View Full Version : Magtratrabaho ba ako o hindi?
EllahMauiMar
02-03-2007, 05:45 PM
Mga Ka TF, ano po ang maganda kong gawin? Kasi gusto ko na po talagang magtrabaho dahil may umaasa rin sa akin sa Pinas at gusto ko rin na makatulong kay habibi. 3 po ang anak ko, ang bunso ay 2mos old pa lang. Ang sinasabi ng pamilya ko sa Pinas iuwi ko nalang daw muna ang baby para daw makapagfocus ako sa trabaho, at di kung sinu-sino magaalaga dito sa Japan. Ngayon nagdadalawang isip ako kung ano nga ba...Kung iuuwi ko makakapagfocus nga sa trabaho ang katawan, ang isip naman kaya? Parang di ko kakayanin..kaya lang kung dito, tiwala ba ako sa mga daycare dapat? Ano po talaga ang magandang gawin? Please help me on this. Advices naman....
myukasky
02-03-2007, 06:18 PM

Sis sino ba yang kung sinu sino na sinasabi mo? May kids din ako dalawa sila at pareho ng nasa hoikuen (daycare). Noon medyo shinppai din ako kung ipapasok ko sila sa hoikuen kasi gusto ko din makatulong na katulad ng iniisip mo. Pero yung iuwi ko anak ko sa pinas ni isang beses di pumasok sa isip ko. Di dahil sa wala ako tiwala sa family ko sa pinas, ang sa akin lang naman ay anak ko yun. Sikinin ko yung alagaan ko sila at yung iwan ko sa pinas at paalagaan doon at para makapag trabaho ako ay iba na yatang usapan yun. Mahirap yata yung mawalay sa anak lalo na yung baby pa lang, kung dyan lang nga sa tabi tabi nag aalala tayo yung pa kayang tawid dagat. Dumaan din ako sa ganyan sis, na kailangan ko magtrabaho noon kasi di pa maganda yung trabaho ng husband ko. Pero never ko naisip yung iwan anak ko sa pinas, nagtrabaho ako sa gabi four hours a day at si laws ko banta pero shinppai pa din ako. Okey naman sa hoikuen sis kung ako sayo mag tanong tanong ka kung okey doon sa pagpapasukan mo sa kanya. Sa pinakan ng kids ko nagtanong tanong muna kami ng husband ko, okey naman background ng hoikuen. Ikaw sis nasa iyo pa rin ang huling decision, pero isipin mo rin yung dis advantages at advantages na nandoon sa pinas ang baby mo. Goodluck sana may naitulong ako kahit konti.:D :D
katty0531
02-03-2007, 06:37 PM
Para po saken, wag nyo pong iuwi kawawa naman sila mapapa layo sa inyong mag asawa, sa aken lang naman po ito ha, tulad sabi ni myukasky at tulad din ng ibang mga nanay na hapon di pong masamang mag tiwala sa daycare dito, dito na po tayo nakatira kaya mas mabuti sigurong maki ayon sa ordinaryong pamumuhay dito. Atsaka asawa naman po ninyo ay Hapon kaya wag po kayong mag alala, normal na dito ang working mommy kaya nyo po yan, kasama nyo pa rin mga anak nyo dito.
Meron kasi akong friend iniwan nya sa Pinas dalawa nyang anak mga lalaki, maliliit pa ang isa 2 yrs. old ang isa 4 yrs. old, noong bago inuwi mga walang modo yong mga bata kasi di sya namamalo eh di takot sa kanya mga anak nya, yong asawa naman nya kahit ano okey lang kahit iuwi okey lang din kay mister nya, ngayon yong mga bata lalo na walang modo kasi don saten sila ang hari sa bahay ng lola nila pano kasi yong nanay nila nag bibigay ng pera don kaya di sila na papalo din ng lola nila kasi sabi din ng nanay na wag sila pag papaluin.
Depende rin naman po siguro, pasintabi rin doon sa mabuti naman ang takbo kahit inuwi yong mga anak nila. Ganbatte kaya nyo po yan.:D
kat
EllahMauiMar
02-03-2007, 06:52 PM

sis, mom and dad ko sa pinas ang nagaako na magaalaga daw sa bunso kong 2mos old na baby..
EllahMauiMar
02-03-2007, 06:55 PM

alam mo totoo yan..kasi ang mga lolo at lola ang role sa mga apo nila ay i spoiled diba? ang hirap talaga ng ganitong sitwasyon..parang nakakasakit ng ulo..sana matapos na rin ito...
myukasky
02-03-2007, 07:33 PM
sis, mom and dad ko sa pinas ang nagaako na magaalaga daw sa bunso kong 2mos old na baby..
Ganun ba, di naman sis sa wala tayong tiwala kasi nga parents natin sila ang sa akin lang kapag anak na natin jibun no sikinin na yon. Noon nagdaan din ako sa stage na yan, then hingi ako advice sa friend ko halos silang lahat ganyan ang payo nila sa akin. Alam mo lagi ko lang sagot sa kanila ay ganito "ganon iwan ko o dalin ko anak ko pinas para lang ako makapagtrabaho?" Sa loob loob ko lang di na bale, mag tiis na lang ako ng konti at saan ba at lalaki din anak ko. Heto na ako sis ngayon nakakapawork na ako sis na di ko na kailangan dalin pa sa pinas anak ko at mahiwalay siya sa akin. Dami din ako kilala ganyan ginagawa nila dalin sa pinas, pero pagdating ng bata dito hirap na hirap maka pick up ng nihongo sa school yung iba pa nga halos ayaw na umuwi dito sa pinas na lang kasi sanay na sila doon. Meron pa ako isa kakilala di nya na nya napansin na may deprensya na pala anak nya. Sa pinas din kasi halos lumaki pinaalagaan nya sa family nya doon. Ang akala nya kaya di nakakapagsalita ng nihongo masyado ay dahil nga sa pinas halos lumaki. Pero yung bata ay 10 years old na ganon pa rin, lately lang niya nalaman na may problema sa isip yung anak nya. Di naman sa sinasabi ko na magiging ganyan anak mo pero kung kasama mo anak mo alam mo yung mga nangyayari at kung ano man in the future mangyari at least may background ka kasi nakita at nasubaybayan mo paglaki nya. Alam mo sis yun lang ang maipapamana mo sa anak mo yung alagaan mo sila. Gomen masyado na yata madrama dating heheheheh naalala ko lang kasi yung anak ng kakilala ko nakakaawa di agad nabigyan ng pansin. Kagaya ng nasabi ko sa first post ko nasa iyo decision.
ICHIBAN08
02-03-2007, 08:04 PM
Hi @ellahmauimar san!:wave: ...hajimemashite!... naku pareho pala tayo ng plano na magtrabaho pero ang problema e kung sino ang magaalaga sa sanggol palang na anak...ako sis e hindi pa naman nakakapanganak pero may mga balak na ring mag work dahil kelangan ko rin talaga...ganyan din sabi sakin ng pamilya ko sa pinas sila na lang daw mag aalaga sa baby ko para hindi ako mahirapan kawawa daw naman si baby...pero sis tumanggi talaga ako dahil mahirap yun na hindi siya lalaki sa aming mag asawa baka hindi kami makilala...at isa pa yung lenggwahe mahirap ata yun na matututo sila ng tagalog at hindi nihongo baka mahirapan ka pa magturo niyan pag kelangan na niyang pumasok sa school dito...syempre hindi naman habang panahon e sa pilipinas siya hanggang magdalaga o magbinata di ba?kukunin at kukunin mo parin siya para mamuhay dito at makumpleto kayong magpapamilya....tama ang mga payo ng ka-tf natin dito...ako nga e binabalak ko rin talaga ipaalaga siya sa hoikuen pero wala pang plano kung wait ko siyang mag isang taon man lang kasi mahirap iwanan pag buwanin palang e....nakinig ako sa payo ni @myukasky san:D ...ang hirap talaga sis ng sitwasyon natin pareho tayong kelangan mag work kasi may sinusuportahan rin ako sa pilipinas ang mga magulang ko at lalo na mga gamot at pang check up ng tatay ko may sakit siya at wala namang work inay ko...haay hirap pero masarap sa pakiramdam ko tumulong sa kanila sa ngayon asawa ko muna ang nagbibigay pag nag work ako na ang magbibigay ng suporta....syempre andun din plano ko para makaipon para sa future din ni baby...kaya lahat ng sweldo ko e hindi para sakin, ako naman e hindi maluho kaya ok lang nawala na matira sakin basta lahat ng mahal ko sa buhay e mapaayos....:O
Tarena314
02-03-2007, 08:28 PM
Hello EllahMauiMar..,
Ang maipapayo ko sayo ay magtiis ka pa ng kunting panahon at sana huwag mong ihiwalay sayo ang yong mga anak..,kawawa at kailangan ay ina ang mag-alaga..,At kung talagang hinihingi ng pagkakataon na kailangan na magtrabaho ka..,at hindi mo maiiwasan dahil sa pangangailangan ..,hindi ko naman alam kung ano ba talaga ang iyong problema sa pinansyal ..,naiintindihan ko ang iyong nasasa loob..,ganito na lang ang yong gawin ..,bakit hindi ka na lang kumuha ng kapamilya sa pinas..,halimbawa ay ang yong Mommy o sister..,inbitahan mo na lang ang isa sa kanila na makapunta dito sa japan..,para sa ganon ay may katulong ka sa pag aalaga ng yong mga anak..,try mo na lang na gawin ito..,sa ganon ay hindi pa mawawalay ang mga anak mo..,at kung sakaling nakakuha ka ng ka pamilya ,saka ka na lang magtrabaho..,
sana nakatulong..,Ganbatt e ne..,:)
wildflower
02-03-2007, 08:45 PM
Mga Ka TF, ano po ang maganda kong gawin? Kasi gusto ko na po talagang magtrabaho dahil may umaasa rin sa akin sa Pinas at gusto ko rin na makatulong kay habibi. 3 po ang anak ko, ang bunso ay 2mos old pa lang. Ang sinasabi ng pamilya ko sa Pinas iuwi ko nalang daw muna ang baby para daw makapagfocus ako sa trabaho, at di kung sinu-sino magaalaga dito sa Japan. Ngayon nagdadalawang isip ako kung ano nga ba...Kung iuuwi ko makakapagfocus nga sa trabaho ang katawan, ang isip naman kaya? Parang di ko kakayanin..kaya lang kung dito, tiwala ba ako sa mga daycare dapat? Ano po talaga ang magandang gawin? Please help me on this. Advices naman....
hello sayo sis..hwag mo iuwi anak mo sa pinas alam mo ba ako rin may baby 2 months pa lang pero di ko inisip na iuwi kasi iba talaga pag tayo mag alaga lahat naman ciguro dito gustong makatulong sa pamilya at pansamantala lang naman di tayo pwede mag work kasi maliit pa baby natin pero pagnasa husto edad na ang bata pwede na tayo magwork kaya tiis muna sa na tayo kunti.lam mo ba sa pinas ako lang din inaasahan sa amin kaya yong binibigay ng asawa ko padala doon pinagkakasyahan nila masaya ako kasi kung ano lang ang kaya ko ibigay kuntento na rin sila..sa ngayon dito ako sa bahay lagi alaga ng baby....
Autumn
02-03-2007, 10:14 PM
Di ko alam kung hanggang saan kayo gipit ng asawa mo sa pinansyal..pero palagay ko naman kaya kayong MAG IINA buhayin ng asawa mo ano poh..? kasi dito naman sa japan masipag ka lang at tsaka na luho ..pwede na..
ang galing naman mag advise ng pamilya mo..iwan mo baby mo doon para sa kanilang gana..? bakit hindi muna sila ang mag trabaho at huwag kang asahan ..anyway madali naman ang panahon palakihin mo una mga anak mo tsaka ka na tumulong..sarili mo munang pamilya unahin mo...sorry pero iyan ang sagot ko sa advise na hinihingi mo..kasi ako tumutulong din sa pamilya ko..pero noon maliliit pa mga anak ko never akong sinabihan ng pamilya ko na iuwi ko bata doon para magtrabaho..
kahit ano mapag pasyahan mo..goodluck
Mga Ka TF, ano po ang maganda kong gawin? Kasi gusto ko na po talagang magtrabaho dahil may umaasa rin sa akin sa Pinas at gusto ko rin na makatulong kay habibi. 3 po ang anak ko, ang bunso ay 2mos old pa lang. Ang sinasabi ng pamilya ko sa Pinas iuwi ko nalang daw muna ang baby para daw makapagfocus ako sa trabaho, at di kung sinu-sino magaalaga dito sa Japan. Ngayon nagdadalawang isip ako kung ano nga ba...Kung iuuwi ko makakapagfocus nga sa trabaho ang katawan, ang isip naman kaya? Parang di ko kakayanin..kaya lang kung dito, tiwala ba ako sa mga daycare dapat? Ano po talaga ang magandang gawin? Please help me on this. Advices naman....
docomo
02-03-2007, 10:59 PM
huwag mo iuwi .. kawawa naman baby mo ang liit liit pa. :( maayos naman day care dito .. at least magtrabaho ka man ....sa hapon paguwi mo makakasama ka na ulit ng baby mo ..diba..:(
makisingit lang po...miss ellamauimar@ si youka angela ko po ay 7 moths old baby masakit man po at mahirap sa isang ina na sa konti oras ay mawalay sa anak niya pero kailangan tiisin para sa ikabubuti ng lahat...lagi ko pong tinatandaan ang bilin sakin ng nanay ko na "kahit magdildil pa kayo ng asin huwag mong ihiwalay sayo ang anak mo"kaya ayun nga po sinunod ko siya para hindi me mawalay kay youka siya ang pinalipad ko dito nagalaga habang nasa trabaho....
miss ellamauimar@ wag mo ihiwalay sayo mga babies mo mas maganda parin na sariling ina ang magtingin sa anak...if theres a will theres a way...this is life!!!!go fight girl!!!!be a super mommy dito sa tf dami mga super mommy...meron nga me kakilala filipina dito grabe parang si Kuracha biro niyo mommy din siya ng trabaho sa kaisha ng 9 hangang 3 ng hapon tapos pagpatak ng ala siete ayun naka high heels na papunta omise hangang 2 ng madaling araw...pano po yung asawa niya japanese ay lagi umaangal sa trabaho kaya wala stable job...meron din palang japanese na batugan...kaya bilib po talaga me sa pinay talagang lumalaban sa mga pagsubok ng buhay!!!
kaya wag mo iwanan babies mo tsaka ella 2 months ka palang kapapanganak di ka pa pwede mag work baka mabinat mga after 4 to 5 months yan..siguro ang cutie ng baby mo...
proud me
02-03-2007, 11:17 PM
wag mo nalang isipin i-uwi..mahirap mawalay sa anak...yong isip mo nandon din sa kanila naranasan ko yan kaya ko nasasabi ito...iyon nga lang nandito yong anak ihahatid mo sa umaga nandon parin yong bigat sa dibdib na iiwan mo yong anak mo sa daycare eh,naranasan ko rin ito kaya ko rin nasasabi...dahil ang bunso ko 4 na taon sa daycare...dahil nag-umpisa uli akong mag-work...o kaya baka naman pwede rin yong advice ni autunm san ...na yong mga umaasa muna sa iyo sa pinas ang pag-isipin mong kumilos muna...medyo maaga pa ng konte para sa bunso mo...
EllahMauiMar
02-04-2007, 12:53 AM
alam niyo napaluha ako nung basahin ko mga psts niyo..drama no, pero totoo. kasi totoo lahat ng mga sinabi niyo. mahirap nga lang saaken lahat umaasa ang pamilya ko sa pinas. naiintindihan ko naman sila kasi hirap doon, kaya lang pressured ako dito. ayoko naman sabihin kay habibi kasi sya, kami ang priority niyang talaga. at lahat ng ipon niya pinaplano para sa mga bata at sa future namin kaya di ako makapagsalita na humingi ng pera na ipadadala sa pinas. wala akong luho at talagang ang pagtulong lang sa pinas ang iniisip ko..at para narin siguro matulungan ko si habibi magipon. Ngayon maliwanag na saaken..dito nalang kaming magiina lahat, kahit magtiis, atleast magkakasama. Malaking tulong na nandito kayong lahat..maraming salamat talaga, from the bottom of my heart. God bless us all.
palangga
02-04-2007, 01:03 AM
yokatta ne!
mahirap talaga ang maging isang ina,at isang mabuting anak..kaya hwag kang mag alala at may awa ang diyos di nya tayo pababayaan.
kahit ano mang pagsubok ang darating sa inyong pamilya,andyan lang sya..:)
kaya para s mga ina,at magiging nanay soon
mabuhay po tayong lahat!!:D
ganbarimashou!!
Stacie Fil
02-04-2007, 03:52 AM
quote=EllahMauiMar;2 34009]alam niyo napaluha ako nung basahin ko mga psts niyo..drama no, pero totoo. kasi totoo lahat ng mga sinabi niyo. mahirap nga lang saaken lahat umaasa ang pamilya ko sa pinas. naiintindihan ko naman sila kasi hirap doon, kaya lang pressured ako dito. ayoko naman sabihin kay habibi kasi sya, kami ang priority niyang talaga. at lahat ng ipon niya pinaplano para sa mga bata at sa future namin kaya di ako makapagsalita na humingi ng pera na ipadadala sa pinas. wala akong luho at talagang ang pagtulong lang sa pinas ang iniisip ko..at para narin siguro matulungan ko si habibi magipon. Ngayon maliwanag na saaken..dito nalang kaming magiina lahat, kahit magtiis, atleast magkakasama. Malaking tulong na nandito kayong lahat..maraming salamat talaga, from the bottom of my heart. God bless us all.[/quote]
:D
Palagay ko halos lahat sa atin eh may ganyang pressure kung papaano ei-extend ang suporta para sa pamilya/ kamag-anak natin sa Pinas. Pasensya na lang kamo muna sila nang kaunti, kaysa sila ang mag-alaga nang bata.
Ano't anuman kase ang mangyayari kapag nasa Pinas ang bata, lalong mahirap na wala sa tabi mo, at sa huli, (mapa-buti or masama)sa iyo pa rin ang lahat nang sisi. dahil binitawan mo yung responsibilidad or chance bilang ina.
Mabilis tumakbo ang panahon. Hindi mo mamamalayan pag nag-aral na ang maliit mo, parang sandali lang. Next na ikatatakot mo na eh, after few years pa, kayo na ang iiwanan, ha,ha,ha!
Alam ko kahit kaunti or pa-barya lang eh makapag-papadala ka pa rin sa mga kaanak mo roon. Walang masama don, at palagay ko eh mas tama dahil yun ang totoo. Huwag ika mo silang magalit o magtampo,dahil pare-pareho lang naman kamo tayong tiis din. Dagdagan pa ika mo nila ang panalangin para yumaman ka na, at nang makapag-padala nang may lasa-lasa...
Heto naman eh opinyon ko din lamang.
:)
myukasky
02-04-2007, 10:26 AM
alam niyo napaluha ako nung basahin ko mga psts niyo..drama no, pero totoo. kasi totoo lahat ng mga sinabi niyo. mahirap nga lang saaken lahat umaasa ang pamilya ko sa pinas. naiintindihan ko naman sila kasi hirap doon, kaya lang pressured ako dito. ayoko naman sabihin kay habibi kasi sya, kami ang priority niyang talaga. at lahat ng ipon niya pinaplano para sa mga bata at sa future namin kaya di ako makapagsalita na humingi ng pera na ipadadala sa pinas. wala akong luho at talagang ang pagtulong lang sa pinas ang iniisip ko..at para narin siguro matulungan ko si habibi magipon. Ngayon maliwanag na saaken..dito nalang kaming magiina lahat, kahit magtiis, atleast magkakasama. Malaking tulong na nandito kayong lahat..maraming salamat talaga, from the bottom of my heart. God bless us all.
Good sis at least nagkaroon ka ng idea bago ka gumawa ng decision. Pero alam mo maiintindihan ka ng family mo kung sasabihin mo yung totoong nararamdaman mo. Nararamdaman ko yang nararamdaman mo ngayon kasi pinagdaanan ko yan. Siguro kung irarate sa situation ko sa situation mo ngayon mas mawerte ka pa kaysa sa akin. Alam mo kapag malaki na kids mo at naalala mo itong parts ng buhay mo, isang matamis na ngiti ang mailalabas mo. Atto iuma sis magugulat ka na lang tumatakbo na yang karga karga mo. Nakakatuwa talaga dito sa TF, sa pamamagitan ng pagbabasa at pagpopost ng bawat isa sa atin ang dami nating natutulungan. Nakatulong na nga ba ako? heheheheheh jokes jokes:D :D :D Goodluck sis kore kara gambatte ne, ima kara saigo made akiramenaide kudasai!:D :D :D
jhallecx
02-04-2007, 03:03 PM
about your problem,tama sila its better if your the whos taking care of your baby,kawawa nman...most babies i mean every baby looks for the hug and love specially of the mother.i also have a 2 months old baby but i dont want others to look at my baby.gusto ko kasi kahit papano yung everyday na nagiging galaw ng bata nakikita ko at ako ang unang nakakasaksi.the 1st smiles,different moves,etc.
if you want to work pwede naman kahit nasa bahay ka lang ah,look for a naishoku job or anything.do you know what i do?nag member ako ng avon nagbenta ako,nagtatahi ako ng mga kumot or punda ng unan,tapos ngaun nag buy and sell ako ng mga silver925 para lang kahit paano may pumasok din na pera.i have lots of problems din pero i never thought of living my kids kahit kamag-anak ko pa pag may nangyari kasi na di maganda magkakaroon pa ng sisihan diba,kaya mas maganda YOU take care of the baby...
be creative nalang or just think of a much better way of how to earn money without thinking too much about your kid.dito sya lalaki diba and papasok sa school?kya dapat dito sya lumaki para yung kotoba nya di malito... ang haba na nito 1st time ko magsulat ng ganitong kahaba,o cge good luck sa yo!!!!!!!:)
sweety
02-04-2007, 04:29 PM
makikisali din po,,,wow makabagbag damdamin lahat ng mga opinyon niyo mga mommy's anyway totoo naman po lahat yun mahirap mahiwalay sa anak.right now may baby din ako 2 mo.old balak ko din magwork sooner or later habang andito pa mom ko at kung maeextend siya.pero kapag umuwe na siya ciguro kapag naka 1 year na si baby.ellamauimar,,,, tama mga payo nila sis.goodluck.
EllahMauiMar
02-04-2007, 04:40 PM
marami talagang salamat sa inyo..Gumagaan talaga pakiramdam ko hearing a mother's point of views. Buti nalang at may TF, atleast kahit sa mga posts lang nagkakkaroon tayo ng outlet at rather good idea para malaman kung ano talaga ang dapat gawin, lalu na nagpagdaanan na ng ilan saaten.. Salamat talaga..In tym, magkikita-kita rin tayo at mapasalamatan ko kayo in person. U r one of my source of positivity. Salamat!!!! God bless us all.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.