nang ikinasal ako, eto po
wala akong visa at lapse na ang passport ko
pumunta ako nang Philippine embassy para kumuha nang "
travel affidavit"
bago kayo mabigyan may mga pipirmahan pa pong kung ano ano, may interview and scrutiny pa iyan

, kailangan ang reason, of course magpapakasal kayo
kung wala kayong passport na maipakita at iba ang pangalan ninyo, maigi nang i declare ninyong lost passport, or hawak nang agency, if you want to take the risk mas maganda siguro kung aminin na ring iba ang ipinagamit na pangalan sa inyo nang agency
to file marriage contract at city hall
requirements:
1. Authenticated Birth Certificate
2. Authenticated Single Certification
3. Passport or Travel Affidavit
4. For underage: Authenticated Parents Consent
(at lahat po kailangan may supported translation in japanese)
(in my case, iyong pong foreigner's counselling officer dito sa amin, helped me translate all my documents for free)
(pag authenticated po kailangan nang certificate from Office of Barangay, sa Clerk of Court or Regional Trial Court, kailangan naka notary, then duon nyo po dadalhin sa Department of Foreign Affairs, and you will have the Authenticated documents, with red ribbon seal po iyan)
on part from your husband,
1. Birth Certificate (koseki tohun)
2. Driver's license or Insurance
3. Single certificate (sa shakusho din makukuha iyon)
(bahala na ang japanese fiancee kung ano pa ang mga kailangan niya)
then puwede na kayong mag file nang
marriage contract
pag natanggap na ang
marriage contract, kumuha nang report of
Marriage Document sa Philippine Embassy at sumuko na sa Immigration. Paiba iba ang mga patakaran sa immigration kaya mas magandang magtanong na lang po doon.
sana makatulong nang konti