PDA

View Full Version : about biyenan


sachi807
02-11-2007, 11:11 AM
hi mga ka-tf.tanong ko lang kasundo nyo ba ang mga biyenan nyo?pano ba gagawin para makasundo sila.may friend kasi ako sa shizuoka tuwing tatawag siya sa akin umiiyak kasi mataray daw ang biyenan niyang babae.hindi daw sila magkasundo kahit anong pakisama ang gawin niya.ang payo ko sa kanya kausapin niya hubby niya at bumukod na lang sila.pero ayaw ng hubby niya kasi biyuda na ang mama nito at sa kanya mapupunta ang bahay kung sakaling mamatay na ito.kung kayo ang nasa sitwasyon niya,ano ang gagawin ninyo?hindi niya magawang hiwalayan hubby niya kasi may kambal silang anak at maliliit pa ang mga ito.tulungan nyo po akong magbigay ng advice sa kanya.thanks.

miyuki
02-11-2007, 12:17 PM
hello sachi807 ..u know ako din kasama ko mga byenen ko sa bahay kasi panganay ang hubby ko kaya sa amin nakatira.pero b4 ako nagpunta d2 kinausap ko na ang hubby ko na kailangan magkaiba kami ng lutuan ng nanay nya ... kasi baka imbis na magkasundo kami ay magkaroon pa kami ng samaan ng loob ...kasi bukod sa magkaiba kami ng lahi ..magkaiba ng pagkaing gustong iluto .. naniniwala ako ng THERE IS NO 2 QUEENS IN 1 PALACE ... kaya if d nya pwedeng gawin mag aparto kami .. ayaw naman ni hubby kasi amin ang bahay pangit naman na paalisin ang mga byenan ko ..kaya ung 4 rooms namin sa taas ung 2 kwarto pa din ..ung 1 sala.. at ung 1 kusina namin... nag extend din sya ng sarili naming labahan at ofuro sa second floor .. now mga 2 years na ako d2 hindi pa kami nag aaway ng byenen ko. respituhan lang..nakakatulong din sya sa pag aalaga ng baby ko. syempre pinakikisamahan ko din sila ng byenen kong lalaki.. if may nailuluto ako na alam kong magugustuhan nila nagbababa ako at ganoon din sya if may luto sya pinapa try nya sa akin. minsan d kami nagkakaintindihan kasi mga luma ung gamit nyang word pero nginingitian ko lang sya at isusulat pag dating ni hubby itatanong ko para next time alam ko na .ipinapakita ko din na mabuti akong asawa laging maayos at malinis d2 sa taas at alaga ko ang anak nya. sya nga minsan ang nahihiya kasi ung kusina nya daming basura heheheh.. kung anoano ayaw pa itapon. siguro nga if 1 lang ang kusina namin baka matagal na kami nagsabunutan. kasi itatapon ko lahat un heheheh...sa case naman ng friend mo.. pakisamahan lang nya try nya kunin ang kiliti at hilig.. at pag may apo na..pilitin ilapit ang baby at kwentuhan na umiiyak pag wala sya parang hinahanap sya ..mga ganoong bola. kasi lahat naman ng tao may kiliti ... kaya lang minsan nga may BRUHA! talagang byenen ... ang gawin na lang magbulagbulagan at bingibingihan basta gawin ang kung ano ang dapat ..anyway matanda na yan ..pasasaan ba at malapit na yan hehhehe.. saka bibiyayaan ka daw ni LORD pag nagmahal at nag alaga ka sa magulang kaya ..pagpasensyahan na lang ang byenen at lagi bigyan ng magandang dahilan ung kung ano man ang pangit na ugali..ang mahalaga magkasundo ang mag asawa.

sachi807
02-11-2007, 04:09 PM
thanks sa reply mo miyuki.mas mabuti ang kalagayan nyo dahil may sarili kayong floor,yung sa friend ko 1 floor lang bahay nila at 2 rooms lang kaya no choice friend ko kundi magkita talaga sila oras oras ng byenan nya.divorce sa unang asawa ang mr.nya kaya hindi na masyado excited sa apo ang byenan nya,naasar pa nga raw pag maingay ang kambal niya.ayy kawawa talaga siya sa sitwasyon nya don.salamat sa pag share mo ha.

ICHIBAN08
02-11-2007, 04:56 PM
:) Hi sayo @sachi san!...Oo nga talagang mahirap ang sitwasyon ng friend mo kung ganun ang ugali ni byenan niya...ang payo ko na lang sa kaibigan mong yun e magtiis na lang hanggat kaya niya basta gawin na lang niya ang tama...sana kahit medyo masama ang ugali ng byenan niyang yun e sa halip na magpakita ng pagkainis dahil nga sa masama ang pakita sa kanya e magpakita siya dapat ng kabutihan...alam ko mahirap gawin na magpakabuti sa hindi ka naman pinakikitunguhan ng maganda pero yun lang ang magandang way para walang masabi sa kanya ang byenan niya...pagpinatulan pa niya yun e lalabas siya ang masama ang ugali di ba? mas maganda na yung sa bandang huli e mabuti pa rin siyang tao at pagdating ng panahon e mare-realize din ng byenan niya ang mga nagawa niyang kabutihan...ipasa dios na lang lahat ng bagay na dumarating sa kanya na sana e maging matatag siya at pairalin ang kabutihan sa kapwa...ako man e kumpleto pa naman ang mga byenan ko kahit na matatanda na e malalakas pa sila sa awa ng dios...hindi nga lang kami pisan sa kanila kaya medyo ok naman ang pagsasama namin kahit na medyo alam kong maingay din pero mabait naman sila dala nga lang nang katandaan kaya siguro hindi rin nawawala ang ugali di ba?...pero talagang kahit kelan e ayoko makapisan ang mga byenan ko kahit anu pang bait nila iba pa rin ang nagsasarili at may sariling desisyon ka di ba? tamang pinapasyalan lang nila ako dito minsan at minsan pinapupunta ako sa kanila...ganun lang naman kelangan din ang pakisama at ok naman sila matulungin sa kahit anung paraan e marami na rin sila naitulong sa amin mag-asawa ko....

myukasky
02-11-2007, 05:22 PM
Ang maipapayo ko lang siguro ay yung magtiis, magbingi bingihan at higit sa lahat magbulag bulagan. Iba iba kasi situation natin ako kasi nakisama din pero noong nagkababy kami ni hubby nagbago ihip ng hangin at bumait si biyanan ko kasi first apo nya yung daugther ko. Noong wala pa kaming baby noon di rin maganda ang samahan namin ng biyanan kong babae. Ang ginawa ko lang noon yang magtiis, magbingi bingihan at magbulag bulagan. Nagtiis ako para na rin sa amin ng husband ko ayaw ko iwanan husband ko sa ganong kadahilanan lang feeling ko ang babaw. Nagbingi bingihan ako kapag may sinasabing di maganda biyanan ko tungkol sa akin. At higit sa lahat nagbulag bulagan ako kapag dinner or lunch na kunwari kami lang ng husband ko hehehehhehehe. Di naman sila zutto na ganyan darating din yung time na marealize ng biyanan nya na "aba ii yomesan pala itong nasa tabi ko" Goodluch sa friend mo at sabihin mo mag TF siya kapag free time niya para makalimutan niya na nasstress siya kay okaasan.

mhisoza
02-11-2007, 06:34 PM
Hello sachi807 san, may 6yrs. na namin kasama si Bachan (biyenan) nung una ay di rin kami mag kasundo madalas kaming mag-away pero sa ganong paraan ay nagkaka-intindihan naman kami dahil dun ko lang nasasabi ang di ko gusto at ayaw kong ugali nya at ganun din si biyenan sa akin...utagaisama ba.. minsan ina-aya ko sya kumain sa labas, sanpo , ocha o nomdari at pinapakinggan ko ang mga kwento nya nung kabataan nya medyo may kahabaan nga lang magkwento minsan di ko maintindihan pag tumawa sya tatawa na rin lng ako :D mahirap nung una kaya tiis at tyaga lang muna ...

mag kasundo kami ni biyenan at parang tunay na ina ang turing ko sa kanya:)

chibita
02-11-2007, 09:04 PM
hi sachi807 makikisali din po,kasama ko din po ang biyenan ko dito bahay nong una away kami ng away ng biyenan tapos kinausap ko ang hubby ko eh ayaw nyang maniwala sa mga pinagsasabi kasi baka namis-understand lang daw ako eh parati nya nalang ginagawa sa akin hanggang sa hindi kona matiis napahatid ako sa bahay ng pinsan ko at nag relax para mawala ang strees sa bahay.after 1 week sinondo ako ng hubby ko ayon nag ayamaro naman kondo mo zetai hantai ni shinai datte at saka nagkaroon na rin kami ng baby ayon naging mabait na rin silang lahat kasi yong anak ko ay naging amayakas sa kanila.siguro ang magandang gawin ng kaibigan mo ipagluto sila o kaya`y yong anak nya ang makisoyo sa obachang nya.like obachang isyuni ofuro hairo toka, isyoni nemasyo, asobo eron na yarikata aro kido gambatte kudasai,daitai nehon no obachang ga orosai kara ne!

zhie
02-11-2007, 10:11 PM
hi sachi807, ako ok na ok kmi ng biyenan ko. Hindi kami magkasama dito sa bahay pero katabi lang ng bahay namin sya nakatira. Dati nung bago dating lang ako dito betsu kami kung kumain, pero nung malaunan mag kasama na din kami, hindi sya maarte sa pagkain khit luto natin kinakain nya. Tapos lagi pa kmi nag- kukwentuhan, nag-sasanpo atsaka pag mamamasyal kami asawa ko lagi namin sya ksama, kasai patay na ung biyenan kong lalaki kawawa naman kung iiwanan namin sya.. About pala dun sa friend mo, sabihin mo sa kanya kausapin nya ng masisinan yung asawa nya tapos sabihin nya lahat ng nararamdaman nya, o kaya naman kausapin nya ng diretso yung biyenan nya.. May friend din kasi akong ganyan ang sitwasyon pareho nya ginawa yung mga sinabi ko, yun medyo okay na sila ng biyenan nya, sinabi nya kasi kung ano lahat yung nararamdaman at ayaw nya sa biyenan nya. At ganun din yung biyenan nya sa kanya. sabi nga ni mhisoza san, Utagaisama... Wala naman problema na hindi naayos diba!, pero siguro depende rin sa tao kung gusto tlaga ayusin.


Sana makatulong sa friend mo... God Bless sa Inyo!..:)

Philipinessa
02-12-2007, 02:17 PM
hi mga ka-tf.tanong ko lang kasundo nyo ba ang mga biyenan nyo?pano ba gagawin para makasundo sila.may friend kasi ako sa shizuoka tuwing tatawag siya sa akin umiiyak kasi mataray daw ang biyenan niyang babae.hindi daw sila magkasundo kahit anong pakisama ang gawin niya.ang payo ko sa kanya kausapin niya hubby niya at bumukod na lang sila.pero ayaw ng hubby niya kasi biyuda na ang mama nito at sa kanya mapupunta ang bahay kung sakaling mamatay na ito.kung kayo ang nasa sitwasyon niya,ano ang gagawin ninyo?hindi niya magawang hiwalayan hubby niya kasi may kambal silang anak at maliliit pa ang mga ito.tulungan nyo po akong magbigay ng advice sa kanya.thanks.


Hi Sachi..baka pag kinuwento ko sayo ang kawalangyaan ng bienan ko sa akin nuon eh baka sabihin mong ang bait namn ng bienan ng friend mo hahaha. Ako eh sang-yaon sa mga Ka TF na advices...ako eh nagtiis ng ilang taon!!! Naging bingi, bulag, pipi at kung anu-ano pa...ngayon eh, hay salamat na lamang at di talaga natutulog ang Diyos! Nag-iba ang iihip ng hangin (yun nga lang utot na kasama, ang baho) hehehehe joke, pero talagang ang mabuting gawa ay laging may magandang kasuklian. Ipayo mo pa sa kaibigan mo na magtiis pa...mag-isip ng mabuti sa kapwa, isipin na din nya na dahil na rin sa asawa nya kaya nya pakikisamahan at iintindihin magulang nito. Madali sabihin pero grabe hirap gawin talaga...lalu na`t naaapakan ka...demo hamo`t darating ang panahon magbabago yan...konting tiis pa kaibigan kamo.

Pag may Tiyaga ay may Nilaga.:D

wildflower
02-12-2007, 09:37 PM
hello sayo sachi san ako naman yong byenan ko di talaga kami magkasundo lagi kami nag aaway noon bago pa ako tahimik lang ako kasi di pa ako masyado marunong magnihonggo ngayon medyo marunong name ng konti sinasagot ko na sya grabe talaga byenan ko super ingay at super higpit super kuripot di naman sya gumagastos dito sa bahay lahat gusto nya sya nasusunod sa pagkain sa paguufuro nag uufuro na lang kami 1 times a week para daw makatipid pero ako nag sha shower ako everyday ayaw ko sya gayahin di naliligo.asawa ko nmn sa labas na naguufuro pati sa damit nagagalit sya pagnagbibihis araw araw ayaw ko rin gayahin sya na di nagpapalit ng damit.pati mga luma damit nya gusto nya pasout sa akin ayaw ko rin at ayaw ng asawa ko kasi pangmatanda na damit nya mag mumukha ako obachan.sa pagkain sya nasusunod kaya kahit ayaw namin mag asawa sa binibili nya wala kami magawa.di nga kami nakapag date ng asawa ko or lumabas matagal kasi inoorasan kami.lumalabas kami pasekreto mga hating gabi na yan tulog na byenan ko dahan dahan namin bubuksan pinto tapos balik agad sa bahay baka magising.pag gising mo sa umaga mgsisimula na yan byenan ko mag ingay tatahimik lng yan pagtulog or pagnasa labas.kahit nga natutulog me basta na lng nambubukas ng kwarto kahit hating gabi tapos magtatalak ang ingay.pati baby ko gusto nya tipirin sa pampers isipin mo gusto nya 3 hours gamitin ng baby ang pampers bago palitan eh di naman sya ang bumibili ng pampers asawa ko namn mahilig pa yan mag drama byenan ko kung ano ano drama ginagawa na di naman totoo.pag umiiyak baby ko dyn kami nagaaway lagi nagagalit sya bakit daw umiiyak syempre normal lang ang baby na umiiyak.noon ng labor ako halos ayaw nya pako dalhin sa ospital kung di ko inaway di pa tatawag ng ambulansya sama talaga ugali nya kaya ngayon sinasagot sagot ko na sya sama kasi ugali nya..hirap may kasama byenan lalo na pag kulang sa pansin.gagawa talaga ng paraan para mapansin lagi..lagi ko pinagdadasal na sana bumait na sya.

miyuki
02-12-2007, 09:59 PM
@ wildflower san... ngek! parang kahirap naman ng lagay mo...parang security guard at auditor pala si oba nyo... salamat pala at mabait na itong napuntahan ko... d ba pwede na bumukod kayo ? good luck na lang at ganbatte...

wildflower
02-12-2007, 10:42 PM
@ wildflower san... ngek! parang kahirap naman ng lagay mo...parang security guard at auditor pala si oba nyo... salamat pala at mabait na itong napuntahan ko... d ba pwede na bumukod kayo ? good luck na lang at ganbatte...

hay naku sis swerte kana talaga ako dito di ko nagagawa ang gusto ko kahit na ini invite ako ng mga friend ko filipina hay naku inoorasan ako at panay imbistiga saan ako pumunta ano kinain ko para din nbi at pag binibili ako ng asawa ko nagagalit yan bawat kilos mo babantayan inis nga ako kahit naliligo ako sa loob ng banyo susunod pa yan at pag matagal umuwi asawa ko galing sa work sya pa ang una magagalit bakit daw matagal umuwi one time nainis na asawa ko isipin mo tumawag sa opis nag tanong kung bakit matagal umuwi asawa ko inaway sya ng hubby ko kc di na daw sya bata pati sa office nag che check pa kaya nasasakal ako dito sa bahay sobra higpit nya parang si hitler lam mo ba pag ng trip yan ng mga 2 to 3 days hay ang saya namin mag asawa sa bahay parang nabunutin kami ng tinik pansamantala.panay loving loving namin syempre wala si hitler sa bahay tapos bibili kami ng gusto namin pagkain at pag umuwi na sya galing sa trip hay balik stress nmn.:bonk: ewan ko sa asawa ko di makawala sa nanay nya sabi ng hubby ko tiis lang daw ako hintayin ko na lng daw ma dead nanay nya para ako na daw ang queen sa bahay at sasabitan ng korona sabi ko 81 n nanay mo baka mauna pa ako niyan eh ang lakas lakas pa nyan aabot pa yan ng 100 yrs more ang taas pa ng panahon na pagtitiisan ko sabi ko sa asawa ko kung tutuusin sa asawa ko yan bahay at lahat ng gastos sa asawa ko pa pagnanonood nga ng tv asawa ko ini off nya p yan tv gastos daw s kuryente di nya iniisip asawa ko ngbabayad samantala sya panay nood ng tv s kwarto niya selfish talaga byenan ko.hay sana dinggin ni lord na bumait na sya..hehehe kaya heto lagi stress

sachi807
02-14-2007, 08:00 AM
:) sa lahat ng nag reply maraming salamat,tumawag yung friend ko at sabi niya nag usap daw sila ng hubby niya at suggest niya na bumukod na nga sila,sagot daw ng hubby ay pagbigyan pa raw ng isang taon ang nanay niya at pag hindi pa raw nagbago sa pakikitungo sa kanya ay bubukod na sila.maski siya kasi ay naasar din sa sarili niyang ina kasi sa umpisa pa lang daw ay ayaw talaga ng gaijin na manugang.kaya magtitiis pa siya ng isang taon kapiling ang bruha niyang biyenan,hindi naman siya makapag TF kasi hindi na nga daw siya magkanda ugaga sa trabaho sa bahay eh.domo arigatou mina san:D