - Winter)
発売期間 2006年12月1日から200 7年1月10日
利用期間 2006年12月10日から20 07年1月20日

毎年2月下旬に春、夏、冬の発売が正式決定 になります。
発売期間、利用期間は毎年同じ傾向ですが事 前にチェックしとけば確実です 。

Translation: The Spring, Summer, and Winter selling period of SeishunJuuhachiKippu will be formally decided (and announced) in the last ten days of February every year. The selling period and the usage period tends to be the same every year, however, checking in advance will be certain (and better).
-----------------------------------------

You could pay a visit at your nearest JR Green Window Ticket Counters at around the end of this month and ask for the JuuhachiKippu schedules. Or please remind me a bit later, and I will ask for you.;)

Soju6
02-06-2007, 09:13 AM
d_cat,

Kararating ko lang dito sa Sapporo last night. I was in Zushi nung nagtanong ako kung may kontaks ka dito.
Snow festival Starts today and it's my first time here. I don't intend to spend the next 3 days taking pictures of the ice sculptures.
May mga bars, good nightlife pero as a pinoy iba yung hinahanap ko. Siempre I want to go where all the pinoys/pinays hang out. Naghanap ako last night, wala....hehehe.
Nalasing lang kami sa Gaijin Bar.

thermometer
02-06-2007, 11:33 AM
Hi Dcat -san

Thanks po marami sa info ha.. dati ko na gusto alamin ito buti nalang nailbas yong topic..
maraming thanks :yesyes:

Dax
02-06-2007, 11:54 AM
Ah...seishun 18 kippu, natsukashii! Nung una akong gumamit nyan talagang 18 pa lang ako. 3 months sa Japan, di pa makabasa ng kanji pero nakarating ng Kyushu galing Tokyo. Nakauwi din po. :D Noon 5 separate tickets yan, kaya pwedeng paghatian ng barkada na hindi sabay magba-byahe.

Advice lang sa mga balak gumamit:
1. needless to say, pag-aralang mabuti ang mga station na lilipatan at ang mga oras ng baba/sakay. kung hindi marunong mag-basa ng kanji, tandaan na lang ang korte at abangan kapag malapit na sa station ang pangalan. :D (gawa ko yan dati)
2. gumawa ng back-up plan/s kasi baka ma-miss nyo ang binabalak nyong sakyan (i.e. unforseen circumstances katulad ng: 1) nagkamali sa platform, 2) nagkamali sa local/rapid, 3) naihi etc.)
3. mag-ingat sa byaheng lalampas ng 0:00 a.m. (12 midnight). halimbawa sumakay ka 11:53 p.m. tapos yung susunod na hinto ay 0:12 a.m. na, may cases na 2 stamps na magagamit sa seishun 18 kippu nyo. kapag ganito ang case, mas mainam kung bibili ka ng separate local ticket hanggang sa stop na lalampas 0:00 a.m. at gamitin na lang ang seishun 18 kippu mula doon.

Mga naalala ko lang iyang sa itaas...baka nagbago na din ang rules paki-check na din lang. Nakakapagod pero para sa mga mahilig mag-adventure, ok na experience iyan. Minsan pag minalas kailangan mong matulog sa eki. Good luck! ;)

wonderKulit
02-06-2007, 10:13 PM
Hello, Hajimemashite Mrs. B :)

pasali ha, magbibigay din ng idea...ewan ko lang kung makatulong...pero nagawa ko na rin to dati...turo ng tita ng asawa ko ( taga saitama ) at kaibigan namin ng asawa ko ( taga tokyo) :D

Additional advice para makamura:

Tandaan nyo rin bawat station na dadaanan kong may tao lagi nakabantay sa mga oras na yon or anong oras nawawalan ng bantay na magcheck sa ticket. Sa mga province kasi minsan walang nagbabantay at don ka baba kunwari don ka nagsimula sumakay, kaya kailangan separate bawat station ang ticket na bibilhin mo para di ka mabuko kung saan ka nanggaling.

Sa loob ng train naman may conductor na magcheck ng ticket (pero minsan sinuwerte di ka napansin o kaya walang conductor na magcheck ng ticket mo.) so, sa time na yon mo lang gamitin o ipakita ang ticket kung saan ka nanggaling ...yong sa pinakamalapit na station na bababaan mo lang ang ticket na ipapakita mo syempre ha :D... mag-ingat lang bago sya lalapit sayo nailabas mo na ang ticket na ipapakita.
Adventure to sigurado...kakaba-kaba ka talaga ( hehehe experience lang naman eh :D ) Good luck! ;)

wonderKulit
02-06-2007, 10:46 PM
:( sorry...kaya nga sabi ko ewan ko lang kung makatulong to...telling my experienced lang...padelete ko na lang po to...salamat na lang po sa caution nyo dcat san:(

reon
02-06-2007, 11:19 PM
Hello wonderkulit, okay yang advice mo, hehe. I'm sure marami sa atin dito ang nakagawa na nyan, pero mas maganda siguro kung hindi gawin... :)

At hindi naman kailangang i-delete ang post mo... for info lang ba...

Yoroshiku... onegaishimasu...

wonderKulit
02-07-2007, 12:04 AM
salamat po... hehehe sensya, nagkwento lang ng makulit na experienced ko...pero mas maganda kung wag gawin lalo na sa walang Guts na gawin to. :D