PDA

View Full Version : dapithapon


ranberzul
02-07-2007, 05:08 PM
Salamat sa kahapon
Kahit puno ng ambon
Sa karanasan iyong pinatibay
Naaabot ko ang tagumpay

Panandaliang namamaalam
Sa mundong ginagalawan
Pagod na isipan
Nais ng humiwalay sa katawan

Sabik na ikaw ay masilayan
Kahit sa huling pagkakataon
Pagkat dumating na ang panahon
Nang aking dapithapon

Kung kaluluwa ay may patutunguhan
Sana’y sa lugar na may kapayapaan
Kung saan malaya ang isipan
Pagmamahalan ay walang hangganan

Paano ba ang magwakas
Ng walang luhang papatak
Kung ang pusong busilak
Gusto’y ikaw ay mayakap

Bukas ang araw ay sisikat
Ngunit di na tulad ng ngayon
Kung paglisan ko’y hindi namalayan
Marahil ang halaga ko’y balewala lang

greatbarrier
02-07-2007, 05:25 PM
what a poem, ranberzul-san! awesome! i can emphatize with your poem... dapat yata avatar mo is pareho ng avatar ko :p

mOtt_erU
02-08-2007, 09:29 AM
Salamat sa kahapon
Kahit puno ng ambon
Sa karanasan iyong pinatibay
Naaabot ko ang tagumpay

Panandaliang namamaalam
Sa mundong ginagalawan
Pagod na isipan
Nais ng humiwalay sa katawan

Sabik na ikaw ay masilayan
Kahit sa huling pagkakataon
Pagkat dumating na ang panahon
Nang aking dapithapon

Kung kaluluwa ay may patutunguhan
Sana’y sa lugar na may kapayapaan
Kung saan malaya ang isipan
Pagmamahalan ay walang hangganan

Paano ba ang magwakas
Ng walang luhang papatak
Kung ang pusong busilak
Gusto’y ikaw ay mayakap

Bukas ang araw ay sisikat
Ngunit di na tulad ng ngayon
Kung paglisan ko’y hindi namalayan
Marahil ang halaga ko’y balewala lang


....ang ganda naman ng pOem mo ranberzul san....
gambatta ne..:)

ritzyu
03-16-2007, 10:34 PM
Naalala ko tuloy ang mga ginugupit kong mga tula noon sa liwayway magazine..tunay
kang pro ranberzul san....ang galeng ng pagkakatalata...ang ganda ng buod:) (tama
kaya ang tagalog ko)