View Full Version : Asawa ko PAROPARO!!!
I love my husband so much,in fact kakakasal lang namin last november, i dont know know what went wrong, hindi ko alam kung saan ako nagkulang, lahat naman ng gusto niya sinusunod ko and yet, ganito ang igaganti nya sa akin :weep:.. ilang beses ko syang nahuling may ka mail and kausap sa phone, and what makes it more painful is that Filipina ang karelasyon niya.. i tried to talk to him about it pero kahit Caught in the Act na sya, hindi pa rin sya umaamin, saying na paranoid ako.. anong gagwin ko?? kung evidence din lang ang paguusapan, i got loads of it, pictures nya with the girl,phone#,e mail add.. as in super nag investigate talaga ako,, kasi ayoko ng tamang hinala lang.. i need proof... i tried to talk to him about divorce and he said its too soon.. but what should i do?? kung sa simula pa lang nagloloko na sya, paano na in the future?? im so in pain.. plan pa naman namin na magpakasal sa pnas this year, i cancelled it the other day.. Guys i need your advice,, im so in trouble.. HELP!!!
Tarena314
02-04-2007, 04:19 PM
Hello @ciel..,
Masyado ngang masakit sa kalooban mo ang ginagawa sayo ng asawa mo..,Alam mo madali para sakin ang magpayo at magsabi ng kung anu-ano ,kase wala ako sa katatayuan mo..,kaya sa ngayon ang mai a advice ko sayo..,pansamantala ka munang manahimik at umisip ka ng isang bagay na pwede mong gawin na makakalimot ka man lang kahit sandali sa ginagawa ng iyong asawa..,sabi mo nga mahal mo asawa mo at ginawa mo ng lahat ang dapat mong gawin..,sa kabila non naging paro paro pa rin sya..,siguro naman kahit papano ay may pag iisip ang yong asawa..,alam nya ang kanyang ginagawa ay mali ..,kaya pagtyagaan mo pang mae handle ang lahat..,marami ang ganyan at hindi lang ikaw..,tibay at lakas ng loob..,at huwag kang pa apekto..,babae lang yun..,aliwin mo sarili mo..,lilipas din yan..,:mad:
ganda_ko
02-04-2007, 04:43 PM
hi Ciel!!!
Naiintindihan ko po ang nararamdaman mo kasi po napagdaanan ko na yan... Talagang napakasakit na halos gusto ko ng bumigay sa problem, but di po ako sumuko.. Talaga pong di nila aaminin kahit nahuli mo na sila sa akto at mas lalong di po sila makikinig o magpapasaway kung pagbabawalan mo kasi may pride sila, sila pa ang galit pag kinausap mo.. Nung time na nasa ganyan akong sitwasyon ang dami kong pinuntahan na kaibigan humihingi ng payo at nakakatanggap naman.. mostly sa sinabi nila reverse psychology daw gawin ko,, so ginawa ko naman nagdamatteru na lang ako, pero siguro kung may nakatulong man sa kin kaya ako nakasurvive iisa lang Siya, si Lord lang ang karamay ko sa lahat ng oras, lam mo di naman natin mababago ang isip ng tao tanging Siya lang ang may hawak nito Siya lang ang magtuturo satin kung ano dapat nating gawin.. Kung ano man ang ginawa ko nun para magbago at maging matino now ang hubby ko di ko pwedeng ituro o sabihin na gayahin mo o ganun ang gawin mo dahil di ko lam kung anong pagkatao meron ang asawa mo, tanging ikaw lang din ang makakasagot sa mga katanungan mo, ako din kasi walang nagadvice sakin ng dapat kong gawin nung oras na lumaban na talaga ako.Maiaadvice ko lang maging matatag ka, kilalanin mo mabuti asawa mo, magdesisyon ka ng tama at sa tingin mo ito ang makakabuti para sa inyo at higit sa lahat lagi kang tatawag kay Lord na patnubayan ka at tulungan malampasan ang pagsubok na ito sa pagitan ninyong mag asawa... Gambate ne!!!God Bless!!!:)
EllahMauiMar
02-04-2007, 04:57 PM
I love my husband so much,in fact kakakasal lang namin last november, i dont know know what went wrong, hindi ko alam kung saan ako nagkulang, lahat naman ng gusto niya sinusunod ko and yet, ganito ang igaganti nya sa akin :weep:.. ilang beses ko syang nahuling may ka mail and kausap sa phone, and what makes it more painful is that Filipina ang karelasyon niya.. i tried to talk to him about it pero kahit Caught in the Act na sya, hindi pa rin sya umaamin, saying na paranoid ako.. anong gagwin ko?? kung evidence din lang ang paguusapan, i got loads of it, pictures nya with the girl,phone#,e mail add.. as in super nag investigate talaga ako,, kasi ayoko ng tamang hinala lang.. i need proof... i tried to talk to him about divorce and he said its too soon.. but what should i do?? kung sa simula pa lang nagloloko na sya, paano na in the future?? im so in pain.. plan pa naman namin na magpakasal sa pnas this year, i cancelled it the other day.. Guys i need your advice,, im so in trouble.. HELP!!!
Alam mo di ko pa napagdaanan ang ganyang sitwasyon pero I have lots of friends na dumaan at hanggang ngayon ay nasa ganyang sitwasyon. Di ko alam kung ano at bakit may mga lalaking ganyan, and mostly sa kanila kung sino pa ang may matino at mabuti na asawa yun pa ang nakakadanas ng ganyan. Alam mo the best thing you can do is to find an outlet para kahit papano mawala sa isip mo at realidad ng sitwasyon mo. Try going out with friends and speak everytime of the situation sa kanila, in that way medyo gagaan ang loob mo. Don't talk to your husband about it dahil ngayong nasa stage siya ng euphoria di talaga aamin yan. Wag ka naring maginvestigate. Isipin mo nalang sinasaktan kana, pati pa ba pride mo sasaktan din?? Wag kang palulugi masyado. Isipin mo na maganda ka, matinong babae and you deserve all the love in d world. Alam ko masakit talaga yan, I've seen alot of those with my friends. Sana lakasan mo loob mo, walk with the Lord. Alam niya kung ano ang pinagdadaanan mo at nararamdaman at the midst of your life. Sana wag kang papatalo. Life has its ups and downs. Tomorrow I pray for your better day. God bless You.
summergirl
02-04-2007, 05:26 PM
There's still a lot of time to think that over,tutal hindi pa naman kayo kasal.Think hundred times kasi pag nakasal na kayo mas masakit.Pag isipan mong mabuti,advise lang ang maibibigay namin pero ikaw ang masasaktan.Your the only person na makaka feel kung totoo ba sya sa relationship nyo.Good luck at try to be strong enough,para ma overcome mo ang mga pag subok na dumarating sa iyo.
maraming salamat sa mga nag reply, naiyak naman ako... to think na wala pa kaming 3 months na kasal, nakakaranas na ako ng ganitong bagay.. nararamdaman ko naman na mahal nya ako, kaya lang knowing na theres somebody else, di ko kaya, sobrang hirap...
mOtt_erU
02-04-2007, 06:17 PM
maraming salamat sa mga nag reply, naiyak naman ako... to think na wala pa kaming 3 months na kasal, nakakaranas na ako ng ganitong bagay.. nararamdaman ko naman na mahal nya ako, kaya lang knowing na theres somebody else, di ko kaya, sobrang hirap...
.....mahirap talaga yang sitwasyon mo ngayon at naiintindihan kong sobrang inpain ka ciel san...basta magdasal ka palagi para gabayan ka ng nasa itaas kung anong the best na dapat gawin....as of now tatagan mo ang loob mo at isipin mo muna mabuti kung anong mga hakbang ang gagawin mo..mahirap din kaseng padalos dalos....
haaay nakakalungkot isipin na sa kabila ng mga ginawa at patuloy mong gingawa para sa kanya ay ganyan pa ang isinukli niya........hindi kamo pwedeng mahal ka niya pero mahal din niya yung kabit.....pasaway din kase ibang Pinay eh....minsan kahit alam na kabit lang sila at nakakasira ng pamilya ng iba eh hara at sige pa rin sa pagpatol without thinking kung sila kaya ang nasa posisyon ng legal wife ano mararamdaman nila, minsan mas matatapang at demanding pa yan mga yan...,.....hayaan mo na...hindi naman nagsusuceed ang mga ganyang relasyon.........sig uro masaya sila ngayon pero never silang magiging panatag at shiawase dahil alam nilang may nasagasaan silang ibang tao...:(
Godbless you sis ciel...
Hi ciel.Ay nako ganyan nga talaga sila,kahit mamamatay na bukas and caught in the act na di pa rin aamin,minsan babaliktarin ka pa.at kung anoano sasabihin,ang hirap ng situation mo kasi alam mo sa sarili mo na may other woman ang hubby mo.and kaka kasal nyo pa lang sabi mo,umpisa pa lang hindi na sya naging faithful sayo.Ang hirap nga nyan kasi sabi mo mahal na mahal mo,if i were in your shoes,baka ayawan ko na kaagad hubby ko. hindi nga kasi tayo parepareho,kung kaya mo magtiis,ganon n nga lang suffer the consequences,and be strong enough.And keep your faith in HIM.Good luck!Malay natin magbago asawa mo:confused:
ICHIBAN08
02-04-2007, 08:13 PM
Hello sayo @Ciel san:wave: !...alam mo hindi man ako na sa katayuan mo e talagang ramdam ko ang sakit na nararamdaman mo...pinaka the best na ata ang pagtawag sa dios ang may solusyon ng problema mo...syempre hindi lang basta pray ang gagawin mo, dapat e may gawa din di ba?...kung hindi ka kikilos at panay hiling ka lang sa dios e walang mangyayari di ba?dasal at gawa ang kelangan mong gawin...pinakamasakl ap pa ang bagong kasal kayo tapos e may babae pa siya, napakasakit nga talaga sa dibdib yan:mad: !...pero anjan talaga ang problema e kelangan harapin mo...mahirap man pero yun lang nag tangin alam ko pde mo gawin...malay mo naman e magbago asawa mo kaya sa ngayon wag ka muna basta gi-give up hanggat kaya mong dalahin e kayanin mo muna na may dasal sa dios...alam ko hindi ka niya pababayaan...tuloy mo lang ang pagmamahal mo sa asawa mo pag dating ng araw e mare-realize niya rin ang mga pagkakamali niya...may paraan ang dios para sayo...wag kang gi-give up...harapin mo na may pananampalataya sa dios...goodluck! sana e kayanin mo:O
freegirl
02-05-2007, 10:44 AM
Hi ciel! Mahirap din pala ang malagay sa sitwasyon mo at nakakalungkot isipin na newly wed pa lang kayo ay may ibang kalaguyo na si mister. Ginagawa mo na nga ang lahat para sa ikagaganda ng relasyon niyo pero mukhang hindi nakikita ni habibi mo ang lahat ng efforts mo. Ang tanging masasabi ko sayo ciel san...Pray to God Above na lang na sana maliwanagan ang isip ni habibi mo, na sana dumating ang time na makita niya lahat ng ginagawa mo para sa kanya at layuan na niya ang kinalolokohan niyang pilipina. Ito na lang siguro ang pinaka the best na kailangan mo sa ngayon...Ang humingi ng guide sa Poong Maykapal.
Timbang timbangin mo na lang muna ang sitwasyon,anu ba ang magiging dulot nito sa huli pag nakipaghiwalay ka sa kanya na nasabi mo rin na mahal mo siya at anu ang magiging dulot sa relasyon niyo kung pag-titiisan mo ito. Sa bandang huli nasa iyo pa rin ang tamang pag desisyon.
infinite_trial
02-05-2007, 11:21 AM
maraming salamat sa mga nag reply, naiyak naman ako... to think na wala pa kaming 3 months na kasal, nakakaranas na ako ng ganitong bagay.. nararamdaman ko naman na mahal nya ako, kaya lang knowing na theres somebody else, di ko kaya, sobrang hirap...
hay naku i share your sentiments. alam mo lalaki magkapitpitan na ng bay*g di pa rin aamin yan kahit meron ka ng evidence (excuse sa term). ikaw kung sa tingin mo di sya magbabago, wag mo na pahirapan sarili mo. pero hirap situation mo e kasi asawa mo na.
honey
02-05-2007, 11:35 AM
Kung mahal na mahal mo asawa mo ipaglaban mo karapatan mo dahil asawa ka yun e kung mahal ka pa rin nya at kailangan ka nya pero kung wala ka nang dapat pang ipaglaban at isisiksik mo lang sarili mo magiging kaawaawa ka lang buti't maaga pa lang e nalaman mo na na ganyan pala sya.
CIEL 'wag naman sanang mangyaring mabuntis ka nya tas hiwalayan ka mahirap maging single parent.
GOODLUCK CIEL sana makapag isip ka ng tama para sa sarili mo.:)
mukomae
02-08-2007, 01:34 PM
Hi Ciel, kumusta kana? Okay ka lang ba, advice ko lang sayo,
wag kang mawawalan ng tiwala sa sarili mo..
kasi may mga friends din ako na nag kaganyan mas malala pa sayo sis...newly wed din sila at ayun may babae din, masakit pa nun yun babae dati kasamahan ng friend ko sa omise kaya kilala nun friend ko ang lakas ng loob, sobra no? nambubugbog pa ang asawa nya...kapal talaga ng mukha....
Pero isa lang ang nakita ko sa kanya sa friend ko...di siya nawalan ng tiwala sa sarili niya, nag paganda at lumaban siya mag isa, hiniwalayan/rikon niya yun asawa niya kahit 5mos palang sila nag sasama, at yun hanggang ngayon inaamo siya ng lalaki at pakakasalan ulit..
naniniwala ako na may karma talaga ang mga ganyan...at ang balita daw dun sa girl , ayun sobra hirap na daw ng buhay..at nag trabaho daw sa club sa cubao...pinay din kasi yun aijiin/kabit eh...
hay naku sis, dont loose hope...pray ka lang kay God and St.Judiel ( for heartbroken )
pasensiya kana wala ako masyado ma-i-advice...:(
sharpener
02-08-2007, 02:07 PM
kung paru-paro ang asawa mo, dapat bulaklak ka naman...make it sure na ikaw ang pinakamabangong bulaklak
dahil ang sabi mo you love your husband so much...then ano pa hinihintay mo?....fight!...mas ikaw ang nakakaalam ng kiliti ng asawa mo
kung malandi ang iba sa asawa mo, dapat mas malandi ka sa asawa mo...asawa mo naman yan
isang tabi mo muna ang selos, pain, self-pity......fight ka muna...take it as a challenge
basta ang isipin mo....mahal ka ng asawa mo, kaya ka nga pinakasalan
pero sa ngayon, may nanunungkit sa asawa mo, kaya wag mong hayaan masungkit
kung kaya nya, mas kaya mo...wag ka papatalo
laban!...kaya mo yan kid;)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.