PDA

View Full Version : Pins found in bananas imported from the Philippines


Mustang
02-13-2007, 04:17 PM
http://mdn.mainichi-msn.co.jp/national/news/20070213p2a00m0na010 000c.html

inggat mga kababayan! :(

http://www.mainichi-msn.co.jp/kokusai/asia/news/20070213k0000e040072 000c.html

sweet
02-13-2007, 06:03 PM
Hello mustang,

nakakashock naman yang news na yan,mahilig pa naman kami kumain ng bananas from.phil.na binibili ko sa supermarket kaya pala wala akong masyadong nakikita dahil may problema:rolleyes:,s ana masolusyunan nasasarapan pa naman sila sa bananas na made in phils..:)

RISINGSUN
02-14-2007, 11:25 AM
Hello mustang,

nakakashock naman yang news na yan,mahilig pa naman kami kumain ng bananas from.phil.na binibili ko sa supermarket kaya pala wala akong masyadong nakikita dahil may problema:rolleyes:,s ana masolusyunan nasasarapan pa naman sila sa bananas na made in phils..:)

hayyy. sino naman kaya ang me kagagawan niyan..parang sinabotahe...

McBONG
02-15-2007, 10:11 AM
Sabi ng prenship ko na si bay,na taga-Davao...30 years na raw sila nag-iimport ng saging sa Japan ngayon lang daw nangyari yan..alam man daw ng mga trabahador at farmers ang kahalagahan nito sa kanilang kabuhayan dahil ito lang ang kanilang kinabubuhay,at talaga raw sobra ang kensa (check)ang ginagawa nila sa pag-import ng mga saging..."pesteng nyawa man daw ang gumawa niyan".
Sabi ko oo nga,dapat talaga imbestigahan yan hindi lang one way,dito rin sa Japan nang-yayari ang mga iyan,katulad na lang ng"Curry Rice poisoning"news dito sa japan,nilagyan ng lason yung Curry rice,at Yung News din na sa Convenience Store at Grocery store nanakunan pa ng security camera,na yung mga Drinks na ocha,tea ay ini-injectionan ng lason na naka-plastic bottle na tea.

McBONG
02-15-2007, 01:07 PM
sori correction,nag-kamali ako "EXPORT"po ng saging hindi "IMPORT".At yung pins dapat suriin mabuti baka "MADE IN JAPAN".

RODSKI
02-15-2007, 07:48 PM
Naku pakana lang ng mga walang magawa na nihonjin yan, kung yung mga naka seal na pagkain nagagawan ng paraan lagyan ng kung anu-ano eh, yun pang saging na napakadali itusok yung karayom:p :D baka maniwala pako kung ang nakalagay or natagpuan nila sa saging eh, hallow blocks pwede pa:p . . . tuladnga ng sabi ni Mc Bong -san bakit di nila icheck baka yung karayom eh made in Japan nga hahahahaha

myukasky
02-15-2007, 08:27 PM
Maniniwala akong galing sa pinas yang pins na yan kung kinakalawang na pero kung hindi ay malamang dito sa japan at ang gumawa ay yung mga taong hima sa buhay hehehehhehe. Kwento yan sa kaisha namin then yan ang sinabi ko tawanan silang lahat. Di rin daw sila naniniwala kasi nga common na rin yung mga may kusang gumagawa. Last time nga sa furikake or nori yata yun may nakuhang pin din ang haba pa heheheheheh.

lalen16loves
02-16-2007, 08:14 AM
maniniwala pa ako kung pako ang nakalagay..:D kasi madaling makilala ang pako ng pinas kesa dito,....pero yung pin , hhmmmm:cool: hindi kaya gawa yan dito ? nagtrabaho din ako kung saan saang factory ng pinas na pang export, sobrang selan ng checking bago maipadala sa ibang bansa..

sana hindi galing satin yan , para naman deredrecho parin ang pag-angkat ng japan ng saging natin..marami kasing maapektuhan satin pag nagkataon :mad:

sharpener
02-16-2007, 02:23 PM
baka naman nagamit na props, o kinabitan ng kung anong pang decor ng supermarket na yun..saka naibenta ng di sinasadya...

naku wag naman sana ma-ban ang phil bananas...paano na ang banana diet ko:(

vectra1123
02-17-2007, 12:44 PM
Puro sila kalokohan! Galing magbintang kaagad na sa Pinas pa lang may pin na? para bang sa kabilang kanto lang ang pinanggalingan ng mga saging,pag masarap galing sa Japan,pag palpak galing sa atin HUH! lumang tugtugin na yan!Dapat tignan nila kung saan gawa ang pins para makuntento sila HA!HA!HA!:D

bilog1@mie
02-17-2007, 03:51 PM
makakabuti kung busisihin ng mga Hapon at Pinoy (mga awtoridad) ang isyung ito at resolbahan sa lalong madaling panahon.

ang saging (bow :) ) ay isa na lang sa mga natitirang produktong galing sa atin na respetado sa buong mundo. mas respetado pa nga ito kaysa sa mga opisyales natin, eh.

maraming akong kakilalang Hapon na sabi, kung maninirahan sila sa 'Pinas ang isa sa magandang dahilan ay ang saging. mahal ito ng halos lahat. dito kahit may kamahalan ito, ugali kong HINDI mawalan ng saging tuwing kainan at tanda ng suporta at pagmamahal sa mga Pinoy na saging ang ikinabubuhay...

minsan may narinig akong biro, sabi sa kanila daw: " Bahala na kung saging, basta loving ", ibig sabihin kahit naghihirap basta nagmamahalan. kung sa atin binabalewala lang ang saging, dito mahalaga ito at simbolo ng karangyaan.
lalo pa kinikilala ng mga dalubhasa ang kabutihang 'nutrients' ang dulot nito sa katawan.

makakatikim ng hindi maganda ang sinumang manlalait ng saging ng Pinas, sa akin. at kung sino man yung nagtanim ng ' mga pins' sa pinakamamahal kong saging, at pagnalunok ko yaon, mumultuhin ko hanggang ika-7 henerasyon ay may gawa nuon :).

mhisoza
02-17-2007, 05:05 PM
Aging, aging, aging - ing kay sarap ng saging :guitar: ngayon ko lang nabasa ito :eek:
kabibili ko lang kanina , kaya pala mura ....siguro naman ok. na ?? di bale tingnan ko na rin mabuti bago kainin para mas safe.. :rolleyes: sayang naman kung itatapon ko......

pero sana huwag naman mangyari ma-ban ang saging na galing sa atin.. mas gusto ng anak ko ang saging sa atin at araw- araw ay nag babaon sya nito para may energy sya sa pagtakbo (rikujo bu) kase sya....

McBONG
02-17-2007, 10:54 PM
Dagdag pa at sabi ni Bay,Ang saging bago raw anihin at putulin sa puno ang kulay raw ng saging ay green pa,..at bago raw yan i-import ay talaga raw sobra ang kensa or check nila dyan,ni kunting galos,ipot ng ibon,sapot ng gagamba,itlog ng insekto,nangingitim ang kulay at kung ano-ano pa,..yan daw lahat ay reject,! at para hindi na lang daw masayang ay ginagawa na lang Banana ketchup or banana chips.

At sabi pa nya ang quarantine daw dito sa Japan ay napaka-higpit at halos bulokin na nga raw iyan sa pag-quarantine lang, ang saging raw kung kulay green pa at hilaw at iyan ay tinusok mo or sinugatan ang pag-kahinog raw niyan ay itim or parang nabubulok at iyan raw pag-katapos ng quarantine at bago madala sa market ay another kensa at sobra raw talaga ang check nila dyan,at katulad ng sabi nya na kunting pangingitim niyan ay tapon na iyan o galos man.Nasabi nya rin malamang sinabotahe iyan,at dito ginawa sa Japan iyan.

Kaya sa paniniwala ko rin malamang dito sa Japan iyan sinabotahe,pero napaka-harsh naman ng opisyal or awtoridad at sinabi pa na sa pilipinas iyan nang-yari..na halos 35 years na pala silang nag-iimport ng saging dito sa japan ay ngayon lang iyan nang-yari.Sa akin ring pananaw dito sa Japan ay uso ang pang-sasabotahe sa mga pag-kain,tulad ng sabi ko iyong "Curry Rice poisoning"na dati news at issue dito sa japan,.na nilalagyan nila ng lason at ilan lang naman at namatay,at isa pa yong mga Drinks sa Supermarket,Grocery store ay ini-enjectionan nila ng lason at yung nori nga may nakalagay na mga pins..yan ay rampant dito sa Japan.Ang aking concern lamang ay nakakaawa naman ang mga Farmers at nag-tatanim ng saging sa Davao dahil iyan lamang ang kanilang pinag-kakakitaan ay tatarantadohin pa.Kaya kung nihonjin man gumawa niyan nasa listahan na sya ni satanas or kung sino man.Alam naman siguro ng gobyernong Japan na ang Pilipino ay very loyal sa kanilang prudokto halos lahat na ginagamit sa pinas ay made in Japan kaya kung iyang Banana na iyan ay pinag-iinitan dahil iyan lang ang pinapasok na prudokto dito sa Japan,,,..eh...ibang usapan na iyan....Ford na Kotse na lang ang bibilhin ko.....Hmmmm....

thermometer
02-18-2007, 01:42 AM
Kaya Pala wala na saging ng del Monte sa 99 shop :D

ay_me
02-18-2007, 04:05 PM
:p Naku,lumang tugtugin na talaga yang news na yan.Mabenta kasi ang saging na galing sa pinas,kaya siniraan nla Kahit saan supa mabili kasi ang saging natin no....Talagang masarap ang sakit ng Pinas,Kaysa Saging ng Japan :dowave:

coffee
02-20-2007, 11:24 AM
:mad: i agree to that! i think somebody was envying our product, and in the end doing things like that, putting the blame on us..

vectra1123
02-20-2007, 07:19 PM
Saging ,saging at saging! Yan ba ang saging na gusto nilang siraan? Mabenta pa rin ang saging dito sa lugar namin! Hindi nila kayang mawalan ng saging ng Pinas!:Dsaging.jpg (http://www.timog.com/forum/attachment.php?attac hmentid=9899&stc=1&d=1171966704)saging2 .jpg (http://www.timog.com/forum/attachment.php?attac hmentid=9900&stc=1&d=1171966746)

RODSKI
02-20-2007, 11:11 PM
Saging ,saging at saging! Yan ba ang saging na gusto nilang siraan? Mabenta pa rin ang saging dito sa lugar namin! Hindi nila kayang mawalan ng saging ng Pinas!:Dsaging.jpg (http://www.timog.com/forum/attachment.php?attac hmentid=9899&stc=1&d=1171966704)saging2 .jpg (http://www.timog.com/forum/attachment.php?attac hmentid=9900&stc=1&d=1171966746) . . . . . . Syempre ibang klase talaga saging ng pinoy matigas:p na sariwa pa:bouncy: :bouncy: , hahanaphanapin talaga nila:D