View Full Version : Give me a good idea!
myukasky
02-11-2007, 11:23 AM
Share ko lang at the same time hingi na rin ako ng advice or idea kung paano ko siya mababara. Kasi sa totoo lang mga katf nasstress ako sa kanya at laging palaisipan sa akin bakit kailangan nya gawin yun sa akin. Minsan iniisip ko na lang wala siyang magawang mabuti sa buhay. Ginagawa kasi niyang katawa tawa pagkatao ko, di ko na siya maget kasi kahit private life ko ginagamit na niya para lang makapag patawa. Marunong po ako makipagbiruan pero sa mga jokes ko sa kaisha namin never ako gumamit ng tao. Siya po kasi ganon, nakakapagtaka pa nakikita nya ako eh yung sarili nya di nya nakikita. Kung makapag salita mo akala mo naman kagandahan. Di ko po sinasabi na maganda ako pero di naman po ako ganon na katulad nya.
Pinay po siya, yan pa ang nakakainis kung ano at sino pa yung sa akala mo na makakaramay mo ay siya pa ang gumagawa sayo ng di maganda. Matanda po kasi siya sa akin so ang nangyayari gusto ko siya igalang hanggat sa makakaya ko kaso iba na kasi natatapakan na niya pagkatao ko. Sa mga kasama ko sa kaisha akala nila okey lang sa akin, so last time inopen ko po sa kanila na di na ako natutuwa. Gusto ko nga sana itext yang pinay na yan kaso iba po kasi ugali. Kaya plano ko harapan na lang total gusto nya yun eh so ride na lang ako. Ilang beses ko na po siya pinagbigyan kasi masyado na. Di naman po siya kawalan sa akin kahit di niya ako pansinin o kausapin kasi sa totoo lang lalapit lang siya sa akin kapag may kailangan.:( Di mo tulungan parang ako pa masama. Tinitiis ko hanggat kaya ko kasi nakakahiya sa kaisha namin at isa pa gaijin kami di ba? Kaso talagang puno na salop ni ayaw ko na nga siya makita nakakaasar pa break time nagpupunta siya sa room namin kasi sa second siya. Kaaway nya kasi yung mga kasama nya doon so no choice sya kasi baka mitai siya doon wala sa kanyang kumakausap. Tama ba yung plano ko harapan ko siya babarahin kapag umulit pa siya sa ginagawa niya sa akin. Di na nga ako sumasama sa mga gimmick kasi ganon din ginagawa nya sa akin. Katulad na lang noong nag bonen kai kami, sa kwento nya ganon ako kasabik sa pagkanta eh di ba naman siya tanga nagpasok siya ng kanta tapos tinawag nya ako at samahan siya. Eh tamang tama magkasunod yung kanta na pinasok ko, sya ba yung tipo na siya yun eh sa akin ibebentang. At ano naman kung sabik ako sa pagkanta eh bonen kai yun yung mga kasama namin ayaw kumanta boring so ano gusto nya gawin ko. Sabi nga ng isang nihonjin naiinggit daw sa akin yun. Uh ganon eh di ko kailangan ang inggit nya. Last time kumain kami sa labas mga co-workers ko at kids ko kasama. Noong time na kakain na so asked ko kids ko kung gusto noong nasa table, sabat ba naman "ay naku di ka marunong tanong mo pa bakit di mo na lang lagyan sa plate". Sabi ko kung di kainin sayang at nakakahiya. Sa loob loob ko lang "sino sya para pagsabihan ako ng ganon eh siya ngang di naman nakapag alaga ng bata." At isa pa anak ko yun alam ko yung dapat kong gawin. Tama nga yung sabi ng iba mahirap may kasamang kababayan sa trabaho di naman siguro lahat pero nakatagpo ako. Mas okey pa yung mga japanese na kasama ko wakatteru sila sa kimochi ng kapwa nila itong kababayan mo na ay ewan. Iniisip ko kung magyayameru ako nakakahiya sa shacho namin kasi kung kailan natuto na ako ng trabaho ko tsaka ko sila bibitinin, kasi yung ginagawa ko ako lang talaga ang gumagawa noon at kung iiwanan ko maapektuhan ang mga kasama ko. Hay bahala na nga:(
Tarena314
02-11-2007, 12:14 PM
tsk..,tsk..,ganyan talaga ang iba nating mga kababayan,,bakit hindi na lang sya kaya ang lumagay bilang nakatatanda sayo..,alam mo kung ako ikaw..,dumistansya kana lang sa kanya..,sabi mo nga kakaiba yong ugali nya..,kase ang ganyang klase ng tao kulang yan sa tamang pag iisip kaya walang kwenta kung makikipag argumento ka sa kanya..,huwag mong ipagpalit yong trabaho mo sa ganyang sistema..,kase kung mag re react ka sa kanyang ginagawa sayo malamang baliktarin ka pa sa pwedeng mangyari..,mahirap na ang mapasok sa gulo..,total naman sabi mo hindi sya kawalan sayo..,so palagay ko walang masama kung iiwas ka na lang sa kanya.., ito lang naman ay sa aking palagay:)
myukasky
02-11-2007, 12:19 PM
Yan na nga ginagawa ko umiiwas ako kapag nasa room namin siya tahimik lang ako, last time pa nga may sinasabi ako sa katabi kong table mahina voice ko kasi kankenai naman sa work yung tinatanong ko. Sabi nya bakit daw binubulong ko pa iba daw ang dating, sabi ko di naman kayo ang topic namin. Gawa nya kasi kaya masyadong demanding. Kahit nga ayain nila ako kung kasama lang din siya umuurong ako kasi di naman ako magsasaya. Thanks ate :D
ICHIBAN08
02-11-2007, 02:50 PM
Hi myukasky san!:) ...para sakin wag ka mag yameru sa work mo, una sayang at kung maghahanap ka na naman ng panibagong work e di panibagong pangangapa at pakikisama na naman...ganun talaga may mga taong ganun ang ugali matibil ang dila at may taong nakakainis na rin pakisamahan pag ganun ang ugali sa kapwa...tama si tarena san iwasan mo na lang, wag mo na lang siyang isipin di ba?mahirap man umiwas at wag isipin ang taong kinaaasaran mo dahil kasama mo pa sa work pero gawin mo na lang...basta ba wala kang ginagawang masama sa kanya e pasasaan ba't titigil din yan...smile ka na lang palagi sa kaniya na parang wala kang problema araw araw, minsan siguro inggit lang o kaya may mga problema siya kaya siguro ganun siya nandadamay ng tao at nagkataon na ikaw ang pag initan...pag ganun relax ka lang palagi at smile:) ...hayaan mo na lang siyang magsalita nang kung anu ano, hindi naman niya pagkakaperahan yun at hindi rin naman siya maa-awardan sa pag uugali niyang yun...ipagdasal mo na lang taong ganun at someday e maiisip din niya yang nakakaapak na siya...tiis lang isipin mo pamilya at trabaho mo, mag ganbatte na lang para sa pamilya:thumb: ma-stress ka lang sa mga taong ganyan, mas talo ka kung magpapakita ka ng pikon sa kanya kaya payo ko lang sis, tawanan mo na lang yan matanda na pala kaya inggit sa bata hehehe:D
myukasky
02-11-2007, 03:06 PM
Thanks sa inyo, sa totoo lang ayaw ko din magyameru kasi okey naman yung kaisha na yun at yung mga kasama kong japanese. Kaso yang ngang kung sino pa yung kababayan ko ginagawa akong katawa tawa. Noon pa nga pinahiya nya ako, may tinuro kasi yung isang haponesa at sabi sa kanya ikaw na nga magturo sa kanya. So tinuruan nya ako pero wala siyang sinabi na kesyo ihiwalay. Tapos noong natapos na ako sa pinagawa sa akin, asked ako noong leader namin. Sabi ko ay ganon ba bakit di nyo sinabi sa akin, sagot naman sya at sabi niya sa akin " Nihongo wakaranai no?" huh bigla ako at namula kasi sabi ko bakit may sinabi ka ba? Meron daw sa loob loob ko lang gagawin mo pa akong sinungaling. Akala mo naman kung gaano siya kagaling magnihongo.
One time din may kaco-worker kami asked sya sa aking about avon so ako naman gusto ko lang makatulong sa skin problem noong kasama namin. Tapos bigla nya sinabi sa akin, "bago ka mag avon ayusin mo muna face mo or pagandahin" Sabi ko di naman ako nagnenegosyo grabe ka naman magsalita. Yan po ang mga banat nya sa akin sa harap ng mga japanese. Ako kaya ko siyang ipahiya pero ayaw ko masira yung image ko sa mga kasama ko. At isa pa ayaw ko makasakit ng damdamin ng kapwa ko.
hi myukasky san! alam mo nakakrelate me sayo! kaya lng ibang nationality yung co-worker ko! ako nagpatalo ko nagresign me! kaya wag n wag k magresign! wag u na lng pansinin! minsan talga my mga kabayab tayong malki insecurities s sarili! minsan crab mentality! baka nakikita niya nag excel ka sa work n ginagawa you!!! kaya naiingit! ha!ha! kais ganyan yung kasamahan kong chinese! mas matanda respect ko din kaya lng d nko nakatiis kaya yameru ako! naiingit kasi sakin kasi favorite ako ng sacho nmin! kasi lahat ng work kaya ko gawin flexible so kahit san me dalin department s work ! ayon naiinis siya! pero mali gawa ko resign! parang tolerate ko pa ugali n d tama! pero wag you patulan kung hindi mo ka level just do your job well at wala kang natatapakan n tao s ginagawa mo! syaka tandaan you kahit anong gawin niyang d maganda my balik s kanya yon! kaya mo yan wag you sayangin ang ang time mo s wla lng kwentang tao n ganyan ok! ganbatte! :) pasencya na i hope nakahelp me sayo! magulo b advice ko?
myukasky
02-11-2007, 03:27 PM
Feeling ko nga insecure sya sa akin. Kasi doon sa kaisha namin sinasabi na same nga kami ng country (same filipina) pero ibang iba daw ako lalo na sa takbo ng isip. Yung mga haponesa kasi ang pumupuri sa akin at sa harap pa namin yun minsan. Kasi sinasabi ng mga co-workers ko di man daw ako masyado pang bihasa sa nihongo pero kawaii daw ako kung magsalita. Kung baga yung kausap ko imbes na mainis kapag ako kausap ay natutuwa. Siya kasi iba parang yakuza ba sa tabi tabi kung magsalita. Nagulat pa nga ako minsan sa kanya, kasi hiwalay na sya sa asawa sabi ba naman. Patingin nga ng palad mo, ay naku pareho tayo makikipag hiwalay ka din sa asawa mo. Huh ganon "sa loob loob ko lang ikaw na ang gumuhit ng palad ko." Lately nga medyo lumayo na ako sa kanya at kahit nakakasalubong ko minsan hi na lang eh ano pa kilala ko na sya. Ganon pa man tumatanaw ako ng utang na loob sa kanya kasi siya nagpasok sa akin sa kaisha. Sinabi ko nga sa kasama ko na gusto ko na mag stop sabi nila bakit. Pero ako iba dinahilan ko at tama kayo mahirap mag stop at higit sa lahat mas mahirap yung panibagong adjust na naman. Wait ko na lang na siya ang sumuko, sanay na naman ako na iniegnore.
Tarena314
02-11-2007, 04:35 PM
ha ha ha..,! natawa naman ako sa sinabi mo..,may pagka manghuhula pa pala sya ano..,? nakakatawa sya talaga..,paki sabi nga pati ako hulaan nya..,hi hi hi..,:D baka yan ay ka kambal ni madam Auring..,:p Minsan sabihan mo rin sya na pasimple lang ang dating..,sabihin mo sa kanya ..,na huwag na lang syang magsalita kung hindi rin lang kawili -wiling pakinggan yong salita nya..,bumili ka kamo ng kausap..,naku..,pero simula na yon ng hindi maganda pag sinagot mo na sya eh..,! siguradong sasagot din yon eh..,! ano na lang kaya ibili mo na lang sya ng pizza.., yong maang hang talaga para mahirapan sya kumain non..,pasalubong mo kamo sa kanya..,:p
myukasky
02-11-2007, 05:15 PM

Para ngang kapatid ni madam auring hehehehheh. Malapit lapit ko na nga ring sagutin at ang plano ko sabihin ay ito. "Alam mo bago mo pagandahin ang panlaban mo unahin mo munang baguhin yung kalooban mo (ugali)". Problema pa nga sa kanya yung sa kapwa nya nakikita nya iitai hodai siya kahit sa mga nihonjin. Feeling ko wala na siyang hiya na tinatawag.
disney
02-11-2007, 05:34 PM
payo ko sayo wag na wag mo ibababa ang sarili mo sa level nya, wag mo syang awayin, iwasan mo na lang sya at kung may time na hindi mo sya maiiwasan at may ginawa o sinabi na naman sya tungkol sayo, ngitian mo lang sya. sya naman nagdadala nun.
EllahMauiMar
02-11-2007, 08:53 PM
Hello Myukasky, Tama mga kasama nating tagaTF, wag mo nalang siyang pansinis. She is not worth your time. Kapag tingin mo e papalapit nanaman siya para mang okray, idistansya mo na kaagad ang sarili mo. Darating din ang araw ang magsisisi yan. I am sure. Basta don't mind her, think of happy thoughts, tapos b with the people na maganda ang pakikisama.
hi Myukasky, Mas maganda siguro kausapin mo sya, sabihin mo sa kanya lahat ng nararamdaman mo, sa mga ginagawa nya sayo. Pag hindi sya nakinig syo jombagin mo( joke lang po, pinapatawa lang kita!, pang-pawala stress).., seriously, pagkatpos mo sya kausapin at hindi pa rin sya tumigil eh wag mo nga lang syang pansinin at iwasan mo na sya, darating din yung time ng karma sa kanya!. At wag kang mag-yameru, sayang kasi panibagong pakikisama na naman:) .. Kaya mo yan!
God Bless sayo!:)
myukasky
02-11-2007, 10:44 PM

Naku sis ibang klaseng nilalang yun heheheh shacho nga namin at yung isa pang mataas sa kaisha namin inaaway nya. Siguro tama na yung ignore ko na lang sya, mag sawa sya at nang madagdagan yung mga kulubot nya sa mukha heheheheheh. Ngayon di na ako magtataka bakit wala siyang masyadong kaibigan na pinay kasi totoo pala yung sabi sabi ng mga kakilala ko. Thanks din sis zhie napatawa mo ako

Grabe na naman yung taong yun pti shacho inaway!!!.. siguro may problema sa pag-iisip yun.. Tama nga wag mo na lang pansinin, bka masira pa beauty mo sa kanya:D ..
Inday_36
02-11-2007, 11:01 PM
"Alam mo bago mo pagandahin ang panlaban mo unahin mo munang baguhin yung kalooban mo (ugali)".
wag, wag mong sasabihin sa kanya yan...pwede mo syang kausapin or sulatan, umpisahan mo sa pagpapasalamat kung pano nag umpisa ang pagiging magkaibigan nyo, i'm sure kahit papano may pinagsamahan kayo, then sundan mo kung ano ang mga bagay na nagustuhan mo sa kanya bilang kaibigan, tapos ano yung mga bagay na ayaw mo sa kanya at ipaliwanag mo sa kanya na nababastos ang pagkatao mo sa tuwing ginagamit ka nya para maging katawa-tawa lang ang usapan.
alam mo mykasky, minsan may taong sa sobrang dami ng problema or frustrations, gumagawa ng ibang paraan para mapagtakpan lang ang kakulangan sa buhay nila or minsan naghahanap lang ng especial na attention., minsan padalos dalos din ako mag salita, pero dumadating din ako sa time na na re-realize ko na mali pala, baka pag nakausap mo sya may magbago sa samahan nyo, maging mabuti man o worst ang patutunguhan atleast nasabi mo sa kanya ng maayos. gambatte ne.:)
myukasky
02-11-2007, 11:21 PM

Don't worry sis di ko naman sasabihin yan sa ngayon hehehehehe jokes lang. Pabayaan ko na sya siguro, siguro nga masyado lang siya maraming problema at hanggang sa kaisha namin dinadala. Wish ko lang sana di maubos ang pasensya ko at higit sa lahat yung shacho namin.
sharpener
02-12-2007, 06:33 AM
hehehe, naniniwala akong nasa osaka ka nga, actually ganyan po talaga sa osaka or kansai region
madalas pong nangyayari yan sa mag-asawa, close friends o magkapatid na parang magbarkada
nagpapatawa sila in a way na inaapi, pinapahiya minsan binabatukan, minsan ina-aho nila ang partner nila...minsan pati magulang nila ina-aho nila
nakakagulat sa umpisa pero masasanay ka rin....dapat marunong kang sumagot ng pabara...pero pabiro
pero sa palagay ko di mo pa kayang sumabay sa agos...
buti pa iwas ka na lang (muna):);)...
or kausapin mo ng maayos ang pinay na yan, sabihin mong...alam kong biro lang ang lahat sa iyo pero di ka nga sanay na pinapahiya sa mga tao
(in a very very nice manner para friends pa rin kayo:))
peace:)
myukasky
02-12-2007, 09:43 AM

Kung hapon sya siguro maari ko pang maintindihan kasi nga environment nga pero hindi naman kasi. Yung mga hapon na kasama ko di sila ganyan magjokes, at kung medyo iba dating nagsosorry sila siya ay naku shiran kao shiteru yo. At kahit sino siguro ay mapupundi kapag ganitong tao ang makakasama mo. Ngayon dahil na lang sa trabaho akoy nagtitiis. Actually di lang naman ako ang naiireta kahit yung mga kasama ko di na lang sila kumikibo kasi imi nai daw. Kung baga yun na yung tao na yun, kaya nawawala yung mga kaibigan nya kapag nakilala na sya. Siguro naman kahit di ko siya pagsabihan kung may matino siyang pag-iisip ay alam niya na nakakasakit siya. Total naman kilala ko na sya kaya salamat na sa mga advice nyo.
wildflower
02-12-2007, 01:06 PM
hello sayo sis..hayaan mo na lang sya wala kasi sya magawa sa buhay tawag dyan kulang sa pansin..ksp..hehehe
myukasky
02-12-2007, 01:10 PM
hello sayo sis..hayaan mo na lang sya wala kasi sya magawa sa buhay tawag dyan kulang sa pansin..ksp..hehehe
Hehehehehe sana magkaroon ng gamot dyan no, yung bang tablet or capsule na kapag ininom ay okey na. Thanks a lot sa mga pumansin at nagbigay ng advice. I will para na rin sa akin siguro:D :D :D
wildflower
02-12-2007, 01:17 PM
Hehehehehe sana magkaroon ng gamot dyan no, yung bang tablet or capsule na kapag ininom ay okey na. Thanks a lot sa mga pumansin at nagbigay ng advice. I will para na rin sa akin siguro:D :D :D
hello sayo uli myukasky san sana nga may gamot nyan para mapainom ko tong byenan ko nakaka badtrip talaga.:banghead: may sakit din syang ksp kulang sa pansin..hehehe:D para ok n rin sya
myukasky
02-12-2007, 01:23 PM
hello sayo uli myukasky san sana nga may gamot nyan para mapainom ko tong byenan ko nakaka badtrip talaga.:banghead: may sakit din syang ksp kulang sa pansin..hehehe:D para ok n rin sya
Naku sis kapag biyanan na wala pong gamot diyan hehehehhe normal daw yan according sa laws ko kasi ganyan din siya at darating din daw tayo sa ganyan. Unawain mo na lang siya sis ikaw din baka mamiss mo yang ka KSP han ng biyanan mo.:D :D :D Ito kasing sa kasama ko kahit anong unawa gawin mas lalong nagwawala hehehehhehe
wildflower
02-12-2007, 01:30 PM

hindi ko ma mi miss sis yon pag k ksp niya kasi sumosobra na sis.kahit nasa banyo ka naliligo susundan kapa sis..non stop talaga sya as in...kahit hating gabi sis andyan pa rin bubuksan ang pinto ng room ko sis nababasag na ear drum ko sis hehehe..:bonk:
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.