PDA

View Full Version : Sanggol sasakay ng eroplano

D'greatPinoy
02-06-2007, 11:54 PM
Dear fellow TF members,

Itatanong ko lang po sana kung pang ilang buwan from birth na pwede nang maibyahe ang batang sanggol especially dito sa japan.

Thanks and more power to everyone.

scorpionight
02-07-2007, 01:25 AM
Based on experienced 3months old,naibyahe ko na baby ko to pinas.,and okey naman sya ngayon she's a very healthy girl..

Philipinessa
02-07-2007, 10:23 AM
wow grabe 3 months old scorpion san!?:eek: ang yabang nung iba ano, ang sabi eh kesyo masama daw kasi makakasama daw sa tenga ng bata blah blah, magkakasakit daw sa utak ang bata blah blah blah ...sus eh pede naman pala...talagang itong Mister ko eh ayaw lang akong pauwin...kung!!! may baby na kami hehehe.

salamat sa idea!

:D

Dax
02-07-2007, 12:11 PM
Hello D'greatPinoy,

I think the two best things to do are:
1. Ask the airline/s that you plan to ride
2. Ask your doctor for advice

Happy flight!

disney
02-07-2007, 12:24 PM
second the motion to sir Dax.

kasi tayo ngang matanda sumasakit ang tenga during take off and touch down. so better ask the doctor para po mas safe. baka ang effect nito sa baby ay sa paglaki pa lang madiscover.

just don't take risk for your baby's health:)

cute_pinay79
02-07-2007, 12:25 PM
Hello d'greatpinoy!

Ako din 3 mos. nong first time ibyahe yong eldest ko, 4 yrs old na sya now at 24 times na syang sumakay ng eroplano...
Tama yong sabi ni sir dax, sa airlines ka dapat magtanong... Kasi kami noon tumawag muna ako sa JAL, sila nga nag-advice na need ng medical check up nong bata bgo sumakay, tsaka must bring the Medical clearance from the pediatrician pagsakay ng airplane... Samin ganun, kasi yong baby ko premature lumabas, may risk talaga pag isinakay sa eroplano, kya need ng doctors advice... May kilala din ako na-two weeks old nong sinakay yong baby sa eroplano...
Try you ask sa airline na sasakyan nyo... pero kung healthy naman si baby, I assure you na pwedeng-pwede...

scorpionight
02-07-2007, 12:36 PM
Yes,basta healthy yong bata i think no problem,before ko sya byinahe,i consult her doctor first kung pwede na,her doctor said no problem...tsaka huwag lang ibyahe kong may kaze kase sigurado mag babago ang temperature ng katawan nya pagdating sa bagong country pupuntahan,kase iba na naman ang climate..

uvy
02-07-2007, 02:17 PM
ako naman 2 months baby ko nang naibyahe ko sya,basta tinatakpan ko nalang tenga nya.nakailang sakay na din baby ko sa eroplano and until now wala namang naging problema.

Tarena314
02-07-2007, 03:39 PM
Tama po ang advice ni SIR Dax..,kailangan munang patingin sa pedia yong baby bago isakay ng eroplano..,para sigurado..,at konsulta muna sa airlines na sasakyan..,ito rin po kase ang ginawa ko bago ko inuwi ng pinas yong baby ko non..,:)

Autumn
02-07-2007, 05:08 PM
Ako naiuwi ko mga anak ko noon 2 years old na.dahil iyon ang advised ni doc..di naman natin alam kung ano magiging epekto nito sa bata..lalo na at baby pa..walang masama sa pakikinig sa payo..
iyun kapitbahay ko dati..di nakinig iniuwi baby nya 2 months old pinatignan din daw nya..bago sila bumiyahe..too bad nabingi anak nya grade 2 na ngayon.nakakaawa ano..? naiuwi nga anak nya..di naman maibabalik yun pandinig..
tsaka di ka naman direktang pipigilan ng pedia nyo eh..parents pa rin mag de decide papaalalahanan lang naman kayo ni doc

mai
02-07-2007, 05:19 PM
wow grabe 3 months old scorpion san!?:eek: ang yabang nung iba ano, ang sabi eh kesyo masama daw kasi makakasama daw sa tenga ng bata blah blah, magkakasakit daw sa utak ang bata blah blah blah ...sus eh pede naman pala...talagang itong Mister ko eh ayaw lang akong pauwin...kung!!! may baby na kami hehehe.

salamat sa idea!

:D

hindi siguro kayabangan yung pagsabi nila na makakasama sa baby.. kase ako din ang advice ng doctor sakin bago ko inuwi yung baby ko ay intayin na mag 1 yr old yung bata, although pede na rin pag 6-8months nun baby. isipin mo hindi nakakapagsalita ang baby , hindi nya masasabi sayo kung anong nararamdaman nya habang sya ay nakasakay sa eroplano... :)

@D'great Pinoy

better consult your doctor pati na ang airline na sasakyan nyo:)

Autumn
02-07-2007, 05:27 PM
**Paalala lang po.**.hindi po pare pareho ang nagiging epekto sa bata .may nabibingi ..totoo din na may nagkakasakit sa brain..etc .etc bla bla..
at hindi kayabangan ang mag paalala..at mag sabi ng bla bla bla..magkakaiba lahat ng tao walang pareho..so kung lets say hindi nabingi si baby..so salamat.? pag nabingi ? or nag karoon ng brain damage.? paano? sabi nila Mother knows best....

mai
02-07-2007, 06:19 PM

exactly:)

Philipinessa
02-07-2007, 09:55 PM
ay exactly!...gay-on pala ay..blah blah blah blah.. sabi mo nga iba-iba ang hutak ng tao...kaya iba iba nga... eh sa utak ko eh kayabangan yon so shouganai...iba-iba kasi di ba? iba-iba nga eh blah blah blah... exactly!

yosh! salamat ulit!

summergirl
02-07-2007, 10:00 PM
Yah, 2months lang ang anak ko maiuwi ko sa atin,tinuruan ako ng stewardess na kumuha raw ng 2 cups,nilagyan nya ng towel na medyo maligamgam nilagay sa loob ng cup at tinakip sa tenga ng anak ko,effective dahil ang sarap nga ng tulog ng anak ko that time,pero syempre i ask my pedia first before iuwi sa pinas.mahirap na..

D'greatPinoy
02-07-2007, 10:34 PM
Akoy nagpapasalamat sa inyong mga payo:) This is the beauty of our forum because we can get ideas from different members based from their experiences. May kasabihan nga: "many heads are better than one". Again, thanks to everyone and more power.

miyuki
02-08-2007, 04:56 PM
hello ... ako nanganak oct.12 ... umuwi kami ni baby dec.8 at balik d2 dec 28... wala pa halos 2 months baby ko isinakay ko na ng eroplano at take note from manila sakay pa kami pa domestic na airplane...ang ginawa ko lang everytime na pa-take off at landing ang airplane padedein mo ang baby mo... effective!!!! nabasa ko ito sa internet HOW TO FLY WITH THE BABY...kasi na ki- clear ang ear drum every time na mag suck...at ung ask mo how old... as long as healthy si baby at naplano mo ung gagawin mo sa byahe... after 2 weeks old ay pwede na ibyahe si baby... try to search sa internet and u'll really gain a lot of knowledge... hope this can help u....

pintsik
02-08-2007, 05:17 PM
Hope this helps! :) with reference to this weblink
http://www.babycenter.com/expert/baby/babytravel/7258.html

"Question: At what age is it safe for my baby to fly?

Answer: Ideally, your baby should be at least 2 to 3 months old before he flies. This will give his immune system a chance to grow strong enough to resist the germs that often make the rounds in airplane ventilation systems. It also gives the two of you enough time to settle into a routine and master the art of breast- or bottle-feeding.

Many parents worry that the changes in air pressure that happen when you fly can harm their baby's ears. It's true that "popping ears" during takeoff and landing can be a bit painful for infants, but it won't cause any lasting damage. (The pressure changes can be very uncomfortable if your baby has an ear infection (http://www.babycenter.com/refcap/baby/babyills/babyearinfections/83.html), however. If so, you may need to postpone your flight (http://www.babycenter.com/expert/baby/babyills/babyearinfections/7264.html).)

Your baby will feel more comfortable if he has something to suck on during takeoff and landing, so you may want to breastfeed or give him a bottle or pacifier. You can give him some infant pain reliever (such as acetaminophen (http://www.babycenter.com/general/11886.html)) if his ears really seem to bother him."

D'greatPinoy
02-09-2007, 11:21 PM
hello ... ako nanganak oct.12 ... umuwi kami ni baby dec.8 at balik d2 dec 28... wala pa halos 2 months baby ko isinakay ko na ng eroplano at take note from manila sakay pa kami pa domestic na airplane...ang ginawa ko lang everytime na pa-take off at landing ang airplane padedein mo ang baby mo... effective!!!! nabasa ko ito sa internet HOW TO FLY WITH THE BABY...kasi na ki- clear ang ear drum every time na mag suck...at ung ask mo how old... as long as healthy si baby at naplano mo ung gagawin mo sa byahe... after 2 weeks old ay pwede na ibyahe si baby... try to search sa internet and u'll really gain a lot of knowledge... hope this can help u....

maraming salamat miyuki sa additional advice!:)

miyuki
02-11-2007, 08:23 AM
ok lang yon anytime... minsan ako din need help at natutulungan din ako... kaya tulungan lang d ba...